You are on page 1of 20

Mga Baytang ng Sinaunang Buhay at Mga Yugto ng Ebolusyon ng Tao

Mga Baytang ng Sinaunang Buhay


Tanong: Paniniwalaan mo ba na ang mga isda ay ang ninuno ng mga ampibo at reptilya; at ang reptilya naman ay ninuno ng mga mamal? .na samakatuwid ay ang ninuno nating lahat ay mga isda?

Mga Baytang ng Sinaunang Buhay


Protozoa 5 bilyon 400 milyong taon
400 200 milyong taon

Fishes Reptiles 200 70 milyong taon Mammals

Amphibians
70 - 2 milyong taon

Mga Baytang ng Sinaunang Buhay


Patunay: Ayon sa Baytang ng Sinaunang Buhay, ang ninuno ng lahat ng hayop diumano ay nagmula sa mga isda. Kung kaya ang sinundan nitong mga reptiles, kabilang ang mga dinosaur ay mga pawang nangingitlog. Kakikitaan din ng ganitong katangian ang ilang mga mammals na kung tawagiy mga monotremes (nangingitlog) gaya ng echidna at duckbilled platypus at mga marsupials (nagluluwal ng underdevelop na supling) gaya ng kangaroo at koala.

Mga Yugto ng Ebolusyon ng Tao


Tanong: Naniniwala ka ba na ang ninuno ng kasalukuyang mga tao ay ang mga bakulaw?
Paalaala: Ang bakulaw ay apes at ang unggoy ay monkey na pawang magkaibang uri (specie) subalit nagkakatulad na sari (genera o genus).

Hominid
Dryopithecus - unggoy na pinaniniwalaang pinagmulan ng tao dahil sa hugis ng ngipin nito na nahahawig sa tao. 40 milyong taon Ramapithecus - Noong una, itinuturing na itong pinakamatandang ninuno ng Hominid. Ngunit dahil sa mga bagong tuklas, inalis ito sa linya ng hominid at inilagay sa linya ng posibleng pinanggalingan ng orangutan. Natagpuan ang labi sa Siwalik Hills, India. 14 milyong taon

Homonid
Australopithecine - Sa kasalukuyan, ito ang pinakamatandang ninuno ng tao na matatagpuan sa Silangan at Timog Africa. Isang halimbawa nito ang Ardipithecus ramidus na tinatayang may tanda na 4.4 - 4.5 milyong taon. Australopithecus africanus - Natagpuan ni Raymond Dart ang labi nito sa Timog Africa noong 1924. - may malapit na pagkakahawig sa tao. - ipinalalagay na tila lagare ang mga ngipin nito bunga ng pagkain ng mga hilaw na karne.

Homonid
Australopithecus robustus - Noong 1959, natagpuan ng mag-asawang antropologong sina Louis at Mary Leakey ng Great Britain ang labi nito sa Olduvia Gorge, Tanzania. -halos pantay-pantay na ang mga ngipin nito bunga ng paggamit ng mag dahon bilang panlinis ng mga ngipin.

Australopithecus afarensis - Ito ay nahukay ng arkeologong Amerikano na si Donald Johanson sa Afar, Ethiopia noong 1974. - Ito ay isang buong kalansay ng batang babae na pinangalanang Lucy - Halos kapareho ng laki ng utak at ngipin ni Lucy ang sa chimpanzee, pero halos kapareho naman ng sa tao ang pelvic bone at binti nito.

Homo habilis
Ito ang itinuturing na unang tunay na tao. Mas matangkad ito kaysa Australopithecus africanus at nangangaso ng malalaking hayop. Ito ay natuklasan sa Tanzania, Africa na tinatayang may edad na 2-1.5 milyong taon.Ang pagkakaiba nito sa hominid ay ang kakayahan nitong gumawa ng kagamitang bato. Isang halimbawa nito ay ang Zinjanthropus.

Homo habilis: Zinjanthropus


Natagpuan ni Dr. Louis S.B. Leakey noong 1959 sa Olduvia Gorge, Tanzania sa Silangang Africa ang labi ng unang pangkat ng homo habilis. - nakalalakad ito nang tuwid - may taas na 4 na talampakan. higit na mataas ang kaalaman nito sa pinatutunayan ng mga nahukay na kasangkapang yari sa bato na pinaniniwalaang ginamit na panghiwa ng karne ng hayop na kanilang kinakain.

Homo erectus
Ang Homo erectus ay tinatayang pinakadirektang ninuno ng uring Homo sapiens. Nagtataglay ito ng mga katangiang nahahawig sa tao. Nakakalakad ito ng tuwid, nakagagawa ng gamit na yari sa bato, marunong gumamit ng apoy, mangaso at mangisda.

Homo erectus
Pithecanthropus Erectus - 1891 - Taong Java na natagpuan ni Eugene Dubois, isang doktor at antropologong Dutch sa Trinil, Java, Pulo ng Indonesia ang labi nito. - may taas na 5 1/2 talampakan. - pinalalagay na may utak na halos kasinlaki ng sa kasalukuyang tao. Sinanthropus Pekinensis - Isang pangkat ng arkeologong Tsino at Europeo ang nakatuklas sa bungo ng Taong Peking noong 1929 sa Choukoutien, China. Humigit kumulang sa 5 talampakan ang taas at may utak na kahawig ng sa makabagong tao. Nabuhay ang Taong Peking may 500,000 taon na ang nakalilipas. Ang Taong Peking ang nakatuklas ng apoy batay sa nahukay na mga sunog na bato sa loob ng kuweba.

