You are on page 1of 12

Ang Panitikan ng Cordillera Administrative Region

Likas ang kagalingan ng bansa sa panitikan. Halos lahat ng lugar sa Pilipinas ay may panitikang
maipagmamalaki. Ang panitikan ng Pilipinas ay ang kabuuan ng mga gawa na pasalita o nakasulat.
Maiuugat ang panitikan ng bansa sa pangkat etnikong tradisyon, na binubuo ng mga pasalitang panitikan.
Ang panitikang ito ay kakikitaan ng purong kultura ng mga katutubo at wala pang bahid ng lahing
dayuhan. Ang kagalingan nating mga etnikong grupong ito ay naingatan at naitago sa pamamagitan ng
pagbigkas ng mga ito sa sa bawat henerasyon. Isa na nga dito ang panitikan ng Cordillera. Matatagpuan
sa mga matatayog na mga kabundukan ay ang mayaman na kultura ng mga katutubo kahit na hirap pa
rin ang mga dalubhasa na tukuyin ang pinagmulan ng mga ito. May mga nagsabi na ang mga taong ito ay
nagmula sa mga karatig bansa ng Pilipinas, ang iba naman ay naniniwalang dating sa kapatagan nakatira
ang mga katutubo at dahil na lamang sa panankop ng mga Espanol kayat napilitan silang lumipat sa mga
bundok ngunit may ibang paniniwala ang mga taong naninirahan dito. Ngunit ganun pa man ay mayaman
pa rin sa panitikan ang mga taga-Kordilyera.
Malimit na binabansagan ang mga ito na Igorot, na bansag lamang ng mga dayuhan. Kakabit
nito ang pagkilala sa kanila bilang sanggano at walang pinagaralan. Sa ganitong kadahilanan ay hindi
matanggap ng mga tao sa Kordilyera ang bansag sa kanila bilang mga Igorot. Kagaya nga ng inilahad sa
unang bahagi ng papel na ito, maraming klase ng tao ang naninirahan dito. Ang mga Bontok, Ibaloy,
Ifugao, Isneg, Kalinga, Kankanay at Tinguian and mga katutubong nakatira sa Kordilyera. Ang mga
grupong ito ay may kanya-kanyang natatanging lugar kung saan sila matatagpuan. Ngayon ay
malalaman na ang mga ito ay naghalu-halo na sa Kordilyera dahil sa migrasyon ng mga ito. Ang
pagkakahalo ng mga ito ay nagpahiwatig ng pagkakaparehas nila sa paniniwala at gawain. Parehas ng
ikinabubuhay ang mga tao ditto gawa ng paligid nila, ang lipunan ay binubuo ng angkan o mga kamaganakan, mga pagdiriwang na ang mga nagsasagawa ay ang mga makapangyarihaan sa lipunan upang
mapanatili ang kanilang katayuan sa lipunan at pati sa ibat ibang ritwal ay halos magkaparehas ang mga
grupong ito. Makikita ang matinding pagpapahalaga ng mga katutubo sa mga ritual at gawain para sa
diyos. Sa ganitong kadahilanan din mauugat ang pagkahango ng panitikan nila sa ritual. Malimit na
gamitin ng mga katutubo ang panitikan sa mga gawaing pangritwal.
Ang Panitikang Cordillera ay panitikan na nasa pasalita. Ito ay maaring mahati sa dalawang uri
ang pangritawal o di-pangritwal. Ang mga pangritwal na panitikan ay ang mga awit at epiko. Ang mga ito
ay maaari lamang gamitin sa ritwal at sagradong kaparaanan lamang. Sa kabilang banda, ang mga dipangritwal na panitikan naman ay kinabibilangan ng mga may pormang sekular na maaaring gamitin sa
maraming ibat ibang okasyon gaya ng mga pagdiriwang, gawaing panlibang at pagpapadama ng mga

saloobin. Ang Panitkang Kordilyera ay matatalakay pormang: epiko, tula, awit, mito, alamat, kuwentong
bayan, salawikain at bugtong.

