You are on page 1of 12

Kier Francis Angeles

12-Dignity

Buod

Anim na Sabado ng Beyblade (Buod)


Orihinal na isinulat ni Ferdinand Pisigan Jarin
Unang sabado noong hilingin ni Rebo na magdiwang kahit di pa mismo kaarawan. Nangumbida pa ako
ng maraming tao at kasabay nito ang bilin na pagbati ng "Happy Birthday Rebo!" kasama na din ang
mga regalong laruan lalong lalo na ang paborito nyang beyblade.
Ikalawang sabado noong nakiberthday naman sya at naglaro ng beyblade kasama ang mga pinsan.
Tatlong araw bago ang ikatlong sabado noong supresa ko syang dinalaw. Unti-unti nang naghihina si
Rebo at bihira na syang ngumiti. Hindi na nito makuhang laruin ang hawak na beyblade. Unti-unti na
ring nalalagas ang kanyang buhok at may dugong nadudukot sa kanyang mga gilagid.
Nang araw mismo ng ikatlong sabado ay inanyayahan ng isa kong katrabaho ang isang mascot upang
magtanghal ng libre sa harap ni Rebo. Bagamat hirap ngumiti ay kita naman sa mga mata nito ang
lubos na kasiyahan.
Ikaapat na sabado ay ang mabilis na pagkapawi ng lakas ng aking anak. Di na nito makuhang ipasok
ang tali ng beyblade. Ramdam ko ang pagod nya upang mapaikot ito.
Huling sabado ng Pebrero ang ikalimang sabado, eksaktong katapusan pagkatapos ng Pebrero ay
namatay ang aking anak. Namatay syang buhat ko sa aking mga bisig. Di na kami nakapag-usap ni
Rebo.
Ikaanim na sabado nang paglabas ng aking anak sa hospital. Huling sabado upang masilayan sya ng
mga nagmamahal sa kanya. Wala na ang beyblade at ang may ari nito, payapa nang nakahimlay sa
loob ng kabaong. Magkasamang magtutungo sa lugar na walang gutom, walang hirap, walang sakit.
Payapang magpapaikot ikot.
Kier Francis Angeles

12-Dignity

Pictorial Essay

Ang Pag Lubog ng Araw

Kung iisipin may isang katotohanan na hindi natin napapansin na ang lahat ay nagsisimula sa isang
munting hakbang.Hakbang na kung saan ang iyong mga sariling mga paa ang siyang magdadala tungo
sa iyong kinabukasan. Kung saan ito ang magiging daan mo para ikaw ay magbabago. At kapag ikaw ay
natuto ng humakbang at makapaglakad, ikaw na mismo ang gagawa ng iyong kapalaran. Ang
pagbabago o hakbang na tinatawag katulad lang yan ng paglalakad, kailangan mo munang matutong
humakbang at nasa sa iyo na kung nanaisin mong matutong magbago o hindi .Ang paglubog ng araw
ang mag sisilbing sinyales na may bukas pa ng pag asa.
Kier Francis Angeles
12-Dignity
Bionote

Bionote ni Kier Francis Angeles

Si Kier Francis Angeles ay pinanganak sa bayan ng Virac noong


ika-pito ng marso taong 2004. Siya ay nag simulang nag aral ng
kanyang Primarya sa Pilot Elementary School at lumipat sa Gogon
Elementary School sa Gogon,Virac at doon tinapos ang kanyang
Primarya. Sinimulan nya ang kanyang sekondarya bilang junior high sa
Calatagan High School sa Calatagan,Virac upang magtapos ng junior
high.Siya ay kasalukuyang nag- aaral Calatagan Highschool bilang
isang Senior High School Student.
Marami din siyang sinalihang patimpalak noong siya ay nasa
Primarya tulad ng Boy Scout,Science Quiz Bee at Intramurals, naging miyembro din siya
Homeroom Officers noong  siya ay nasa elementarya, at nagtapos ng with honors sa kanyang
klase. Sa sekondarya ay patuloy pa din siyang nakikilahok sa iba’t ibang kompetisyon at siya ay
nagtapos na may karangalan. Ngayong siya ay nasa Senior High siya ay nangangarap na
makapag-aral Catanduanes State University at makapagtapos bilang isang Engineer.
Kier francis Angeles
12-Dignity
Memorandum

