You are on page 1of 19

YUNIT 1

KAHULUGAN,
KAHALAGAHAN,
PINAGMULAN AT MGA
KATANGIAN NG WIKA
Ang wika’y kasangkapang ginagamit
ng lahat ng uri o antas ng tao sa lipunan.
Nagagamit ito sa iba’t ibang aspekto ng
pamumuhay ng tao; pang ekonomiya,
panrelihiyon, pampulitika, pang-edukasyon
at panlipunan. Ang wika’y nawawala at
namamatay kung nauubos o umuunti ang
minoryang pangkat na gumagamit na
nasabing wika ngunit patuloy namang
itong lumalaganap, umuunlad at
nagbabago kasabay ng pag-unlad ng
mayoryang pangkat na gumagamit nito.
Pinauunlad ng tao ang wika at wika
naman ang nag papaunlad sa tao. Bawat
bansa sa lahat ng bahagi ng daigdig ay
may sariling wikang ginagamit sa
pakikipagtalastasan. Ang isang bansang
malaya at maunlad ay may wikang
maunlad at malaganap.
Sa tulong wika, ang isang tao’y
makapamumuhay nang maayos at
maiaagpang niya ang sarili sa kanyang
kapaligiran.
Lubhang mahalagang papel ang
ginagampanan ng wika sa isang bansa.
Malaking tulong ito sa larangan ng
edukasyon upang hubugin ang kabuuang
pagkatao ng isang nilalang; na siya’y
maging isang maka- Diyos, makabayan,
makatao at makakalikasan. Ito’y
makatutulong din sa isang tao sa kanyang
pakikisalamuha sa kanyang mga kapwa tao
sa lipunang kanyang ginagalawan. Sa
tulong ng mabisang paggamit ng wika,
magtatagumpay sa kanyang propesyono
hanapbuhay ang isang mamayan.
Tinatawag na linggwistika ang
agham ng wika. Ang taong dalubhasa sa
wika ay tinatawag na dalubwika o
linggwista. Ang dalubwika ay nag tataglay
ng di- pangkariwang kaalaman at
kakayahan sa pagsusuri ng wika. Ang
isang tao namang marunong ng maraming
wika ay tinatawag na polyglot. Hindi
maaring tawaging dalubwika sang isang
polyglot kung hindi siya nagpakadalubhasa
sa wika.
May paniniwala ang mga antrolpogo
na kung mayroon mang wika ang mga
kauna-unahang tao sa mundo, ang
naturang wika ay masasabing kauri ng
wika ng mga hayop . Ang paniwlang ito’y
hindi mapasusubalian kung may
katotohanang ang mga unang tao’y
namuhay noong panahong iyon na katulad
ng mga hayop. Ang kaibahan lamang ng
mga tao sa hayop ay ang kanyang anking
talino na higit na mataas kaysa sa hayop.
Sa kasalukuyang panahon, ang lahat
ng wika ay masilimuot. Nagagamit ito sa
pagpapahayg ng kahit anong diwang
nakapaloob sa wika at kultura ng tao.
Lahat ng sibilisadong tao ay may sariling
wika at ang mga hayop ay walang wikang
katulad ng ginagamit ng mga tao.
Ang wika at kultura ay kapwa
nagsimula sa piakayapak na nagpatuloy sa
pah- unlad sa paglipas ng mga taon
hanggang maging masalimuot.

You might also like