You are on page 1of 1

KAHULUGAN, KAHALAGAHAN, PINAGMULAN AT MGA KATANGIAN NG WIKA

Ang wikay kasangkapang ginagamit ng lahat ng uri o antas ng tao sa lipunan


Nagagamit ito sa ibat ibang aspekto ng pamumuhay ng tao; pang ekonomiya, panrelihiyon, pampulitika, pang eduaksyon at
panlipunan. Ang wikay nawawala at namamatay kung nauubos o umuunti ang minoryang pangkat na gumagamit ng nasabing
wika ngunit patuloy naman itong lumalaganap, umuunlad at nagbabago kasabay ng pagunlad ng mayoryang pangkat na
gumagamit nito.
Masasabing mahigit pa sa isang mirakulo ang pagkakalinang ng wika. Itoy nagbuhat sa isang di-pangkaraniwan, kahanga-hanga
at masalimuot na sistemang sumasabay sa tao sa kanyang pag-unlad. Habang umuunlad ang tao, nalilinang ang wikang
bumabagay sa kanyang mga pangangailangan sa buhay. Maraming paraan ng pakikipagtalastasan ngunit pinakamabisa at
pinakamahalaga ang wika sapagkat buong linaw na naipahayag ng tao ang lahat ng kanyang nasa isip at nadarama.
Pinauunlad ng tao ang wika at wika naman ang nagpapaunlad sa tao. Bawat bansa sa lahat ng bahagi ng daigdig ay may sariling
wikang ginagamit sa pakikipagtalastasan. Ang isang bansang malaya at maunlad ay may wikang maunlad at malaganap.

Sa tulong ng wika, ang isang taoy makapamumuhay nang maayos at maigagapang niya ang kanyang sarili sa kanyang
kapaligiran.
Lubhang mahalagang papel ang ginagampanan ng wika sa isang bansa. Malaking tulong ito sa larangan ng edukasyon upang
hubugin ang kabuuang pagkatao ng isang nilalang;na siyay maging isang taong maka-diyos, makabayan, makatao at
makakalikasa. Itoy makakatulong din sa isang tao sa kanyang pakikisalamuha sa kanyang mga kapwa tao sa lipunang kanyang
ginagalawan. Sa tulong ng mabisang paggamit ng wika, magtatagumpay sa kanyang propesyon o hanapbuhay ang isang
mamayanan.
Ang wikay isa sa mahalagang salik na makakatulong sa pag-unlad ng isang bansa.
Itoy isang mabisang instrumento sa pambansang pagkakaunawaan at pagkakaisa.
Tinatawag na linggwistika ang agham ng wika. Ang taong dalubhasa sa wika ay tinatawag na dalubwika o linggwista. Ang
dalubwika ay nagtataglay ng di-pangkaraniwang kaalaman at kakayahan sa pagsusuri ng wika. Ang isang tao namang marunong
ng maraming wika ay tinatawag ng polyglot. Hindi maaaring tawaging dalubwika ang isang polyglot kung hindi siya
nagpakadalubhasa sa wika.
May paniwala ang mga antropologo na kung mayroon mang wika ang mga kaunahang tao sa mundo, ang naturang wika ay
masasabing kauri ng wika ng mga hayop. Ang paniwalang itoy hindi mapasusubalian kung may katotohanan ang mga unang
taoy namuhay noong panahong iyon na katulad ng mga hayop. Ang kaibahan lamang ng tao sa hayop ay ang kanyang angking
talino na higit na mataas kaysa hayop.
Sa tulong ng taglay niyang katalinuhan, tuluyan na niyang naibukod ang kanyang sarili sa mga hayop. Nagawa niya ito sa
pamamagitan ng kanyang pagkontrol sa ibat-ibang bahagi ng kalikasan. Nagawa niyang malinang ang wika at kultura na kung
ihahambing sa wika at kultura ng kanyang mga ninuno ay talagang ibang-iba na.
Sa kasalukuyang panahon, ang lahat halos ng wika ay masalimuot. Nagagamit ito sa pagpapahayag ng kahit anong diwang
nakapaloob sa kultura ng tao. Lahat ng sibilisadong tao ay may sariling wika at ang mga hayop ay walang wikang katulad ng
ginagamit ng mga tao.
Kung pagbabasehan ang mga nahukay na mga labi (artifacts) na ginawa ng mga nauunang tao sa mundo masasabing mayroon
nang humigit-kumulang sa isang milyong taon ang paggamit ng wika.
Ang wika at kultura ay kapwa nagsimula sa pinakapayak na nagpatuloy sa pag-unlad sa paglipas ng mga taon hanggang sa
maging masalimuot.
May magkabilang paniniwala ang mga paham tungkol sa pinagmulan ng wika sa mundo katulad na din ng magkaibang
paniniwala sa pinagmulan ng tao. Kung may paniniwalang ang mga tao sa buong daigdig ay nagsimula sa iisang angkan, maaari
ring paniwalaang ang mga wika sa buong mundo ay nagmula sa iisang angkan ng wika. Ngunit kung ang kabalintunaan nito ang
ating paniniwalaan, masasabing hindi iisa ang pinanggalinagn ng ibat-ibang wikang ginagamit ng mga tao sa buong mundo.
May mga aklat na naglalaman ng mga teoriya sa pinagmulan ng wika, katulad ng mga sumusunod: TEORIYANG DING-DONG
(Itoy hakang ang bawat bagay sa mundo ay may kasama o kaugnay na tunog.) TEORIYANG BOW-WOW (Ginagagad daw ng tao
ang mga tunog na likha ng kalikasan.) TEORIYANG POOH-POOH (Ang taoy lumilikha ng mga likas na tunog at pakahulugan sa
mga ito sapagkat siya ang lumikha.) at ang TEORIYANG YUM-YUM (Nagsasaad na ang taoy tutugon sa pamamagitan ng
pagkumpas sa alinmang bagay na nangangailangan ng aksyon).
Hindi Kapani-paniwala ang mga nabanggit na teoriya.
Kung ibabatay naman natin sa banal na aklat ang tungkol sa paglaganap ng ibat ibang wika sa buong daigdig ay ganito naman
ang nagsasaad sa Genesis 11; 1-9

You might also like