You are on page 1of 10

BALANGHAY

MGA SINAUNANG TAO SA DAIGDIG

Ang unang tao o mga unang tao ang mga pinaniniwalaang unang tao na lumitaw o umiral sa
mundo. Ayon sa mga ebidensiyang pang-agham, ang mga anatomikal na modernong tao ay
nagebolb sa Silangang Aprika noong mga 200,000 taong nakakalipas mula sa Homo
heidelbergensis bago kumalat sa iba't ibang panig ng mundo. Ang pinakamatandang nahukay
na fossil ng mga anatomikal na modernong tao ang mga labing Omo sa Ethiopia na may edad
na 195,000 (±5,000) taong gulang. Ayon sa mga mitolohiya ng mga iba't ibang mga
relihiyon, ang unang lalaki at/o unang babae ang unang (mga) tao na nilikha ng kanilang
(mga) diyos na naging ninuno ng kasalukuyang sangkatauhan.

HOMO : Homo - binubuo ng modernong tao at mga uring katulad nito. Ang henus na ito ay
tinatatayang may mga 2.3 hanggang 2.4 milyong taong gulang, nagevolve ito mula sa mga
Australopitikong ninuno sa paglabas ng Homo habilis. Sinasabing ang H. habilis ay direktang
nagmula saAustralopithecus garhi na namuhay ng 2.5 milyon taong nakalipas. Subalit noong
May 2010 ay natuklasan ang H. gautengensis, isang uri na maaaring mas matanda pa sa H.
habilis.

AustralopitHecus : Australopithecus - (Latin australis "ng timog", Griyego, pithekos


"bakulaw") ay isang grupo ng hindi na umiiral na mgahominid, mga gracile
australopithecines, na ninuno ng henus na Homo. Ayon sa Proyektong Henoma ng
Tsimpansi, ang tao (Ardipithecus,Australopithecus, at Homo) at ang tsimpansi(Pan
troglodytes at Pan paniscus) ay may parehas na angkang naghiwalay mula sa isang parehas na
ninuno noong 5-6 milyong taon na ang nakalipas. Batay sa ebidensiyang natipon ng mga
paleontologo at mga arkeologo, ang henus na Australopithecus ay nag-ebolb sa silanganing
Aprika noong mga 4 milyong taong nakakalipas bago ang pagkalat nito sa buong kontinente
at kalaunang naging extinct noong 2 milyong taong nakakalipas. Sa panahong ito, ang ilang
mga species ng australopithecus ay lumitaw kabilang ang Australopithecus afarensis,
Australopithecus africanus,Australopithecus anamensis,
Australopithecus bahrelghazali, Australopithecus garhi at
Australopithecus.
“Mga Iba’t-Ibang Uri ng Australopithecus”

Australopithecus Africanus : Australopithecus africanus -isang extinct na maagang hominid


na nabuhay sa pagitan ng ~3.03 at 2.04 milyong taong nakakalipas sa hulingPlioseno at
maagang Pleistoseno. [2] Ito ay balingkitan tulad ng mas matanda ritong Australopithecus
afarensis. Ito ay pinaniwalaang isang direktang ninuno ng mga modernong tao. Sa kabila ng
katamtamang mas tulad sa taong mga katangian sa bungo nito na nakikita halimbawa sa mga
specimen na Mrs. Ples at STS 71, ang ibang mga katangiang mas primitibo nito ay
kinabibilangan ng tulad sa bakulaw(na hindi tao) na mga kurbadong daliri para sa pag-akyat
sa mga puno. Dahil sa ibang mga mas primitibong katangiang makikita sa Au. africanus, ang
ilang mga mananaliksik ay naniniwala na sa halip na ito ay direktang ninuno ng mga
modernong hominin ay nag-ebolb ito tungo sa Paranthropus. Ang isang matipunong
Paranthropus na nakikitang inapo ng Au. africanus ang Paranthropus robustus.

