You are on page 1of 25

QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE INC.

Dr. Ramon Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon


COLLEGE DEPARTMENT

KALAGAYAN NG PAGGAMIT NG URI NG WIKA SA PAKIKIPAGTALASTASAN NG

MGA MAG-AARAL NG IKATLONG TAON PANGKAT-A SA KURSONG

BATSELYOR NG EDUKASYON SA SEKONDARYA FILIPINO NG QUEZONIAN

EDUCATIONAL COLLEGE INC. ATIMONAN QUEZON AKADEMIKONG TAON

2021-2022 UNANG SEMESTRE

JESSA G. TUMULAK

BSED FILIPINO III A

UNANG SEMESTRE

Sa Patnubay Ni

MIZI G. CANAYA, EdD


QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE INC.
Dr. Ramon Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
COLLEGE DEPARTMENT

ABSTRAK

Pangalan:

Jessa G. Tumulak

Pamagat:

KALAGAYAN NG PAGGAMIT NG URI NG WIKA SA PAKIKIPAGTALASTASAN


NG MGA MAG-AARAL NG IKATLONG TAON PANGKAT-A SA KURSONG BATSELYOR
NG EDUKASYON SA SEKONDARYA FILIPINO NG QUEZONIAN EDUCATIONAL
COLLEGE INC. ATIMONAN QUEZON AKADEMIKONG TAON 2021-2022 UNANG
SEMESTRE

Degri:

Batselyor ng Edukasyon sa Sekondarya

Espesyalisasyon:

Filipino

Tagapayo:

Mitzi G. Canaya, EdD

A. Pangkalahatang layunin:

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong malaman ang Kalagayan ng Paggamit ng Uri ng


Wika sa Pakikipagtalastasan ng mga mag-aaral ng Ikatlong Taon Pangkat-A sa Kursong Batselyor
ng Edukasyon sa Sekondarya Filipino ng Quezonian Educational College Inc. Atimonan Quezon
Akademikong Taon 2021-2022 Unang Semestre

Mga Tiyak na layunin:

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong malaman ang mga sumusunod na katanungan:

1. Ano ang demograpikong profayl ng mga mag-aaral sa Kursong Batselyor ng Edukasyon


sa Sekondaryang Filipino Pangkat A ng Quezonian Educational College Inc. Atimonan
Quezon:
A. Edad
B. Kasarian
2. Anong uri ng wika ang ginagamit sa pasulat na pakikipagtalastasan?
3. Ano ang uri ng wika ang ginagamit sa pasalitang pakikipagtalastasan?
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE INC.
Dr. Ramon Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
COLLEGE DEPARTMENT

4. Ano ang uri ng wika ang ginagamit sa pagsagot sa guro sa blended na pag-aaral?

B. Pamamaraan
Ang mananaliksik ay gumamit ng pamaraang palarawan upang matamo ang mga
layunin ng pag-aaral na ito. Isinagawa ang mga sumusunod na Gawain:
 Bumuo ng mga talatanungan ang mananaliksik sa Kalagayan ng Paggamit
ng Uri ng Wika sa Pakikipagtalastasan ng mga mag-aaral ng Ikatlong Taon
Pangkat-A sa Kursong Batselyor ng Edukasyon sa Sekondarya Filipino ng
Quezonian Educational College Inc. Atimonan Quezon Akademikong Taon
2021-2022 Unang Semestre matapos mabuo at maaprubahan ay lumikha
naman ng liham pahintulot.
 Matapos naman na maaptubahan ng tagapamahala sa paaralan ay ipinadala
ng mananaliksik ang ginawang talatanungan sa mga respondent sa paraang
elektronik.
 Agad naman tumugon ang mga respondent at matapos malikom ang mga
datos ay agad inilipat ng mananaliksik.
 At nang lumabas na ang resulta ay binigyan ng paliwanag ng mananaliksik
ang mga datos na kinalabasan nito.

C. Konklusyon
Batay sa lagom na napag-alaman, ang mga sumusunod na konklusyon ay nabuo.
1. Pasulat na paggamit.
Malinaw na naipahayag na ang pagkakaroon ng kombinasyon na maging mapanuri
sa mga tekstong nababasa o naririnig natin. Ginagamit ito ng mga mag-aaral sa
kasalukuyan dala ng panahon sa lipunan at iba pang nasasakupan nito.
2. Pasalitang paggamit.
Napatunayan ng mananaliksik na nakaaapekto ang paghahati-hati ng mga ideya
mula sa wika ay makakatulong na mas maunawaan ang mga ito. Hindi na nabibigyan ng
tuon ang paggamit ng mga ito dala ng henerasyon upang makasabay sa napapanahon kaya’t
ang paggamit ng paghahati-hati ng mga ideya mula sa wika ay makatutulong na mas
maunawaan o maintindihan ang mga ito.
3. Tamang pagsagot sa guro.
Ang pinakamabisang tamang pagsagot sa guro ay magkaroon ng sapat na kaalaman
ukol sa wastong gamit ng mga salita lalo na sa ating wika. Kailangang maging responsible
sa paggamit ng mga ito. Nararapat din na ang mga ito'y gagamitin upang magkaroon ng
makabuluhan at makatutulong sa pag-unlad.
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE INC.
Dr. Ramon Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
COLLEGE DEPARTMENT

D. Rekomendasyon
Ang mga sumusunod na detalye ay patungkol ito sa mga mungkahing solusyon para
sa mga suliraning natukoy o natuklasan sa isinagawang pananaliksik:
A. Para sa mga mag-aaral, kinakailangang mapaunlad ang kakayahan ng wika
upang magamit ng wasto sa pakikipagtalastasan lalo’t higit sa pang-akademikong sulatin
kahit na nasa sitwasyon tayo ng pandemya. AT mapalawak pa ang kaalaman tungkol sa
paggamit ng wika at lalo na sa mga pakikipag-usap at upang magamit ang mga salita sa
tama lalo na sa panahon o sitwasyon.
B. Para sa mga guro, magkaroon ng sapat na kaalaman sa pag-unawa ng mga uri
ng wika sa panahon ngayon ang mga mag-aaral. Sa ganitong paraan, ang komunikasyon
ng guro sa kanyang mga estudyante ay hindi mahahadlangan at magkaroon rin ng sapat na
kasanayan sa pagtuturo ng wasto at pagtataguyod ng wika.
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE INC.
Dr. Ramon Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
COLLEGE DEPARTMENT

