You are on page 1of 1

ANG HULING PRINSESA

(Ni Kara David)

Ang Pilipinas ay napakayaman hindi lamang sa likas na yaman nitong taglay kundi
ganun din sa kultura at kasaysayan. subalit ng dumating ang mga mananakop. Ang
mga taong nakakaalam ng ating kasaysayan ay halos naubos. Kayat sa panahon
ngayon hindi lahat ng ating kasaysayan bago tayo sakupin ng mga manankop ay
nalalaman pa natin , isa sa ating kasaysayan ang tungkol sa mga binukot .ng
mapanood ko ang dokumentaryo ni kara david subra akong nasiyahan dahil may
malalaman na naman akong bahagi ng kasaysayan. At nakakatuwang malaman na
sa hanggang ngayon may natitira pa sa mga binukot. Ang mga binukot ay mga
taong itinatago sa isang kubo at namumuhay ng parang prinsesa at ang tanging
nakakaalam ng kanilang epiko. isa sa ipinakitang binukot sa dokumentaryo ay si
lola Isiang. lagi siyang nakasuot ng belo upang hindi makita ang kanyang mukha.
At kailangan siyang buhatin sa pamamagitan ng duyan upang hindi sumayad ang
paa sa lupa. pinapaliguan, sinusuklayan at binibigyan ng pagkain para lamang sa
prinsesa subalit sa ganitong pamumuhay hindi man lang siya makapaglaro o kahit
makapsok sa paaralan .at ang tanging ginagawa ay sumayaw ng kanilang
katutubong sayaw a t kumanta ng napakahabang epiko. Kung iisipin masarap
mamuhay prinsesa. Subalit para sa akin nakakaawang tingnan si lola Isiang hindi
man niya natamasa ang kasayahang maging bata. subalit upang may magdala ng
kanilang epiko, kailangan niyang maging isang binukot. at dahil sa nangyaring
pananakop sa ating bansa ang mga binukot ang unang namamatay. dahil ang
mga paa ,kung kayat nagdesisyon ang mga magulang na wag gawing binukot ang
kanilang mag anak . subalit sa kabila nito paano na ang epikong matagal nilang
inalagaan? Nakakalungkot isipin na mawawala na ang isang bahagi ng kasaysayan
ng Pilipinas . ngunit sa kabilang banda may mga tao parin na pinapahalagahan
ang kanilang yaman . tulad na lamang ni frederico caballero at ang mga tao sa
kanilang barangay nakahanap sila ng paraan ng manatiling buhay ang kanilang
tradisyon sa pagpapatayo ng “Balay turua-an” nakakatuwa hindi na nila kailangan
pwersahin ang isang babae upang maging isang binukot nagpapakita lamang ito
na mapapanatili natin ang isang kayamanan katulad ng mga tagapanay (na tanging
binukot lamang ang nakakaalam )na mapapangalagaan natin ito sa maayos na
paraan. At hindi lamang iisang tao ang nakakaalam kundi ang buong tribu. Ang
makakapamuhay ng normal at makakasunod sa bagong panahon. Marahil hindi rin
magtatagal at mawawalan rin ang mga binukot sa ating bansa, subalit mananatili
ito sa ating kasaysayan habang may mga taong magpapahalaga nito.

You might also like