You are on page 1of 12

ABRIL 1997

MASIGlANG DANAS, MAGUNIGUNING


HAGAP: TRADISYONG PASALITA/PALIMBAG
SA PANITIKANG SARILI

SiMplicio P. BisA

Ang masig/ang danas 0 malumbay na demas. na


nagagawa pa ring nakafatawang danas -- na
nagsupling sa Filipino , at humubog sa Filipino-
ay nakapagtipon sa kaban ng panitikang sarili sa
pana-panahon ng pagkamalaya bi/ang katutubo ,
bilang sakop na naghihimagsik sa mga day uhan.
at bilang Filipinong nanindigang malasap ang
dating kalayaan_

"PAGSIKAT ng araw ay laganap ang biyaya. " Ito' y hagap na bunga ng


danas. isang pahayag na udyok ng guniguni, udyok ng diwa 't damdaming
umantig sa kaluluwa ' t katawang pinanday. pinapanday, ng mga
karanasan . At ang danas , ang karanasan , ay nagsupling ng hagap ,
nagsupling ng talinghaga - isang pahayag na metaporikal na
magpapatibay at patuloy na magpapasigla sa lahing Filipino, dumadanas
man siya ng hirap_ Ang pilosopiyang ito ay huhubog sa makatang Fili-
pino, at matutuklasan ng makatang Filipinong ito ang malaking
pananagutan niya sa kanyang bayan at Iilikha siya ng panitikang may
hiwatig ng pag-asa. At ang mga talinghaga ay patuloy na madaragdagan.
" Pag may dilim ay may Iiwanag. " " Pag may hirap ay may ginhawa. "
Sa Iikod ng ulap ay may nagniningning na sikat " At ang Filipino ay
makakangiti, makakatawa, makakahalakhak, anuman ang kalamidad na
dumating at darating pa sa kanyang buhay. Patuloy siyang magsisikap.
Lindulin man siya. bagyuhin, sumabog man ang mga bulkan, gunawin man
ang kabuhayan niya ng baha at lahar, ubusin man ng mga balang ang kanyang
palay na aanihin." "Ang kapalaran ko di ko man hanapin, dudulog, lalapit
kung talagang akin_ " At "kapag may tiyaga, may nilaga."
82 SIMPLICIO P. BISA

Obserbahan ang paligid. Sa kanayunan. Maagang gigising ang


isang karaniwang mag-anak . Lulusong sa bukid ang ama, kasama ang
makakatulong nang mga anak. Sisinupin naman ng ina ang mga naiwang
bakas ng nakaraang gabi, haharapin at paghahandaan ang daraang
maghapon, at kasa-kasama at kara-karamay ang maliliit pang mga anak,
makikipagtitigan sila sa realidad na hahantad sa paligid - ang kahirapang
magdamag ding ikinubli ng limot - sa pagtulog nila nang mahimbing, sa
panaginip ng magandang bukas na ipinipinta sa mga nakangiting mukha
habang naghihilik, habang sa malayo' y naririnig ang lagaslas ang tubig,
habang sumasanib sa pagbubulungan ng kalikasan ang taginting ng
gitarang sumasaliw sa isang haranista. Maya-maya pa' y maglalaro na
ang mga anak habang nagkakantahan; samantala, ang ina ay humihiging
ng isang oyayi habang pinatutulog ang kanyang bunso, maya-maya ' y ng
isa namang kundimang nagpapagunita ng kanyang kasibulan .
Sa tabing-dagat, ang magdamag na paglaot na mangingisda ay
sasalubungin ng asawa 0 ng mga anak upang pagpalain ang anumang
na su yod ng lambat . Ang iba pang nagkumpul-kumpol na sa
pagdaratingan ng iba pang dayo 0 naninirahan sa baybayin ay masiglang
sasalubong, makikitulong sa paghawak ang kalalakihan sa pagpigil nang
mahigpit sa lubid upang makasadsad ang hinahatak na malalaking
bangkang pangisdaang naglalaman ng maraming huli . Tila larawan ng
pagtutunggali ng tao at ng karagatan - at naroon silang lahat, masasaya,
nagkakatuwaan, maiingay sa halu-halong usapan, kantyawan, biruan,
halakhakan - asawa, kapatid, bayaw, pamangkin, anak, dayong
mamakyaw, mamimili, at iba pang aamot ng maliliit mang isda (lamang-
tiyan din iyon) .
Samantala, ang mangingisda at magtitinda na rin, ay aawit habang
binibilang nang dala-dalawa 0 lima-lima ang mga isdang inililipat sa
manlimili :
" Isa nama' y isa / dalawa nama ' y dalawa, / tatlo nama 'y tatlo, /
apat nama ' y apat.. ."
At magpapatuloy siya sa masayang pagbilang na paawit, sa himig
na narinig na niya noon, sa pagtulung-tulong sa kanyang mga magulang
- pamanang nagpasalin-salin mula sa kanilang kanunu-nunuan. At
a.ng pagsalin-salin ng hanapbuhay mula sa ama ay magpapatuloy din,
kasama ang mga kinagawian at hilig, at ang tradisyon at ang kulturang
ginagalawan.
Ibig kong isipin ang sinabi ni T. S. Elliot (1962 : 45) kaugnay ng
tinatawag na kultura:
MASIGLANG DAN AS , MAGUNIGUNING HAGAP 83