Epiko
Karamihan ng mga epikong tradisyon ng bansa ay naglaho na ngunit sa Kordilyera ay may
makikita na lamang ng kaunting epiko na naitago at naisulat na, ang Hudhud at Alim ng Ipugaw, Ullalim,
Gasumbi at Dangdang-ay ng Kalinga, Bindian ng Ibaloy at Kanag Kababagowan ng Tinguian. Ito ay tunay
na mababakasan nang pagka-Pilipino dahil sa pagkaparehas nito sa ibang epiko ng bansa na naglalahad
ng paglalakbay at ginawang kabayanihan ng isang bayani na nagtataglay ng katangian at paniniwala ng
mga tao sa lugar na iyon.
Sa Hudhud ay maipagmamalaki si Aliguyon, isang mitolohikal na katauhan kilala sa kanyang
yaman at kapangyarihan. Marami ang bersyon nito ang natagpuan sa Kordilyera at karamihan ng kwento
nito ay tungkol sa kanyang pagkapangasawa kay Bugan. Ang hudhud ni Aliguyon ay kalimitang kinakanta
tuwing nagtatabas ng damo, nag-aani ng pananim at tuwing may namatay na mataas na tao sa lipunan.
Ito ay ginagawa ng mga mamamayan sa kabila ng mga paghihirap na nangyayari sa kanila upang
lumalakas ang kanilang loob dahil sa pag-awit ng hudhud. Si Aliguyon, katulad ng isang bayani, ay
nagbibigay inspirasyon sa mga tao. Inilalarawan ni Aliguyon ang mga katangian ng isang Ipugaw. Ang
hudhud ay ay kalimitang tinatawag na kantang pang-ani dahil sa ito ay kalimitang kinakanta tuwing
nagaani.

Walang itong sinusunod na gabay kung paano ito isusulat.

Ang mas sikat na ullalim naman ng mga taga-Timog Kalinga ay mga mahahabang awit na
kinankanta ng mga lalaki o ng mga babae na kaiba sa hudhud na kinakanta lamang ng mga babae. Ang
pagkanta nito ay ginagawa tuwing may pagdiriwang at kasunduan. Nilalaman ng ullalim ang mga ulat sa
labanan, pamumugot ng ulo at matapang at makisig na pakikipagsapalaran ng isang bayani. Binibigyan
ng pokus ng mga ito ang katapangan ng mga taga-Kalinga. Naglalaman din naman ito ng romansa,
kakaibang kagalingan sa mga Gawain, kapangyarihang kahima-himala at mga matagumpay na mga
paglalakbay at pakikidigma. Sa pag-aaral ng ullalim ay makikita din ang mga pang-araw araw na
karanasan ng mga tao sa Kalinga.

Kasalungat ng hudhud, ang ullalim ay gumagamit at sumusunod sa mga gabay pangtula.

Sa Hilagang bahagi naman ng Kalinga ay mayroon ding gulong ng epiko, ang gasumbi. Ang
pangunahing tauhan dito ay si Gawan. Ang gasumbi ay kalimitang kinakanta sa gabi at gabi ng kanilang
pag-aani. Ito rin, gaya ng ullalim, ay tungkol sa pamumugot-ulo ng mga taga-Kalinga, pangligawan na
nahahaluan ng salamangka at hiwaga.
Ang dangdang-ay ng Kanlurang Kalinga na may tauhan na ang pangalan ay Magliya or Gono.

Ang mga Ipugaw ay mayroon pang isang klase ng epiko, ang alim. Ang alim ay kalimitang
ginagamit sa mga ritwal na gawain lamang. Ang Alim ay ginagamit para sa mga namatay, may sakit at
ritwal ng paggawa at paglagay ng hagabi (isang malaking bangko). Ngunit mayroong mga nasusulat na
ginagamit din ito sa ibang mga kaparaanan tulad ng: mga malakihang pagdiriwang at pag-aani. Ang mga
tauhan ditto ay mga mahihiwagang nilalang at hindi mga tao lamang. Ang mga kumakanta nito ay mga
lalaki.