Memorandum

Para sa/kay : Angkan ng Angeles


Mula kay :     Kier Francis Angeles
Paksa     : Pag sasagawa ng Family Reunion
Petsa :      Disyembre 18, 2022

Ibinabahagi ng aking aking pamilya na tayo po ay magkakaroon ng pulong sa Oktobre 26, 2022 alas 8:00 ng
umaga para sa ating darating na family reunion na gaganapin sa Disyembre 18 , 2022 sa ganap ng 10:00 ng
umaga. Tayo po ay matutulog sa lugar na ating mapapagkasunduan upang manumbalik po ating pagkakaisa  at
mabuo ulit ang ating samahan.
Kier Francis Angeles
12-Dignity
Adyenda

Adyenda

Petsa: Ika-26 ng Oktobre


Para sa: Sa mga Senior High School Students
Mula Kay: Kier Francis Angeles

May magaganap na pag pupulong sa ika-dalawampu’t anim ng Oktobre, sa ika-5 ng hapon sa Senior
High School Building ng Grade 12-Dignity.Ang mga opisyal sa nasabing silid aralan na mag dadala ng
kakailanganin kagamitan at meryendahan sapagkawat mahaba haba ang tatalakayin sa pag pupulong.
Agenda:
I.Pagsisimula
a. Panalangin
b. Bating pambungad

II.Pag apruba ng Agenda


III.Pag apruba ng katitikan ng nakaraang pulong
IV. Mga isyu sa katitikan ng nakaraang pulong
IV.Mga update sa gaganaping programa o okasyon sa paaralan:
a. 2022 Christmas Party
b. Foundation Day
c. Valentine’s Day
d. Graduation Day
ATITIKAN NG PULONG NG SSG OFFICER NG COMMONWEALTH
HIGH SCHOOL
I. PAGBUBUKAS NG KAPULUNGAN
a. Ang kapulungan ay ginanap noong Oktubre 4, 2021. Nagsimula ang pagpupupulong sa
ganap na 1:00 ng hapon sa Commonwealth High School
b. Ang taong namuno sa kapulungan ay si Veah Etol, Presidente ng SSG sa Commonwealth
High School.
c. Talaan ng mga dumalo sa pagpu
Kier Francis Angeles
12-Dignity
Katitikan ng Pulong
KATITIKAN NG PULONG NG SSG OFFICER NG COMMONWEALTH HIGH SCHOOL

