You are on page 1of 1

“Kahirapan sa mga Matang Inosente”

Sa mga mata ng mga inosenteng bata ay hindi


mababakas ang ang pang araw araw na kahirapan
na kanilang dinadanas na tila ba ay nakasanayan
na nila. Mga mumunting nilalang na animo’y
eksperto na sa pakikibaka sa hamon ng buhay.

Sa pagsikat ng araw palang ay handa na sila sa


panibagong pagsubok. Sinisikap ng mga musmos
matugunan ang sikmurang kumakalam sa
paghahanap buhay sa kalye sa kabila ng panganib,
init at ulan.

Ang karapatan bilang bata ay inagaw ng


kahirapan. Namulat sa salat na pamumuhay,
naensayo sa patatagan ng sikmura, kalye ang
naging palaruan, paaralan at pahingahan

Maaga man namulat sa lupit ng reyalidad, ay hindi


nawawalan ng pag asang makaahon sa hirap.
Busina ng mga sasakyan at panganib sa kalye ang
nagsisilbing paaralan.

Ngunit sa kabila ng pinagdadaanan, hindi


mawawala ang kasayahan at pag asang
makakatawid sa mundong puno ng kahirapan
patungo sa pangarap na Kalayaan.

You might also like