Ang Bindian ng mga Ibaloy ay lumiliban sa kalimitang kuwento ng epiko sa bansa. Ang bayaning
si Bindian ay hindi kasing matagumpay ng ibang bayani sa mga epiko ng bansa. Sa kuwento ng epikong
ito, si Bindian ay susubuking iligtas ang diyosang si Bugan mula kay Kabuniyan, ang diyos ng langit. Si
Bugan ay magiging isang talon habang si Bindian ay makakapangasawa ng isang ahas na naging tao
ngunit nanatili ang pagmamahal niya kay Bugan.

Sa kanlurang bahagi ng Kordilyera ang mga Tinguian ng Abra ay makikita ang Kanag
Kababagowan. Ang epikong ito ay ginagamit tuwing magaani, na nagsisilbing kasiyahan ng mga
trabahador. Ang mga pangunahing tauhan ng e[pikong ito ay sina Apo-ni-Bulayen, Apo-ni-Tulau at si
Kanag. Ito ay kinapapalooban ng mga mahiwagang mga katauhan at bagay.

Ang mga ito ang mga nalalabing mga epiko ng Kordilyera.

Mga Halimbawa: (Ang mga ito ay nakasalin pa lamang sa Ingles at hango sa libro na Filipinos
Writing: Philippine Literature from the Regions na isinaayos ni Dr. Bienvenido Lumbera at CCP
Encyclopedia of Philippine Art)
1.

The Harvest Song of Aliguyon (Ipugaw)

Ang kuwento ay tungkol sa pakikipaglaban ni Aliguyon sa kanyang karibal na kaaway na si


Pumbakhayon. Pumunta si Aliguyon sa lugar ng kaaway at hinanmon ito. Ang mga ito ay naglaban
habang pinapanood lamang ng nanay ni aliguyon ang mga pangyayar. Nagagawa lang nilang tumigil
upang kumain. Ang labanan ay matatapos isa at kalahating taon. Bumalik si Aliguyon sa Hananga, ngunit
dinala ni pumbakhayon at kanyang mga alagad ang digmaan doon. Nagtagal din ito ng isa at kalahating
taon at tumitigil lamang sila upang kumain. Pagtapos ng sunud-sunod na labanan ay napagkasunduan na
lamang itigil and digmaan kasabay nito ang pagkasal kay Aliguyon at Bugan, kapatid ni Pumbakhayon at
Pumbakhayon Aginaya, kapatid ni Aliguyon. Ipinapakita na ang pagkakasal sa dalawang miyembro ng
nagdidigmaang tribo ay napagkakasundo sila.
2.

The Heroic Exploits of Banna (Kalinga)

3.

Hudhud of Bugan With Whom the Ravens Flew Away at Gonhadan (Ipugaw)

4.

Hudhud of Aliguyon Who Was Bored by the Rustle of the Palm Tree at Aladugen (Ipugaw)

Mga Awit
Tunay na ang mga Pilipino ay masiyahin bilang katunayan nito ay makikitaan natin ng ibat ibang
awit ang mga katutubong Pilipino. Ang awit ay isang instrument upang maihayag ng isang tao
ang kanyang saloobin na salungat sa mga epiko, mito o alamat. Ang mga etnikong awiting ito ay
maaaring mahati sa dalawa ang liriko na naghahhayag ng damdamin at ang naratibo na
nagkukuwento ng mga gawain at pangyayari sa kanilang lugar. Hindi nawawala sa pang-araw
araw na gawain ang ang musika. Ang mga awitin ay puwedeng kantahin ng isang tao lamang o
grupo sa bahay o sa malaking pagdiriwang man. Ayon kay Jose Maceda, walang isang
natatanging tawag sa awit ang mga taga-Kordilyera ngunit ang mga ito ay may mga natatanging
pangalan sa ibat ibang klase ng awit.