The primary channel of transmission of culture


is the family : no man wholly escapesfi-om the kind, or
wholly surpasses the degree, of culture which he ac-
qUiredfrom his early environment. It would not do to
suggest that this can be the only channel of tram'mis-
sian: in a society (~f any complexity it is supplemented
and continued by other conduits (~ftradition. x x x x x
In more civilized communities (~fspecialized activities,
in which all the sons would follow the occupation of
their father, the apprentice did not merely serve his
maste/~ and did not merely learn from him as one would
learn il1 a technical school- he became assimilated into
a way (~f life which went with that particular trade or
craji: and perhaps the lost secret of the craft is this,
that not merely a skill but an entire way oll!fe was
transmitted.

Nangangahulugan ito, samakatwid, na ang anak ng magsasaka at


ng mangingisda, sa pagpapalaot nila sa lalong mala\ovak pang karagatan
ng buhay ng pakikipagsapalaran, ay masasangkapan ng bagong kultura
at sa pagbibihis ng modernismo sa kanilang pagkatao matututuhan na
rin nila ang sllmunod sa mga kahingian idinidikta ng bagong kapaligiran .
Nagtaglay na sila ng mga karunllngang pinagpakadalubhasaan, pati na
rin ang mga gawi at palakad kaugllay ng mga bagong sangkap na dunong.
Bagaman , masasabing ang mga anak na ito ng nayon , sa kanilang
pagdalaw sa mga dating pook ng kanilang kamusmusan, sa tabing-dagat
ng mga makuklilay na alaala, 0 sa bllkid na sumaksi sa kan yang
pagbibinata, ay makatutuklas na ang kanilang sarili ay hindi pala naman
ganap na naagaw ng makabagong kultura. Nasa kanila pang kamalayan
at awtomatiko pa rin ang pagtugon sa mga pagkakataong humihingi ng
mga payak na gawi ng paggalang, pagkamasunllrin, at pagkamababang-
loob: gusto pa rin pala nilang umawit at tumula - mga tatak ng pagkatao
at mga hilig , na naitanim nang malalim at matibay na nag-lIligat sa lIbod
ng kanilang pagkatao. Kabuuan pa rin sila ng mga nilalang na
pinaglagakan ng kinamulatang tradisyon at mga katangiang hereditari
na nasasangkapan naman nga yon ng mga bagong naangking mga
pamamaraan sa buhay. At, alam na alam pa nila - laman pa ng kanilang
dibdib - ang mga pilosopiya ng mga niIltll10 nila: "Ang di lumingon sa
pinanggalingan ay di makakarating sa paroroonan ."
84 SIMPLICIO P. BISA

