You are on page 1of 1

Taon taon kami kung magpunta sa Villa escudero.

Tuwing matatapos ang Holy week kasama ang mga


angels na sumasayaw sa Cathedral tuwing Pasko ng pagkabuhay. Isa sa mga kilalang pinupuntahan ng
mga turista ang villa escudero Plantations dahil bukod sa maganda itong puntahan sa tag init ay
mapapakita rin ditto ang mga natatanging kultura at kasaysayan ng Pilipinas.

Makikita mo ang mga puno ng niyog bago sumapit ang pinaka gate nito. Sa pagpasok ay makikita mo
agad sa bandang kanan ang kanilang waiting area na halos gawa sa kawayan. Habang naghihintay ay
aabutan ka ng masarap na palamig ng mga staff na may ngiti sa kanilang mga labi. Palakaibigan ang
mga tao rito at madaling lapitan. Sa gitna ng waiting area ay ang mapa ng buong Villa Escudero.

Pagkalabas mo ng waiting area maglalakad ka lang ng kaunti ay mararating mo na ang museo. Tila ba
para itong malaking simbahan na may malaking chandelier sa itaas. Makikita mo ang iba’t ibang santo
sa unang palapag. Sa ikalawang palapag naman ay mga antigong gamit. Mga lumang kasuotan, pera,
plorera at marami pang iba. Marami kang matututunan at malalaman tungkol sa mga kagamitan sa loob
na kinolekto pa mula noon hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo.

Mula sa museo kung nais mong magpunta papunta sa kilala nilang waterfall restaurant ay kailangan mo
pang sumakay sa kalabaw. Nakakatuwa ito dahil may mga pangalan sila na sina Marikit, Maganda,
Sexy at iba pa. Isa pang kagigiliwan mo rito ay meyroong musikero sa likod at may kumakanta kaya di
ka mababagot sa byahe mo.

You might also like