You are on page 1of 6

Kahulugan at Gamit ng Wika

Kahulugan ng Wika
• Pinakamahalagang kasangkapan ng tao sa pakikipagtalastasan
• Pinakadakilang biyayang ipinagkaloob ng Diyos
• Mabisang sandata upang labanan ang kamangmangan & sa halip ay maisulong ang karunungan
• Simbolo na bumubuo ng sistema upang maayos na maisakatuparan ng tao ang paghahatid ng anumang
mensahe
• Nagsisilbing susi o instrumento sa mabisang pagpapahayag ng bawat tao upang magkaintindihan
• Sistema ng mga sagisag na binubuo ng mga tunog
• Pasulat na titik na iniuugnay sa mga kahulugang gustong ihatid sa kapwa tao

• Wika sa Griyego - Katumbas ng salitang “logos” = salitang nagbibigay-buhay


• Wika sa Latin - Katumbas ng salitang “lengua,” kaya’t magkasintunog ang mga salitang “lengua” (dila) at “lingua”
(wika)

Depinisyon ng Wika ayon sa mga Dalubwika


• Henry Gleason
o Wika ay masistemang balangkas ng mga sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang
arbitraryo
▪ Tunog (sounds) → makabuluhang simbolo (titik) → salita (words) → kaisipan (thoughts)
o Arbitraryo: Bawat wika ay may kani-kaniyang set ng palatunugan, leksikal, at gramatikal na istruktura na
ikinaiba sa ibang wika
▪ Pinagkasunduan ng mga taong ka-pangkat sa isang kultura
• Webster
o Daan ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao ng isang bansa at kapwa bansa
• Edward Sapir (1949)
o Likas at makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin, at mithiin
• Buensuceso
o Arbitraryong sistema ng mga tunog o ponema na ginagamit ng tao sa pakikipagtalastasan
• Tumangan, Sr. et al (1997)
o Kabuuan ng mga sagisag ng panandang binibigkas na nagkakaunawaan, nagkakaisa at nagkakaugnay-
ugnay
• Jose Villa Panganiban
o Paraan ng pagpapahayag ng damdamin at opinyon
• Caroll (1954)
o Sistema ng mga sagisag na binubuo at tinatanggap ng Lipunan
▪ Resulta ng unti-unting paglilinang sa loob ng maraming dantaon & pagbabago
o Tinutukoy sa isang set ng hulwaran ng gawi na pinag-aaralan & ginagamit sa iba’t ibang antas ng bawat
kasapi ng pangkat
• Todd (1897)
o Set o kabuuan ng mga sagisag na ginagamit sa komunikasyon
▪ Wika bilang sinusulat din (na arbitraryo at sistematiko)
• Junex (2018)
o Nagpapaabot, nagpapahayag, nagpapahiwatig ng saloobin sa isip, puso’t damdamin ng isang tao
bilang daan ng pakikipagtalastasan
▪ Pagkakakilanlan ng bawat mamamayan sa Lipunan

Gawi sa Wika (Gamit)


Tungkulin sa pagbuo ng panlipunang relasyon
• Isang instrumento sa pagkakaunawaan at pagbuo ng ugnayan sa isa’t isa
Papel na ginagampanan sa paghahatid ng impormasyon tungkol sa tagapagsalita
• Taga-paglalarawan ang wika sa gumagamit nito
Naglalahad ng estado sa buhay, kinabibilangang lipunan, & ng ideolohiyang pinaninindigan
• Wika bilang pusod ng sangkatauhan & kabatiran

Mga Teorya ng Wika


• Wikang Egyptian & mga Egyptian bilang pinakamatandang wika & lahi
o Haring Thot: Manlilikha ng panalita
• Fromkin, V. & R. Rodman (1983)
o Lahat ng kultura ay may kani-kanilang kwento ng pinagmulan ng wika
▪ Pwedeng walang kabuluhan ngunit kinawiwilihan at pinaniniwalaan dahil parang may
katotohanan para sa kanila
• Aklat ni Darsna Tyagi (2006)
o (China) Tien-Zu: Son of Heaven na nagbigay ng wika & kapangyarihan
o (Japan) Amaterasu: Manlilikha ng wika
• Genesis Story/Divine Theory
o Binigay ng Diyos sa tao ang wika & kapangyarihan para mapagpangalan sa mga bagay-bagay
• Babylonians
o God Nabu: Nagbigay ng wika
• Hindu
o Saravasti: Babaeng Diyos na nagbigay ng kakayahan sa wika
o Brahma: Tagapaglikha ng sangkatauhan
• Hoebel (1996)
o Walang makakapagsabi kung saan o paano ba talaga nagsimula ang wika
▪ Maaaring mga senyas at ugali ang nagbibigay ng mga simbolo & kahulugan