Sa bahaging ito ay ibig kong linawin ang mga dahilan kung bakit
ako bumabanggit ng mga bagay na nasasaklaw ng mga paksang Iipunan
at kultura, bukod pa ang pagtukoy sa mga paksang bayoloji ; maidaragdag
pa rin dito ang mga paksang nauukol sa histori. Sa kabuuan ay gagamitin
ang isang larangang makapagpapahiwatig kung hindi man ganap na
makapagpakita sa mga dahilan kung bakit ba ang mga Filipino ay
binabansagang isang lahing masayahin , isang lahing tila hindi
nakakaranas ng kahirapan , laging nakakangiti, nakakatawa ,
nakakahalakhak, sa harap ng mga problema ng bayan na panlipunan at
pangkabuhayan Bakit ba madali silang makapagpatawad, at madali
ring makalimot sa mga nangyari sa kanilang mga kapaitan sa buhay?
Bakit ba sa kanilang mga kabiguan ay nangingibabaw pa rin ang
kasiglahan ng kaluluwa? Bakit ba sila mahilig sa musika? Bakit nila
naiibigan ang tugmaan 0 ang patulang pagpapahayag ? Ang mga
katanungang ito, hUl11igit-kumulang, ay nasagit na sa aking introduksyon.
Subalit ang l11ga kasagutang ilalahad ko , sa bahaging ito, ay magigmg
isang pagsusuri na gagamitan ng ilang teorya ng antropoloji - ang
larangang binabanggit ko . Sa pamamagitan ng antropoloji ,
l11akapagpapahiwatig (0 makapagpapaliwanag na nga) kung bakit sa
kabila ng mga suliranin ng lahing Filipino ang mamumukod pa rin sa
puso't diwa nila ay aug masisiglang danas at maguniguning hagap ,
kambal na sangkap na masasalamin sa sariling panitikan .
Ano ba ang antropoloji'l Ganito ang sagot ni Kroeber (1984: 1-2) :

Anthropology is the science olgroups olmen and


their hehavior and production. This will include any
findin gs on the total human species since this consti-
tute an aggregate (~l races or peoples. a sort of super
group or total society. x x x x x In practice. anthropol-
ogy is most~y classified as heing hoth a hiological sci-
ence and a social science.

Ang tao ay isang kakaibang nilalang . Taglay ni ya ang mga


kakayahang makapagsalita, makabuo ng sagisag, at makapagbigay ng
paghahalaw 0 paglalahat. Sa pamamagitan ng mga magkakaugnay na
kakayahang ito ng tao, naipahayag niya at naipahahatid ang l11ga
natutuhan na ni ya at l1agawa na sa kanyang mga kasamahal1, sa kanyang
mga inapo - at kahit pa rin sa kanyang mga nil1llllo. Kung sila' y buhay
pa at handang makinig pa sa kanya . Kaya nga naisasalin niya sa
sUlllusunod na henerasyon tao ang kanyang idea, ugali at nagawa .
MASIGLANG DANAS , MAGUNIGUNING HAGAP 85

