You are on page 1of 6

Kian Xairuz B.

Kalaw Pebrero 16, 2023


9-St. Matthew Filipino

SciMath Camp 2023:


”Marellian’s Integrated Approach in Mathematics, Science and Technology for an
Empowered and Sustainable Future”

Dumating na ang araw na pinakahihintay ng bawat guro’t estudyante sa Our


Lady of Mercy Academy Inc. Ngayong Pebrero 15-16 ay naganap ang isa sa pinaka-
importante at pinaka-inabangan ng bawat isa, ang SciMath Camp 2023 na may temang:
“Marellian’s Integrated Approach in Mathematics, Science and Technology for an
Empowered and Sustainable Future”. Ganap na 12:30 ng hapon ay nagtipon ang bawat
isa sa bulwagan ng paaralan upang simulan ang programa. Pinangunahan ito ni
Ginoong Reymond Apurillo, guro sa OLMA. At gaya ng nakasanayan, sinimulan ang
naturang programa sa isang panalangin, na pinangunahan ni Judea Marithe Villanueva,
isang mag-aaral mula isa ika-siyam na baitang. Sinundan naman ito ng isang
napakagandang talumpati mula sa guest speaker na si Binibining Jasmin Balbastro. 
   

Pagkatapos ay sinimulan nang pagsamasamahin ang miyembro ng kani-


kaniyang grupo. Bawat grupo ay nag-isip ng Pangalan na makapaglalarawan sa mga
miyembro nito. Gumawa rini ang bawat isa ng yell upang ipakilala ang kanilang grupo.
Pagkatapos nito ay binigyan ang bawat isa na makapaghanda para sa mga gagawing
palaro o challenges sa bawat stasyon na nasa loob ng paaralan, at agad din itong
sinimulan. Makikita sa mga palaro ang pagkakaisa at talino ng mga miyembro ng bawat
grupo, at masasabing ang lahat ay nagsasaya at natututo. 
      

Nang matapos ang palaro, naglaan naman ng oras ang bawat isa upang simulan
ang pagluluto ng kakaiinin para sa hapunan. Nasaksihan ang pagiging madiskarte at
ang galing ng bawat mag-aaral sa pagluluto. Mula sa paghahanda ng mga sangkap at
materyales, sa paggawa ng apoy, hanggang sa maluto ang bawat pagkain. Napansin
ko rin na kahit magkakahiwalay ang mga grupo ay naging isang malaking grupo ang
lahat ng estudyante at guro sa paaralan dahil sa pagtutulungan ng bawat isa. Kung may
isang grupo na nagkulang sa sangkap, nahirapan sa pagluluto at sa mga gawain ay
nariyan ang iba pang mga grupo na handang tumulong at magbigay, upang walang
grupo ang maiwan. Nang tapos na sa pagkain ang bawat isa, nagtungo muli ang lahat
sa bulwagan upang simulan ang paggawa ng recycled costume na gagamitin sa
pageant na gaganapin sa gabi. Gumamit ang mga mag-aaral ng mga patapong bagay
sa kani-kaniyang costume.
Ganap na 8:45 ng gabi ay inumpisahan na ang Search or Mr. and Miss SciMath
2023. Nagpamalas ang mga kalahok mula sa mga grupo ng galing sa pagrampa at
talino sa pagsagot sa Q&A portion ng patimpalak. Makikita na labis na naaliw ang
bawat isa sa panonood. Ika-12 na ng madaling-araw nang matapos ang patimpalak.
Pinarangalan ang mga nanalo, at ganun din ang mga hindi pinalad. Naghanda na sa
pagtulog ang bawat isa. May mga mag-aaral na natulog sa mga silid, at marami ring
natayo ng tent upang doon magpalipas ng gabi.
    

Kinabukasan, Pebrero 16, muling nagtipon sa bulwagan ang bawat isa. 


Nagkaroon ng programa na simulan muli ng panalangin, at mga pampasiglang bilang,
gaya ng ZumbMath, na pinangunahan ng mga mag-aaral mula sa Grade 10, at ni
Ginang Charito Ricalde, gurong tagapayo ng baitang walo. 
        

Habang nagliligpit ng mga gamit ang mga mag-aaral, ang mga guro at iba pa ay
naghahanda naman ng kakainin ng bawat isa para sa almusal. Nang matapos kumain,
nagtipon ang bawat miyembro ng mga grupo dahil isasagawa na ang tagisan ng talino
ng bawat grupo. Nagkaroon ng quiz bee tungkol sa asignaturang Sipnayan at Agham.
Pagkatapos nito ay isinagawa ang isa pang palaro na Math Bingo, talaga namang
bakas sa bawat isa ang saya at ang kagustuhang manalo dahil mayroong cash prize. 

                              

Nang matapos, nagsimula na ang pagpaparangal sa mga nagkamit ng


karangalan, at ang mga grupong nanguna sa puntos sa mga palaro. At para wakasan
ang SciMath 2023, nagbigay ng panapos na pananalita ang Direktor ng paaralan na si
Br. Jose Bart Cancio, at  Ni Ginang Mercedita Driz, ang punongguro ng OLMA. Dito na
nagtatapos ang SciMath 2023. Nawa’y lahat ay nagsaya at may natutunan, dahil ito ang
pangunahing layunin ng naturang gawain.

You might also like