You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION X
SCHOOLS DIVISION OF MISAMIS OCCIDENTAL

Memorandum Pansangay Agosto 1, 2022


Blg.________,s. 2022

BUWAN NG WIKANG PAMBANSA 2022

Para sa : Pansangay na Tagamasid


Pampaaralang Distritong Tagamasid sa Elementarya
Punongguro/Ulongguro sa Elementarya/Sekundarya
Mga Guro sa Asignaturang Filipino
___________________________________________________________________________

1. Alinsunod sa itinakdang Pampanguluhang Proklamasyon Blg. 1041 s.


1997
na nagpapahayag ng taunang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa tuwing
Agosto 1-31 na pangungunahan ng Komisyon ng Wikang Filipino (KWF).

2. Ang Tema ng pagdiriwang sa Buwan ng Wikang Pambansa 2022 ay “ Filipino


at
Mga Katutubong Wika : KASANGKAPAN SA PAGLIKHA AT PAGTUKLAS” na
ipinatutupad ng KWF , na naglalayon na ilaan ang buwan ng Agosto bilang lunsaran
ng mga pagpupunyagi sa kasaysayan ng bansa at mga wika.

3. Bilang pakikiisa sa taunang pagdiriwang ng Buwan ng Wika, ang Kawanihan


ng
Paglinang ng Kurikulum o Bureau of Curriculum Development ay nagsasagawa ng
paligsahan sa pagsulat ng Sanaysay at pagsulat ng Malayang Tula. Bukas ang paligsahan
sa apat na dibisyon para sa mga kwalipikadong mag-aaral at guro sa pampublikong
paaralan taong panuruan 2021-2022:

1. Baitang 4-6 – Elementarya 2. Baitang 7-10 – Junior HS


3. Baitang 11-12- Senior HS 4. Mga Guro na nagtuturo sa Filipino
(Elem,JHS,SHS)

4. Kalakip nito ang buong detalye sa Memorandum Pangrehiyon Blg.463 s.2022


at
Memorandum Pangkagawaran DM-CI-2022-CO263 s.2022, na pinamagatang
Panawagan
sa Paglahok sa Pagsulat ng Sanaysay at Pagsulat ng Malayang Tula.

5. Hinihikayat din ang mga paaralan ng buong sangay na magsagawa ng mga

Address :Osilao St., Poblacion 1, Oroquieta City, Misamis Occidental


Contact Number: (088) 531-1872 / 0977 – 8062187
E-mail Address: deped_misocc@yahoo.com
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION X
SCHOOLS DIVISION OF MISAMIS OCCIDENTAL

paligsahan batay sa mga iminumungkahing dibisyon o antas (mag-aaral at guro) bago ang
Agosto 10, 2022 upang direktang maisumete ang intreng piyesa o akdang napanalunan
ng kalahok sa bawat dibisyon ng bawat paaralan o distrito ayon sa/gamit ang ibinigay na
link sa Memorandum DM-CI-2022-CO263.

6. Iminumungkahi ng administrasyong ito ang magsuot ng kasuotang Filipino


ang buong kaguruan at mga kawani ng sangay tuwing Lunes at Biyernes.
Magkakaroon din ng mga gawain, tulad ng pagtutugtog ng mga awiting Filipino sa
loob ng paaralan at opisina , Pagkakaroon ng katutubong sayaw at pag-aawit bilang
pagpapahalaga sa katutubong kultura at pagtuklas ng kakayahan at talino sa pagsulat
at pagtula , sa unang linggo ng Agosto bilang pambukas o sa huling linggo ng buwan
bilang pampinid na palatuntunan sa buwanang pagdiriwang ng Pambansang Wika at
pagsalubong natin sa pagbubukas ng klase sa taong panuruan 2022-2023.

7. Hinihiling ang malawakan at madaliang pagpapalaganap ng Memorandum na ito.

EDWIN R. MARIBOJOC, EdD, CESO VI


Tagapamanihala ng mga Paaralan

Address :Osilao St., Poblacion 1, Oroquieta City, Misamis Occidental


Contact Number: (088) 531-1872 / 0977 – 8062187
E-mail Address: deped_misocc@yahoo.com
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION X
SCHOOLS DIVISION OF MISAMIS OCCIDENTAL

Address :Osilao St., Poblacion 1, Oroquieta City, Misamis Occidental


Contact Number: (088) 531-1872 / 0977 – 8062187
E-mail Address: deped_misocc@yahoo.com

You might also like