Professional Documents
Culture Documents
Epiko
Karamihan ng mga epikong tradisyon ng bansa ay naglaho na ngunit sa
Kordilyera ay may makikita na lamang ng kaunting epiko na naitago at naisulat
na, ang Hudhud at Alim ng Ipugaw, Ullalim, Gasumbi at Dangdang-ay ng
Kalinga, ng Ibaloy at Kanag Kababagowan ng Tinguian. Ito ay tunay na
mababakasan nang pagka-Pilipino dahil sa pagkaparehas nito sa ibang epiko
ng bansa na naglalahad ng paglalakbay at ginawang kabayanihan ng isang
bayani na nagtataglay ng katangian at paniniwala ng mga tao sa lugar na iyon.
Sa Hudhud ay maipagmamalaki si Aliguyon, isang mitolohikal na katauhan
kilala sa kanyang yaman at kapangyarihan. Marami ang bersyon nito ang
natagpuan sa Kordilyera at karamihan ng kwento nito ay tungkol sa kanyang
pagkapangasawa kay Bugan. Ang hudhud ni Aliguyon ay kalimitang kinakanta
tuwing nagtatabas ng damo, nag-aani ng pananim at tuwing may namatay na
mataas na tao sa lipunan. Ito ay ginagawa ng mga mamamayan sa kabila ng
mga paghihirap na nangyayari sa kanila upang lumalakas ang kanilang loob
dahil sa pag-awit ng hudhud. Si Aliguyon, katulad ng isang bayani, ay nagbibigay
inspirasyon sa mga tao. Inilalarawan ni Aliguyon ang mga katangian ng isang
Ipugaw. Ang hudhud ay ay kalimitang tinatawag na kantang pang-ani dahil sa
ito ay kalimitang kinakanta tuwing nagaani.
Ang mga Ipugaw ay mayroon pang isang klase ng epiko, ang alim. Ang
alim ay kalimitang ginagamit sa mga ritwal na gawain lamang. Ang Alim ay
ginagamit para sa mga namatay, may sakit at ritwal ng paggawa at paglagay
ng hagabi (isang malaking bangko). Ngunit mayroong mga nasusulat na
ginagamit din ito sa ibang mga kaparaanan tulad ng: mga malakihang
pagdiriwang at pag-aani. Ang mga tauhan ditto ay mga mahihiwagang nilalang
at hindi mga tao lamang. Ang mga kumakanta nito ay mga lalaki.
4. Hudhud of Aliguyon Who Was Bored by the Rustle of the Palm Tree at
Aladugen (Ipugaw)
Mga Awit
Tunay na ang mga Pilipino ay masiyahin bilang katunayan nito ay
makikitaan natin ng iba’t ibang awit ang mga katutubong Pilipino. Ang
awit ay isang instrument upang maihayag ng isang tao ang kanyang
saloobin na salungat sa mga epiko, mito o alamat. Ang mga etnikong
awiting ito ay maaaring mahati sa dalawa ang liriko na naghahhayag ng
damdamin at ang naratibo na nagkukuwento ng mga gawain at
pangyayari sa kanilang lugar. Hindi nawawala sa pang-araw araw na
gawain ang ang musika. Ang mga awitin ay puwedeng kantahin ng isang
tao lamang o grupo sa bahay o sa malaking pagdiriwang man. Ayon kay
Jose Maceda, walang isang natatanging tawag sa awit ang mga taga-
Kordilyera ngunit ang mga ito ay may mga natatanging pangalan sa iba’t
ibang klase ng awit.
Marami pang mga ibang anyo o klase ng awit na nakakabit sa mga ritwal
at pagdiriwang. Ang dujung ng Ibaloy ay para sa libing ng isang namatay.
Ang bajun at chajang ng mga Ipugaw na inaawit sa pakikidigmang ritwal.
Ang tubag na inaawit ng mga Kalinga sa pagkakasundo ng kapayapaan
at ibi para sa pag-alala sa namatay. Ang Tinguian na umaawit ng mga
diwas kapag mayroong may sakit, sang-sangit para sa pagtapos ng libing
sa hapon, dawak na kinakanta upong tawagin ang mga kaluluwa upang
masapian at naway na inaawit sa pagtatapos ng pagluluksa sa namatay.
Ang mga Bontok ay may ayoweng at charngek na inaawit tuwing
nagtratrabaho ang mga tao sa palayan at annako para sa pag-alala sa
namatay. Ang mga awit na ito ay naglalarawan ng mga gawain na
pangaraw-araw.
1. Day-en (Kankanay)
Come, sleep,
I shall lie down,
On my smooth sleeping place,
Then I shall wake up,
To work for wages,
to be able to taste
Dayakan-palay,
as I have enough of the sigang-taro;
to the devil with Bugan,
Bugan in the sky,
As she surely reserves
the carrying of the drag
for the poor;
it were better if she had given to all the same
sweet rice.
3. Salidommay (Kalinga)
Mito
Ang mga mito ang pinakanaapektuhan ng pagkawala kasabay ang
paglaganap ng impluwensiya ng mga taga-kapatagan at ng relihiyong
Kristiyanismo. Isang klase ng mito ay ang diam ng Tinguian. Ang diam ay
ginagamit pangritwal, ang mga mito ay malimit na ginagamit pangritwal.