I. PAGBUBUKAS NG KAPULUNGAN
a. Ang kapulungan ay ginanap noong Oktubre 4, 2021. Nagsimula ang pagpupupulong sa ganap na 1:00 ng
hapon sa Commonwealth High School
b. Ang taong namuno sa kapulungan ay si Veah Etol, Presidente ng SSG sa Commonwealth High School.
c. Talaan ng mga dumalo sa pagpupulong:
Dumalo:
Veah Etol (President)
Angelo Cabrera (Vice President)
Mean Joyce Jamesola (Secretary)
Michael Dominguez (Treasurer)
Princes Nicole Ibardaloza (Auditor)
Camille Concepcion (Public Information Officer)
Eliniel Santiago (Peace Officer)
d. Ang adyenda ng pagpupulong ay Paghahanda para sa Sport Fest ngayong Oktubre.
II. PAGLALAHAD NG MGA TINALAKAY SA PULONG AYON SA ADYENDAI.
I. Pagsisimula ng Pulong Ang pagpupulong ay pinangunahan ni Veah Etol, Presidente ng SSG sa
Commonwealth High School sa ganap na ika-1:00 ng hapon at ito ay pinasimulan sa pamamagitan ng isang
panalangin.
II. Pagbasa sa Nakaraang Pagpupulong Nagpatuloy ang pagpupulong sa pagbasa ni Angelo Cabrera, ang Bise-
Presidente ng SSG nakalihim ng SSG Officer ng katitikan sa nakaraang pagpupulong noong Hunyo 26,
2021.Ipinahayag nya ang mga paparating na aktibidad sa eskwelahan.
III. Pagpapatibay ng Panukalang Adyenda
Binuksan ang pagpupulong sa maikling mensahe ni Veah Etol sa kahalagahan ng pagkakaisang mga studyante
sa gaganaping Sport Fest sa CHS. Nagbigay rin ng mga mensahe ang mgaOpisyal ng SSG.
Sinimulan ni Veah Etol at Angelo Cabrera ang unang adyenda- Sport Fest 2021. Ipinaalamnila sa mga
magulang na mayroong gagagaping Sport Fest sa Commonwealth High School.Dapat na sila sumali sa
gaganapin na Sport Fest ngayong Oktubre 20, 2021 hanggang Oktubre 24, 2021. Sa panghuling
araw ng gawain ay magkakaroon ng palaro sa mgaestudyante na nais makilahok.
Ang Sport Fest ay madali lamang dahil tatlong klase lamang ng aktibidad ang gagawin. Itoang Cheer dance,
Basketball at Volleyball. Lahat ng mga sasali rito ay magkakaroon ngpapremyo para sa mga mananalo.
Inisponsoran ng mga kaguruan at principal ng paaralan ng CHS.
Sumunod na binanggit ay ang pangalawang Adyenda- Pagsasaayos ng pagkasunod-sunod ngaktibidad ayon sa
abiso ng ating tagapaggabay ng organisasyon. Unang gaganapin ay angCheer dance. Sa pangunguna ng
presidente ng SSG ito ay inaprobahan. Pangalawa angBasketball. At ang Pang huli ay Volleyball. Lahat ng
studyante sa Commonwealth High Schoolay inimbitahan na suportahan ang kani kanilang mga gusting team.
Nangangailan ito ngsuporta ng mga guro, studyante lalo na ng mga magulang.
Ang huling Adyenda- Pagtalaga ng mga kasapi sa pagpupulong ng kanilang mga gawain sasimula ng
selebrasyon. Hinati hati ang mga Opisyal ng SSG sa tatlong aktibidad. Angnaatasan sa aktibidad
na cheer dance ay sina Eliniel Santiago at Camille Concepcion. At angnaatasan sa aktibidad na basketball ay
sina Mean Joyce Jamesola, Michael Dominguez atPrinces Nicole Ibardaloza. At sa panghuling aktibidad ay
sina Veah Etol at Angelo Cabrera.
III. PAGTITINDIG NG KAPULUNGAN
Natapos ang pagpupulong sa ganap na 3:00 ng hapon.
Kier Francis Angeles
12-Dignity
Posisyong Papel

Takdang-Aralin sa Katapusan ng Linggo, Ipagbawal


Isinulat ni: Gorda, Gleann Alex T.

