ODA SA GABI salin ni Rolando Bernales Humimlay ako sa mapagkalingang bisig sa gabi Ipinagheleng tulad ng sanggol sa duyan at sa mayuming haplos ng kanyang kadiliman isang animo’y kislap ang aking nasumpungan na nasok sa kailaliman ng aking kaluluwa.
Aking dinama ang makinis na kutis ng dilim.
Anumang anyo’y di niya kinikilala. Ngunit sa palad niya’y kanyang dinarama maging ang kailalimang gunita na misteryo sa iba na tila lihim na di maanot ng liwanag. Bakit kung gayon kayraming nahihintakutan sa dilim? Sila’y kinikilabutan o nagagalit maisip lamang na walang makikitang liwanag sa kalawakan. Ah, di nga kasi, kanila lamang namamasdan Ang nakikita ng kanilang mga mata.
Sila’y walang patid na nananalangi’t naghahangad
Ng walang-hanggang liwanag,walang-hanggang araw Ngunit sila lamang,silang ang pananalig ay may bahid ngkahinaa’t pag aalinlangan Ang dapat matakot sa iyo ,O gabi. TEORYA
PORMALISMO
Ang pag-uugnayan ng mga salita, estraktura at paggamit ng metapora at
imahen na siyang naglalarawan ng gabi. TEORYA
IMAHISMO
Ang tula ay nagbibigay imahe na ang gabi ay kinatatakutan dahil sa dilim na
binabalot ng misteryo. Neneng, O Pinagpalang Kapangyarihan ng Pag-ibig Ni Mena Pecson Crisologo Isang dula na may tatlong eksena. Sa eksena 5 ay binubuo ng mga tauhan na sina Modesto,Neneng at Luisa. Sa eksena 6 ay binubuo nina Memang,Luisa, Modesto at Valentin. Ang eksenang ito ay may Dueto nina Luisa at Modesto. Sa eksena 7 ay binubuo nina Luisa,Neneng, Memang,Modesto, Valentin at Arturo. May Awiting Pandigma ng mga katutubong Pilipino sa panghuli. Neneng, O Pinagpalang Kapangyarihan ng Pag-ibig Ni Mena Pecson Crisologo Ang dula ay tungkol sa panahon ng pananakop ng mga kastila sa bansang Pilipinas. Pinag uusapan din ang pag iipon ipon ng mga prayle at ang pag alsa ng mga katipuneros sa Balintawak sa pangunguna ni Andres Bonifacio. TEORYA
TRADISYUNAL NA ROMANTISIMO
Ang dula ay naglalahad ng pag-ibig sa tinubuang lupa.
Pinag-uusapan din ang ng tungkol sa makasysayang rebolusyon ng mga katipuneros sa Balintawak sa pangunguna ni Andres Bonifacio. TEORYA
EKSISTENSIYALISMO
Ang desisyon ng mga tauhan na magkaisa at ang kagustuhang ipaglaban ang
bayan. Ang desisyon ni Arturo na sumapi sa binuo ng mga kastilang kwerpo ng mga boluntaryo dahil sa takot niya sa mga kastila. -wakas-