KABANATA I
A. Panimula

Ang wika ay pinakamahalagang uri sa isang bansa dahil ito ang ginagamit sa pakikipag-usap
sa isa't isa o sa bawat tao dapat itong pahalagahan at maging silbi ito na may paggalang at
makakatulong ito sa mga susunod na henerasyon at mauunawaan kung gaano ito kahalaga at
pasalamatan natin ang ating sariling wika. Ang Pilipinas ang may maraming wikang ginagamit na
kahit iisang bansa lamang. Kahit maliit ang ating bansa ay marami ang sumasakop sa atin. Ang
wika ay pangunahing anyo sa pansagisag ng tao. Tinuturing rin itong saplot ng kaisipan. Kinikilala
na pilipino ay tagalog lamang sa syntax at grammar. Ang tagalog ay isa sa nagungunang 40 wika
ng ating mundo na may 24 milyong nagsasalita bilang kanilang unang wika at higit sa 65 milyong
mga nagsasalita nito bilang kanilang pandagdag na wika.

Sa Kasaysayan ng ating Wika, dati tayong sinakop ng mga Espanyol sila ang nagtuturo sa
atin ng mga iba’t ibang salita parang Banyo, Kutsara at iba pa. Simula noong araw na yun doon na
nagsimula ang Abecedario at ang Aliba ay tinanggal at iniba-iba na ang mga letrang gamit natin.
Walang kalayaan hindi tayo binigyan ng mga Espanyol at talagang napakastrikto pagdating sa
kultura at wika.

Sa Wikang Tagalog noong Hunyo 2007 si Ricardo Maria Nolasco ay Tagapangulo ng


Komisyon ay isang Wikang Filipino ( Komisyon sa Wikang Filipino ), kinikilala na Pilipino ay
lamang Tagalog sa syntax at grammar na may bilang pa walang pambalarila elemento o lexicon
nanggagaling mula sa Ilocano, Bisaya, Hiligaynon o alinman sa iba pang mga wika ng Pilipinas.
Sa panahon ng Propaganda at Himagsikan, Dito tayo nagkaroon ng kaunting kalayaan. Siina
Andres Bonifacio, Apolinario Mabini at si Jose Rizal ang nagpatatag ng mamamayan. Doon na rin
nauso ang El Filibusterismo, La Liga Filipina at ang La Solidaridad. Dito na rin tayo naging
matatag at laging nakikipaglaban sa mga karapatan at kalayaan natin.

B. Batayang Teorikal
(Input) (Proseso)
(Awtput)
BSED IIIA Kalagayan ng Paggamit ng uri ng
wika sa pakikipagtalastasan
Demograpik Profayl
Bidyo na nagpapahayag
ng wastong wika na
- Pasulat dapat gamitin batay sa
- Kasarian
- Pasalita sitwasyon
- Edad
- Pagsagot sa guro
- Tirahan
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE INC.
Dr. Ramon Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
COLLEGE DEPARTMENT

C. Layunin ng Pag-aaral

1. Anong uri ng wika ang ginagamit sa pasulat na pakikipagtalastasan?

2. Ano ang uri ng wika ang ginagamit sa pasalitang pakikipagtalastasan?

3. Ano ang uri ng wika ang ginagamit sa pagsagot sa guro sa blended na pag-aaral?

D. Kahalagahan ng pag-aaral

Ang wika ay mahalaga sa tao sapagkat ito ang pinakapangunahing kailangan upang
maipahayag natin ang damdamin, opinyon, saloobin sa kaisipan at iba pa. Wika ang dahilan upang
magkaisa ang mga tao, umunlad at makamit ang kalayaan na nagbubuklod ang bansa Sa
komunikasyon ang nagbubuklod ng bansa, nag-iingat at nagpapalaganap ng kaalaman na
lumilinang ng makatang pag-iisip. Sa wika hindi na mahalaga ang mataas na kaalaman sa wika o
sapat na pagkakaunawaan gamit ang wika.

E. Saklaw at limitasyon ng Pag-aaral

Ang layunin nito sa pag-aaral ay upang malaman ang pagbabago ng wika at ng sinauna
hanggang ngayon at sa susunod pang henerasyon. Sa mga tuntunin na ito ang pagggamit ng wika
at pag-unlad ay may mga limitasyon na dapat isaalang-alang, ang dahilan nito ay upang mapanatili
ang kaayusan ng pa-aaral payungkol dito.

F. Depinisyon ng mga Katawagan

Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan. Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog,
atmga kaugnay na bantas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan o damdamin. Tinataya
itong sa pagitan ng 6,000 hanggang 7,000 ang wikang pandaigdigan, depende ito sa kung gaano
katiyakang pagkahulugan sa "wika", o kung paano pinag-iiba ang mga wika at mga diyalekto.

Binanggit ni Austero et al (1999) mula kay Gleason na ang wika ay masistemang balangkas
ns sinasalitang tunog at isinaayos sa paraang arbitraryo. Ang mga tunog ay hinugisan o binibigyan
ng mga makabuluhang simbolo (letra) na pinagsama-sama upang makabuo ng mga salita na gamit
sapagpapahayag.

Ang wika ay isang masistemang balangkas dahil ito ay binubuo ng mga makabuluhang tunog
(fonema) na kapag pinagsama-sama sa makabuluhang sikwens ay makakalikha ng mga salita
(morfema) na bumabagay sa iba pang mga salita (semantiks) upang makabuo ng mga
pangungusap. Ang pangungusap ay may istraktyur (sintaks) na nagiging basehan sa
pagpapakahulugan sa paggamit ng wika. Ang wika ay may kakanyahan. Lahat ng wika ay may
sariling set ng palatunugan, leksikon at istrukturang panggramatika. May katangian ang isang wika
na komon sa ibang wika samantalang may katangian namang natatangi sa bawat wika. Halimbawa,
Wikang Swahili.
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE INC.
Dr. Ramon Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
COLLEGE DEPARTMENT

KABANATA II
Mga Pagkakaiba ng bawat salita na ginagamit sa wika

Sa salitang ating ginagamit o binibigkas ay may iba't ibang kahulugan: halimbawa, NG at


NANG. Ang "NG" ay ginagamit sa mga pangngalan at kasunod ng mga pang-uring pamilang o
ng pagmamay-ari. Ang "NANG" ay ginagamit sa gitna ng mga pandiwang inuulit o nagsaad ng
dahilan o kilos ng galaw. Kung ano ang tamang paggamit ng bawat pangungusap.