Tinawag ni Kroeger ang tao na time-binding animal, " He binds time by


transcending it through influencing other generations by his actions " .
Ngayon ay balikan natin ang kasaysayan ng lahing Filipino. Alamin
natin kung paanong ang mga natutuhan at nagawa na ng ating mga
ninuno ay naihatid nila sa kanilang mga kasamahan at mga naging inapo .
Alamin natin kung bahagi ang kasiglahan ng mga naging karanasang
bumalot sa mga idea, ugali at nagawa ng mga katutubo at kung ang mga
iyon ay naisalin sa sumunod na henerasyon.
Sa artikulo niyang " Sulayman's Manila" (Rediscovery: Lumbera
at Maceda I 9S3: 28-30), sinabi ni Eric Casino na sa maraming dantaon ,
bago pa dumating ang mga Indian, Intsik at mangangalakal na Arabo,
masagana ang buhay ng mga katutubo at ang mga paniniwala at mga
ritwal nila ay nagpapahayag ng matiim na paggalang sa mga pwersa ng
kalikasan at sa kahalagahan ng pagsasamahan. Ang marami sa mga
unang anyo ng kanilang pananal11palata~; a at pakikipagkapwa ay
nakasentro sa pagtatagayan ng katutubong alak (rice-wine) at ang
silllbolikong ritwal ng pagkakaibigan at pagkakapatiran ay ginagawa sa
pamamagitan ng sanduguan. Sapagkat ang mga pagdiriwang ng
pagtatagayan ng alak ay siyang ubod ng itinuturing na katuturan ng
tradisyonal na Iipunan, nanatili ito sa loob ng marami pang dantaon sa
kabila ng pagpasok ng mga relihyon at mga kulturang dayuhan Ang
mga unang engkwentro ng mga Filipino at mga dayuhan at natakdaan
ng retorika at protocol ng tagayan ng alak at sanduguan. Si Magellan
sa pakikipagsanduguan kay Humabon ng Cebu, si Legazpi kay Sicatuna
ng Bohol , si Goiti kay Sulayman ng Mayniia. Ang mga ganitong
pagpapahayag ng katuvvaan , kasiglahan at hospitalidad, maging relihyoso
man 0 diplomatiko ang I11ga okasyon ay matatagpuan sa mga l11atatandang
komunidad ng Luzon, Visayas at Mindanao. Kilala ang mga tribo ng
mga Igorot at ang mga Tagalog at ang kaniiang tapuy, ang I11ga I1ocano
at ang kanilang Basi, ang Subanun at ang kanilang gasi, ang mga Manobo
at Bisaya at ang kanilang tuba. Iniulat ni Padre Francisco Colin, S.J.
isang misyonero sa Visayas at Mindanao noong ika-17 siglo sa kanyang
librong Labor evangelica ang tungkol sa " Lahing Katutubo at ang
kanilang Illga Ugali " (sa pagkakasipl ni Edilberto Alegre sa kanyang
lnuming Pinoy: 1992) Ang Illga katutubo, anya ay kaunti lalllang kung
kUlllain ngunit lubhang manginginom, at kapag sila'y naiimbitahan sa
mga bangkete, niyaya sila para ulllinom ng alak at hindi para kumain.
Marami silang nauubos na oras sa kainan at inuman. Kapag sila' y puno
na at busog na rin, inaalis sa gitna ng kabahayan ang mga ginamit na
mesang pinagkainan at sila'y nagkakantahan , maglalaro at
86 SIMPLICIO P. BISA

