You are on page 1of 4

Cordillera Administrative Region (CAR)

Ang Cordillera Administrative Region ay isang rehiyon ng Pilipinas na matatagpuan sa hilagang Luzon na
binubuo ng mga lalawigan ng Abra, Apayao, Benguet, Ifugao, Kalinga at Mountain Province. Sakop ng
rehiyon ang halos lahat ng lupain ng Kabundukan ng Cordillera, ang pinakamataas na bulubundukin sa
Pilipinas. Ang mga katutubo naman sa rehiyong ito ay binubuo ng mga Bontok, Isneg, Kalinga, Kankana-
ey, Ibaloy at Tinguian. Ang mga wikang ginagamit sa rehiyong ito ay Ilokano, Kalinga, Kankanaey, Ifugao,
Itneg, Isneg, Pangasinese, at iba pa. Nagkahalu-halo ang mga katutubo kaya nagkahalu-halo rin ang
kultura at magkaiba ang mga wika ngunit may tiyak na ugaling mapagkakilanlan.

Panitikan

Ang Panitikang Cordillera ay panitikan na nasa pasalita. Ito ay maaring mahati sa dalawang uri ang
pangritawal o di-pangritwal. Ang mga pangritwal na panitikan ay ang mga awit at epiko. Ang mga ito ay
maaari lamang gamitin sa ritwal at sagradong kaparaanan lamang. Sa kabilang banda, ang mga di-
pangritwal na panitikan naman ay kinabibilangan ng mga may pormang sekular na maaaring gamitin sa
maraming iba’t ibang okasyon gaya ng mga pagdiriwang, gawaing panlibang at pagpapadama ng mga
saloobin. Ang Panitkang Kordilyera ay binubuo ng mga epiko, tula, awit, mito, alamat, kuwentong bayan,
salawikain at bugtong.

Epiko

Karamihan ng mga epikong tradisyon ng bansa ay naglaho na ngunit sa Kordilyera ay may makikita na
lamang ng kaunting epiko na naitago at naisulat na:

 Hudhud at Alim ng Ifugao


 Ullalim, Gasumbi at Dangdang-ay ng Kalinga
 Bindian ng Ibaloy
 Kanag Kababagowan ng Tinguian

Ito ay tunay na mababakasan nang pagka-Pilipino dahil sa pagkaparehas nito sa ibang epiko ng bansa na
naglalahad ng paglalakbay at ginawang kabayanihan ng isang bayani na nagtataglay ng katangian at
paniniwala ng mga tao sa lugar na iyon.
Dalawang Uri ng Kwentong Patula

● Hudhud (Ifugao)

Isang tulang awit na maaaring isalaysay ng babae lamang na hindi sumusunod sa mga gabay pangtula.

Dalawang Okasyon kung saan inaawit ang Hudhud:

1. Lamay ng isang taong nasa mataas na antas sa lipunan.

2. Sa pagtatabas ng mga damo sa palayan ng mga kababaihan at tuwing sasapit ang tag-ani.
● Ullalim (Katimugang Kalinga)

Isang tulang awit na maaaring isalaysay ng lalaki o babae tuwing may kapistahan o mahalagang
pagdiriwang.

Tampok dito ang:

1. Mahabang pagsasalaysay ng pakikipaglaban.

2. Kapakinabangan ng kagitingan.

3. Katapangan ng mga Kalinga.


Pedro Bukaneg – siya ay pinanganak na bulag sa Abra,ang kilalang may-akda ng epikong Biag ni Lam-ang ( Buhay
ni Lam-ang ) noong ika-17 siglo.

Awit

Ang awit ay isang instrument upang maihayag ng isang tao ang kanyang saloobin na salungat sa mga
epiko, mito o alamat. Ang mga etnikong awiting ito ay maaaring mahati sa dalawa:

 Ang liriko na naghahhayag ng damdamin


 Ang naratibo na nagkukuwento ng mga gawain at pangyayari sa kanilang lugar

Marami pang mga ibang anyo o klase ng awit na nakakabit sa mga ritwal at pagdiriwang:

 Ang dujung ng Ibaloy ay para sa libing ng isang namatay.


 Ang bajun at chajang ng mga Ipugaw na inaawit sa pakikidigmang ritwal.
 Ang tubag na inaawit ng mga Kalinga sa pagkakasundo ng kapayapaan at ibi para sa pag-alala
sa namatay.
 Ang Tinguian na umaawit ng mga diwas kapag mayroong may sakit, sang-sangit para sa
pagtapos ng libing sa hapon, dawak na kinakanta upong tawagin ang mga kaluluwa upang
masapian at naway na inaawit sa pagtatapos ng pagluluksa sa namatay.
 Ang mga Bontok ay may ayoweng at charngek na inaawit tuwing nagtratrabaho ang mga tao sa
palayan at annako para sa pag-alala sa namatay.