A. Mga uri ng bawat salitang ginagamit ng mga mag aaral

Ito ang pangunahing problema ng bawat tao o mag-aaral sa paggamit ng mga pangungusap.
Iba't iba ang mga paggamit ng salita lalo na sa panahon ng pandemya, mas marami ang hindi
nagpopokus dito.

B. Paggamit ng Talahanayan

Uri ng Impormasyon Sanggunian Lokasyon ng impormasyon


sa pananaliksik

Sa paksang ito, ditto a. Nagpapahalaga at Napakahalaga ng


natin malalaman ang nagbibigay ng pinaghanguan pananaliksik hindi lamang sa
depinisyon ng apat na iba’t ng mga ideya at mga pahayag mga mag-aaral pati na rin sa
ibang uri ng wika at ang na hiniram o mga materyales iba’t-ibang uri ng tao. Saklaw
halimbawa ng mga uri nito. nito ang ikabubuti ng
b. Nagpapakita ng pamumuhay ng tao sa iba’t
pagkilala sa mga taong ibang larangan. Ginagamit ang
pinaghanguan ng mga pananaliksik upang:
kaalaman
1. Maging solusyon sa
c. Nagbigay ng mga suliranin.
karagdagang impormasyon
para sa mambabasa na 2. Makakuha ng bagong
nagnanais na palawakin pa kaalaman at impormasyon
ang isang pananaliksik
3. Makita ang kabihasnan
na umiiral ng isang bagay

4. Umunlad ang sariling


kaalaman ng mga mag-aaral

5. Mapalawak pa
kaalaman ng mga mag-aaral.
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE INC.
Dr. Ramon Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
COLLEGE DEPARTMENT

BATAS NG WIKA

Artikulo 14, seksyon 3 ng Saligang Batas (1935) “Ang kongreso ay gagawa ng mga hakbang
tungo sa pagkakaroon ng isang wikang pambansa na nababatay sa isa sa mga umiiral na wika…”
Batas Komonwelt Blg. 184 (1936) Lumikha ng isang lupon at itinakda ang mga kapangyarihan
nito kabilang na rito ang pagpili ng isang katutubong wika na siyang pagbabatayan ng wikang
pambansa.

Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 (1937) Ipinahayag na ang Tagalog ang siyang magiging
batayan ng wikang pambansa ng Pilipinas. Kautusang Tagapagpanaganap Blg. 263 (1940)
Nagbigay ng pahintulot sa pagpapalimbag ng isang diksyunaryo at ng balarila ng wikang
pambansa at itinagubilin din ang pagtuturo ng wikang pambansa sa mga paaralan, pambayan man
o pampubliko.

Batas Komonwelt Blg. 570 (1976) Pinagtibay na ang wikang pambansa ng Pilipinas ay
maging isa sa mga ofisyal na wika ng bansa. Proklama Blg. 12 (1954) Nilagdaan ng Pangulong
Magsaysay ang batas na nagpapahayag ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika simula Marso 29
hanggang Abril 4 ayon sa mungkahi ng Surian ng Wikang Pambansa. Proklama Blg. 186 (1959)
Nilagdaan ng Pangulong Magsaysay at sinusugan ang Proklama Blg. 12; s 1954. Itinakda ang
pagdiriwang ng Linggo ng Wika simula ika-13 ng Agosto hanggang 19 taon-taon.

Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 (1957) – Nilagdaan ni Kalihim Jose Romero at itinagubilin


na kailanman at tinutukoy ang wikang pambansa, ang salitang Pilipino ang itatawag. Kautusang
Pangkagawaran Blg. 24 (1962) – Nilagdaan ni Kalihim Alejandro Rosec at iniutos na simula sa
Taong-Aralan ‘63-64, ang mga sertifiko at diploma ng pagtatapos ay ipalilimbag sa Wikang
Pilipino. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 60 (1963) Nilagdaan ng Pangulong Macapagal ang pag-
uutos na awitin ang Pambansang Awit ng Pilipinas sa titik nitong Pilipino.

Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96 (1967) Nilagdaan ng Pangulong Marcos at itinadhana na


ang lahat ng edipisyo, gusali at tanggapan ng pamahalaan ay pangangalanan sa Pilipino.
Memorandum Sirkular Blg. 96 (1967) Nilagdaan ni Kalihim Rafael Salas at ipunag-utos na ang
mga letterheads ng mga tanggapan at pamahalaan ay isulat sa Pilipino. Memorandum Sirkular 199
(1968) Itinagubilin ang pagbuo ng seminar sa Pilipino ng mga kawani ng pamahalaan. Ang
seminar ay idaraos ng Surian ng Wikang Pambansa sa iba’t ibang pook panlinggwistika ng
kapuluan.

Kautusang Taganapagpaganap Blg. 187 (1969) Nilagdaan ng Pangulong Marcos at inutos sa


lahat ng kagarawan, kawanihan, tanggapan at iba pang sangay ng pamahalaan na gamitin ang
wikang Pilipino hanggat maaari sa Linggo ng Wikang Pambansa at pagkaraan man sa lahat ng
ofisyal na transakyan at komunikasyon. Memorandum Sirkular Blg. 384 (1970) Ipinalabas ni
Kalihim Tagapagpaganap Alejandro Melchor ang pagtatalaga ng may kakayahang tauhan upang
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE INC.
Dr. Ramon Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
COLLEGE DEPARTMENT

mamahala sa lahat ng komunikasyon sa Filipino sa lahat ng kagawaran, kawanihan, tanggapan at


iba pang sangay ng pamahalaan.

Kautusang Tagapagpaganap Blg. 304 (1971) Nilagdaan ng Pangulong Marcos ang


pagpapanauli sa dating kayarian ng Surian ng Wikang Pambansa at nililiwanag ang mga
kapangyarihan at tungkulin nito. Atas ng Pangulo Blg. 73 (1972) Nilagdaan ng Pangulong Marcos
at nag-atas ng Surian ng Wikang Pambansa na isalin ang Saligang Batas sa mga wikang sinalita
ng may limampung libong mamamayan alinsunod sa provisyon ng Saligang Batas, Artikulo XV,
seksyon 3.