magsasayawan . Sa kanyang anotasyon kay Colin, ipinaliwanag ni Pa-


dre Pastells na ang mga kantahin ay ang mga popular na tradisyunal ng
mga awitin tulad ng cundiman. cumin/an. halitao. saloma at ang
falindao. Ang ibang kantahin ay inaawit laman , ang iba naman at
inaawit habang sumasayaw. Ang buong magdamag nila ay inuubos sa
gitna ng katuwaan , kaingayan, sigawan at pagkakantahan, hanggang sa
sila ' y mabuwal na sa pagod at antok. Ayon kay Colin bihirang
magkaroon ng kagalitan 0 pag-aaway; ang kabaligtaran pa nito 'y
pagpapanatili ng paggalangan at pagkukubli ng masasamang ugali . At
saan mang may nag-iinuman, ang sinasabi 'y " kapag umiinom , huwag
ilagay sa ulo kundi sa ti yan ."
Sa pagdating ng mga Kastila, napasigla pang laic ang mga
pagdiriwang. May mga fiesta para sa mga pangunahing santo at santa
na nakalista sa kalcndaryong Katoliko at ang mga fiestang ito ay
ipinagdiriwang nang buong rangya. Sinasabi ni Zaide (sa Batacan 1977 :
36 -40) na may ibang fi esta na ipinagdiriwang tulad ng mga anibersaryo
ng pagtatagumpay sa pakikidigma ng Illga Kastila at iba pang
Illakasaysayang pangyayari , kabilang pa ang Illga kaarawan ng Papa,
mga hari , arsobispo, gobernador at kapitan-heneral. Sa mga ganitong
kapistahan ay namamayani ang masisiglang rugtugan , buong araw na
handaan, pagtatanghal ng mga pinapuputok na lusis at kuwitis , feria ,
prusisyon at pagtatanghal rin ng c0111edia 0 zarzuela.
Sang-ayOl1 naman kay Eufronio Alip sa 365 araw sa isang taon ,
mayroon tayong 165 na 111ga araw ng 111ga idinaraos para sa 111ga fiesta
at mga fiesta opisyaL kabilang na rito ang pag-oobserba sa pagdiriwang
ng Kapaskuhan na inoobserba natin mula ika-15 ng Dis ye111bre hanggang
makaraos ang Bagong Taon (Batacan 36).
Ang ganitong kapaligirang naghul111a ng mga tradisyong katutubo
at dayuhan a y naasimila ng katauhang Filipino at sa kan yang
pakikipamuhay sa lipunang mapagmagandang-loob ay napanday siyang
l11asayahin at mapagwalang-bahala. Hindi nga ba 't sa harap ng anumang
susuunging kagipitan 0 pagpapasyahang anuman, ang pampalakas-Ioob
ni ya'y ang kawikaang " Bahala na ". Ang naging l11alimit niyang
pakikisalamuha bilang prinsipal na partisipant 0 tribo ng nagdaraos ng
pagdiriwang, anuman iyon-binyag. paghingi ng bi yaya, pag-aasawa,
pakikidigma, pakikiramay sa kal11atayan ng isang kasamahan, sa
anumang mga pagkakataong nagdaraos ng mga ritwal noong panahong
una, ay nagpasigla sa kan yang kaluluwa, at si ya'y naging palangiti,
palatawa, palabati at ang l11ga ito' y namana ng kanyang angkan at ng
kanyang lahi . At ang masisiglang danas na ito 'y nagbigay ng panukat
MASIGLANG DANAS , MAGUNIGUNING HAGAP 87

ng pagpapahalaga sa kanyang mga epiko. Bagaman ang mga epiko 'y


pumapaksa sa pakikipagsapalaran at pakikipagdigmaan, taglay ng mga
ito ang iJang katangiang nakapagdudulot ng aliw at kasiglahan sa mga
nakikinig. Sa kanilang antolohiya ng mga panitikang ASEAN: Mga
Epiko ng Pilipinas binabanggit ni Jovita Ventura ang sumusunod na
mga katangian kung bakit naging kaaliw-aliw ang epiko. Ang mga ito 'y
ang mga sumusunod: (1) ang pagiging awit ng epiko; (2) ang
pakikipagsapalaran ng bidang naging kahanga-hanga, (3) at ang
pagkakaroon ng elemento ng kahiwagaan tulad ng pagkakaroon ng mga
diwata 0 anito at mabubuting espiritu (Castro, et al. 1985: 40).
Sa pagdatil1g ng mga Kastila, na pagpakilala ng mga awiting
Europeo at ng higit na makabagong tugtuging naghahatid ng mga
melodiyal1g lubos l1a kagigiliwan ng bayan, naaliw siya ng mga
makabagong comedia at zarzuela at nalikha ang kanyang sariling awitin
at tula na naglalangkap ng katutubo at ng dayuhan . Ang dakilang
makatang Filipino, si Balagtas, ang kilala sa kanyang Florante at Laura
ay sumulat ng isang sainete, ang "La India Elegante y El Negrito
Amante" na tumiyak sa atin na siya 'y hindi naman isang seryoso lamang
na makata. Makatatawa siya (isang tawa marahil na nang-uuyam) sa
isang sistema ng lipunang tumitingin sa lahi at kulay ng balat.
Mahalagang banggiting ang panahon ng Kilusang Propaganda na
pinagsilangan ng mga tula ni del Pilar - mga parody ng mga dasal-
sa hangaring l11aupasala ang mga prayleng nagsasamantala sa mga
debotong kababaihan at sa pagkolekta ng sal aping kapalit ng mga
serbisyong relihyoso. Sa paraang pauyam, ay naging katawa-tawa (at
malakas lllarahil ang naging tawa ni del Pilar) habang binabatikos ang
masasamang fraile sa "Amain namin" at "Aba Ginoong Barya".
Hatid naman ng higit na lllapagpalayang mga Amerikano ang
kakaibang kulturang naging lllakabagong hamon sa sensibilidad na
katutubo. Ngunit, anuman ang mga kabaguhang naasimila, ang tradisyon
na naroon at hindi nawawala. Naiibigan pa rin ng Filipino ang
maguniguning hagap ng ating sariling panitikan, maging sa kathang
pandulaan 0 kathang pampelikula.
Si Nicanor Tiongson, sa kanyang "Four Values in Filipino Drama
and Film" (Rediscovery nina Lumbera at Maceda 1983: 321-323) ay
nagsabi na ang mga komedyang itinanghal noong panahon ng Kastila ay
nagbigay ng katuwaan sa mga manonood dahil sa mga batalya 0 mga
labanan ng mga nagtutunggaling mga kawal na Muslim at Kristiyano.
Sa himig ng carranza na sinasabayan ng mga hakbang na curacha sa
88 SIMPLICIO P. BISA

