You are on page 1of 5

REHIYON XIII

CARAGA

Lalawigan at Kabisera:

Agusan del Sur – Prosperidad


Agusan del Norte – Butuan City
Surigao del Norte – Surigao City
Surigao del Sur – Tandang

PANITIKAN

1) BUGTONG

“Emun edtibasan, nune vasag,


Ne edlamabas ne lenew”
(Sikan is luvi)

Salin:
If you cut it, it’s a bowl; If you pierce it, it’s a pool.
(Coconut)

2) SALAWIKAIN

“Ke etew ne kena edlilingey te impuun din ne kena ebpekuuma diya te


edtamanan din”

Salin:
Ang hindi lumingon sa pinanggalingan,
Hindi makararating sa paroroonan.

3) AWIT

a) Owaging/Uwahingen – isang mahalagang awiting pang – epiko.

b) Mandata – awit ng pag – ibig.

c) Delinday – awit ng hanapbuhay, pakikidigma, pagpapatulog,


pagtatanim at pag – aani.

d) Nalit – isang uri ng awiting nakauugnay sa buhay.

e) Dingsing – awit sa patay.


REHIYON XIV
CAR

Lalawigan at Kabisera:

Abra -
Benguet
Ifugao
Kalinga
Mountain Province
Apayao

PANITIKAN

 Hindi gaanong kilala ang panitikang Cordillera dahil mas ginagamit na


wika at pampanitikan ang Tagalog, Ilokano, Bikol at Cebuano.
 Ang panitikan ng Cordillera ay batay sa tradisyong oral kaya hindi laganap
ang pagsusulat at paglalathala ng kanilang mga panitikan at produksyon
ng mga teksto. Subalit napakayaman sa diwa, talinghaga, at
pagpapahalaga sa kalikasan.

1) MITO

“Moonbeams”
Nonnette C. Bennet

2) ALAMAT

“The Origin of Fair Complexion and Fair Hair”


(isinalaysay muli ni Maria Luisa B. Aguilar – Cariño sa aklat na Cordillera Tales)

AKLAT

1) Ang Pangat, Ang Lupang Ninuno, at Ang Ilog – Itinatampok ang


kabayanihan at kultura ng pagkukuwento sa Cordillera. Ang anyo ng
katha ni Luz B. Maranan ay isang pagsasalaysay sa nakalipas ni Apong
Chumallig sa mga batang miyembro ng pamayanan tungkol sa buhay at
pagiging pangat (pinuno) ni Macliing Dulag. Dito ibinahagi ang
katapangan, kagitingan at ang pagkakaisa ng mga nagtutunggaliang
grupo ng Cordillera noon.
REHIYON XV
ARMM
(Autonomous Region in Muslim
Mindanao)

Lalawigan at Kabisera:

Lanao del Sur – Marawi City


Maguindanao – Magonoy
Tawi-Tawi – Bongao
Sulu – Jolo

 Cebuano at Maguindanao ang ginagamit na wikain.


 Maguindanao – na may ibig sabihin na “people of the floating plains.”
 Ang salitang “Sulu” ay galing sa “Sug” na may kahulugan na “water
current.”
 Ang “Tawi – tawi” ay galing sa salitang Malay na “Jaul” na ibig sabihin ay
“far.”
 Ang “Lanao del Sur” ay nangagahulugang “lake.”

JAMA MAPUN:
 Mapun ang tawag sa sambayanang nasasakupan ng isla ng Cagayan de
Sulu. Tinawag ang kanilang isla na “Jama Mapun” na ang ibig sabihin ay
lupa at ang kanilang salita ay “Pallum Mapun.” Ang Jama Mapun ay
nalalapit o nakakatulad sa Samal, kaya sila ay tinawag ng mga Tausug ng
Sulu na Samal Cagayan at Orang Cagayan o Badjao ng mga Muslim sa
Borneo. Ito ay matatagpuan sa isla na Bugsuk at Balak sa Timog Palawan.

PANINIWALANG ESPIRITWAL:
 Tuhan o Allah – ang pinaniniwalaan nilang Diyos, si Tuhan na lumikha
ng langit at lupa, ang unang lalaki ay si Adan at ang babae ay si Eba na
tinawag na “Hama.” Ang Allah ay ginagamit sa pang-araw-araw na
panalangin at pang – biyernes na liturhiya.

Dalawang utos ng buhay:

a) Haldinuya (itong mundo o ang buhay)

b) Balahirat (ang susunod na buhay o ang susunod na mundo)


PANITIKAN

Panitikang Pang – sining:

Kategorya:

 Agrikultura
 Tarsila o salsila (makasaysayang pangyayari)
 Pangrelihiyong Inspirasyon

1) LUNSAY (awit at sayaw) – ito ay isinasagawa ng mga lalaki at babae sa


hiwalay na linya. Ito ay para ring paraan ng panliligaw na idinadaan sa
pamamagitan ng sayaw. Ito ay may pitong maluluwag na paraan na may
kasamang pagpapalit ng tiyempo at direksyon ng kilos. Ito ay ang mga
sumusunod:

Tugilah o mabagal
Lingagayon o mabilis
Nilabas o mabagal
Halintaroh
Palubulabu
Tinggayon
Moleh

2) QU’RAN (Koran) – katumbas ng Banal na Kasulatan o Biblia ng mga


Kristiyano. Ang salitang “Qu’ran” ay mula sa salitang Arabic na “gara’a”
na nangangahulugang nangolekta ng magkakasamang bagay-bagay o
nabasa. Tinawag itong Qu’ran ng mga Muslim sapagkat ito’y koleksyon o
katipunan ng mga tuntunin, mga batas, mga kaugalian at mga
paniniwalang panrelihiyong panlipunan, pangkabuhayan at pampulitika.

Walang pari ang Islam kaya ang bawat Muslim ay obligadong malaman at
maunawaan ang mensahe ng kanyang relihiyon at ang mga aral nito sa abot ng
kanyang makakaya para sa kanyang ikapagtatagumpay at ikaliligtas.

You might also like