Australopithecus Robustus : Paranthropus robustus (o Australopithecus robustus) - isang


hindi na umiiral na species ng Paranthropus. Ang species na ito ay nabuhay sa pagitan ng 2 at
1.2 milyong taong nakakalipas. Ito ay nag-aangkin ng malalaking mga sagittal na crest, mga
panga at mga masel ng panga at pagkatapos ng canine na mga ngipin na pag-aangkop para sa
tuyong kapaligirang kanilang tinirhan.
Australopithecus Afarensis : Australopithecus afarensis - isang ekstinkt na hominid na
nabuhay sa pagitan ng 3.9 at 2.9 milyong mga taon ang nakalilipas.

Australopithecus Anamensis : Australopithecus anamensis - (o Praeanthropus anamensis) ay


isang tangkay na species ng tao na nabuhay noong mga 4 milyong taong nakakalipas. Ang
halos 100 spesimen nito ang natagpuan sa Kenya at Ethiopia na kumakatawan sa mga 20
indibidwal.
Iba’t-Ibang Uri ng Hominid

Homo Habilis : Homo habilis- (may kahulugang "taong marunong gumawa ng kung anu-
anong mga bagay) ay isang extinct na species ng genus na Homo, na namuhay noong
bandang 1.4 hanggang 2.3 milyong mga taon na ang nakalilipas sa simula ng panahong
Pleistoseno.[1] Ang Homo habilis (o maaaringH. rudolfensis) ang pinakamaagang
nakikilalang species ng genus na Homo. Sa anyo at morpolohiya nito, ang H. habilis ay ang
pinaka malayo ang pagkakatulad sa modernong tao sa lahat ng species ng genus na Homo
(maaaring maliban sa H. rudolfensis). Ang H. habilis ay maiksi ang taas at may hindi pantay
na mahahabang mga bisig kung ihahambing sa mga modernong tao. Subalit hindi gaanong
nakaungos ang mukha nito kung ihahambing sa mga australopithecine na pinaniniwalaang
mga ninuno nito. Ito ay may kapasidad na pangbungo na bahagyang mas kakaunti kaysa
kalahati ng sukat ng makabagong mga tao. Sa kabila ng morpolohiya ng katawan na parang
sa bakulaw, ang mga nalalabi ng H. habilis ay madalas na nasasamahan ng mga primitibong
mga kagamitang yari sa bato (halimbawa na ang nasa Olduvai Gorge, Tanzania at Lawa ng
Turkana, Kenya). AngHomo habilis ay sabay na nabuhay sa ibang mga primadong tulad ng
Homo na bipedal gaya ng Paranthropus boisei na ang ilan ay nabuhay sa loob ng maraming
mga libong taon. Gayunpaman, dahil sa posibleng maagang paggamit ng mga kasangkapan at
isang kaunting espesyalisadong diyeta ng H. habilis, ito ay nag-ebolb sa buong linya ng
bagong species samantalang ang ibang species gaya ng Paranthropus boisei at mga
matipunong kamag-anak nito ay naglaho na sa fossil record.
HOMO ERECTUS : Homo erectus - (mula sa Latin: nangangahulugang "taong nakatindig")
ay isang species ng genus na Homo. Unang nilarawan ito ng anatomistangOlandes na si
Eugene Dubois noong mga 1890 bilang Pithecanthropus erectus, batay sa takip o putong ng
bungo at sa tila makabagongpanahong itsura ng buto ng hitang natuklasan sa baybayin ng
Ilog Solo sa Trinil, Java. Ngunit salamat sa unang paglalarawan ng Kanadyanong
anatomistang siDavidson Black's noong 1921 sa isang mababang molar, na tinaguriang
Sinanthropus pekinensis, sapagkat naganap sa Zhoukoudian sa Tsina ang halos lahat ng mga
maaga at ispektakular na mga pagtuklas ng taksong ito. Ibinigay ng Alemang anatomistang si
Franz Weidenreich ang karamihan sa mga detalyadong paglalarawan sa materyal na ito sa
ilang mga monograpong inilathala sa diyaryong Palaeontologica Sinica (Serye D) Natagpuan
ang mga labing fossil sa Java noong mga 1890 at sa Tsina noong 1921.
HOMO NEANDERTHALENSIS : Neanderthal - ay isang hindi na umiiral ngayong espesye
o subespesye sa loob ng henus na Homo at malapit na nauugnay sa mga Homo
sapiens(modernong tao). Ang mga ito ay alam mula sa mga specimen ng fossil na may petsa
sa panahong Pleistocene at natagpuan sa Europa at sa mga bahagi ng kanluaran at sentral na
Asya. Ang terminong Neanderthal na pagpapaikli ng taong Neanderthal ay minsang
binabaybay na Neandertal na modernong baybay ng Lambak na Neandersa Alemanya kung
saan ang espesyeng ito ay unang natuklasan. Ang mga Neanderthal ay alternatibong inuuri
bilang isang subespesye ng Homo sapiens(Homo sapiens neanderthalensis) o bilang isang
hiwalay na espesye ng Homo (Homo neanderthalensis).Ang unang katangiang proto-
Neanderthal ay lumitaw sa Europa mga 600,000–350,000 taon ang nakalilipas

