You are on page 1of 2

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
REHIYON IV-A CALABARZON
Sangay ng CALAMBA
28 HULYO 2022
DIVISION MEMORANDUM
No._____ ___ S. 2022

PAGDIRIWANG NG BUWAN NG WIKANG PAMBANSA 2022

PARA SA: Pangalawang Tagapamanihala ng Paaaralan


Hepe ng Kurikulum/Pampaaralang Pamamahala
Pandibisyong Tagamasid
Pandistritong Superbisor sa Pampublikong Paaralan
Pampublikong Punungguro ng Paaralang Elementarya at Sekundarya
Pampublikong guro sa Elementarya at Sekundarya

1. Kung ating dadalumatin at lilimiin ang kasaysayan ng wika, malinaw na makikita sa


mga probisyong isinasaad ng Saligang Batas na ang wika ay hindi lamang dapat
ginagamit at sinasalita kundi ito ay dapat ding payabungin at pagyamanin. Kaalinsabay
nito, Ang Komisyon ng Wikang Filipino (KWF) ay nilikha ng Batas Republika Blg.
7104 upang magsagawa, mag-ugnay at magtaguyod ng mga pananaliksik para sa
pagpapaunlad, pagpapalaganap at preserbasyon ng Filipino at ng iba pang mga
katutubong wika sa Pilipinas.

2. Upang higit na pagtibayin ang pagpapayabong na ito, idineklara ni dating Pangulong


Fidel V. Ramos ang buong buwan ng Agosto bilang Buwan ng Wikang Pambansa sa
pamamagitan ng proklasmayon bilang 1041. Isa rin sa layuning sumailalim sa
proklamasyong ito ay ang palaganapin ang wika sa tulong ng mga kawani ng mga
paaralan sa buong bansa.

3. Kaya naman, ang Dibisyon ng Calamba, sa pangunguna ng sangay sa Implementasyon


ng Kurikulum (Curriculum Implementation Division) katuwang ang Pansangay ng
Tagamasid sa Filipino ay malugod na nakikiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang
Pambansa na may temang; “Filipino at mga Katutubong Wika: Kasangkapan sa
Pag-unlad at Paglikha.

4. Ang layunin ng Buwan ng Wika 2022 ay ang mga sumusunod:

a. Ganap na maipatupad ang Pampanguluhang Proklamasyon Blg. 1041;


b. Maiingat ang kamalayan ng mga Filipino lalo na sa mga kabataan ukol sa wika at
kasaysayan nito;
c. Mahikayat ang iba’t ibang ahensyang pampamahalaan at pampribado na makiisa sa
mga programang tulad nito na nagpapataas ng kamalayang pangwika at sibiko;
d. Maganyak ang mga mamamayang Pilipino na pahalagahan ang mga wika ng
Pilipinas sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok sa mga gawaing kaugnay ng
Buwan ng Wikang Pambansa; at
e. Maipakilala sa mga mamamayang Pilipino ang KWF bilang ahensya ng pamahalaan
na mangangalaga sa mga wika ng Pilipinias sa pamamagitan ng programang
pangwika nito;
5. Hinati sa limang (5) lingguhang tema ang isang buwang pagdiriwang;

PETSA TEMA
Unang Linggo Ang mga Wikang Katutubi sa paglinang ng
1-7 Agosto 2022 Kulturang Pangkalikasan

6. fgffff

You might also like