Sa panahon ngayon na tayo’y nasa ilalim ng programang K-12, may mga aralin na dumagdag kumpara sa
naunang kurikulum. Ang iilan ay sumasang-ayon sa benepisyong nakukuha ng mga mag-aaral sa nasabing
kurikulum ngunit may iilan pa rin ang tumatanggi. Sa pagdagdag ng iba’t ibang uri ng asignatura ay
nadaragdagan rin ang mga takdang-aralin at proyekto ng mga mag-aaral. Ang iilan pa nga sa mga ito ay
tumatambak na nang dahil sa sunod-sunod o sabayang araw ng pagpasa ng mga requirements.
Sa pagsasapatupad ng No Assignments on Weekends Policy ay marami naman itong benepisyo para sa
mga mag-aaral lalo na sa kanilang kalusugan partikular sa kanilang kalusugang mental. Sa pagkakaroon ng
maraming gawain ng mga mag-aaral, nagagawa ng iilan na mag multitasking na minsa’y umaabot sa punto na
sila’y nape-pressure dahil sa tambak na gawain.
Minsan, nang dahil sa pressure na ito ay nagiging sobra sa pag-iisip o nago-overthink ang iilan kung ang mga
ginagawa ba nila ay tama o mali, na kanila pang titiyakin ng paulit-ulit ang mga ito. Nang dahil sa mga ito,
kapag hindi nagawa ng maayos, na kahit na gaano pa man kalaki ang pagsisikap na ibinuhos ng mag-aaral para
sa kanyang mga gawain, minsan ay nakakakuha pa ito ng mababang marka na siyang nagdudulot ng depresyon
sa mag-aaral.
Kaya sa susunod na gawain, umaabot ito ng madaling araw para lamang maging maayos at wasto ang kanyang
ginagawa. Kaya ang mag-aaral ay nawawalan na ng oras para sa kanyang pamilya. Sabi nga ng iilan, “Sunday is
family day,” nakakatawang isipin dahil ang araw ng Linggo ay nagiging bonus na araw para sa mga mag-aaral
upang mapagpatuloy o matapos ang kanilang mga gawain sa paaralan.
Ang ating mga magulang ang siyang nagpapaaral sa atin ngunit hindi natin sila nabibigyan ng kaunting oras
para makapag-saya kahit isang araw man lang. Ang ating pagbubuti sa pag-aaral ay isa sa mga magagandang
maisusukli natin sa paghihirap nila upang tayo’y makapag-aral ngunit mas magiging masaya rin sila kung kahit
papano ay magkakaroon tayo ng oras sa kanila.
Ang araw ng Sabado at Linggo ay maaari rin maging araw ng pahinga para sa mga mag-aaral matapos ang
limang araw na sunod-sunod sa paaralan. At ang mga nasabing araw ay napakaikli para tapusin ang tambak na
gawain kung kaya’t ang iilan sa mga gawain ay hindi na naisasagawa ng tama. At ang iilan sa mga mag-aaral ay
nawawalan na ng gana pumasok sapagkat hindi na nila nakikita ang saya sa pagtuto ng bagong aralin dahil ito
ay nagiging sistema na lamang ng pagpasa ng mga gawain at ang pagkakaroon ng pasadong markahan.
Maaaring may magandang benepisyo ang pagbibigay ng takdang-aralin sa mga mag-aaral sa araw ng
Sabado at Linggo ngunit mas umiiral ang pagiging sagabal nito sa mga mag-aaral. Naaapekto nito ang kanilang
kalusugang mental, ang kanilang oras para sa kanilang pamilya at sarili at pati na rin ang kanilang pagka-
interesadong mag-aral sa paaralan. Mas mainam na bawasan ang pagbibigay ng takdang-aralin at hindi
ipagsabay-sabay ang araw ng pagpasa ng mga requirements.
Kier Francis Angeles
12-Dignity
Replektibong Sanaysay
Pamilyang Hindi Perpekto
Hindi lahat nang mayroong magulang ay masaya, hindi din lahat ng buo ang pamilya ay masaya. Ang
karanasan ng isang tao ay tila isang matayog na puno, ugat na nagsisilbing sanhi at mga prutas at dahon na
nagsisilbing bunga. Ang mga karanasang ito ay bahagi na ng ating buhay. Ito ay nakaukit o nakatadhana na sa
atin, na maaring magsilbing isang aral o isang kaloob.
Sa labing siyam na taon kong nanatili at pakikibaka sa mundong ibabaw masasabi kong ako ay parang nasa
isang tulay ng lubid na walang ibang hinangad kung hindi ang makarating sa dulo, balanse na tila balakid o
pagsubok na mas lalong nagpapahirap upang marating ko ang dulo.
Ang paghihiwalay ng aking ama’t ina ang karanasang kailan man ay hindi mawawala sa aking isipan at
kalooban. Naranasan ko ang buhay na nakitira, makisimpatya sa ina ng aking mga pinsan. Naging miserable
ang buhay naming magkakapatid, na maging ugat dito din ng pagrerebelde ng nakatatanda naming kapatid.
Iniwan kami ng aming ina sa aming ama na lulong sa droga nung mga oras na iyon. Halos hindi mawala ang
sakit ng aking kalooban sa karanasang iyon. Sa tuwing makakakita ako ng buo at masayang pamilya sa
simbahan o sa daan hindi ko maiwasang mainggit dahil may ama at ina na gumagabay at nagmamahal sa
kanila. Naranasan kong mahinto sa pag-aaral dahil sa kahirapan at kawalan ng magulan na gumagabay.
Isang makasariling magulang ang aking ama. Oo tama ang nababasa mo. Wala siyang ibang ginawa noon
kung hindi ang magpakasasa sa kanyang adiksyon na sa amin ay nagbigay lamang ng pasakit at matinding
paghihirap. Ang tanging namumutawi na lamang sa kanyang isipan noon ay ang sariling kasiyahan. Naaalala ko
pa noon na sa tuwing magtatabi matulog ang aking magulang ay nagtatabi ang aking ama ng kutsilyo sa
kanyang unan na nagsisilbing panakot sa aming ina. Gustuhin man ng aking ina itago ang kanyang
nararamdaman, subalit ito ay kumakawala at siya’y tila isang ibon na sa piitan ay nananahan. Hindi man hayag
sa aming magkakapatid ang balakid sa kanilang relasyon subalit nararamdaman ko ito. Pinipilit kong tulungan
ang aking ama labanan ang balakid na ito subalit wala akong magawa. Napakalakas ng enerhiyang ito at siya
ring enerhiya ang unti-unting sumisipsip sa pag-asa ng aking ama na makapagbagong buhay.
Ang karanasang ito ang nagturo sa akin kung paano umunlad hindi lamang sa aking pangarap na nais
matamo subalit nakaanib na din dito ang mga prinsipyo at impresyon na hindi na maiaalis sa aking puso’t
isipan. Anumang buhay mayroon tayo ngayon ay mula sa poong maykapal. Lahat ng pagsubok ay may
nakalaang solusyon. Isipin natin na walang perpektong pamilya at kung naging masalimot o naging madilim
man ang buhay natin sa ngayon ay laging bukas ang ating pananaw na sa huli ay may nakalaang liwanag para
sa atin.
Kier Francis Angeles
12-Dignity
Lakbay Sanaysay
Hapunan sa McDonald’s
Napag kasunduan ng aming klase na mag
hapunan sa Mcdonald’s pagkatapos ng mga
leksyon.Bago umalis,kami muna’y nag linis at nag
ayos ng aming homeroom upang maayos na
homeroom ang aming aabutan kinabukasan.Pag
baba namin sa senior high building,may bahag-
haring lumabas dahil kakatila pa lamang ng ulan.