ANG WIKA AT ANG PAKIKIPAGTALASTASAN

Ang wika ay isang masistemang balangkas ng mga sinasalitang tunog na isinaayos sa paraang
arbitaryo at nagsisilbing daan sa pagtupad ng tungkulin ng pagpapabatid. Ang paggamit ng wika
ay nakasalalay sa kasarian ng taong gumagamit nito.

Nakasalalay ang wika sa mga karanasang natatangi sa ng isang nilalang. Ang lipunan ang
nagsisilbing batayan ng wika sa tulong ng mga kodang binuo ukol dito. Binubuo ang wika ng mga
payak na salitang nalilikha bunga ng pagtugon ng indibidwal sa kanyang kapaligaran. Ang
kahusayan sa pagtilima sa tunog ng kapaligiran ang nakapagpahusay sa kasanayan sa wika.
Pinakapangunahing katangian ng wika ang gumagamit ng mga simbulo. Ang wika ay may
sinusundang unibersal at sistematikong balangkas.

Binubuo ng makahulugan at makabuluhang tunog, sumasailalim sa proceso ng pamimili at


pagsasa-ayos, arbitraryo o nagiiba-iba batay sa kultura, lipunan at indibidwal na gumagagamit,
mahalaga sa pakikipagtalastasan. Dinamiko at dumaranas ng pagbabago, kahalagahan ng wika sa
pagpapahayag, tagapagtala ng mga mahahalagan pangyayari at impormasyon sa lipunan, kultura
at kasaysayan. Tagapagpalaganap ng mga karunungan at katotohanan. Nagsisilbing instrumento
sa pagbubuklod ng bansa. Naitataas ang antas ng malikhang pag-iisip.
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE INC.
Dr. Ramon Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
COLLEGE DEPARTMENT

KABANATA III

METODO NG PANANALIKSIK
Uri ng pananaliksik

Filipino ang pangunahing wika sa Pilipinas tumutukoy ito sa pangkalahatan, pero ang pinaka
sentro ng wikang Filipino ay ang Tagalog (Mangahas, Philippine Daily Inquirer 2016). Ginagamit
ito sa pangaraw araw lalo na sa pakikipag talastasan (Mangahas Ang pagkadalubhasa sa wika ay
para lamang sa mga dalubwika o mga propesyong may kinalaman dito sa panahon ngayon.

Ang wika ay dynamic o patuloy na nagbabago sa katagalan ng panahonito ang nagiging sanhi
ng pagkalimot o hindi paggamit ng natural na anyo ng wika, Ayon kay Mangyao (2016). Isa na rin
ang modernisasyon sa nakakaapekto sa pagbabgo ng wika sa pamamgitan ng pagbabago o pag
usbongng mga makabagong terminolohiya na mas magpapadali sa pag bigkas o pag usbongng mga
makabagong terminolo (Reyes, 2016).

Lunan ng Pag-aaral

Ibig sabihin isa siyang Pilipino ang isang tao na gumagamit ng Wikang Filpino, pero bakit
ang ibang Pilipino ay ikinakahiya ang sariling wika? Ang sariling wika ay mahalaga at mahal raw
ng mgamamamayan ngunit kahit gamitin man lamang ito ay di magawa dahil sa mga masasamang
ideya, at kuro-kuro na namuo sa isipan ng ibang tao o mga banyaga tungkol sa mga Pilipino. Ang
Wikang Pambansa ay gagamitin ito kahit kailan at saan man magpunta.

Mga kalahok

Ang pag-aaral na ito ay nakakatuon sa paggamit ng mga mag-aaral sa paaralan ng wikang


Filipino. Isinagawa ang pananaliksik sa gawaing pampaaralan ang mga kapwa mag-aaral,
magulang at opisyales ng barangay upang matukoy kung paanoginagamit at kung paano
nahihikayat ng mga mag-aaral sa gawaing pampaaralan ang mga kapwa. Ang mga salik na
nakahahadlang sa kalagayan ng paggamit ng wikang Filipino namabatid sa kalagayan ng paggamit
ng wikangFilipino.

At random sampling, nakaangkla ito sa palarawang disenyo. Tiniyak nakumpidensyal ang


mga impormasyon at mga naging kasagutan ng mga kalahok talatanunganang pangunahing
instrumentong ginamit sa pangangalap ng datos at talatanunganang pangunahing instrumentong
ginamit sa pangangalap ng data. Saisinagawang pagsusuri, ginamit ang payak na istadistika upang
mapagtibay atmaging balido ang datos na nakalap, ginamit ang payak na istadistika, ginamit ang
payak na istadistika, ginamit ang payak na istadistika, ginamit ang payak na ista.
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE INC.
Dr. Ramon Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
COLLEGE DEPARTMENT

Instrumentong Pampananaliksik

Ang wika ay nagsisilbing instrumento sa pagkakaroon ng mas epektibong komunikasyon at


pundasyon ng mabuting pakikipagtalastasan at pakikipag-ugnayan. Ito ay sumisimbolo sa mga
bagay na nagbibigay ng kahulugan, interpretasyon at kabuluhan sa pamamagitan ng mga salita at
simbolo na ating nakikita, naririnig at nababasa.

Mga teknik sa pagtuturo

Ang pagtatasa sa silid-aralan ay isa sa pinakamahalagang pamamaraan na magagamit ng mga


guro upang matukoy ang mga pangangailangan ng kanilang mga mag-aaral, ayon kay Bridget
Michelle Lawrence (2010) sa mga pag-aaral na isinagawa ni (Ardiza, Bontilao, Mate et al., 2011).
Ang karunungan na ipinakita ng bawat mag-aaral sa silid-aralan ay matutukoy sa pamamagitan ng
pagtatasa kung ano ang madalas at pinakamahalagang bagay na ginagawa ng guro sa kanilang
pagtuturo. Ito ay isang hamon para sa lahat ng mga guro ngunit dahil sa distance learning.