saliw ng musikong bumbong aliw na aliw ang mga manonood sa bahagi


ng paglalaban kung kayat ang bahaging ito ay umuubos sa kalahati ng
buong dula. Ang patunay na kasangkot ang manonood sa tagpong ito
ay masusukat sa kanilang pagtili, pagsigaw, paghahagis ng salapi 0
pagkantyaw sa mga gumaganap. Sa pagtatanghal naman ng senakulo,
ang nakapagbibigay-aliw sa panonood ay ang pagtawa at pag-iyak pa
rin naman nila. Sina Judas, Barabas , at ang iba pang kontrabida sa
buhay ni Jesus, ang nakapagdudulot ng sigla, aliw at halakhak. Kaya,
si Judas ay maaaring sumayaw at umawit ng mga popular na awitin
habang ipinagbibili si Kristo" samantala, si Barabas ay maaaring
magsayaw na tulad ng isang gago . Sa kabilang dako, ang kababaihan
nama' y nakakaranas ng catarsis sa pagluha nila sa sandaling si Kristo
ay hinahagupit, sinasampal 0 sinisipa ng malulupit na Hudyo (Tiongson:
323).
Ang maguniguning hagap at masiglang danas ay kambal na
katangian ng masayang panitikan . Magbasa tayo ng mga unang an yo
ng tula - mga gintong karunungang nagpasigla sa kaluluwa: ang mga
salawikain, sawikain, kawikaan 0 bugtong . Sa mga bata, at mga
kabataan, sa kanilang paglilibang, pagtutuksuhan 0 pagpapaJigsahan, ang
mga ito ' y tumutugon sa mga tulang masisigla, mga tulang hinango sa
mga karanasang masasaya. Pansinin ang mga payak na kagandahang
tag lay ng mga tugma at talinghaga ay tumutukoy sa kalikasan, ang
paboritong paksa ng ating mga ninuno: I. Pung, pung, kasili / ipinanganak
sa kabibe, ano allg anak? Babae 2. Bata, bata / pantay lupa / asawa ug
pal aka 3. Putak. putak / batang duwag! Matapang ka ' t nasa pugad . 4.
Tiririt ng maya, tiririt ng ibon / ibig mag-asawa 'y / walang ipalamon .