Sabay-sabay kaming lumabas ng gate at nag lakad papunta sa parahan ng tricycle


upang pumunta sa VTC.Makalipas ang dalawang minuto kami ay nakasakay na at
papunta na sa VTC.Nasa dalawang kilometro ang layo ng VTC mula sa Calatagan High
School.Makalipas ang sampung minuto kami ay nakarating na sa VTC at pumasok na sa
McDonald’s.Nag hanap kami ng aming mauupuan at hinintay ang aming guro bago
pumunta sa counter at mag order.

Pag dating ng aming guro,kami ay nag usap-


usap ng aming oorderin at napagkasunduan ang
“1 pc Chicken with rice,small fries,and coca
cola”.Pumunta kami sa counter at pumila.Kami ay
nag kwentuhan habang nakapila upang mapawi
ang aming pagkabagot.Matapos naming mag
order ay nag hintay kami malapit sa
counterupang hintayin ang aming order number.
Makalipas ang dalawampung minuto,tinawag na
ang aming number at kinuha na naming ang
aming mga pagkain at dumiretso sa aming lamesa upang kumain.
Nag dasal muna kami bago kumain.Pinangunahan ito ng aming guro.Matapos mag
dasal ay nag simula na kaming kumain ng hapunan.Habang kumakain kami,kami rin
ay nag kukwentuhan at nag bibiruan.Isang oras kami inabot sa aming pagkain.Hindi
na namin namalayan ang oras.Niligpit naming ang aming pinagkainan at mga kalat
at tumayo na.

Napagpasyahan naming kumuha ng group picture para


meron kaming memorabilia.Sabay sabay kaming lumabas ng
Mcdonald’s at nag hintay ng kanya-kanyang tricy dahil iba iba
ang aming barangay na uuwian.Ang iba ay sabay, ang iba naman
ay mag isa lang.Sana ay maulit pa ang aming hapunan.Hanggang
dito na lamang ang aking lakbay sanaysay,salamat sa
pagbabasa!

You might also like