Istatistikal tritment ng mga datos

Ito ay tumatalakay sa resulta ng mga nakalap na datos na naging tugon ng mga respondente.
Ang mga nakolektang datos ng mananaliksik ay inilahad, sinuri at binigyang kahulugan sa
pamamagitan ng estatistika ng pananaliksik. Sa pag-eebalwasyon ng Kalagayan ng Paggamit ng
uri ng wika sa pakikipagtalastasan ng mga mag-aaral ng ikatlong taon Pangkat-A sa kursong
Batselyor ng Edukasyon sa Sekondarya Filipino ng Quezonian Educational College, Inc.
Atimonan, Quezon Akademikong Taon 2021-2022 Unang Semestre, ang mga sumusunod na
pormula ang ginamit upang higit na matalakay ang mga hamon:

WM = Weighted Mean
WM = 4n + 3n + 2n + n
n = Bilang ng respondente
N
N = Kabuuang bilang ng mga respondente

Upang higit na maunawaan ang interpretasyon ng resulta, ang sumusunod na iskala ay


nagsilbing gabay upang ito ay matukoy:

Iskala ng Rating Agwat na Saklaw Berbal na Deskripsyon

4 3.26 - 4.00 Totoong-totoo

3 2.56 - 3.25 Totoo

2 1.75 - 2.55 Hindi Totoo

1 1.00 - 1.75 Hindi Angkop


QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE INC.
Dr. Ramon Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
COLLEGE DEPARTMENT

Paradigma

Ang pananaliksik na ito ay nakabatay sa mga datos na nakuha ng mananaliksik sa mga


respondente na iniugnay sa mga pag-aaral. Ito ay nakatulong sa mga piling mag-aaral ng Ikatlong
Taon ng Kolehiyo ng Sekondaryang Edukasyon sa Quezonian Educational College, Inc. upang
malaman ang Kalagayan ng Paggamit ng uri ng wika sa pakikipagtalastasan. Ito ay nagkaroon ng
kapakinabangan sa mga mag-aaral. Ang mga estudyanteng gumagamit ng salitang
pakikipagtalastasan ay kailangang suriin muna ang mga salita bago gamitin. Ang pag-aaral na ito
ang nagbigay ng kaalaman at pang-unawa sa epekto ng salitang Kalagayan ng Paggamit ng uri ng
wika sa pakikipagtalastasan.

Batayang Konseptwal

PINAGBATAYAN PROSESO Kinalabasan

(Input) (Process) (Output)

1. Anong wika ang  Pagpaplano  Susuriing mabuti ang


pwedeng magamit sa  Pagkakaroon ng mga salita bago
pakikipagtalastasan ng mga ebalwasyon at gamitin.
mag-aaral na maaring pagaanalisa ng iba’t
makaapekto? ibang impormasyon  May sapat na
kakayahan sa
2. Anong mga Kalagayan
 Pagsasaayos ng mga paggamit ng angkop
ng Paggamit ng uri ng wika sa
kaugnay at pag-aaral na salita.
pakikipagtalastasan ng mga
mag-aaral ng ikatlong taon
 Pagbuo at pag-  Maging maingat sa
Pangkat A sa kursong
aanalisa ng mga paggamit ng wika.
Batselyor ng Edukasyon sa
talatanungan
Sekondarya Filipino ng
 Maging mapanuri rin
Quezonian Edukasyonal
College Inc., Akademikong  Pagsasagawa ng sa mga tekstong
sarbey gamit ang mapapakinggan natin
Taon 2021-2022?
inihandang sa nagsasalita.
3. Paano maiiwasan ang talatanungan
masasamang epekto ng
Paggamit ng uri ng wika sa  Pagsusuri ng mga
pakikipagtalastasan ng mga datos na nakalap sa
mag-aaral ng ikatlong taon mga respondente
Pangkat A sa kursong
Batselyor ng Edukasyon sa  Konsultasyon
Sekondarya Filipino ng
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE INC.
Dr. Ramon Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
COLLEGE DEPARTMENT

Quezonian Edukasyonal
College Inc., Akademikong
Taon 2021-2022?

Ang ilustrasyon ay naglahad ng iba’t ibang aspeto upang makumpleto ang isinagawang
pananaliksik, ang pinagbatayan o input na ginamit ng mananaliksik ay batay sa mga mag-aaral at
iba pa upang mabuo ang input. Ito ay nakabatay sa katotohanan na nakatulong sa kabuuan ng pag-
aaral.

Sa proseso ng pag-aaral, ito ay nagsimula sa pagpaplano na kung saan ang mga datos at
impormasyon ay nakilala at natapos sa konsultasyon at paglilinaw ng mga impormasyon upang ito
ay maging katanggap-tanggap. Sa pagpapatuloy, ang resulta ng pag-aaral na ito na tungkol sa
Kalagayan ng Paggamit ng uri ng wika sa pakikipagtalastasan ng mga mag-aaral ng ikatlong taon
Pangkat A sa kursong Batselyor ng Edukasyon sa Sekondarya Filipino ng Quezonian Edukasyonal
College Inc., Akademikong Taon 2021-2022 ay nagkaroon ng kasiguraduhan.
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE INC.
Dr. Ramon Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
COLLEGE DEPARTMENT

KABANATA IV

PAGLALAHAD, PAGSUSURI AT PAGPAPAHALAGA NG MGA DATOS


Ang kabanatang ito ay tumatalakay sa resulta ng mga nakalap na datos sa mga tugon ng
labing walo (18) respondente. Ang mga nakolektang datos ay inilahad, sinuri at binigyang
kahulugan sa pamamagitan ng estadistika na ginamit sa pag-aaral.

TALAHANAYAN 1

PASULAT NA PAGGAMIT

4 3 2 1

Pahayag Lubos na Sumasang Hindi Lubos na Weighted Deskrip


Sumasang -ayon Sumasang- Hindi Mean syon
-ayon ayon Sumasang-
ayon (WM)

1. Naniniwala ako na
habang gumagawa ng
literary analysis, 6 8 2 2 3.00 Totoo
ginagamit ko ang
aking critical
thinking skill

2. Mas mauunawaan
ko ang babasahin na
binabasa ko kung 6 9 1 2 3.05 Totoo
gagamit ako ng
diksyunaryo para sa
mga hindi pamilyar
na wika na aking
makakaharap sa
pakikipagtalastasan

3. Ang paghiwa-
hiwalay ng
impormasyon mula 6 9 1 2 3.05 Totoo
sa pangkalahatan at
nakakatulong ito sa
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE INC.
Dr. Ramon Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
COLLEGE DEPARTMENT

aking kritikal na pag-


iisip

4. Nakaaapekto sa
wastong gramatika sa
paggamit ng 3 7 5 3 2.55 Hindi
pakikipagtalastasan Totoo

5.Nagagamit ang
salita sa pormal na
sulatin kaya’t 3 10 3 2 2.77 Totoo
nakaaapekto sa
kakayahan sa
pagsulat