HOMO SAPIENS : Homo sapiens - uri ng unang tao na may mas malaking utak kaysa sa
homo erectus. at matalino din ang mga homo sapiens. Pinaniniwalaang dito daw nanggaling
ang kasalukuyang tao. Ang homo sapien ang sina unang tao na may kakayanang gumamit ng
iba't ibang kasangkapan ng sinaunang sandata at sila rin ang mga unang tao na unang
nakagawa ng mga alahas gamit ang mga bagong bato nung panahon ng "Bagong Bato". Ang
panahon kasi ng "Bagong Bato" ito yung panahon kung saan natuto ang mga homo sapien. At
ito rin ang panahon kung saan ang mga homo sapien ay natutong gumawa ng mga
kasangkapan sa sandata at kasangkapan sa alahas.panahon din ito ng mga homo sapien dahil
ang homo sapien ay sinaunang taona meron malaking utak at madami ng alam sa kasanayan
bilang homo sapien.
IBAT’T IBANG ANTAS NG MGA SINAUNANG LIPUNAN

Ibat’t- Ibang Antas ng mga Sinaunang Lipunan

Ang lipunan ng mga katutubo ay napapangkat sa tatlo…

1. Maharlika

2. Timawa

3. Alipin Ano nga ba ang kaibahan ng bawat uri?

Maharlika

Ang pinakamataas ay tinatawag na maharlika. Dito nabibilang ang mga datu, raja, sultan at
ang kanilang pamilya at kaanak.

Katangian ng Maharlika Ang mga maharlika ang makapangyarihan sa lipunan. Siya ang
inaasahan ng mga taong mamuno sa mga labanan, kalakalan, gawaing panlipunan,
panrelihiyon at iba pang ugnayan. Siya ang namamagitan kung may di- pagkakaunawaan ang
mga kasapi ng barangay. Magkahalong lupit at bait ang paraan ng pamamahala ng maharlika.
Timawa

Katangian ng Timawa Ang


pangalawang pinakamataas na antas
ay tinatawag namang timawa o
malaya, ito naman ay kinabibilangan
ng mga mangangalakal, mandirigma
at iba pang karaniwang mamamayang
isinilang na malaya o naging malaya
mula sa pagkaalipin.

Alipin
Katangian ng Alipin - Alipin ang tawag sa mga katutubong may pinakamababang antas sa
lipunan. Ang isang katutubo ay nagiging alipin sa iba’t- ibang kadahilanan. Maaaring ito ay
namana sa mga magulang na dati na ring alipin; nabihag siya sa labanan; o hindi sya
nakabayad sa mga utang o nakagawa ng kasalanan at ito ang kanyang naging parusa.

Dalawang uri ng Alipin

Aliping Namamahay- mas mataas na uri kaysa sa aliping saguiguilid sapagkat siya ay may
sariling pamamahay at aria-arian. Nagsaisilbi lamang siya sa datu kung panahon ng anihan,
kapag may ipinatatayong mga tahanan o tuwing kailangan lamang

Aliping Saguiguilid- ay walang anumang ari- arian at nakatira sa tahanan ng mismong


maharlika o timawang kanyang pinaglilingkuaran dahil siya ay itinuturing ding pag-aari ng
kanyang mga panginoon.

You might also like