Isang klase ng awit ay ang salidommay na pinakasikat sa lahat. Ang salidommay ay kalimitang
inaawit sa panliligaw, kasalan, pista, pagdiriwang ng kapayapaan, masaganang ani at biglaang

mga kasiyahan. Hindi ito nakabase lamang sa isang gawain. Katulad ng salidommay, ang
dodong-ay ay ginagamit din sa ibat ibang pagdiriwang. Ito ay hindi ginagawa sa isang
natatanging gawain.

Marami pang mga ibang anyo o klase ng awit na nakakabit sa mga ritwal at pagdiriwang. Ang
dujung ng Ibaloy ay para sa libing ng isang namatay. Ang bajun at chajang ng mga Ipugaw na
inaawit sa pakikidigmang ritwal. Ang tubag na inaawit ng mga Kalinga sa pagkakasundo ng
kapayapaan at ibi para sa pag-alala sa namatay. Ang Tinguian na umaawit ng mga diwas kapag
mayroong may sakit, sang-sangit para sa pagtapos ng libing sa hapon, dawak na kinakanta
upong tawagin ang mga kaluluwa upang masapian at naway na inaawit sa pagtatapos ng
pagluluksa sa namatay. Ang mga Bontok ay may ayoweng at charngek na inaawit tuwing
nagtratrabaho ang mga tao sa palayan at annako para sa pag-alala sa namatay. Ang mga awit na
ito ay naglalarawan ng mga gawain na pangaraw-araw.

Tunay na makikita ang kahusayan ng mga tao sa Kordilyera dahil sa mayaman na awitin ngunit
sa paglaganap ng bagong hayag na relihiyon sa Kordilyera, ang Kristiyanismo at iba pa, ay
kumonti na ang maraming uri o klase ng awit.

Mga Halimbawa: (Ang mga ito ay nakasalin pa lamang sa Ingles at hango sa libro na
Filipinos Writing: Philippine Literature from the Regions na isinaayos ni Dr. Bienvenido Lumbera)

1.

Day-en (Kankanay)
Come, sleep,
I shall lie down,
On my smooth sleeping place,
Then I shall wake up,
To work for wages,
to be able to taste
Dayakan-palay,
as I have enough of the sigang-taro;
to the devil with Bugan,
Bugan in the sky,
As she surely reserves
the carrying of the drag
for the poor;
it were better if she had given to all the same
sweet rice.

1.

Dalan Mapan Ko Langit (Isneg)


We are children. We are innocent,
And if we know the way, we will go to heaven.
We are children. We are innocent,
Because we do not eat rice yet.
If we know the way, we will go to heaven.

1.

Salidommay (Kalinga)
I wish to find the eternal spring.
I shall take the Dangwa bus for Lubuagan.
If by chance we meet
When the moon is full,
Then we shall go together.

1.

Inyahengs Pride (Ipugaw)


Ugh! Ugh! She is Inyaheng
Who trots about as she walks
Whose display is like that of the wealthy
But behold her well, shes not forsooth.
Ugh! Ugh! She is Inyaheng.
Mito
Ang mga mito ang pinakanaapektuhan ng pagkawala kasabay ang paglaganap ng impluwensiya
ng mga taga-kapatagan at ng relihiyong Kristiyanismo. Isang klase ng mito ay ang diam ng
Tinguian. Ang diam ay ginagamit pangritwal, ang mga mito ay malimit na ginagamit pangritwal.
Ang mga diam ay nagbibigay paliwanag sa mga pinanggalingan ng isang nakaugaliang
pangritwal at dahilan ng paggawa ng mga ito. Ang mga naitalang mito sa pag-aaral matapos ang
ilang taon ay naglaho dahil sa mga unang nabanggit na kadahilanan.

Malimit na napagsasama ang mga mito sa alamat dahil sa ito ay pinaniniwalaang hango
sa mga totoong nangyari at nagpapaliwanag sa mga pinanggalingan ng mga bagay. Ang
kaibahan ay ang pagiging sagrado ng mito kaysa sa alamat at paggamit ng mga mahiwagang tao
bilang pangunahing tauhan. Dahil dito ang mga mito ay ginagamit lamang sa may mga piling
lugar at panahon. Ang mga pagaaayos sa kaanyuhan ay hindi na pinapansin ng mga tao at sa
halip ay pinag-iisa na lng ang katawagan sa mga ito, ang mga kuwento.