6. Paggamit ng mga
salitang jejemon
tulad ng acquoh at 2 3 10 3 2.22 Hindi
muZtah? lalo na sa Totoo
pakikipag-usap

7. Maging mapanuri
sa mga tekstong
nababasa o naririnig 8 8 0 2 3.33 Totoon
natin g

Totoo

8. Suriing mabuti ang


mga salita bago
gamitin sa 8 7 0 3 3.22 Totoo
pakikipagtalastasan

9. Pagpapalit-pantig
ng mga salita tulad ng
jowa (asawa), shofo 4 7 4 3 2.66 Totoo
(gwapo), at iba pa
lalo na sa
pakikipagtalastasan

10. Naniniwala ako


na ang pagsusulat
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE INC.
Dr. Ramon Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
COLLEGE DEPARTMENT

nang malinaw kung 8 7 0 3 3.22 Totoo


paano matatapos ang
isang lesson ng wika
ay nakakatulong sa
akin

Average WM: 2.90 Totoo

Mga Palatandaan:

3.26 – 4.00 – Totoong-totoo 1.76 – 2.55 – Hindi Totoo

2.56 – 3.25 – Totoo 1.00 – 1.75 – Hindi Angkop

Ang talahanayan 1 ay tumutukoy sa mga Kalagayan ng Paggamit ng uri ng wika sa


pakikipagtalastasan ng mga mag-aaral ng Ikatlong Taon Pangkat-A sa Kursong Batselyor ng
Edukasyon sa Secondarya Filipino ng Quezonian Educational College Inc. Atimonan Quezon
Akademikong Taon 2021-2022 Unang Semestre batay sa pasulat na paggamit.

Naglahad ito ng “Average Weighted Mean” na 2.90 at sa deskripsyon na totoo batay sa


nakalap na datos ng mananaliksik na nagsilbing resulta ng pag-aaral. Ang ikapitong pahayag ay
may pinakamataas na weighted mean bilang 3.33 at berbal na deskripsyon bilang totoong-totoo.
Inilahad sa pahayag na ito na maging mapanuri sa mga tekstong nababasa o naririnig natin.

Nangangahulugan ito na ang pahayag na nabanggit ay ang Pasulat na paggamit. May


weighted mean naman na 3.22 at deskripyon bilang Totoong-totoo ang unang pahayag. Ang
pahayag na ito ay ang pagbabaligtad naman sa mga salitang nanniniwala sa pagsusulat nang
malinaw kung paano matatapos ang isang lesson ng wika ay nakakatulong. Ang ikalimang pahayag
na tumutukoy sa nagagamit ang mga salita sa pormal na sulatin kaya’t nakaaapekto sa kakayahan
sa pagsulat ay may weighted mean na 2.77 at deskripsyon na totoo.

Ang ikatlong pahayag naman ay ang paghiwa-hiwalay ng impormasyon mula sa


pangkalahatan at nakakatulong ito sa kritikal na pag-iisip ay may weighted mean na 3.05 at may
deskripsyon bilang totoo. Naniniwala rin ang mga respondente na ang nakaaapekto sa wastong
gramatika sa paggamit ng pakikipagtalastasan na may mababang weighted mean na 2.55 at may
deskripsyon na hindi totoo dahil nakakuha ito ng pinakamababang weighted mean.
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE INC.
Dr. Ramon Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
COLLEGE DEPARTMENT

TALAHANAYAN 2

PASALITANG PAGGAMIT

4 3 2 1

Pahayag Lubos na Sumasang- Hindi Lubos na Weighted Deskrip


Sumasang- ayon Sumasang- Hindi Mean syon
ayon ayon Sumasang
-ayon (WM)

1. Ang
simbolismong
ginagamit sa isang 5 9 0 4 2.94 Totoo
wika ay mahalagang
isaalang-alang sa
pagbabasa at
pakikipagtalastasan

2. Ang
matalinghagang
wika ay 6 8 2 2 3.00 Totoo
nakakatulong sa
paglinang ng aking
kritikal na pag-iisip

3. Ang paghahati-
hati ng mga ideya
mula sa wika ay 7 9 1 1 3.22 Totoo
makakatulong sa
akin na mas
maunawaan ang
mga ito

4. Upang matukoy
kung ano ang
ipinahihiwatig ng 4 10 3 1 2.94 Totoo
wika sa halip na
direktang sabihin,
dapat akong
magbasa sa pagitan
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE INC.
Dr. Ramon Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
COLLEGE DEPARTMENT

ng mga linya para sa


pakikipagtalastasan

5. Nagkakaroon ng
maling
pagbabaybay ng 4 9 4 1 2.88 Totoo
mga salita lalo na sa
pakikipagtalastasan
natin

6. Nagkakaroon ng
pagkalito sa
paggamit ng 1 12 3 2 2.66 Totoo
wastong wika sa
mga salita

7. Hindi nararapat
masanay sa
paggamit ng salita 0 4 11 3 2.27 Hindi
ng mga wika Totoo

8. Suriing mabuti
ang mga salita bago
gamitin sa 7 9 1 1 3.22 Totoo
pakikipagtalastasan

9. Pagpapalit-pantig
ng mga salita tulad
ng jowa (asawa), 1 7 6 4 2.27 Hindi
shofo (gwapo), at Totoo
iba pa lalo na sa
pakikipagtalastasan

10. Paggamit ng
salitang tulad ng
SLR, P.S, at iba pa 2 5 11 0 2.5 Hindi

Totoo

Average WM: 2.79 Totoo


QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE INC.
Dr. Ramon Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
COLLEGE DEPARTMENT

Mga Palatandaan:

3.26 – 4.00 – Totoong-totoo 1.76 – 2.55 – Hindi Totoo

2.56 – 3.25 – Totoo 1.00 – 1.75 – Hindi Angkop

Ang talahanayan 2 ay tumutukoy sa mga Kalagayan ng Paggamit ng uri ng wika sa


pakikipagtalastasan ng mga mag-aaral ng Ikatlong Taon Pangkat-A sa Kursong Batselyor ng
Edukasyon sa Secondarya Filipino ng Quezonian Educational College Inc. Atimonan Quezon
Akademikong Taon 2021-2022 Unang Semestre batay sa pasalitang paggamit.

