You are on page 1of 1

Ika-anim na pangkat.

ANG KULTURA NG MGA PANAY BUKIDNON/TUMANDOK/SULUDNON

Ang mga Panay Bukidnon, na madalas ding tawaging tumandok, ay isang tribong Indo-
Malayo na naninirahan sa mga bukirin ng Panay kung saan sila nanatili ng maraming siglo na
walang anumang impluwensya mula sa mga dayuhang mananakop o mangangalakal. May sarili
silang uri ng pamumuhay at namumukod-tanging tradisyon sa pagdamit. Bilang
pananampalataya, sinasambahan nila ang mga espiritong nakaugat sa kalikasan. Sa tribo ding
ito nanggaling ang dakilang epiko ng Panay na Hinilawod, isang halimbawa ng oral folklore sa
bansa na kinakailangang idaan sa isang ritwal na pagkanta ng ilang araw upang maipabahagi
ang buong kuwento. Ngunit dahil sa kasalukuyang paglaganap ng modernisasyon at
globalisasyon, nanganganib nang maglaho at mabaon sa limot ang kanilang kinaugaliang
kultura.

Ang tuos ay isang kasunduan ng mga nakakatanda sa tribo at mga espirito ng kalikasan


upang mapanatili ang katahimikan sa pagitan ng mga Panay Bukidnon at mga espirito. Sa
bawat henerasyong lumilipas, pumipili ang isang tribo ng batang babae na habang buhay
mananatiling birhen at dalaga (na binukot kung tawagin) dahil magsisilbi itong alay sa mga
espirito at pang-balanse ng kapayapaan.

Ang binúkot ay isang babae na itinago at ikinulong sa isang madilim na silid ng bahay.


Hindi ito pinapaarawan, at hindi rin pinapatapak sa lupa dahil tinuturing itongsagrado, at halos
mistikal. Sa mga pag-aaral at panananliksik ni Dr. Alica Magos, napag-alaman na ang binukot
ay bahagi ng kultura at kaugalian ng mga Panay Sulodnon, Panayanon-Sulod o Panay
Bukidnon, isang pangkating kultural sa kabundukan ng Panay, sa Tapaz, Calinog, at Lambunao
sa Iloilo at Capiz. Ang katagang ‘binukot’ ay nanggaling sa salitâng na “bukot” na ang ibig
sabihin ay “itago o ikubli.”

Ang isang binúkot ay hindi maaaring makita ng isang lalaki mula pagkabata hanggang
sa ito ay magdalaga.Ang mga ito ay hindi pinapayagang gumawa ng mabibigat na trabaho
kundi paghahabi lamang sa kanyang silid. Kapag ang mga binukot ay handa na sa pag-aasawa
(13-14 taon) ang kanyang mga magulang ay humihingi ng mataas na pangayu (Dowry) sa
pamilya ng manliligaw.Kapag sila ay may manliligaw,sila ay nanatili lamang sa isang kwarto na
may maliit na butas,upang doon nila masilayan ang mga lalaking umaakayat ng ligaw.

         Tanging binukot lamang ang nag-aaral ng epiko ng kanilang komunidad sa pamamagitan


lamang ng saling-dila. Ang mga binukot lamang ang may kakayahang magpasa ng mga
mahahabang kwento ng kanilang mga ninuno sa mga sumusunod na henerasyon.

         Ipapasa nila ang kanilang mga kultura sa mga batang babae na gusto rin maging isang
binukot.Sa paglipas ng panahon lumiliit na ang bilang ng mga batang babae na gusto maging
binukot,kaya naman nangangamba ang mga kasalukuyang binúkot na wala ng magmamana
ng kanilang tradisyon sa mga susunod na panahon.

Malaki ang papel na ginagampanan ng mga binukot sa kultura ng tribong Bukidnon.


Tinuturuan silá ng mga oral tradisyon at pagkanta ng Hinilawod, na epikong-bayan ng Panay.
Ang pagkanta ng mga sugilanon o kuwentong ito ay tumatagal nang lagpas sa tatlumpong
oras para sa isang kanta lamang. Tinatayang may sampu hanggang labindalawang sugilanon at
tumatagal ang pagkanta ng mga ito nang mahigit sa sandaan at dalawampung oras. Bilang
tagapag-alaga at tagapagpatuloy ng kultura at tradisyon, ang mga binukot ay sinasabing may
kapangyarihan din sapagkat pinapalabas silá para kumanta, tumugtog ng mga katutubong
instrumento at sumayaw lalong-lalo na sa panahon ng tag-ani at sa panahon ng pagtanim at
pinaniniwalaang ang pagkanta nilá ay nagbibigay ng sigla sa lupa upang maging mabunga ang
mga pananim. Karaniwan din na ang mga binukot ay inaalayan ng mas mataas na dote para
mapangasawa at ang pag-aasawa ng isang binukot ay para lámang sa mga may mataas na
katayuan sa komunidad.

You might also like