You are on page 1of 2

Epekto ng Maagang Pagbuuntis

Ang Maagang Pagbubuntis o teenage pregnancy ay isa sa mga kinakaharap na problema ng


pilipinas noon hanggang ngayon. Ito ay sa kadahilanang maraming bata ang may kuryosidad sa
pakikipagtalik at kaunti lamang ang mga bagay na nalalaman nila ukol sa sex-education. Kasama
na rin dito ang dahilan ng paghinto ng mga kabataan sa pag-aaral dahil sila ay umaasa lamang sa
kanilang mga magulang. Dahil din sa teenage pregnancy ay nag ambag ito ng 10% sa pagtaas ng
populasyon sa ating bansa (RadyoMaN Manila, 2021).

Ano nga ba ang dahilan kung bakit nangyayari ang teenage pregnancy? Ayon kay Antonio (2021)
Isa sa mga dahilan ay ang peer pressure na madalas ay nakukuha natin sa ating mga kaibigan.
Dahil akala ng mga kabataan ay ang pakikipagtalik ay magpapamukha sa kanila na “cool” o
naayon sa uso. Pangalawa ay ang paglalasing, ang pag-iinom ng alak ay maaring maiuwi sa hindi
gustong pagbubuntis. Sapagkat, kapag ang alak ay pumasok sa ating utak ay hindi na natin alam
ang ating nagagawa at hindi na nito kayang kontrolin ang bugso ng damdamin. Pangatlo, ay ang
personal na problema. Ang kabataan na may problema sa pamilya ay sa mga barkada
naghahanap ng kalinga at atensyon (Barros, 2023). Sinasabi na sila na lang ang Karamay sa
buhay at nag sisimula nang mag rebelde.

Sa pagsusuri ng Philippine Statistics Authority o PSA, isinaad doon na sa pangkat na edad na 15


hanggang 19, ang may edad na 19 ang angtala ng mayroong pinakamataas na rekord ng teenage
pregnancy noong 2022 na may 13.3%. Bumaba naman ito ng 9.1% mula sa 22.4% noong 2017.
Sa pangkalahatan, bumaba ang teenage pregnancy mula 8% noong 2003 hanggang 5.4% noong
2022 (Alibuyog, 2023). Dito natin masasabi na bumaba ang porsiyento ng teenage pregnancy
ngayon kaysa noon, ngunit kailangan pa rin natin itong mas pababain. Sa paanong paraan?

Unang una ay pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa sex-education, bilang isang teenager, alam
natin na sa pilipinas ay hindi masyadong tinuturuan ang mga bata sa sex-education, ngunit
maaari tayong magpaturo sa mas nakakatanda sa atin or maghanap tayo ng mga impormatibong
teksto sa internet. Kabilang na dito ang paggamit ng birth control pills or condom na pang kontra
sa pagbubuntis. Pangalawa, pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa Family planning. Sapagkat,
karamihan sa mga bata ay mga walang trabaho at walang pangbuhay sa kanilang mga anak.
Tinatawag na lamang itong “Blessing” pero hindi pa pala sila handa sa pagiging isang ganap na
magulang. Para bumuo ng isang pamilya ay kailangan natin maging pisikal, emosyonal at
pagiging matatag sa pananalapi para sa kinabukasan ng inyong magiging anak. At pangatlo,
bilang mga magulang hikayating kausapin ang inyong mga anak tungkol sa tamang panahon ng
pagpapamilya. Ang aral ay nag uumpisa sa ating tahanan at ang magulang ang nagsisilbing guro
upang tayo’y gabayan (Reguma).
Kaya’t bilang anak ng ating mga magulang, hikayatin natin na mag isip ng mabuti bago gumawa
ng mga bagay na tayo lang din ang mahihirapan. Tandaan na ang pagkakaroon ng anak ay isang
malaking responsibilidad na hindi lamang ito basta basta. Kaya’t panahon na para bigyan ito ng
aksyon at hindi lamang isawalang bahala.

Reference:
https://rmn.ph/populasyon-ng-pilipinas-posibleng-sumampa-sa-mahigit-112-million-pagsapit-ng-
2022-unintended-at-teenage-pregnancy-pinatututukan/
https://pagbubuntis.com/teenage-pregnancy/
https://buntis.info/maagang-pagbubuntis/
http://rssocar.psa.gov.ph/article/special-release-2022-national-demographic-and-health-survey-
ndhs-key-indicators-teenage
https://www.scribd.com/document/414466231/Teenage-Pregnancy#

You might also like