Mga halimbawa ng mga kanta ng Cordillera:

 Day-en (Kankanay)
 Dalan Mapan Ko Langit (Isneg)
 Salidommay (Kalinga)
 Inya’heng’s Pride (Ipugaw)
Mito

Malimit na napagsasama ang mga mito sa alamat dahil sa ito ay pinaniniwalaang hango sa mga totoong
nangyari at nagpapaliwanag sa mga pinanggalingan ng mga bagay. Ang kaibahan ay ang pagiging
sagrado ng mito kaysa sa alamat at paggamit ng mga mahiwagang tao bilang pangunahing tauhan. Dahil
dito ang mga mito ay ginagamit lamang sa may mga piling lugar at panahon. Ang mga pagaaayos sa
kaanyuhan ay hindi na pinapansin ng mga tao at sa halip ay pinag-iisa na lng ang katawagan sa mga ito,
ang mga kuwento.

Mga halimbawa ng mga mito ng Cordillera:

 How Balitok and Bugan Obtained Children (Ipugaw)


 Lumawig and Kabigat (Kankanay)
 Chacha and Ked-yem (Bontok)
 Balitok and Kabigat (Ibaloy)
 Kabukab (Kalinga)

Heograpiya ng Cordillera Administrative Region

Mga Magagandang Tanawin sa Cordillera Administrative Region


Ang pangalang “Cordillera” ay gáling sa salitâng Espanyol na cuerda na may kahulugang “tanikala.” Ang
Kabundukang Cordillera ay tila tanikala ng mga bundok at kayâ tinaguriang “spinal cord” o gulugod ng
Hilagang Luzon.

Noong 15 Hulyo 1987, nilagdaan ni Pangulong Corazon C. Aquino ang Atas ng Pangulo Blg. 220 na
lumilikha sa Cordillera Administrative Region (Kor·dil·yé·ra Ad·mi·nís·tra·tív Rí·dyon) o CAR mula sa
tinatawag noong mga Lalawigang Bulubundukin sa Kabundukang Cordillera. Binubuo ito ng Mountain
Province, Benguet, Ifugao, Kalinga-Apayao at isináma ang Abra. Bahagi ito ng programa sa pagbibigay
ng awtonomiyang political sa rehiyon at sagot sa kahilingan ng rebeldeng Cordillera People’s Liberation
Army. Noong 14 Pebrero 1995, ang Kalinga-Apayao ay pinaghiwalay bilang dalawang lalawigan.

Ang probinsiya ng Benguet ang kabisera ng CAR. Dito matatagpuan ang Lungsod Baguio, ang
tinaguriang Summer Capital of the Philippines, at La Trinidad na mga sentrong pang-industriya ng
rehiyon. Ang CAR ay binubuo ng mga kulturang katutubo na pangkalahatang tinatawag na Igorot. Ang
malalaking grupo ng kulturang Igorot ay ang mga sumusunod: Ibaloy (Benguet), Kankanaey (Mountain
Province at ilang bahagi ng Benguet), Isneg (Apayao), Tinggian (Abra), Ifugaw (Ifugao) at Kalinga
(Kalinga). Ito rin ang mga pangalan ng kanilang mga katutubong wika. Ipinagmamalaki ng mga ito ang
kanilang tradisyonal na kultura, lalo na ang mga kasuotan, sayaw, panitikang-bayan, awit, at instrumento
pangmusika.

Sagana ang rehiyon sa mga reserbang minahan, bagaman nakasentro ang pagmimina sa Benguet.
Nawala halos ang kahoy dahil sa malaganap na kaingin. Apektado ng pangyayaring ito ang malakas at
tradisyonal na sining na paglililok sa kahoy. Malakas ang produksiyon ng gulay sa Benguet, pagsasaka
ng palay sa Ifugaw at Abra, at mais sa Mountain Province at Kalinga.

Malakas ang turismo sa rehiyon. Pangunahing pang-akit ng pandaigdigang turismo ang mga payyo, lalo
na ang nása Banaue at deklaradong UNESCO World Heritage Site. Mga likás na atraksiyon ang Yungib
Sumaguing ng Sagada at mga yungib ng mummies sa Benguet at Mt. Povince. Mga Pambansang Parke
ang Burol Cassamata, Bundok Data, BalbalsangBalbasan, at Bundok Pulag na pinakamataas sa Luzon
at ikalawa sa pinakamataas sa buong bansa. Kabílang sa mga pistang dinadayo ng turista ang
Panagbenga o Bauio Flower Festival tuwing Pebrero, ang Adivay ng Benguet tuwing Nobyembre na
isang peryang agro-industriyal, ang Ullalim tuwing Pebrero 14 na pagdiriwang sa anibersaryo ng
pagkatatag ng Kalinga. (PGD)

You might also like