Naglahad ito ng “Average Weighted Mean” na 2.79 at sa deskripsyon na Totoo batay sa


nakalap na datos ng mananaliksik na nagsilbing resulta ng pag-aaral. Ang ikatatlo at ikawalong
pahayag ay may pinakamataas na weighted mean bilang 3.22 at deskripsyon bilang totoo. Inilahad
sa pahayag na ito na ang paghahati-hati ng mga ideya mula sa wika ay makakatulong sa akin na
mas maunawaan ang mga ito at suriing mabuti ang mga salita bago gamitin sa pakikipagtalastasan.

Nangangahulugan ito na ang pahayag na nabanggit ay ang Pasalitang paggamit. May


weighted mean naman na 3.00 at deskripyon bilang totoo ang unang pahayag. Ang pahayag na ito
ay ang simbolismong ginagamit sa isang wika ay mahalagang isaalang-alang sa pagbabasa at
pakikipagtalastasan. Ang ikalimang pahayag na tumutukoy sa nagkakaroon ng maling
pagbabaybay ng mga salita lalo na sa pakikipagtalastasan natin ay may weighted mean na 2.88 at
deskripsyon na totoo.

Ang ikatlong pahayag naman ay ang paghahati-hati ng mga ideya mula sa wika ay
makakatulong na mas maunawaan ang mga ito ay may weighted mean na 3.22 at may deskripsyon
bilang totoo. Naniniwala rin ang mga respondente na ang paggamit ng salitang tulad ng SLR, P.S,
at iba pa ay nakaaapekto na may mababang weighted mean na 2.5 at may deskripsyon na hindi
totoo dahil nakakuha ito ng pinakamababang weighted mean.

TALAHANAYAN 3

TAMANG PAGSAGOT SA GURO

4 3 2 1

Pahayag Lubos na Sumasang Hindi Lubos na Weighted Deskrip


Sumasang- -ayon Sumasang Hindi Mean syon
ayon -ayon Sumasang-
ayon (WM)
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE INC.
Dr. Ramon Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
COLLEGE DEPARTMENT

1. Ang mga
misteryong wika ay
nakakatulong sa 6 8 2 2 3.00 Totoo
pagpapatalas ng
aking kaalaman lalo
na sa isip

2. Naniniwala ako
na ang pagbabasa ng
panitikan sa wika ay 5 9 1 3 2.83 Totoo
nakakatulong sa
pagpapalawak ng
aking bokabularyo
upang magamit ito
sa
pakikipagtalastasan

3. Ang pagwawakas
ng pag-iisip nang
mapanuri ay isang 2 11 2 3 2.66 Totoo
gawa ng pag-iisip
nang wika

4. Palaging gamitin
ang salitang balbal
sa lahat ng 1 3 11 3 2.11 Hindi
pagkakataon Totoo

5. Magkaroon ng
sapat na kaalaman
ukol sa wastong 9 6 2 1 3.27 Totoong
gamit ng mga salita Totoo
lalo na sa ating wika

6. Naniniwala ako
na ang
organisadong 5 11 0 2 3.05 Totoo
pagpapaliwanag ay
nagsasanay sa aking
mga kasanayan sa
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE INC.
Dr. Ramon Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
COLLEGE DEPARTMENT

kritikal na pag-iisip
sa wika

7. Ang mensahe ng
panitikan ay dapat
na ipaliwanag batay 5 10 1 2 3.00 Totoo
sa aking pag-unawa
upang maisagawa
ang aking kritikal na
kasanayan sa pag-
iisip

8. Naniniwala ako
na kapag
ipinapaliwanag ang 5 11 0 2 3.05 Totoo
aking mga
natutunan mula sa
babasahin na aking
binasa, dapat itong
maayos na gawin
nang malinaw

9. Kapag
nagpapaliwanag,
ang paghahambing 4 12 1 1 3.05 Totoo
ng impormasyong
ibinigay sa
panitikan sa kung
ano ang alam ko ay
isang kasanayan ng
kritikal na pag-iisip

10. Sa
pagpapaliwanag,
madalas kong 6 8 3 1 3.05 Totoo
gamitin ang aking
umiiral na kaalaman
upang tapusin ang
babasahin na aking
binabasa
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE INC.
Dr. Ramon Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
COLLEGE DEPARTMENT

Average WM: 2.90 Totoo

Mga Palatandaan:

3.26 – 4.00 – Totoong-totoo 1.76 – 2.55 – Hindi Totoo

2.56 – 3.25 – Totoo 1.00 – 1.75 – Hindi Angkop

Ang talahanayan 3 ay tumutukoy sa mga Kalagayan ng Paggamit ng uri ng wika sa


pakikipagtalastasan ng mga mag-aaral ng Ikatlong Taon Pangkat-A sa Kursong Batselyor ng
Edukasyon sa Secondarya Filipino ng Quezonian Educational College Inc. Atimonan Quezon
Akademikong Taon 2021-2022 Unang Semestre batay sa Tamang pagsagot sa guro.

Naglahad ito ng “Average Weighted Mean” na 2.90 at sa deskripsyon na Totoo batay sa


nakalap na datos ng mananaliksik na nagsilbing resulta ng pag-aaral. Ang ikalima na pahayag ay
may pinakamataas na weighted mean bilang 3.27 at may deskripsyon na bilang totoong totoo.
Inilahad sa pahayag na ito na magkaroon ng sapat na kaalaman ukol sa wastong gamit ng mga
salita lalo na sa ating wika.

Nangangahulugan ito na ang pahayag na nabanggit ay ang Tamang pagsagot sa guro. May
weighted mean naman na 3.00 at deskripyon bilang totoo ang unang pahayag. Ang pahayag na ito
ay ang mga misteryong wika ay nakakatulong sa pagpapatalas ng aking kaalaman lalo na sa isip.
Ang ikalimang pahayag na tumutukoy sa magkaroon ng sapat na kaalaman ukol sa wastong gamit
ng mga salita lalo na sa ating wika ay may weighted mean na 3.27 at deskripsyon na Totoong-
Totoo.

