You are on page 1of 37

FILIPINO 101

Wika at Kultura sa Mapayapang


Lipunan
ANIDA S. MUSTAPHA, LPT, Ph.D.
• Batsilyer ng Sining sa Filipino- MSU-Main Campus 2000
• Master of Arts in Filipino- MSU-Main Campus 2011
• Doctor of Philosophy in Filipino- MSU-IIT Iligan City 2018
• Siyam na taon nagturo sa Ibn Siena Integrated School Foundation 2002-2011.
• MSU-UTC 2011
• K-12 coordinator
• Admission and testing coordinator 2017-2020
• Kasalukuyang Chairman/Department Head sa Filipino.
Deskripsiyon ng Kurso:

• Ang kursong ito ay isang pag-aaral sa wika, kultura, at


lipunan. Tatalakayin din ang pagkakaugnay-ugnay ng
wika, kultura, at lipunan ayon sa konteksto ng lipunang
Pilipino. Tatalakayin din ang ilang impormasyon na
may kinalaman sa wika, kultura, at lipunan ng iba’t
ibang tribu sa Pilipinas.
Mga Layunin:
Panlahat:

• Malalaman ang kahulugan ng wika, kultura, at lipunan pati na ang dagdag na


mga kaalaman tungkol sa mga ito.
• Mapag-aaralan ang iba’t ibang termino na may kaugnayan sa wika, kultura, at
lipunan.
• Maunawaa ang kaugnayan ng wika, kultura, at lipunan ayon sa konteksto ng
lipunang Pilipino.
• Malilinang ang pagpapahalaga at pag-unawa sa kapuwa Pilipino sa
pamamagita ng pagtalakay ng wika at kultura ng iba’t ibang pangkat sa
Pilipinas.
Tiyak:

• Maibibigay ang kahulugan ng wika, kultura, at lipunan pati na ang


pagkakaugnay-ugnay ng mga ito.
• Maiuugnay ang mga terminong ito sa karanasan ng mga Pilipino sa kanilang
sariling lipunan.
• Maiuulat sa klase ang sariling karanasan at kaalaman tungkol sa kinagawiang
wika at kultura ng maliliit na grupo sa lipunang Pilipino.
• Makapagpresenta sa klase ng isang ulat tungkol sa wika, kultura at lipunan ng
isang grupo, tribu, sekta, organisasyon, kapatiran, at iba pa pagkatapos ng
aktuwal na interbyu, at pakikisalamuha sa kanila.
Mga Kahingian/Requirements sa Klase

• Pag-uulat sa klase (video tape record)


• Ulat-Pasulat/ Written Report
• Pananaliksik (research tungkol sa mapipiling tribu sa
Pilipinas)
• Video Presentation
Batayan ng pagmamarka sa inyong takdang-aralin/
pagsusulit/pag-uulat o iba pang kahingian sa klase ang mga
sumusunod.
1. Kaangkupan sa paggamit ng wikang Filipino
• Pormal na paggamit ng wikang Filipino.
• Grammar- ortograpiya ng wikang Filipino
2. Tama ang bigkas sa (lahat) mga salita. May angkop na diin at damdamin.
3. Mabisang pagpapahayag ng damdamin at nilalaman ng mensahe.
4. Buo ang kumpiyansa at alam na alam ang sinasabi.
5. Organisado.
FILIPINO 101- Ee2
Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan
 

