You are on page 1of 11

PORT

SCHOOL ID: 313812 Performance Achievement for Optimum


Purok 2, Brgy. Manguino-o, 6710 Calbayog City, Philippines Development of Revitalized and
https://www.facebook.com/sjnhs.manguino-o.1 Transformed Students
Republika ng Pilipinas
Departamento ng Edukasyon
Rehiyon VIII – Silangang
Visayas
Pansangay na Dibisyon ng
mga Paaralan ng Lungsod ng
Calbayog
Distrito ng Tinambacan 2
Pangalan ng Gawain PAMPINID
SAN JOAQUIN NA PROGRAMA SA PAGDIRIWANG NG BUWAN NG
WIKA 2022
NATIONAL HIGH
Tagapag-ugnay SCHOOL – MANGUINO-O
Richard H. Toliao, Tagapangasiwa ng Samahan ng Filipino
ANNEX
Petsa Ika-1
School Id:ng Setyembre, 2022
313812
Lugar Mataas na Paaralan ng San Joaquin – Manguino-o Annex
Mga Taong Nakiisa Mga Punungguro, Mga Guro, Mga Mag-aaral, at mga Panauhing Pandangal
Makatwirang Paliwanag Alinsunod sa Proklamasyon Bilang 1041, s. 1997, ang buwan ng
Agosto ay itinalaga bilang taunang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang
Pambansa tuwing petsa 1-31. Ito ay itinakda upang maisapuso at
maintindihan ng bawat mamamayan lalong-lalo na ng mga kabataan ang
tunay na diwa at kahalagahan ng wika sa pagsasabuhay nito hindi lamang
mula sa apat na sulok ng paaralan gayundin sa pang-araw-araw na
pamumuhay ng isang indibidwal.

Ayon na rin sa inilabas na Memorandum Pangkagawaran Blg. 073, s.


2022 at batay na rin sa mga gawaing ipinanukala ng Sangay ng mga Paaralan
ng Lungsod ng Calbayog, ang mga paaralan ay kinakailangang magkaroon ng
pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2022 na may temang “Filipino
at mga Katutubong Wika: Kasangkapan sa Paglikha at Pagtuklas” na
naglalayong bigyang halaga ang Wikang Filipino bilang tanda ng
pagkakabuklod o pagkakaisa ng mga mag-aaral at guro at bilang
pagpupunyagi sa yaman ng mga mamamayan sa kanilang wika.
Mga Layunin Upang magsilbing gabay, narito ang mga sumusunod na mga layunin ng
selebrasyon:

a. Ganap na maipatupad ang Pampanguluhang Proklamasyon Blg. 1041;


b. Maiangat ang kamalayan ng mga mag-aaral ukol sa wika at
kasaysayan nito;
c. Maganyak ang mga ito na pahalagahan ang mga wika ng Pilipinas sa
pamamagitan ng aktibong pakikilahok sa mga iba’t ibang gawain
kaugnay ng pagdiriwang ng paaralan sa Buwan ng Wika 2022;
d. Maipaliwanag ang tema, “Filipino at mga Katutubong Wika:
Kasangkapan sa Paglikha at Pagtuklas”; at
e. Mahikayat ang mga magulang at mga stakeholders na makilahok sa
selebrasyon upang kanila ring maisabuhay ang pagkaPilipino.
Mga Resulta Pagkatapos ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2022, ang mga sumusunod ay
ang mga naging resulta nito:

a. Matagumpay na naintindihan ng mga mag-aaral at ng mga guro ang


kahalagahan ng Wikang Filipino
b. Nagkaroon ng kasiya-siya at makulay na mga karanasan ang mga
mag-aaral habang nakikilahok sa iba’t ibang mga inihandang
paligsahan ng tagapangasiwa ng Buwan ng Wika
c. Kaugnay nito, nalinang ng husto ng mga kabataan ang kanilang mga
kakayahan at talento sa pagpapakita ng pagpapahalaga at pagmamahal
sa ating inang wika
MGA PUNA SA NATAPOS  Bawat mag-aaral sa iba’t ibang baitang ay aktibong nakibahagi sa
NA GAWAIN ginanap na programa
 Naglalakihang ngiti sa labi ang makikitang nakaukit sa bawat mukha

PORT
SCHOOL ID: 313812 Performance Achievement for Optimum
Purok 2, Brgy. Manguino-o, 6710 Calbayog City, Philippines Development of Revitalized and
https://www.facebook.com/sjnhs.manguino-o.1 Transformed Students
ng mga nakidalo sa palatuntunan
 Masayang nalinang ang kakayahan ng mga kabataan sa pagpapakita
ng kanilang pagpapahalaga at pagmamahal sa sariling wika

PORT
SCHOOL ID: 313812 Performance Achievement for Optimum
Purok 2, Brgy. Manguino-o, 6710 Calbayog City, Philippines Development of Revitalized and
https://www.facebook.com/sjnhs.manguino-o.1 Transformed Students
PINAKAMATAAS NA
BAHAGI NG GAWAIN / Ang Buwan ng Wikang Pambansa ay ginugunita taon-taon tuwing
HIGHLIGHTS buwan ng Agosto. Ito ay alinsunod sa Proklamasyon Blg. 1041 na nilagdaan
ni dating Pangulong Fidel V. Ramos at alinsabay sa paggunita ng kaarawan
ng dating Pangulong Manuel L. Quezon, ang tinaguriang “Ama ng Wikang
Pambansa” noong ika-19 ng Agosto taong 1878. Layon nitong alalahanin ang
kasaysayan, kilalanin, panatilihin at paunlarin ang wikang Filipino. Ito ang
tanda ng pagsaludo at pagmamahal sa Pilipinas na taunang ginagawa na ng
bawat paaralan.