Pananaw tungkol sa Wika


• Wika bilang sistema ng komunikasyon kung saan ang tunog o simbolo ay nagtataglay ng mga bagay, kilos, &
ideya
o Kabuuan ng mga sagisag na panandang binibigkas
o Kabatiran ng wika ay kabatiran din sa lipunan
• “Kung ano ang wika mo, iyon ang pagkatao mo” (Virgilio Almario)
o Ugnayan ng wika, kultura & lipunan ay kung ano ang sinasabi & ng wikang sinasalita ng tao
o Gawi ng isang tao sa kanyang wika o tinatawag na gawi sa wika (language behavior)

Wika sa Lipunan
Kultura o kalinangan
• Siyang lumilinang & humuhubog sa pag-iisip, pag-uugali & gawain ng tao (Timberza, 2008)
• Nagpapakilala kung sino & ano tayo na umiimpluwensiya sa ating kaalaman, paniniwala, & valyu na nagbibigay-
kahulugan & nagdedetermina sa paraan ng ating pag-iisip, damdamin & ugali
• Kaalaman, paniniwala, sining, moral/valyu, kaugalian ng tao bilang miyembro ng isang lipunan
• Tumutukoy sa lahat na natutuhan ng isang tao sa lipunang kinabibilangan
• Organisasyong phenomena na sumasaklaw sa:
o Aksyon (paraan ng pag-uugali); o Ideya (paniniwala & kaalaman);
o Bagay (kagamitan); o Sentiment (karakter/kilos & valyu)
o Iba pang mga kasangkapan;

Leslie A. White - Kabuuang paraan ng pamumuhay na sinusunod ng mga tao & binubuo ng lahat ng natutuhan &
naibabahagi ng tao sa isang lipunan

Hudson (1980) - Kultura ay social achieved knowledge


• Nakukuha mula sa mga kasamahan na nasa paligid lamang

Ward Goodenough (2006) - Kultura ay patterns of behavior (way of life) & patterns for behavior (designed for that life)

Edward Burnett Tylor - Ama ng antropolohiya


• Isang kabuuang kompleks na may malawak na saklaw

Salazar Constantino (1996) - “Walang kulturang hindi dala ng isang wika bilang saligan & kaluluwa na siyang
bumubuo, humuhubog, & nagbibigay-diwa sa kulturang ito”

Kultura Wika

• Kabuuan ng isip • Daluyan


• Damdamin • Tagapagpahayag & impukan
• Gawi • Kuhanan ng alinmang kultura
• Kaalaman
• Karanasan
• Nagtatakda ng angking kakayahan ng tao

Ugnayan ng Wika sa Kultura at Lipunan


Kultura ang nagpapakilala sa kaniya bilang tao upang mabuhay sa mundo.
• Kasangkot na siya sa lipunan ng kaniyang pamilya, daigdig, & malawakang tatahakin ng buhay
• “It’s because we are so different from each other that we have so much to share”

Pananaw sa Ugnayan ng Wika at Lipunan


Kontemporaryong Panahon: Wika
• Inimbento & dinivelop ng tao • Paraan ng paglipat ng kaalaman

Ayon kay Constantino (2002)


• Pagkakaroon ng pagkakaiba-iba sa wika ay hindi nangangahulugang negatibo
• Nabuo sa kontekstong umiiral sa panahon ng ideya ng progreso na kaugnay ng sibilisasyon na sumasangkot sa
kultura & institusyon

Kultura - Hango sa mga tao


Wika - Nagpapahayag ng espiritu ng mga tao na bumubuo ng lipunan
Lipunan - Nangangailangan ng (1) pakikisalamuha (integrasyon) & (2) interdependence ng mga tao

Ayon kay Rousseau (1950)