Ang ikatlong pahayag naman ay ang ang pagwawakas ng pag-iisip nang mapanuri ay isang
gawa ng pag-iisip nang wika, Ito ay may weighted mean na 2.66 at may deskripsyon bilang totoo.
Naniniwala rin ang mga respondente na ang palaging gamitin ang salitang balbal sa lahat ng
pagkakataon ay nakaaapekto na may mababang weighted mean na 2.11 at may deskripsyon na
hindi totoo dahil nakakuha ito ng pinakamababang weighted mean.
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE INC.
Dr. Ramon Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
COLLEGE DEPARTMENT

KABANATA V

LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON


Ang kabanatang ito ay tumatalakay sa lagom na napag-alaman sa pananaliksik, konklusyon
at rekomendasyon upang masolusyonan ang mga problemang naitala sa pag-aaral na ito.

LAGOM

Matapos maanalisa ang mga datos na nakalap, ang mga sumusunod ay natuklasan:

1. Pasulat na paggamit.

Karamihan sa mga respondente ay naniniwala na ang pagkakaroon ng kombinasyon ng mga


Maging mapanuri sa mga tekstong nababasa o naririnig natin. Nakakuha ito ng weighted mean na
3.33 at may deskripsyon na totoong-totoo. Walo (8) sa labingwalo (18) na respondente ang
naglahad na sumasang-ayon ang pahayag na nabanggit.

2. Pasalitang paggamit.

Suriing mabuti ang mga salita bago gamitin sa pakikipagtalastasan batay sa datos na nakuha
mula sa respondente. Nakakuha ito ng weighted mean na 3.22 at may deskripsyon na totoo. Siyam
(9) sa labingwalo (18) na respondente ang tumugon na sumasang-ayon ang pahayag.

3. Tamang pagsagot sa guro.

Siyam (9) sa labingwalo (18) na respondente ang naglahad na lubos na sumasang-ayon na


magkaroon ng sapat na kaalaman ukol sa wastong gamit ng mga salita lalo na sa ating wika. Ayon
sa mga respondente, ito ang pinakamabisang paraan upang maging tamang pagsagot sa guro.
Nakakuha ito ng weighted mean na 3.27 at may deskripsyon na totoong-totoo.

KONKLUSYON

Batay sa lagom na napag-alaman, ang mga sumusunod na konklusyon ay nabuo.

1. Pasulat na paggamit.

Malinaw na naipahayag na ang pagkakaroon ng kombinasyon na maging mapanuri sa mga


tekstong nababasa o naririnig natin. Ginagamit ito ng mga mag-aaral sa kasalukuyan dala ng
panahon sa lipunan at iba pang nasasakupan nito.

2. Pasalitang paggamit.

Napatunayan ng mananaliksik na nakaaapekto ang paghahati-hati ng mga ideya mula sa wika


ay makakatulong na mas maunawaan ang mga ito. Hindi na nabibigyan ng tuon ang paggamit ng
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE INC.
Dr. Ramon Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
COLLEGE DEPARTMENT

mga ito dala ng henerasyon upang makasabay sa napapanahon kaya’t ang paggamit ng paghahati-
hati ng mga ideya mula sa wika ay makatutulong na mas maunawaan o maintindihan ang mga ito..

3. Tamang pagsagot sa guro.

Ang pinakamabisang tamang pagsagot sa guro ay magkaroon ng sapat na kaalaman ukol sa


wastong gamit ng mga salita lalo na sa ating wika. Kailangang maging responsible sa paggamit ng
mga ito. Nararapat din na ang mga ito'y gagamitin upang magkaroon ng makabuluhan at
makatutulong sa pag-unlad.

REKOMENDASYON

Ang mga sumusunod na detalye ay patungkol sa mga mungkahing solusyon para sa mga
suliraning natukoy o natuklasan sa isinagawang pananaliksik:

A. Para sa mga mag-aaral, kinakailangang mapaunlad ang kakayahan ng wika upang


magamit ng wasto sa pakikipagtalastasan lalo’t higit sa pang-akademikong sulatin kahit na nasa
sitwasyon tayo ng pandemya. AT mapalawak pa ang kaalaman tungkol sa paggamit ng wika at
lalo na sa mga pakikipag-usap at upang magamit ang mga salita sa tama lalo na sa panahon o
sitwasyon.

B. Para sa mga guro, magkaroon ng sapat na kaalaman sa pag-unawa ng mga uri ng wika sa
panahon ngayon ang mga mag-aaral. Sa ganitong paraan, ang komunikasyon ng guro sa kanyang
mga estudyante ay hindi mahahadlangan at magkaroon rin ng sapat na kasanayan sa pagtuturo ng
wasto at pagtataguyod ng wika.

C. Para sa mga gurong tagapagsanay ng wika, pagyamanin pa lalo ang pagkakaroon ng


pagpupulong patungkol sa wastong paggamit ng uri ng wika at pagpupulong ng bawat guro na
kung saan ang paksa ay ang paggabay at pagpapayaman ng kakayahan ng pakikipagtalastasan.

D. Para sa mga magulang, magkaroon pa ng sapat na kaalaman ukol sa paggamit ng angkop


na wika upang magabayan at maituro nila ng tama sa kanilang mga anak ang kahalagahan ng
kakayahan ng wika sa kanilang pag-aaral, pakikipagkomunikasyon at pakikipagtalastasan.
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE INC.
Dr. Ramon Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
COLLEGE DEPARTMENT

TALASANGGUNIAN
 https://www.slideshare.net/BryanneMas/ano-ang-wika?fbclid=IwAR0cu-
1c61zZEzD_WaXDaXUdMpx-z0Chlfz7p7BtCDbz1xAMXpCc_w1zXzI
 https://www.coursehero.com/file/46498193/Saklaw-at-
Limitasyondocx/?fbclid=IwAR1I75e19RzHlHCHOb5r7mImNa7fk2wZOHf0Dx
R9nw6r2MJV3zXuQULAuK8
 https://www.academia.edu/33410206/Depinisyon_ng_Wika?fbclid=IwAR1G574
galI-kHjxjPg1OHof3sUSBEANdFc-qlFWIA0C8Hxw0hRvGFDF7Xw

BIONOTE

Ako si Jessa G. Tumulak, kasalukuyang nag-aaral ng Batselyor ng Edukasyon


sa Sekondarya at nagpapakadalubhasa sa Filipino na nasa Ikatlong Taon sa
Quezonian Educational College Inc.. Naniniwala ako na ang pagsusumikap sa pag-
aral ay isa sa magiging tulay upang maabot ang iyong pinapangarap sa buhay.

You might also like