Homo-: Homo sapiens


Natagpuan ang labi ng Homo sapiens sa Asya Sentral, Europa at Russia. Sa mga pagaaral na ginawa, natuklasan na mataas ang antas ng pag-iisip ng mga Homo sapiens. Namuhay sila sa mga kuweba kasama ang kanilang maliliit na pamilya. Nakagawa rin sila ng mga simpleng kasangkapan at nakapaglilibing ng kanilang patay. Maipagmamalaki rin ng uring ito ang kanilang primitibong sining at relihiyon.

Homo sapien
Neanderthal - Ito ang kaunaunahang ispisi ng Homo sapiens na natuklasan noong 1856 sa Lambak ng Neanderthal malapit sa Dusseldorf, Germany.
Cro-Magnon - Natagpuan ang mga buto at kasangkapan nito ng isang arkeologong Pranses na si Louis Lartet noong 1868 sa kuweba ng Cro-Magnon sa Timog France. - may 5 talampakan ang taas - may saplot sa katawan na yari sa balat ng hayop na tinahi sa pamamagitan ng karayom na yari sa buto.

Homo sapien sapien: Taong Tabon


Pinaka-unang katibayan ng tao sa Pilipinas ang pira-pirasng bung at pang ng 3 tao - hind matant kung mga babae o lalaki na tinatawag ngayng Tao ng Tabon. Natuklsan sa mga yungb ng Tabon, malapit sa Quezon, sa pul ng Palawan, ang mga but ay kasama ng mga tumpk ng pinagtabasan at mga gamit sa mga pagawaan ng bat sa 4 palapg ng pinakamalakng sild ng yungb. Ang bawat palapg ay pahiwatig ng pagtir dun ng mga Unang Tao, kay paniwal ngayng tinahanan ang yungb nang 4 ulit, at libu-libong tan ang pagitan dahil sa makapl na alikabk at lup na tumabon sa bawat sahg na pinag-iwanan ng mga pinagtabasan, gamit at but.
Ang Taong Tabon ay maniwaring is sa mga unang tao at kaib sa mga kasalukuyang tao sa Pilipinas, subalit bahagy lamang. Kung dadamitn ng T-shirt at mang (jeans), hind siy maiib sa mga nasa Quiapo ngayn. walng masasabi tungkl sa mukh niy - ang tangos ng ilng, kulay ng balt o kult ng buhk - maliban sa is: Ang Taong Tabon ay hind Negrito... --William Henry Scott, 1984

Susi ng mga salita:


Tabon man Homo sapien sapien Neanderthal Cro-Magnon Homo sapien Pithecanthropus erectus Sinanthropus pekinensis Homo erectus Zinjanthropus Homo habilis Australopithecus afarensis Australopithecus robustus Australopithecus africanus Australopithecine Homonid Dryopithecus Ramapithecus Hominid

Hominid unggoy na tao Homonid taong unggoy Pithekus Ape (Bakulaw) Anthropus Ape man (Mala-bakulaw) Homo Man (Tao) Robust - malakas Erectus - nakatuwid Habilis nakagagamit Sapien nagiisip Austral Southern Sinan China Zinjan India Dryo oak tree Rama Indian God

Hominids
8 mya 4 - 3 mya

Homo habilis 4 - 3 mya

Java Lucy

Ninunong Tsimpansi

Ninunong Hominid

Homo erectus Peking 1.5 mya

Homo sapiens
Archaic Homo sapien

250,000 100,000 ya Eve Mitochondrial Mother 10,000 ya Tabon 34,000 ya Cro-Magnon

Neanderthal

Hominid

Homo habilis

Ancestral Chimpanzee

Missing Link

Ramapithecus 8 mya

Lucy 4 - 3 mya

Australopithecus 5 mya

Homo erectus

Archaic Homo sapien

Homo sapien sapien

1470

Java 1.5 mya

Peking .5 mya

Neanderthal 100,000 ya

Cro-Magnon 34,000 ya

Tabon 10,000 ya

I Hanapin sa kolum B ang mga uri na nabibilang sa mga sari sa kolum A. Isulat lamang Ang titik ng tamang sagot. A 1. Hominid 2. Homonid 3. Homo habilis 4. Homo erectus 5. Homo sapien a. Taong Tabon B d. Australopithecine Australopithecus africanus Australopithecus robustus Australopithecus afarensis e. Pithecanthropus Erectus Sinanthropus Pekinensis

b. Neanderthal Cro-Magnon c. Dryopithecus Ramapithecus

6. Homo sapien sapien

f. Zinjanthropus

II Mula sa mga nakatalang sari at uri sa unang pananungan, bumuo ng isang diagram na nagpapakita ng pagkakasunod sunod ng salinglahi ng sinaunang sangkatauhan. Ipangkat ang mga ito ayon sa nakararaang taong itoy nabuhay.

You might also like