• Wika & kultura bilang panukat sa progreso ng mga tao
o Pagkakaiba-iba sa kultura & wika ay nagbubunga sa bawat panahon

Mga wikang:
• Superyor-Imperyor (Calvet 1987)
• Sibilisado-’di sibilisado, barbaro, edukado-’di edukado (Voltaire 1952)
• Mataas, bulgay, istandardiso-’di istandardiso (de Brosse 1801 & Garvinas)

Mga Barayti ng Wika


• Sosyolingguwistikong Teorya
o Wika ay panlipunan & ang speech ay pang-indibidwal
o Bilang isang kolektibong puwersa
o Pagsasama-sama ng mga anyo sa isang magkakaibang kultura & sosyal na mga gawain

• Sapir (1949): Wika ay isang instrumento o kasangkapan ng sosyalisasyon


• Saussure (1915): Wika ay hindi kumpleto sa sinumang tagapagsalita; umiiral lamang sa loob ng kolektibo
• May magkakaibang lugar na:
o Tinitirhan o Gawain
o Interes o Pinag-aralan

Sosyolek
• Nakabatay ang pagkakaiba sa katayuan o istatus ng isang gumagamit ng wika
o Panlipunang varyasyon sa gamit ng wika
o E.g. register, jargon, slang words, gay lingo, conyo
• Communicative competence: Ayon kay Otero (2002), kung saan ay ginagamit ng tao ang nararapat na anyo &
tungkulin ng wika batay sa pangangailangan

Teoryang Akomodasyon (Howard Giles)


• Linguistic convergence: Gumaya, bumagay sa pagsasalita ng kausap
• Linguistic divergence: Pagkakaroon ng sariling kakayahan, identidad o pagkakakilanlan
• Interference phenomenon: Impluwensiya sa bigkas, leksikon, morpolohiya sa pagkatuto ng wika
• Interlanguage: Mental grammar na nabuo ng tao pagdating ng panahon sa proseo ng pagkatuto niya sa
pangalawang wika

Permanenteng Barayti (Idyolek at Dayalek)


• Idyolek: Katangian o gamit ng wika na kaiba o pekulyar sa isang tao
o Mga salitang namumukod tangi at yunik
• Dayalek: Wika na nalilikha ng dimensiyong heograpiko
o May tatlong uri:
▪ Dayalek na heograpiko (Batay ▪ Dayalek na sosyal (Batay sa
sa espasyo) katayuan)
▪ Dayalek na tempora (Batay sa
panahon)
• Communicative isolation: Hiwalay na pag-uusap sa pagitan ng mga pangkat sa isang bansa
Pansamantalang Barayti
• Kaugnay sa kagya’t na sitwasyong pampamamahayag
o Register: Tawag sa varayting kaugnay ng higit na malawak na panlipunang papel na ginagampanan ng
tagapagsalita

• Taboo - Mga salitang mahirap bigkasin ng mga taong edukado lalo na sa pormal na pag-uusap
• Yufemismo - Salita o parirala na panghalili sa salitang taboo o mga salitang hindi masabi dahil malaswa, bastos,
o masama ang kahulugan o ‘di magandang pakinggan
• Lingua Franca - Tumutukoy sa anumang wika na ginagamit para sa pakikipag-usap sa pagitan ng mga taong na
mayroong magkaiibang katutubong wika
• Pidgin - Barayti ng wika na walang pormal na estruktura
o “Nobody’s native language” ng mga dayuhan
o Ginagamit ng dalawang tao na nag-uusap na may dalawa ring magkaibang wika
▪ Pag-asa sa mga “make-shift” na salita o pansamantalang wika lamang
• Creole - Wika na nadebelop dahil sa mga pinaghalo-halong salita ng tao hanggang sa ito ay naging pangunahing
wika ng partikular na lugar (e.g. Chavacano, Palenquero, Annobonese)