Ang mga diam ay nagbibigay paliwanag sa mga pinanggalingan ng isang
nakaugaliang pangritwal at dahilan ng paggawa ng mga ito. Ang mga
naitalang mito sa pag-aaral matapos ang ilang taon ay naglaho dahil sa
mga unang nabanggit na kadahilanan.
9. Kabukab (Kalinga)
This article is taken from my old Friendster blog, djedifever, sic and all, written
March 2007. I do realize that these said customs are just a few and are not
representative of the whole Igorot group. My sources were Kankana-ey, Ibaloi,
and i-Mt. Province (not sure which specific tribe=D).
Hindi nalalaman kung kailan pa nagsimula ang mga kaugaliang mga ito. Basta
ayon sa mga matatanda, ito ay ginagawa na noon pang buhay si ganito na
anak ni ganito at pinsan ni ganito na siya namang apo ni ganito. Ang mga
kaugaliang ito ay pinaabot sa mga sunod na henerasyon sa pamamagitan ng
pagkukuwento o aktibong partisipasyon sa mga ritwal.
SAPO (KULAM)
Ang sapo, o kulam sa tagalog, ay isa sa mga sinaunang gawain na
nakakapagtaka ma’y nakarating sa kasalukuyang henerasyon. Ginagamit ito
upang makapagdulot ng kung hindi maganda ay kasawiang-palad sa taong
tinuturingan nito. Ito ay ginagawa ng mga mambonong (mambonon sa iba), o
mga pari. Ngunit maari din daw manahin ang talentong ito. May ritwal na
gagawin angmambonong upang magtawag ng diwata. Gumagamit ng
representasyon para sa taong nais i-sapo, madalas na isang manok.
Kinakantahan ng dasal at sinasayawan upang ang diwata, o espiritu ng mga
ninuno ang magpapatotoo sa mga hinihiling.
Hindi lahat ng tao ay tinatablan ng sapo, lalo na kung siya ay may matatag na
pananampalataya. (Hindi lamang nasabi kung ito’y pananalig sa Diyos ng mga
Kristiyano o sa Bathala ng mga ninuno.) Sa ganitong mga pagkakataon, ito ay
napupunta sa isa pang taong mahalaga sa kanya, kung di kaya’y bumabalik ito
sa nais magpalagay ng sapo. Babala ng mga matatanda sa mga kadalagahan,
huwag daw itaboy ang isang manliligaw. Bagkus ay kausapin na lamang daw ito
nang matiwasay upang maiwasan ang anumang disgrasya. Sinasabing
malawak pa rin ang paggawa nito sa ilang parte ng Mt. Province, Kibungan,
Bokod, at lalo pa sa Abra.
PAGLIBING
Ang paglilibing naman sa isang tao ay depende sa kanyang estado sa buhay.
Nagtatawag sila ngmambonong upang magsabi ng huling dasal. Isinasama na
dito ang paghingi ng tawad para sa mga kasalanan ng namatay at
pagbebendisyon sa pamilyang naiwan. Para sa mga mayayaman, nagkakaroon
ng kanyao na nagtatagal ng di kukulanging isang lingo, minsan ay umaabot pa
ng dalawang buwan.
ILANG PANINIWALA
Pagtawag ng pangalan.
Bago lumisan sa isang panibagong lugar, tinatawag ng mga katutubo ang
kanilang anino. Maari daw kasing maiwang naglalakbay ang anino, o kaluluwa
hiwalay sa katawan nito. Kapag nagkaganoon, ang katawan ay maiiwang
sakitin at tulala. Sa ibang tao, palagi niyang mapapanaginipan ang lugar na
pinuntahan niya. Makikita niya ang sariling libang na libang sa mga tanawin at
mga bagay doon.
Ayon sa aking Lola, ito daw ang nangyari sa aking pinsan na dalawang taong
gulang noon. Lumipat sila mula sa Apugan, Itogon. Sa mga sumunod na araw ay
naging matamlay at pala-tae. Sinubukan nilang ipagamot sa pamamagitan ng
medisina, sa abot ng kanilang makakaya. Nang walang nangyari, minungkahi
ng isang matanda na ipatingin siya sa isang mambonong. Sinabi na naiwan daw
ang kanyang kaluluwa sa pagkat aliw na aliw sa kanya ang isang batang anito.
Sunod nito, nagkaroon ng ritwal ng panggagamot. Tinawag ng mambonong
ang anito at mga magulang nito. Hiniling nila ang paglaya ng bata sapagkat
ano nga daw ba ang gagawin nila sa isang tao. Ang mga tao ay hindi karapat-
dapat sa mga anito, na sila ay madudumi at hindi maipaghahambing sa kanila.
May paghahandog ng manok, sa kagustuhan na rin ng mga anito. Matapos nito,
agad din naming gumaling ang bata at bumalik na sa dati.
RITUALS
Ang kanyao (Canao) ay isang ritwal na ginagawa sa isang pagtitipon.
Madaming pagkakaiba-iba sa bawat lupain, sa bawat angkan. Ito ay ginagawa
para sa mga masasayang selebrasyon gaya ng masidhing pag-aani,
pasasalamat sa pagkakagamot, at iba pa. Ngunit hindi dito nagtatapos ang
gamit nito. Maari din itong gawin sa mga nakakalungkot na pangyayari gaya ng
paglalamay. Madalas naman, ito ay ginagawa bilang pagkonsulta sa mga
ninuno tungkol sa mga dapat na gawin ng isang bayan. Marami din talagang
iba’t-ibang mga kaugaliang napapaloob sa kanyao.