You are on page 1of 2

I.

PANIMULA
ANG SULIRANIN AT KILIGIRAN NITO

Mula sa panahong tinatawag na “enlightment” hanggang ngayong ika-


dalawangdaang siglo, binigyan diin edukasyon ang pangkaisipang pag-unland ng tao. Ito ay
inihayag sa mga natural na laro o mga organisadong aktibidad gaya ng gymnastic at isports.
Ang layunin ng mga ganitong program ay hasain ang katawan para sa karagdagan ikabubuti
ng pangkaisipang pag-unlad ng tao ( Kirchner, 2005).

Ang palakasan pangunahing aktibidad ng bawat paaralan sa mundo gaya lamang


ng California University at Chicago University. Sa Pilipinas, itoy ay isang mahalagang
aktibidad bawat paaralan, pampulitiko man o pribadong institusyon. Ito ay nilalahukan ng
mga mag-aaral dahi itoy ay partesa kurikulum ng Special Program in Sports ( Rimm, 2009)

Bilang pagpapalakas at pagpapabuti sa kalidad ng pagtuturo at performans ng mga


talentadong mag-aaral ng paaralang pang-sekundaraya, ang kagawaran ng Edukasyon ay
nagpapatupad ng Special Program for the Arts (SPA) at Special Program in Sports (SPS)
simula 2000 sa mga piling pampublikong pang-sekundarya sa buong bansa. Ang mga
paaralang naghahandog ng SPA at SPS Program ay naglalan ng oportunidad sa mga mag-
aaral ng hayskul na may maatas na hilig at potensyal sa sining at isports ( DepEd)

Mula sa higit isandaang paaralang sekondarya sa Pilipinas, isa nag Pambansang


mataas ng Paaralan ng La Union sa mga paaralang nagpapatupad ng Special Program in
Sports na nilalahukan ng mga atletang tunay ngang natatangi ng kanilang husay sa larangan
ng laro.

Ayon kay Dumok (2006), itinatag ang Sports Class Program sa Pambansang
Mataaas ng Paaralan ng La Union noong 1998 upang maglaan ng oportunidad sa mga mag –
aaral na may talent sa isports nang wala silang sinasakripisyong akademiks. Ngayon ay
kilalang na ang programang ito bilang Special Program in Sports at patuloy na humuhubog
ng mga mag-aaral na may dedikasyon at pagmamahal sa isports.

Ang libangan o isports ay nagbibigay ng maraming oportunidad para sa mga tao


upang mas higit na magamit ang kanilang kakayahan, upang maging bahagi ng isang
nakikiisang grupong nagpupunyagi, upang maranasan ang tuwa, at pagkatalo. At karagdagan
pa, ang pakikipagpaligsahan ay simpleng nakakatuwa. Naghahanda ito sa mga pagsubok sa
buhay upang matutong tumugon ng positibo sa pagharap sa hamon at pagbabago
( Reeve, wp).

Ang mundo ng isports ay salamin kung paanong ang isa ay maaring lumahok sa
laro ng paaralan at buhay. Ang mga atleta ay naglalaro at binibigay ang kanilang husay
Manalo man o matalo. Dahil sa mga programang ganito sa paaralan, sila ay nasasanay sa
kanilang isport at edukasyon, mga tungkol sa kabutihan ng buhay sining, agham, negosyo at
pamahalaan na nagdadawit ng tiyaga at disiplina sa sarili ( Rimm, 2009)

Sa panahon ngayon, napakaraming mag-aaral ang nawiwiling sumali sa mga


programang pang-ekstra kurikular sa kanilang mga paaralan katulad na lamang ng isports.
Maraming maidudulot na epekto sa pag-aaral ang pagsali sa mga nasabing programa. Ito ay
maaring maging maganda dahil ito ay nakakatulong sa pag-aaral o di kaya’y maging masama
dahil kung minsan ay nakalimutan ng mga mag-aaral ang kanilang prayoridad sa pag-aaral at
dahil dito, napapabayaan na nila ang kanilang mga responsibilidad sa mga akademiko
( Dy, et,al 2008)

Ang isports ay isang Gawain o interes na nagbibigay ng maraming mga positibong


pagkakataon para sa mga bata. Gayunpaman maara rin itong maging sanhi ng ilang
problema. Maraming mga magulang na naniniwala na ang pakikilahok sa isports ay isang
nagpapahusay at naniniwala na ang isports ay paraan ng tagumpay ng kanilang mga anak
( Rimm, 2009)
Maraming epekto ang isports sa pag-aaral ng mga atleta, makakabuti man o
nakakaabala. Ang pagiging kalahok sa Special Program in Sports ay hindi madali at
nangangailangan ito ng tamang disiplina. Nararapat lamang na pag-aralan Akademik
Performans ng mga mag-aaral sa nasabing programa nang sa gayona y magkaroon ng
kaalaman ang ibang mag-aaral na hindi madali at basta-basta ang buhay ng isang atleta.

You might also like