Mga salawikain:

I. Utos na sa pusa / utos pa sa daga


2. Kasama sa gayak / di kasama sa lakad
3. Ang maniwala sa sabi-sabi, walang bait sa sarili
4. May tainga ang lupa / may pakpak ang balita
5. Bago mo pahirin ang sa ibang uling / ang dungis mo muna ang
iyong pahirin
6. Bahay man ay kubo / at laman ay tao / mabuti kaysa bahay na
bato / na ang laman ay kuwago
MASIGLANG DANAS, MAGUNIGUNING HAGAP 89

Mga bugtong mula sa VocabuLario de La Lengua TagaLa nina Juan de


Noceda at Pedro de Sanlucar:

I. Pasaan ma 't pasaan man I daladala ang bahay (cohol)


2. Maputing dalaga I nagtatalic sa lila (bulaclac)
3. Bumbong cun liwanag I Cun gabi ay dagat (banig)
4. Di man sa ragat mamangca I nacahuhuli ng isda (bantilan)

Iba pang bugtong mula sa aklat ni Efuronio Alip:

I. Buto ' t balat I lumilipad (saranggola)


2. Dalawang balon I hindi malingon (dalawang tainga)
3. Taong buhay I inaanay (bulutungin)
4. Isang bayabas I Pito ang butas (mukha)
5. Umupo si ltim I sinulot ni Pula I Lumabas si Puti INa tatawa-
tawa (sinaing)
6. Eto na si Kaka I pabuka-bukaka (gunting)

Mga kantahing-bayan, tulad ng sagutang-awit:

Lalaki: Ako 'y ibigin mo ' t lalaking mabait I hindi namamalo kung
hindi magalit.
Maghanda ka lamang ng bigas at tubig / Santaon mang araw I Di
ka mapilantik.
Babae : Ayokong-ayoko sa lalaking tamad I susugal , sasabong,
iinom ng alak.
Pagdating sa bahay, babali-baligtad l Ang pobreng asawa ' y siyang
binababag.

Isang awiting nanunukso:

Si Ale kong Neneng, naligo sa ilog Isang kaskong bato ang dalang
panghilod Nagkabiyak-biyak, nagkadurug-durog Hindi pa naalis ang
Jibag sa likod.

Kundiman ngunit nagpapatawa:

Doon po sa aming maralitang bayan/Nagpatay ng hayop , niknik


ang pangalan
YO SIMPLICIO P BISA

Ang taba po nito ay ipinatunaw/lumabas na langis , siyam na


tapayan. Ang balat po nito ay ipinakorte, ipinagawa kong silya't taburete
Ang uupo rito'y kapitang pasado ' t, Kapitang lalaking bagong
kahalili

(Mula sa Pani/ikan ng Rebolusyong 1896. Isang Paglingon at


Katipunan ng mga Akda nina Bonifacio at Jacinto , Virgilio S.
Almario)

Mga tula ng kasalukuyang panahon:

Andres Bonifacio I Standing on the bato I Is holding a bolo I and


cutting the ulo.
Si Eba, bago I Nipot and diyablo I upang manukso I naghihinguto
I sa Paraiso

Mula sa Ang Sining ng Tufa.' Mga Sanaysay sa Panunuring


Pampanilikan. ni Epifanio San Juan , 1975:

Basahin ang kasunod na tula ni Amado V. Hernandez.

May katok sa pinto I " Sino 'yan') paungol na tanong sa loob


" lto ho ' y kubrador'· . I Wala nang tumugon.
Inulit ang katok I hanggang sa ang pinto 'y
marahang nabuksan I Anang tinig: "Tuloy"

Nasok ang kubrador I ngunit napaigtad I umurong na mandi'y


natuka ng ahas
Ang mata 'y lulundag lAng tangang resibo ' y I sa sahig nalaglag
siya'y sinalubong ng babaeng hubad. ("Ang Kubrador")

At si Virgilio Almario, mula sa kanyang pananaliksik kaugnay ng


panitikan noong panahon ng himagsikan:

Bugtong: Ang bahay ni Ka Tale/Haligi 'y bali-bali.


Ang bubong ay kavvali/Ang loob ay pusali .(p.29)

Tulang Pambata: Andres Bonifacio)Standing on the Batol


is holding a bolo.lCutting the ulo .
MASIGLANG DANAS , MAGUNIGUNING HAGAP 91

Bahagi ng isang tuJa:


Si Eba, bagolNipot ang diablo
Upang manulso/naghihinguto/Sa Paraiso.

