You are on page 1of 6

Komite ng Katolikong Paaralan

Buwanang Pag-uulat
Buwan ng Disyembre 2022

Disyembre 8, 2022 –Kapiyestahan ng Mahal ng Birhen ng Immaculada Concepcion


Ganap na ikawalo umaga, ang mga mag-aaral, guro, kawani at mga magulang ng
Katolikong Paaralan (Basic & College Department) ay dumalo ng misa upang
ipagdiwang ang Kapiyestahan ng Mahal na Birhen ng Immaculada Concepcion.
Ang mga mag-aaral at guro ang nanguna sa pagbasa at paglilingkod.

Disyembre 10, 2022 –Diocesan Teachers’ Day & Christmas Party


Ang mga Katolikong Paaralan sa ating diyosesis ay nagkaroon ng pagsasama-sama
sa Holy Child Jesus College Covered Court upang ipagdiwang ang Teachers Day
& Christmas Party. Ito ay dinaluhan ng humigit dalawang daan at pitumpung (270)
kawani, mga guro, mga Punongguro, Direktor at Superintendent ng labing-limang
(15) katolikong paaralan sa Diyosesis ng Gumaca. Ang pagtitipong ito ay
naglayong kilalanin, ipagdiwang at parangalan ang dedikasyon at husay ng mga
guro at kawani na naglilingkod sa pribadong paaralan.

Disyembre 13-14, 2022 –Ang paaralan (HCJC) nagkaroon ng Christmas Party na


dinaluhan ng mag-aaral ng bawat klase kasama ang mga guro. At ito na rin ang
huling araw ng pagpasok ng mga mag-aaral at guro sa paaralan (Basic
Department).

Disyembre 19, 2022 –Ang paaralan (HCJC) ay naatasan na manguna sa


pagdarasal ng Santo Rosaryo bago magsimula ang Simbang Gabi.

Inihanda ni:

MARIELI MAE E. CAPARROS


Pangulo –Komite ng Katolikong Paaralan
Komite ng Katolikong Paaralan
Buwanang Pag-uulat
Buwan ng Setyembre 2022

Setyembre 5, 2022 –Nobena sa Kaarawan ng Birheng Maria


Ang mga mag-aaral ng Junior at Senior High School kasama ang kanilang mga
guro ay dumalo sa ika-pitong araw ng misa nobenaryo sa kaarawan ng Birheng
Maria.Sa araw ding ito ang paaralan ng nagkaroon ng Meting de Avanci ang mga
mag-aaral na kalahok sa Election of SPG & SSG.

Setyembre 7, 2022 –Election of SPG & SSG


Ang election ay nagsimula ganap na ikawalo ng umaga sa bawat silid-aralan ng
mga mag-aaral at natapos ng ikasampu ng umaga. Ang nasabing election ay
kaagad na nabilang ang boto at naiproklama ang mga nanalo ganap na ika-isa ng
hapon sa covered court ng paaralan.

Setyembre 8, 2022 –Misa sa Kaarawan ng Mahal na Birheng Maria


Ang mga mag-aaral, magulang at guro ay dumalo ng misa ng ika-apat ng hapon
bilang pagdiiwang ng Kaarawa ng Birheng Maria at sinundan ng prusisyon.

Setyembre 10, 2022 –Marian Pilgrimage sa Naga City


Ang ilang mga guro ay lumahok sa nasabing pilgrimage kaugnay ng pagdiriwang
ng kapiyestahan ng Mahal na Birhen ng Peanfrancia.

Setyembre 12, 2022 –Mass of the Holy Spirit


Ang Katolikong paaralan ay nagkaroon ng mass of the holy spirit na dinaluhan ng
mga mag-aaral at guro mula sa Basic at College Department. Ang misa ay
nakalivestream para sa mga mag-aaral na nasa covered court ng paaralan sapagkat
di kasya ang lahat sa loob ng simbahan. Ang misa ay pinagunahan ng bagong
School Superintendent Msgr. Ordelo R. Lontoc kasama ang dekano ng College
Dept. Msgr. Ramon D. Uriarte. Pagkatapos ng misa ay nagkaroon ng pagpupulong
ang Board of Trustees ng paraalan.