• PANIMULA:
• Ang wika, kultura, at lipunan ay magkakaugnay. Wika ang pangunahing ginagamit
ng tao bilang instrument sa kanyang pakikipag-ugnay sa lipunan at kultura.
• Binanggit ni Hoebel (1996) na ang isang lipunan o komunidad ay maaaring
mabuhay nang wlang wika ngunit walang maunlad na kalinangan o kultura kung
walang wika.
• Sinabi ni Eller (2009) na lahat ng mga nilalang, kahit halaman, ay nakikipag-usap
sa iba’t ibang paraan, sa kahulugan ng pagpapadala at pagtanggap ng impormasyon.
WIKA:
• Ang wika ay isang Sistema ng simbolikong komunikasyon na gumagamit ng
mga tunog at/o kilos na pinagsama ayon sa mga panuntunan na nagbubunga ng
mga kahulugang napagkasunduan ng isang lipunan at mauunawaan ng lahat ng
nakikibahagi sa wikang iyon. (Haviland et, al., 2011 at Eller, 2009).
• Nakapaloob ang wika ng tao sa lumang-lumang Sistema ng kilos-tawag (age-
old gesture-call system) na kung saan ang mga galaw ng katawan at mga
ekspresyon ng mukha, kasama ang mga katangian ng tunog tulad ng tono at
lakas ng tunog ay may ginagampanang papel sa paghahatid ng kahulugan
(Eller, 2009).
• Walang taong namumuhay nang mag-isa- ito ang
dahilan kaya patuloy siyang nakikisalamuha upang
mabuhay. Ang tuluyang pag-unlad ng tao ay dulot rin
sa kanyang patuloy na pakikipagkapuwa gamit ang
wikang alam niya.
• Hindi maihihiwalay sap ag-unlad ng buhay ang kultura
at lipunang kinabibilangan ng tao. Higit pa, ang wika
niya ay nakasalalay sa kultura at kanyang lipunan.
Ang Wika ay Kultura at ang kultura ay komplikadong ideya na
maaaring nakapaloob sa kilos, galaw, at iba pang anyo.

• Ang isang kultura ay binubuo ng mga ideya at mga pananaw sa mundo na nagpapaalam at
nasasalamin sa pag-uugali ng mga tao. Ang masalimuot na ideya at mga paniniwala ay nakaenkowd
sa isang magkakaugnay na Sistema ng mga simbolo na nagsisilbing komunikasyon sa pagitan ng
mga miyembro ng isang lipunan. Dahil ditto, ang wika ay mahalaga sa pag-andar ng kultura ng tao.
• Ang mga panlipunang pagbabago-tulad ng edad, kasarian, at katayuan ng ekonomiya ay maaaring
makaimpluwensya kung paano ginagamit ng tao ang wika.
• Ang wika ay isang espesyal na Sistema ng komunikasyon oral at pasulat. Nailalahad ito sa paraang
berbal at di-berbal. Simboliko itong natututuhan. Saan ito natututuhan ng mga tao? Sa lipunang
kanyang kinabibilangan at nababatay rin ang wikang ito sa kultura ng lipunang kinalakhan.
Masdang ang ilustrasyon
Lipunan

Wika Kultura
• Nagpapakita ang ilustrasyon ito ng ugnayan ng kultura, wika, at
lipunan. Wika ang pangunahing nagpapahayag ng kultura.
• Ang kultura naman ay repleksyon ng lipunang kinabibilangan
ng bawat indibidwal.
• Kung ano ang wika at kultura ng isang tao, bunga ito ng
lipunang kanyang kinalakhan
• Tunay nga na nang isilang ang isang tao ay wala pa siyang
wika.
• Wika ang isa sa mga dahilan kung bakit nakikilala ang kultura ng isang
indibiduwal.
• Wika rin ang tulay para para patuloy para patuloy na buhay ang kultura ng
isang pangkat mula sa kauna-unahang panahon hanggang sa kasalukuyan.
• Kapag ang sariling wika ay mamamatay, maglalaho rin ang kulturang dala
ng ginagamit na wika.
• Ang Pilipinas ay binubuo ng multicultural na mga tao, higit na kailangang
matutunan ng bawat isa na ang daan tungo sa kapayapaan ay ang pagkilala
sa pag-unawa sa wika, kultura, at lipunan ng isang pangkat.
• Kapayapaan ang minimithi ng lahat. Magkakaiba man sa
paniniwala, kulay, relihiyon, wika, kultura, at anupaman kung
may pagkakaunawaan ay may kapayapaan.
• Ito ang pinakadahilan kung bakit mahalaga na matutunan ang
wika at kultura ng anumang uri ng lipunan. Ang pag-alam ng
kung ano ka at ano sila, lalo na ang pag-unawa sa kanila ay
makatutulong ng Malaki sa katiwasayan at pag-unlad ng isang
lipuna at ng buong bansang Pilipinas. Ito ang malaking papel na
ginagampanan ng pag-unawa sa kultura ng iba-ang matagal at
nilulumot nang minimithing kapayapaan.
• Next topic
1.2 PINAGMULAN NG WIKA
• Walang tao o aklat man ang nakapagpapatunay na ang wika ay nag-ugat
o nanggaling sa isang tiyak na tao, bagay o pangyayari. Ang lahat ng
tungkol sa pinagmulan nito ay puro mga haka-haka o pansariling
opinion lamang kaya magpahanggang ngayon ay patuloy ang pagtatalo
hinggil sa pinag-ugatan nito.