At ang kasiglahan ng diwa, bunga I1g masiglang danas, ay


magpapatuloy na gigiit: sa alinmang panahon: sa panahon ng kilusang
propaganda; gunitain ang mga parodiyang " Amain Namin" at ang "Aba
Ginoong Barya" ni del Pilar; hagipin sa alaala ang ilang mga tagpo sa
Noli Me Tangere at EI Filibusterismo ni Rizal at maging ang nasimulan
na niyang nobelang Tagalog-ang Makamisa. Mga katha itong
naglantad sa mga tauhan ng mga "hypocrisies and immoralities of the
friars". Sa panahon ng Himagsikang Filipino-Amerikano, ganito ang
sinasabi ni Lumbera (276-27) sa kanyang "Pop Culture as Politics" :

The period o/the Philippine-American War saw


young writers who were heirs of the Revolution of
1896 continuing the use ofpopular culture, this time
against the new colonizers. Aurelio Tolentino and Juan
Abad employed allegory. which Spanish missionar-
ies had used in religiOUS plays and civic pageants, to
inflame audience against American colonialism and
its native collaborators. The Spanish zarzuela. intro-
duced in the latter half of the nineteenth century, was
indigenized into musical theater that glorifies the ide-
als of the revolution and later, poked/un at Filipinos
caught up in the accelerating pace of Americaniza-
tion.

At tuloy ang masayang palabas. Sa nakalipas at maging sa


kasalukuyan , ang obsesyon sa kung ana ang makapagpapasaya,
makapagpapasigla, ay mabibigyang-kaganapan sa sinasabi ni Tiongson
(321-323) sa ang ingredients na " bakbakan , sayawan, kantahan ,
tawanan". Pagpapatunay sa magunigunillg hagap bunga ng masiglang
danas sa lahing Filipino. At ang makatang Filipino, ang manunulat na
Filipino, na isinilang na masayahin, sa kapaligiran ng kasiglahan ng
kanyang kapwa Filipino, ay magpapatuloy - hindi mapipigilan - sa
kanyang pagpapatawa, panunudyo, at pagbibiro.
92 SIMPLICIO P. BISA

BIBLIOGRAFI

Agoncillo, Teodoro A. 1980. Ang Pihpinas at ang mga Pilipino: Noon


at ngayon. Quezon City: R.P. Garcia Publishing Co. , Inc.
Alegre, Edilberto N. 1992 . Ganito kami noon, ganito pa rin, kami ngayon
still ever as time passes, Inuming Pinoy Metro Manila: Anvil
Publishing Inc.
Almario, Virgilio S 1993. Panitikan ng rebolusyong 1896: Isang
paglingon at katipunan ng mga akda nina Bonifacio at Jacinto .
Maynila: CCP.
Angeles, Epifania G. et.a\. 1971. Ang panulaang Tagalog . San Juan,
Rizal: Limbagang Pilipino.
Batacan, Delfin Flandez . 1977 . Too many fiestas , The Filipinos take a
' second look at themselves. Manila: Publishing Co.
Cuasay, Pablo M. 1973. Kaalamang bayan at kalinangang pamana ng
lahi . Mavnila: National Book Store.
De Leon, Felipe Padilla. 1969 . Poetry, music and social conscious-
ness. In Philippine Studies: A Quaretly. Q. C: Ateneo de Manila
University Press.
Eliot, T. S. 1962. Notes towards the definition of culture. London :
Faber and Faber Limited .
Flores, Simplicio at M. Enriquez . 1973. Sampung dula na tig-iisang
yugto . Manila: Philipppine Book Company.
Kroeber. A.L. 1984 . Anthropology: Culture patterns and processes.
U. S. A Harcourt, Brace and World, Inc.
Mendez, Paz Policarpio . 1978 . Isang pagsusuring sikolohikal sa mga
katata'vvanan ng mga kabataan. In Sikolohiyang Pilipino .
Lilia Antonio (ed). Q.C: Unibersidad ng Pilipinas.
Noceda, Juan de at Pedro de Sanlucar. Vocabulario de la lengua Tagala.

You might also like