You are on page 1of 1

Archdiocese of Zamboanga

Immaculate Conception Archdiocesan School de Calarian


Upper Calarian, Zamboanga City

Agosto 22, 2022

G. Mark Anthony Q. Basilio


Guro sa Pisikal na Edukasyon
Zamboanga Peninsula Polytechnic State University
Zamboanga City

Iginagalang naming G. Basilio:

Kapayapaan at kabutihan ay sumaiyo.

Bilang bahagi ng paggunita at pagpapahalaga sa ating Wikang Filipino, ang pampribadong


paaralan ng ICAS de Calarian ay magkakaroon ng iba’t ibang patimpalak bilang bahagi ng
pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2022 na may temang “Filipino at mga Katutubong
Wika: Kasangkapan sa Pagtuklas at Paglikha”. Layunin ng naturang pagdiriwang na ito ang
mapahalagahan ang wika sa pamamagitan ng iba’t ibang natatanging paligsahan.

At dahil sa aming lubos na tiwala sa iyong angking kakayahan, kayo po ay malugod naming
inaanyayahan upang maging bahagi ng inampala sa paligsahan sa KATUTUBONG-SAYAW,
BALAGTASAN at KUNDIMAN para sa iba’t ibang departamento (Elementarya at Sekondarya)
sa darating na ika-31 ng Agosto, 2022, sa ganap na 8:30-11:30 ng umaga para sa elementarya at
1:00 hanggang 4:00 ng hapon naman para departamento ng Junior High School at Senior High
School sa loob ng gymnasium ng ICAS de Calarian.

Umaasa po kaming sa iisang layunin ay mapaunlakan po ninyo ang aming paanyaya.

Maraming Salamat po.

Lubos na gumagalang,

GNG. KERIS G. GRACIANO, LPT


Tagapangasiwa

Noted by:

Mrs. ALMABEL T. TUBLE, LPT


School Principal

You might also like