• HOEBEL (1996) walang makapagsasabi kung saan o kung paano ba


talaga nagsimula ang wika. Maaaring ang tao noon ay
nakikipagkomunikasyon sa pamamagitan ng pag-iyak, paghiyaw,
pagkilos o paggalaw, pagkumpas ng kamay hangga’t ang mga senyas na
ito ay binigyan ng mga simbolo at kahulugan.
• SAAN NGA BA NAGMULA ANG WIKA?
• Ayon sa iba’t ibang manunulat at teorista, ang mga Egyptian daw ang
pinakamatandang lahi kaya ang wikang Egyptian ang pinakamatandang
wika. Ang manlilikha na panalita para sa kanila ay si Haring Thot.
Fromkin, V. & R. Rodman (1983)

• Sinasabing ang lahat ng kultura ay may kani-


kanilang kuwento ng pinagmulan ng wika. Kung
minsan, ang mga kuwentong ito ay walang
kabuluhan ngunit kinawiwilihan at
pinaniniwalaan dahil parang may katotohanan
nga para sa kanila.
Darsna Tyagi (2006)
• Sinasabing sa China, naniniwala silang ang Son of Heaven na si Tien-Zu ang
nagbigay ng wika at kapangyarihan.

• Sa JAPAN naman, ang manlilikha nila ng wika ay si Amaterasu.


• Sa mga BABYLONIANS, ang nagbigay raw ng wika sa kanila ay si God Nabu
• Sa Hindu naman, ang kakayahan nila sa wika ay ibinigay ng babaeng Diyos
nila na si Saravasti na asawa ni Brahma, ang tagapaglikha ng sangkatauhan.
Genesis Story/Divine Theory
• Ay nagpapaliwanag din na ibinigay ng Diyos sa tao ang wika. Binigyan ng
Diyos ng kapangyarihan ang tao para magpangalan sa mga bagay-bagay.
• GENESIS 2:20 “At ipinangalanan ng lalaki ang lahat ng mga hayop at ang
mga ibon sa himpapawid, at ang bawat ganid sa parang.”
Makikita sa bersong ito na kasabay ng pagkalalang sa tao ang pagsilang
din ng wika na ginagamit sa pakikipagtalastasan.
GENESIS 11:1-9 Ipinapakita rito ang pinagmulan ng pagkakaiba-iba ng
wika. ( kilala bilang tore ng Babel)
Tore ng Babel
• Batay sa istorya ng Bibliya, iisa lang ang wika noong unang panahon
kaya’t walang suliranin sa pakikipagtalastasan ang tao. Naghangad
ang tao na higitan ang kapangyarihan ng Diyos, nagging
mapagmataas at nag-ambisyong at maabot ang langit at magtayo ng
pakataas-taas na tore. Mapangahas at mayabang na ang mga tao,
subalit pinatunayan ng Diyos na higit siyang makapangyarihan kaya
sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan, ginuho niya ang tore.
Ginawang magkakaiba-iba ang wika ng bawat isa, hindi na
magkakaintindihan at naghiwa-hiwalay ayon sa wikang sinasalita.
Teoryang Bow-wow
• Ang wika raw ay nagmula sa paggaya ng sinaunang tao sa mga tunog
na nililikha ng mga hayop.
• Nabuo ng mga primitibong tao ang kanilang mga unang salita sa
panggagaya sa mga ito o mga tunog na kanilang naririnig.