Pagkakakilanlan ng Isang Tao


• Ang tao bilang malaya (free)
o Alam ang kaniyang kinikilos at ginagawa kung ito ba ay tama o mali
o Pananagutan at maging responsable sa mga bagay na kaniyang napagdesisyunan sa buhay
o Free will; master of his own life & seeks his own destiny
• Anak ng Diyos (son of God)
o Created into the image & likeness of God
o Has the dignity as a son of God
• Kapantay ng kaniyang kapwa (Tao is equal with other men)
o All are created equal for his destiny
o Has his own life to lead & is not subordinate to the life & destiny of any other men
• Character (Pag-uugali)
o Tao as a social being relates himself to the world (source of livelihood & existence)
o Constant association & interaction with other people molds his character
• Moral (Moralidad)
o Moral judgment can be determined during his early life
o Tabula rasa - Blank sheet; susceptible to outside forces & influences
▪ Said forces shape him to what kind of norm & morality he adopts based on what is accepted to
culture & society
▪ Also help guide the tao’s early existence for truth & goodness
▪ Follows what he thinks is right & within the scope of his society’s concept of morality
• Intellectual stature (Karunungan)
• Tao as the most intelligent among the species
o Above all other living creatures to become a rule
o Unique; has consciousness & the capacity to reason & perform explicit conceptual integrations
o Rational being; free to think & has a volitional consciousness
• The tao’s behavior & actions proceed from his values & premises to the context of the knowledge available to
him
o Also an emotional being; sees his emotion coupled with reasoning in arriving at a choice of action

Human Dignity VS Human Development


• Human dignity
o Intrinsic worth of value of a man
o Philosophical POV: Lies mainly on the principle of man as the ruler of the world
o Religion POV: Written law exists which we call conscience & to follow this law is the very dignity of man
o Social Sciences POV: “Dignity implies right” AKA individual human rights

• On the question of man’s description


o Man as son of God & is free
o Has a strong belief regarding human dignity

Katangian ng mga Pilipino


• Kabuuan-oriented (Wholistic) • Malambing (Tender & loving)
• Gaya-gaya (Imitative) • Mahilig may kasama (Companion-oriented)
• Kamag-anak-oriented (Familism) • Maka-Diyos (Godly)
• Regionalism or region-oriented • Filipino hospitality
• Maawain (Compassionate) • Galang or respect
• Utang-na-loob-oriented • Tiyaga or resiliency
• Kapalaran-oriented • Madaling hutokin or pilancy
• Kapayapaan-oriented • Makatao or personalism
• Bayani-oriented • Pakikisama or harmony-oriented
• Mapagkatha or Filipino ingenuity • Maganda or beauty-oriented
• Fiesta or pistahan-oriented

Barasyon ng Wika
Pagkakaroon ng iba’t ibang paraan sa pagbigkas ng wika
• Pagkakaibang ito ay napapaliwanag ng teoryang sosyolinggwistik
• Dala ang nagkakaibang pangkat ng tao na may iba’t ibang lugar na tintirhan
• Makikita sa mga tuntunin ng tunog (ponetiko) at istruktura (gramar)

Sosyal
Barayting nabubuo sa dimensyong sosyal o panlipunan
• Nababatay sa mga pangkat na kinabibilangan
• Ginagamit sa partikular na grupo ayon sa edad, seks, uri, etc.

Rehistro ng Wika
AKA jargon; lipon ng mga salita na nauunawaan lamang ng mga grupong gumagamit nito na pwedeng hindi
nauunawaan ng mga taong hindi kasali sa grupo

Argot
Sekretong wika na ginagamit ng mga grupong kinabibilangan, ngunit hindi limitado; AKA cryptolect
• Layuning maiwasang mabatid o maunawaan ng mga hindi kasama sa grupo ang konbersasyon sa loob ng
samahan
• Espesyal na bokabularyo o hanay ng mga idyoma

Sosyolinggwistika
• Coupland & Kaworski (1997): Pag-aaral ng wika sa mga konteksto ng lipunan nito & pag-aaral ng buhay
panlipunan → linggwistiks
• Wardhaugh (2006): Pagsisiyasat ng mga relasyon sa pagitan ng wika & lipunan
• Lipunan bilang anumang grupo na magkakasama para sa isang tiyak na layunin
• Nagbibigay ng direktang impluwensiya sa wika