Mga Halimbawa: (Ang mga ito ay nakasalin pa lamang sa Ingles at hango sa libro na
Filipinos Writing: Philippine Literature from the Regions na isinaayos ni Dr. Bienvenido Lumbera)
1. How Balitok and Bugan Obtained Children (Ipugaw)

2. Lumawig and Kabigat (Kankanay)


3. Chacha and Ked-yem (Bontok)
4. Balitok and Kabigat (Ibaloy)
5. Kabukab (Kalinga)

Mga Kaugaliang Igorot


Filed under: All Posts,Ethnos: Peoples of the World Jedilou Alip @ 3:33 am
Tags: Culture, history, Ibaloi, Igorot, Kankana-ey, mambonong, philippines, pre-colonial, prehispanic, rituals, sapo
This article is taken from my old Friendster blog, djedifever, sic and all, written March 2007. I
do realize that these said customs are just a few and are not representative of the whole Igorot
group. My sources were Kankana-ey, Ibaloi, and i-Mt. Province (not sure which specific tribe=D).
Sa tuwing binabangit ang salitang Igorot, hindi matulungang may diskriminasyon na naglalaro
sa isip ng mga tao. Ano nga ba ang pinagkaiba natin sa mga taong taga- ibang lupain?
Sinasabing nag-ugat ang mga taga-baba at mga taga-kabundukan sa parehong mga ninuno. Ang
mga Igorot ay yaong mga taong lumipat sa mga kabundukan upang makahanap ng ibang buhay,
o upang lisanin ang mga bayang nanganganib sakupin ng ibang lahi. Sila ay tumira sa tinatawag
nating ngayong Rehiyong Cordillera. Sa pagdaan ng mahabang panahon, ang mga Igorot,
kasama na ng iba pang mga tribong hindi nagpasakop, ay nagkaroon ng kulturang natatangi sa
kanila. Naipagpatuloy ng mga Igorot ang mga sinaunang gawain samantalang ang mga naiwan
sa mga kapatagan ay nagkaroon ng maraming pasanin. Ito ay mga paghihirap, mga sakripisyo,
at mga luha na siya naman nilang ipinagkatulad sa mga Pilipinong taga-timog.
Madaming mga gawain na makikita sa karamihan ng mga Igorot ngunit nagkakaiba ang istilo sa
ibat-ibang mga tribo. Ang ilang mga gawain at paniniwala ng mga Igorot ay nakasaad sa
sulating ito. Ang pangunahing pinagkunan ay ang mga karanasan ng aking lola. Ibig sabihin, ang