• Halimbawa:
bow-wow para sa aso
ngiyaw parasa pusa
Teoryang Poo-pooh
• Naniniwalang ang wika ay galing sa instinktibong pagbulalas na
nagsasaad ng sakit, galak, galit, tuwa, atbp. Ipinalalagay na ang unang
mga pananalitang nalikha ay mga padamdam na nagpapahayag ng biglang
sulak at masidhing damdamin.

• Halimbawa:
Ang patalin ay tinatawag na ai-ai --- “aray”
Teoryang Ding-dong
• Kahawig ng teoryang bow-wow, nagkaroon daw ng wika ang tao, ayon sa
teoryang ito sa pamamagitan ng mga tunog na nalilikha ng mga bagay-bagay
sa paligid. Ngunit ang teoryang ito ay hindi limitado sa mga kalikasan
lamang kungdi maging sa mga bagay na likha ng tao. Ayon sa teoryang ito,
lahat ng bagay ay may sariling tunog na siyang kumakatawan sa bawat isa at
ang tunog niyon ang siyang ginagad ng mga sinaunang tao na kalauna’y
nagpabagu-bago at nilapatan ng iba’t ibang kahulugan.
• Halimbawa:
• Boom-tunog ng pagsabog
• Whoosh- sa pag-ihip ng hangin
Teoryang Yum-yum

• Nagsasaad na ang tao ay tumutugon sa pamamagitan


ng kumpas sa alinmang bagay na nangangailangan ng
aksyon.
• Ang pagtugong ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng
bibig ayon sa posisyon ng dila.
Teoryang Yo-he-ho
• Naniniwalang ang wika ay nagmula sa mga ingay na nalikha ng mga taong
magkatuwang sa kanilang pagtatrabaho o puwersang pisikal.
• Ang mga tunog o himig na namumutawi sa bibig ng tao kapag sila ay
nagtatrabaho nang sama-sama ay sinasabing pinagmulan ng wika.
• Pinaniniwlaan ng linggwistang si A.S. Diamond (sa Berel, 2003) na ang tao ay
natutong magsalita bunga diumano ng kanyang puwersang pisikal.
• Halimbawa:
• Mga tunog na nalilikha kapag nagbubuhat ng mabibigat
• Mga tunog na nabubuo kapag ang ina ay nanganganak
Teoryang Tarara-boom-de-ay