Ang selebrasyon ng Buwan ng Wika ay may pangkalahatang tema na


“Filipino at mga Katutubong Wika: Kasangkapan sa Paglikha at Pagtuklas”.

Ang Mataas na Paaralan ng San Joaquin – Manguino-o Annex ay isa


mga paaralan ng Dibisyon ng Lungsod ng Calbayog na nakiisa sa adhikaing
lalong pagyamanin at pausbongin ang lahing Pilipino at palawakin pa ang
paggamit ng wikang Filipino. Sa katatapos pa lamang na pagdiriwang ng
paaralan sa Buwan ng Wika 2022, tunay ngang pinahalagahan ng paaralang
ito ang pagdiriwang ng Wikang Pambansa.

Ang nasabing pagdiriwang ay inumpisahan ng awit panalangin bilang


paghingi ng gabay sa Panginoon sa mga paligsahang gagawin sa araw na
iyon. Sinundan ito ng pag-awit ng Lupang Hinirang na pinangunahan naman
ng Tagapayo ng ika-pitong baitang na si Ginang Mary Catherine C. Jabelo.
Para magising ang mga diwa ng lahat ng kalahok at manonood, isang
pampasiglang ehersisyo ang inihanda ng ika-walong baitang. Kasunod nito
ang pagtatala ng bilang ng dumalo sa bawat baitang na isinagawa ni Ginang
Elaiza Claire L. Pallones, tagapayo ng ika-sampung baitang. Isang espesyal
na mensahe at pambungad na pananalita naman ang ibinigay ni Ginoong
Oscar D. Billate, Jr., Pangulong Guro ng Mababang Paaralan ng Manguino-o,
na siyang pumukaw sa kanilang malay pagka-Pilipino at umudyok na manood
sa iba’t ibang inihandang paligsahan. Bago tumungo sa ikalawang bahagi ng
palatuntunan, ibinigay muna ng dalawang Punong Tagapayo ng Samahang
Filipino, si Ginang Angelina D. Rosalado ng Mababang Paaralan ng
Manguino-o at si Ginoong Richard H. Toliao ng Mataas na Paaralan ng San
Joaquin – Manguino-o Annex, ang mga alituntunin ng gaganaping iba’t ibang
patimpalak.

Pagkatapos ng unang bahagi ng palatuntunan, agad na sinimulan ang


mga patimpalak para sa ikalawang bahagi. Lahat ng mga kalahok nito ay
nagsipaghanda na at gumayak tungo sa lugar ng pagdadaosan. Sa bahaging
ito, nakita ang talino, galing at talento ng mga mag-aaral sa bawat baitang na
nagsilbing tanda na sila ay naeengganyo at nasisiyahan sa muling pagbubukas
ng klase mula sa dalawang taong pamamalagi sa kanilang bahay nang dahil sa
“modular classes”. Ang mga sumusunod ay ang ginanap na mga patimpalak:
a. Pagsulat ng Sanaysay
b. Sabayang Pagbigkas
c. Dagliang Talumpati
d. Patimpalak sa Makabagong Panunula
e. Patimpalak sa Pagkanta
f. Patimpalak sa Tiktok

Matindi man ang naging tunggalian ng bawat baitang, ipinakita pa rin


ng mga kalahok ang kanilang “sportsmanship”, isang kaugaliang Pilipino na
kinagisnan na ng lahat magmula pa man ng sinaunang panahon. Maliban sa
angking talento at talino ng mga mag-aaral, tampok din sa iba’t ibang bahagi
ng paligsahan ang kanilang pagkamalikhain at pagkakabuklod-buklod na
siyang nagbigay ng di mapawing matamis na ngiti mula sa labi ng kanilang
PORT
SCHOOL ID: 313812 Performance Achievement for Optimum
Purok 2, Brgy. Manguino-o, 6710 Calbayog City, Philippines Development of Revitalized and
https://www.facebook.com/sjnhs.manguino-o.1 Transformed Students
PAMAMAHALA SA Ang matagumpay na pagdiriwang sa pampinid na palatuntunan ng Buwan ng
GAWAIN Wika ay pinangunahan ng Pangulong Guro na si Ginang Sonia C. Cupla at
ipinagpatuloy naman ng Punong Tagapayo ng Samahang Filipino ng Paaralan
na si Ginoong Richard H. Toliao ayon na rin sa paklkiisa at pakikilahok ng
bawat guro ng paaralan.
LOHIKAL NA  Isang munting pagpupulong ang idinaos ng paaralan upang
PAGKAKAYOS NG mapagplanuhang mabuti ang gaganaping pagdiriwang
GAWAIN
 Inisa-isa ang mga patimpalak na maaaring gawin sa selebrasyon ng
Buwan ng Wika kasama na ang pagbabahagi ng mga katungkulan sa
bawat guro upang masiguro ang matagumpay na pangangasiwa sa
naturang palatuntunan
 Lahat ng tagapayo ng bawat baitang ay nagkaroon ng kanilang sariling
pagpupulong upang malaman kung sino ang lalahok sa iba’t ibang
patimpalak na inihanda ng paaralan sa pagdiriwang ng Buwan ng
Wika