Uri, Anyo, at Elemento ng Komunikasyon


Elemento ng Komunikasyon
• Tagapaghatid ng mensahe (sender) - Nagsisimula ang proseso ng komunikasyon sa tagapaghatid na tinatawag
na communicator o source
• Tagatanggap ng mensahe (receiver) - Interpreter ng mensahe; tumatanggap ng mensahe
• Mensahe - Tumutukoy sa impormasyon na nais iparating ng tagpaghatid sa kanyang tagatanggap.
• Daluyan (Channel ng Komunikasyon) - Paraan kung paanong ang mensahe ay maipahahatid nang buong husay
mula sa tagpaghatid tung sa tagatanggap.
• Tugon (Feedback) - Ang pinakipinal na punto upang masabi na ang mensahe ay magtagumpay na naihatid,
natanggap, o naunawaan
• Ingay (Noise) - Ang ingay ng komunikasyon ay hindi lamang tumutukoy sa naririnig na tanga kundi anumang
nakaapekto sa buong sistema o proseso ng komunikasyon.
o Internal na ingay - Anumang balakid ng komunikasyon na makikita sa loob mismo ng naghahatid at
tumatanggap ng mensahe/komukisayon. \
o Eksternal na ingay - Mga ingay na nanggaling sa kapaligiran ng taong naghatid ng mensahe.

Gawaing Pangkomunikasyon
• Gawaing Indibidwal: Isaliksik at alamin ang kontekstong kaisipan ng bawat gawaing pangkomunikasyon:
• Tsimisan - Isang bagay, karaniwang mga pangungusap o kuwento na may kaugnay sa o tungkol sa buhay ng may-
buhay, na negatibo, pasalungat, pakontra, o kabaligtaran, na itinuon sa isang tao o pangkat ng mga tao
• Umpukan
o Pagtitipon ng mga tao. Ito ay maaaring isang grupo o pangkat; AKA meeting
o Ginaganap ito sa mga okasyon o pagdiriwang ng isang grupo
o Madalas na nagkakaroon ng umpukan ng mga tao kung mayroong isyu na naganap at kanilang
nasaksihan tulad ng aksidente.
• Talakayan - Karaniwang gawain sa klase. Sa pamamamagitan ng pagtatalakayan, nahahasa ang kakayahan ng
mga mag-aaral sa pagsasalita, pagpapaliwanag at pangangatwiran.
• Pagbabahay-bahay - Isang aktibidad kung saan ang isang indibidwal o grupo ay lumilibot sa isang lugar na puno
ng bahayan.
o Ang paglilibot sa bawat bahay ay mayroong iba't ibang kadahilan depende sa pangangailangan ng isang
indibidwal o grupong gumagawa nito.
• Pulong-bayan
o Pagpupulong ng mga taong naninirahan sa isang bayan upang mapag usapan ang mga suliranin,
hakbang at maging ang mga inaasahang pagbabago.
o Dito maaring sabihin ng kalahok ang kanilang mga saloobin.
• Komunikasyong ‘di berbal - Ito ay pagpapalitan ng mensahe o pakikipagtalastasan na ang daluyan o channel ay
hindi lahat lamang ng sinasalitang tunog kundi kasama ang kilos ng katawan at ang tinig na naaangkop sa
mensahe.
• Ekspresyong local
o Ito ay ang likas at ordinaryong wika na naiiba sa anyo at gamit sa lohika at iba pang uri ng pilosopiya.
o Ito ay mga parirala o pangungusap na ginagamit ng mga tao sa pagpapahayag ng damdamin o
pakikipag-usap na ang kahulugan ay hindi ang literal na kahulugan ng bawat salita at hindi
maiintindihan ng mga ibang taong hindi bihasa sa lenggwahe
o Nagbibigay ng kaibahan sa ibang wika
• Pagdiriwang - Isang natatanging panahon ng handaan o paghahanda na may mga pagkain at inumin para sa mga
panauhing inimbitahan at dumadalo.
• Kapistahan

SPEAKING ni Dell Hymes (1972)


Setting Saan ang pook ng pag-uusap o mugnayan ng mga tao
Participant Sino-sino ang mga kalahok sa pakikipagtalastasan
Ends Ano ang pakay o layunin ng pag-uusap
Act sequence Paano ang takbo ng usapan?
Keys Ano ang tono pag-uusap? Pormal ba o di-pormal?
Instrumentalities Anong tsanel ang ginagamit? Pasalita ba o pasulat
Norms Ano ang paksa ng usapan?
Genre Ano ang diskursong ginamit? Nagsasalaysay ba, nakikipagtalo, naglalarawan,
nangangatwiran?

You might also like