• Mga tunog mula sa ritwal ng mga sinaunang tao


na nagging daan upang magsalita ang tao. Ang
mga sayaw, sigaw at mga bulong ay binigyan ng
kahulugan at sa pagdaraan ng panahon, ito ay
nagbago at nilapatan ng iba’t ibang kahulugan.
Iba’t Ibang Pananaw sa Wika
• VIRGILIO ALMARIO
“Kung ano ang wika mo, iyon ang pagkatao mo”
Kung ano ang sinsabi at wikang sinasalita ng tao, iyon din ang uri ng
pagkataong mayroon siya. Nahulma ang pagkatao ng isang indibidwal mula
sa kanyang ugali, paniniwala at pamamaraan, at pamamaraan ng buhay na
maaaring bunga ng lipunang kinabibilangan.
Trudgill (2000)
• Panlipunang Tungkulin ng Wika
Ipinahayag sa sitwasyon ito na hindi lamang simpleng
pakikipagkomunikasyon ng impormasyon ang wika. Isa rin itong
pinakamahalagang paraan sa pagbuo at pagpapatibay ng
koneksyon at relasyon sa ibang tao. Malamang ding ang
pinakamahalagang bagay tungkol sa kanilang kombersasyon ang
lipunang nag-ugnay sa kanila at ang wikang ginagamit.
• Halimbawa:
• OFW-A at si OFW-B nagtatrabaho sa Saudi Arabia
• Nagkikita sa isang hotel
• Mapapansin ni OFW-A na si OFW-B ay may puntong Filipino (kahit anong
wika sa Pilipinas) sa pagsasalita
• Tatanungin kaagad ni OFW-A kung taga Pilipinas ba siya at saan sa Pilipinas
• Mag-uusap/ magiging paksa sa usapan ang Pilipinas
• Pilipinas-komon na lipunan na magsisilbing tulay sa kanilang komunikasyon.
• Gagamitin nila ang wikang Filipino sa pag-uusap.
• Ang pag-uusap ng dalawa ay palatandaan ng pagkakaroon ng magandang
ugnayan kahit hindi pa nila kilala ang bawat isa.
• Maaaring sa pagtira nila sa ibang bansa ay may mga impluwensya at
pagbabago sa kanilang ugali at kilos dahil sa bagong wika, lipunan, at
kultura ng palibot. Hindi naman ito hadlang sa pagpapanatili ng wika at
lipunang kinalakhan. Maliban na lamang kung magkakaroon ng tuluyang
paglimot ng kanyang pinanggalingan dulot sa kawalan ng pagkakataon na
magamit ang wikang kinagisnan at kawalan ng pagpaalala sa pinagmulang
lipunan.
• Ang sitwasyong ito ay gawi ng tao sa kanyang wika o tinatawag na gawi
sa wika (language behavi
Aspekto ng Gawi sa Wika (Trudgill
2000)
• 1. ang tungkuling ng wika sa pagbuo ng panlipunang relasyon
• Isang intrumento ang wika sa pagkakaunawaan at pagbuo ng ugnayan sa isa’t isa.
• 2. ang papel na ginagampanan ng wika sa paghahatid ng impormasyon
• Nagsasabing tagapaglarawan ang wika sa gumagamit nito. Naglalahad ito ng estado sa buhay, ng
kinabibilangang lipunan, ng ideolohiyang pinaninindigan at iba pa.

* Malinaw na ang dalawang aspekto ng lingwistikong gawi na ito ay mga repleksyon ng


katotohanang mayroong malapit na inter-relasyon sa pagitan ng wika at lipunan.
Tumangan, Sr. et al.
• Ang wika ay isang kabuuan ng mga sagisag na panandang
binibigkas na sa pamamagitan nito ay nagkakaunawaan,
nagkakaisa at nagkakaugnay-ugnay ang isang pulutong ng mga
tao. Ginagamit ito sa komunikasyon.
• Bagamat ang wika ay primarying sinasalita at hindi sinusulat
subalit sa paglalaganap ng teknolohiya at mga ambag ng
pagbabago nagging esensyal na rin ang pasulat na anyo nito.
• Halimbawa:
• Sa lipunan ng negosyador pangkapayapaan (peace negotiator)
ang pasulat na wika ay esensyal upang madokumento ang
napagkasunduan at anumang resolusyon.
• Kaya sa kasalukuyan, ang pag-unlad ng pasulat na midyum at
sa kalaunan ang Sistema ng palimbag ay naging daan na sa
pagtatala ng mga impormasyon.
Malinowski nasa Gellner 1998
• Wika ang pangunahing kaisipan ng pagkakaisa at
pakikipagtalamitam. Ito ang isang kailangang-kailangang
na kasangkapan para sa pagbuo ng pagkakaisa ng lipunan,
sapagkat kung wala ito imposible ang pinag-isang
panlipunang kilos. Samakatwid, wika ang pusod ng
sangkatauhan at kabaitan.

You might also like