mga ito ay gawain sa Mountain Province ngunit may konting halo sa mga paniniwala ng mga
Ilocano sa Cervantes.
Hindi nalalaman kung kailan pa nagsimula ang mga kaugaliang mga ito. Basta ayon sa mga
matatanda, ito ay ginagawa na noon pang buhay si ganito na anak ni ganito at pinsan ni ganito
na siya namang apo ni ganito. Ang mga kaugaliang ito ay pinaabot sa mga sunod na henerasyon
sa pamamagitan ng pagkukuwento o aktibong partisipasyon sa mga ritwal.
SAPO (KULAM)
Ang sapo, o kulam sa tagalog, ay isa sa mga sinaunang gawain na nakakapagtaka may
nakarating sa kasalukuyang henerasyon. Ginagamit ito upang makapagdulot ng kung hindi
maganda ay kasawiang-palad sa taong tinuturingan nito. Ito ay ginagawa ng
mga mambonong (mambonon sa iba), o mga pari. Ngunit maari din daw manahin ang talentong
ito. May ritwal na gagawin angmambonong upang magtawag ng diwata. Gumagamit ng
representasyon para sa taong nais i-sapo, madalas na isang manok. Kinakantahan ng dasal at
sinasayawan upang ang diwata, o espiritu ng mga ninuno ang magpapatotoo sa mga hinihiling.
Hindi lahat ng tao ay tinatablan ng sapo, lalo na kung siya ay may matatag na pananampalataya.
(Hindi lamang nasabi kung itoy pananalig sa Diyos ng mga Kristiyano o sa Bathala ng mga
ninuno.) Sa ganitong mga pagkakataon, ito ay napupunta sa isa pang taong mahalaga sa kanya,
kung di kayay bumabalik ito sa nais magpalagay ng sapo. Babala ng mga matatanda sa mga
kadalagahan, huwag daw itaboy ang isang manliligaw. Bagkus ay kausapin na lamang daw ito
nang matiwasay upang maiwasan ang anumang disgrasya. Sinasabing malawak pa rin ang
paggawa nito sa ilang parte ng Mt. Province, Kibungan, Bokod, at lalo pa sa Abra.
PAGLIBING
Ang paglilibing naman sa isang tao ay depende sa kanyang estado sa buhay. Nagtatawag sila
ngmambonong upang magsabi ng huling dasal. Isinasama na dito ang paghingi ng tawad para sa
mga kasalanan ng namatay at pagbebendisyon sa pamilyang naiwan. Para sa mga mayayaman,
nagkakaroon ng kanyao na nagtatagal ng di kukulanging isang lingo, minsan ay umaabot pa ng
dalawang buwan.
Ang namatay ay binabalutan ng espesyal na tapis o tela at dinadagdagan ng mga bagay na
naging mahalaga sa kanya. Ito ay sinasabing makakapagpadali sa kanyang pagtawid sa kabilang

buhay. Inaasahan din nila ang pagpaparamdam ng kanyang kaluluwa sa ikatlong araw, lalo na sa
mga kapamilya at kaibigan. Sinasabing ito ang panahon ng pag-ahon ng kaluluwa sa pook ng
mga kagalang-galangang ninuno.
Sa mga Ibaloi naman, pumapaslang sila dati ng isang kabayo upang maging sakayan ng
kaluluwa sa kanyang paglalakbay. Dati pa, marunong ang mga katutubong magmummify. Ito ay
natatangi sa istilo ng mga Egyptian at Aztecs sa pagkat kasamang napre-preserba ang balat
habang ang bangkay ay naka-posisyong paupo na para bang giniginaw. Kaya lamang,
nakalimutan na din kung paano ito ginagawa. Mayroon pang natuklasan na isang mummy dito na
sinasabing mahigit apat dantaong gulang na.
LIFE AFTER DEATH
Pinaniniwalaang pagkamatay, ang kaluluwa ay pumupunta sa mundo ng mga ninuno. Sa mga
nahaluan ng Katolikong paniniwala, sinasabi nilang ang mga kaluluwa ay pumupunta sa
purgatoryo habang hinihintay ang araw ng pagsasakdal. Ngunit itong mundo rin nating ito ang
purgatoryo. Sila ang mga naninirahan sa mga sapa, mga gubat, mga puno, mga tutubi, at lahat
na yata ng mga likas na bagay. Anito ang tawag sa mga ito. Ang mga anito ay kinatatakutan at
nirerespeto ngunit hindi sila diyos. Ang mga diyos (bathala) naman ay higit na may
kapangyarihan sa kanila. Pinaniniwalaan ding may kataas-taasang diyos na siyang lumikha sa
sanlibutan. Nakakalito sa pagkat siya ang tinuturingang Bathala ng ibang tribo.
ILANG PANINIWALA
Pagtawag ng pangalan.
Bago lumisan sa isang panibagong lugar, tinatawag ng mga katutubo ang kanilang anino. Maari
daw kasing maiwang naglalakbay ang anino, o kaluluwa hiwalay sa katawan nito. Kapag
nagkaganoon, ang katawan ay maiiwang sakitin at tulala. Sa ibang tao, palagi niyang
mapapanaginipan ang lugar na pinuntahan niya. Makikita niya ang sariling libang na libang sa
mga tanawin at mga bagay doon.
Ayon sa aking Lola, ito daw ang nangyari sa aking pinsan na dalawang taong gulang noon.
Lumipat sila mula sa Apugan, Itogon. Sa mga sumunod na araw ay naging matamlay at pala-tae.
Sinubukan nilang ipagamot sa pamamagitan ng medisina, sa abot ng kanilang makakaya. Nang
walang nangyari, minungkahi ng isang matanda na ipatingin siya sa isang mambonong. Sinabi