Inihanda ni:

RICHARD H. TOLIAO
Guro

Pinagtibay ni:

SONIA C. CUPLA
Pangulong Guro

PORT
SCHOOL ID: 313812 Performance Achievement for Optimum
Purok 2, Brgy. Manguino-o, 6710 Calbayog City, Philippines Development of Revitalized and
https://www.facebook.com/sjnhs.manguino-o.1 Transformed Students
Republika ng Pilipinas
Departamento ng
Edukasyon
Rehiyon VIII – Silangang
Visayas
Pansangay na Dibisyon ng
mga Paaralan ng Lungsod
ng Calbayog
Distrito ng Tinambacan 2
SAN JOAQUIN
Pampinid na Palatuntunan
NATIONAL HIGH
ng Buwan ng Wika
SCHOOL – 2022
SIPI NG MGA GURONG
MANGUINO-O ANNEX DUMALO
School Id: 313812
Ika-1 ng Setyembre

Bilang Pangalan Time In Time Out Lagda

Inihanda ni:

RICHARD H. TOLIAO
Punong Tagapayo, Samahang Filipino ng Sekondarya

PORT
SCHOOL ID: 313812 Performance Achievement for Optimum
Purok 2, Brgy. Manguino-o, 6710 Calbayog City, Philippines Development of Revitalized and
https://www.facebook.com/sjnhs.manguino-o.1 Transformed Students
Republika ng Pilipinas
Departamento ng
Edukasyon
Rehiyon VIII – Silangang
Visayas
Pansangay na Dibisyon ng
mga Paaralan ng Lungsod
ng Calbayog
Distrito ng Tinambacan 2
SAN JOAQUIN Pampinid na Palatuntunan
NATIONAL HIGH ng Buwan ng Wika 2022
SIPI NG
SCHOOL – MGA MAG-AARAL NA DUMALO
MANGUINO-O ANNEX Ika-1 ng Setyembre
School Id: 313812

Bilang Pangalan Lagda Komento


1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20

Inihanda ni:

ELAIZA CLAIRE L. PALLONES


Tagapayo, Grade 10

PORT
SCHOOL ID: 313812 Performance Achievement for Optimum
Purok 2, Brgy. Manguino-o, 6710 Calbayog City, Philippines Development of Revitalized and
https://www.facebook.com/sjnhs.manguino-o.1 Transformed Students
PORT
SCHOOL ID: 313812 Performance Achievement for Optimum
Purok 2, Brgy. Manguino-o, 6710 Calbayog City, Philippines Development of Revitalized and
https://www.facebook.com/sjnhs.manguino-o.1 Transformed Students
DOKUMENTASYON /
MGA LARAWAN

Ang pagsisimula ng Pampinid na


Palatuntunan ng Buwan ng Wika 2022
ay dinaluhan ng mga guro, mag-aaral at
ng iba pang mga panauhin.

Pinangunahan ng Ikawalong Baitang


ang pampasiglang ehersisyo na
sinabayan naman ng kanilang mga
kamag-aral.

PORT
SCHOOL ID: 313812 Performance Achievement for Optimum
Purok 2, Brgy. Manguino-o, 6710 Calbayog City, Philippines Development of Revitalized and
https://www.facebook.com/sjnhs.manguino-o.1 Transformed Students
DOKUMENTASYON /MGA LARAWAN

Mga Iba’t Ibang Patimpalak sa Buwan ng Wika 2022

PORT
SCHOOL ID: 313812 Performance Achievement for Optimum
Purok 2, Brgy. Manguino-o, 6710 Calbayog City, Philippines Development of Revitalized and
https://www.facebook.com/sjnhs.manguino-o.1 Transformed Students
DOKUMENTASYON /MGA LARAWAN

Ang mga punong abala sa pagdiriwang ng


Buwan ng Wika 2022.

Tunay ngang nabiyayaan ng talino at talento ang mga


Pilipino sa pagpapamalas ng galing ng mga mag-aaral na
ito.

PORT
SCHOOL ID: 313812 Performance Achievement for Optimum
Purok 2, Brgy. Manguino-o, 6710 Calbayog City, Philippines Development of Revitalized and
https://www.facebook.com/sjnhs.manguino-o.1 Transformed Students

You might also like