Setyembre 15, 2022 –Pagbubukas ng Pagdiriwang ng ika-75 Taong Pagkatatag ng


Holy Child Jesus College Inc.
Ang paaralan ay nagbukas ng mga gawain kaugnay ng pagdiriwang ika-75 taong
pagkatatag ng paaralan, una ay ang ballgames mula Setyembre 15-Oktubre 4, 2022
na pinangunhan ng gurong koordineytor sa gawain ito.

Setyembre 16, 2022 –Bienvinida Party College Department


Ang College Depatment ay nagkarron ng Welcome Party para sa mga First Year
Students sa HCJC covered court.

Setyembre 23, 2022 –Nobena sa Karalang ng Mahal na Birhen ng Penafrancia


Ang mga mag-aaral at guro ay dumalo sa ika-siyam at huling araw ng misa
nobernaryo sa Brgy. San Diego Gumaca, Quezon kasama ang mga taong bayan at
maninimba.

Setyembre 24, 2022 –Kapiyestahan ng Mahal na Birhen ng Paenafrancia


Ang mga mag-aaral, guro at magulang ay inanyayahan dumalo ng banal na misa.

Setyembre 27, 2022 –First Preliminary Exams ng Basic Department.

Inihanda ni:

MARIELI MAE E. CAPARROS


Pangulo –Komite ng Katolikong Paaralan
Komite ng Katolikong Paaralan
Buwanang Pag-uulat
Buwan ng Enero 2023

Enero 6-14, 2023 –Nagsagawa ng pagnonobena sa Karangalan ng Ng Poong Sto. Niño sa


loob ng katedral sa ganap na ika-4:30 ng hapon kasunod ang banal misa. Ito ay dinaluhan
ng mga mag-aaral at guro ng Basic at College Department at sambayanan.

Enero 15, 2023 –Kapiyestahan ng Poong Sto. Niño. Hindi nag karoon ng
prusisyon spapagkat malakas ang ulan.

Enero 22-25, 2023 –Linggo ng Bibliya. Ang mga mag-aaral ng Holy Child Jesus
College, Junior high school department ay dumala sa bible talk sa loob ng katedral
tuwing ika-3:30 ng hapon

Inihanda ni:

MARIELI MAE E. CAPARROS


Pangulo –Komite ng Katolikong Paaralan
Komite ng Katolikong Paaralan
Buwanang Pag-uulat
Buwan ng Pebrero 2023

Pebrero 3, 2023 –First Friday Mass. Ang mga mag-aral at guro ay dumalo ng banal na
misa sa katedral, ika7:30 ng umaga.

Pebrero 22, 2023 –Ash Wednesday. Bilang bahagi ng pagsisimula ng panahon ng


kwaresma ang lahat ay hinkayat na magsimba at magpalagay na abo sa noo. Ang
mga mag-aral, guro at magulang ay nakiisa.

Inihanda ni:

MARIELI MAE E. CAPARROS


Pangulo –Komite ng Katolikong Paaralan
Komite ng Katolikong Paaralan
Buwanang Pag-uulat
Buwan ng Marso 2023

Marso 5, 12, 19, 26, 2023 –Daan ng Krus sa barangay. Ang Katolikong Paaralan ay
nakaassign sa Brgy Progreso Kaliwa upang isagawa ang gawaing ito. Ito ay isinasagawa
tuwing araw ng Linggo, ika-2 ng hapon.

Marso 30, 2023 –Lakbay Panalangin. Ang paaralan ay magsasagawa ng isang


lakbay panalangin bilang bahagi ng panahon ng kwaresma. Ito ay gagawin sa
pitong simbahan dito lamang sa ating diyosesis.
1st & 2nd Station -San Diego de Alcala Cathedral
3rd & 4th Station -Our Lady of Mount Carmel Monastery
5th & 6th Station -Shrine of St. Vincent Ferrer
7th & 8th Station -Our Lady of the Most Holy Rosary Lopez
9th & 10th Station -Poor Clare Monastery Lopez
11th & 12th Station -St. Peter the Apostle Parish Calauag
13th & 14th Station -St. Aloysius Gonzaga Parish Guinayangan

Marso 31, 2023 –Kumpil ng mga kukumpilan

Tuwing byernes ay ngsasagwa ng station of the cross ang mga mag-aaral sa patio
ng katedral.
Nagkakaroon din ng pagbasa ng pasyon sa lobby ng college department.

Inihanda ni:

MARIELI MAE E. CAPARROS


Pangulo –Komite ng Katolikong Paaralan

You might also like