na naiwan daw ang kanyang kaluluwa sa pagkat aliw na aliw sa kanya ang isang batang anito.
Sunod nito, nagkaroon ng ritwal ng panggagamot. Tinawag ng mambonong ang anito at mga
magulang nito. Hiniling nila ang paglaya ng bata sapagkat ano nga daw ba ang gagawin nila sa
isang tao. Ang mga tao ay hindi karapat-dapat sa mga anito, na sila ay madudumi at hindi
maipaghahambing sa kanila. May paghahandog ng manok, sa kagustuhan na rin ng mga anito.
Matapos nito, agad din naming gumaling ang bata at bumalik na sa dati.
RITUALS
Ang kanyao (Canao) ay isang ritwal na ginagawa sa isang pagtitipon. Madaming pagkakaiba-iba
sa bawat lupain, sa bawat angkan. Ito ay ginagawa para sa mga masasayang selebrasyon gaya
ng masidhing pag-aani, pasasalamat sa pagkakagamot, at iba pa. Ngunit hindi dito nagtatapos
ang gamit nito. Maari din itong gawin sa mga nakakalungkot na pangyayari gaya ng paglalamay.
Madalas naman, ito ay ginagawa bilang pagkonsulta sa mga ninuno tungkol sa mga dapat na
gawin ng isang bayan. Marami din talagang ibat-ibang mga kaugaliang napapaloob sa kanyao.
Ang pamilyang nais magtanong ay unang lumalapit sa kadangyan. Doon sasabihin
ng kadangyan(isang uri ng pari) kung ano ang mga kakailanganin. Madalas na nagpapakatay ng
sampung baka o baboy, depende sa kahilingan umano ng mga diwata. May mga biro na depende
lang talaga yun sa katakawan ng kadangyan o sa dami ng mga pakakaining manonood. Ang mga
pinaslang na hayop ay nagsisilbing paghahandog sa mga diwata (anito, ninuno) at mga bathala.
Sa mga susunod na araw ay magkakaroon ng mga pagsasalo, pagsasayaw, kantahan, at iba pa.
Kung ano man ang sadya ng kanyao, doon din nanggagaling ang uri ng sayaw, o tayaw. Madalas
na ginagamit ang mga gongs na gawa sa makapal na bakal. Sinasaliwan naman ito ng iba pang
mga tambol gaya ng solibao habang ang mga tao ay nagkakantahan, nagtatawanan, at
pinagsasaluhan ang watwat (pinakuluang karne ng baboy). Para sa kanyao ng pasasalamat, ang
laman ng kanta ay ukol sa mga masasaganang ani at iba pang mga dapat ipagyamang bagay.
Sinasaloob din ang mga matatalinhagang sabi ng mga ninuno.
Ngayon, ang kanyao ay hindi na masyadong isinasagawa o kung oo man ay hindi na gaya nang
dati na magarbo at detalyado. Noong panahong nakalipas, ito din ang nakakapagsabi sa
kayamanan ng tao, o yung sinasabi nating status quo.

Reaksyon, Suhestiyon, at iba pang kuro-kuro


Nakakatakot din pala ang pamumuhay ng ating mga ninuno. Bukod sa mga delubyong dulot ng
mga piskal na bagay, naroon din ang tuwi-tuwinang banta ng kalikasan kasama na ng mga
nilalang na di nakikita. Malaki marahil ang naging epekto nito sa pamumuhay natin ngayon.
Dahil sa paggalang na ito, mayaman pa rin ang kapaligiran sa likas na yaman. Sa kabilang
banda, marahil ay ito din ang isang kadahilanan kung bakit may hangganan ang teknolohiyang
nabuo ng mga ninuno kung ikukumpara sa ibang dakilang nasyon na naging tanyag sa kanilang
mga nagawa sa kabuuan ng kasaysayan. Pinagtataka ko lamang kung bakit hindi sila naging
tamad. Dinahilan ni Rizal na isang ugat ng katamaran ng mga Pilipino ay ang mayamang
mapagkukunan ng kanilang mga pangangailangan. Isa pa, may mga parte din sa Kordilyerang
talaga namang mainit. (clarification: Jose Rizal reasoned that hot climates can lead to sloth)
Para sa ating mga pinanganak sa mundo ng mga Kristiyano, nakakalito din na maniwala sa mga
ani-anito. Sa aking palagay, totoong nangyayari ang mga ito, may mga mirakulo, may mga
kakaibang pangyayari. Ngunit ayon sa Bibliya, ang mga ito ay kagagawan ng demonyo. Matalino
din daw sila. Kaya nilang mag-astang mabuti, kaya din nilang gumawa ng mga mirakulo upang
maniwala ang mga tao sa kanilang kapangyarihan. Yun daw ang pinagmulan ng lahat ng
kaguluhan, ang pagnais ni Lucifer sa kapangyarihan na higit sa ginawad sa kaniya. Kung kayat
dapat tayong magkaroon ng solidong paninidigan sa Diyos. Sa kabilang banda, iyon na lamang
ba muli ang tanong? Lagi na lamang bang mabuti-masama; Diyos-demonyo; puti-itim; arawgabi? Nakakalito talaga. Ano nga rin ba kaya ang korelasyon ng pananampalataya ng mga
ninuno (Animismo) sa ibang dakilang relihiyon kagaya ng Kristiyanismo, Buddhismo, o Islam?
Nakakalungkot din naman na nawawala na ang mga kaugaliang ito. Ang maituturo kong isang
dulot ay ang pananampalatayang Kristiyanismo. Ngunit talaga sigurong nakatatak na sa atin ang
mga nakagawian sapagkat matagal na panahon din bago tuluyang nagpabinyag ang ilang
katutubo.
Sa punto naman ng Katolisismo (at iba na ring sektor ng relihiyon), mapapansing ginamit
(ginagamit pa rin) ang akulturasyon upang makapagbinyag ng mas higit pa. Sa isang banda,
nababago nito ang istilo, gamit, at paraan ng ilang kaugalian. Halimbawa na marahil ay ang
pagkanyao bilang misa para sa Diyos. Ngunit iba na sigurong usapin yan at mas makakabuting
bumalik tayo sa pinag-uusapan.

Sa kasalukuyan ay unti-unti nang nalilimutan sa kasaysayan ang mga sinaunang gawain. Sino o
ano ang dapat sisihin? Ang teknolohiya? Ang globalisasyon? Nararapat din bang panatilihin, o
limutin ang mga kulturang ito? Ngunit hindi ba, ganoon ang kultura? Ito ay patuloy na
nagbabago upang makisalamuha sa patuloy ding nagbabagong pangangailangan at kagustuhan
ng mga tao.
Pinagtataasan man ng kilay, ang mga Igorot ay di maitatangging pride ng ating bayan. Ngayon,
kilala tayo dahil sa Hagdan-hagdanang Palayan, sa mga kweba ng Sagada, at kay Apo Ano na
isang mummy. Ngunit sana maintindihan din ng iba na hindi lamang tayo hanggang doon, mga
artifact ng nakalipas, mga subject ng eksibisyon. Madami tayong mga katangian na talaga
namang nakakamangha. Sabi nga nila, ang isang bayani ay hindi makikilala sa kaniyang sariling
bayan. Sa pagsasantabi sa atin ng iba pang mga Pilipino, hindi nila napapansing naisasantabi din
nila ang kanilang mga sarili, ang kanilang kasaysayan, at ang kanilang mga ninuno.

You might also like