You are on page 1of 6

6th Philippine Sudoku Super Challenge Regional Elimination Round

Shanea J. Olino Ang 6th Regional Elimination Round ng Philippine Sudoku Super Challenge na tinatawag din na PSSC ay ginanap sa lahat ng SM Supermalls sa buong Pilipiinas noong Oktubre 15, 2011. Ako at mga kaklase ko sa Grade V-Archimedes ay sumali sa Sudoku Whizkid for elementart students. Ang mga kaklase ko na sumali ay sina Czarina Acut, Noelle Baroman, Irene Arado, Benedict del Rosario, jedd Ramos, Joshua Iglesia, Alyzza Samson, Elfrance Raterta, Blessyl Estenzo, Shaena Olino at ako. May mga Grade VI din na sumali na sina Teozen Ramos at Deo Grace Tiin. May tatlong round ditto. Ang nakapasa sa 1st round na taga ICECS ay ako, si Czarina Acut, Shaena Olino at Deo Grace Tiin. Ang nakalusot sa 2nd round ay ako at si Deo Grace Tiin. Ang unang lugar sa 3rd round ay nakuha ni isang estudyante galling St. Joseph Academy ng El Salvador at ako ay nakakuha sa ikalawang lugar. Ang mga nananalo sa pumuntang SM North Edsa sa Manila noong Enero 28, 2012 para sa national finals.

NUTRITION MONTH Ulat ni Kyle Academia

Ang Buwan ng Nutrisyon ay ginaganap tuwing buwan ng Hulyo taon-taon upang bigyang atensiyon ng publiko ang kanilang nutrisyon na may gabay sa tema. Ang pagdiriwang ng buwan ng Nutrisyon ay inatas noong Hunyo 25, 1974 sa ilalim ng Seksiyon 7 ng Presidential Decree No. 491 o siyang mas kilala bilang "Nutrition Act of the Philippines". Ayon sa batas na ito, ang buwan ng Hulyo ay itinalagang Buwan ng Nutrisyon nang sa gayun ay mabigyan ng kamalayan ang bawat Pilipino sa kahalagahan ng nutrisyon. Ito ay ipinagdiriwang noong ika-24 ng Julyo 2011. Ang tema nito noong ika-24 ng

Julyo ay Isulong Ang Breastfeeding Tama, Sapat at Eksklusibo.

Buwan ng wika (Agosto 2011) Ulat ni Jedd Bernardo Ramos Ang buwan ng wika ay ginaganap tuwing buwan ng Agosto taun- taon. Itoy isang selebrasyon ng wikang Filipino kung saan may patimpalak at paligsahan ukol dito. Sa aming paaralan, nagkaroon ng parada, programa, at balagtasan. Sa parada, umikot ang mga guro at mga mag-aaral sa buong paaralan. Nakasuot kami ng mga uniporme, barong tagalog, barot saya at kimona. Pagkatapos ng parada, nagkaroon ng programa sa gymnasium upang mapaalala ang mga estudyante na dapat tayong matuto at mahalin ang ating wikang pambansa at wag nating ipakahiya ang ating sariling wika. Nagkaroon din ng balagtasan ang mga nasa ika-limang baitang. Ang mga kalahok sa paligsahang ito ay ang mga mag-aaral sa pangkat SSES, 1, 2, 3 at 4. Ang nanalo dito ay ang pangkat namin, ang pangkat SSES.

Ang selebrasyong ito ay dapat hindi natin makalimutan. Dahil ang buwan na ito ay nagpapaalala sa ating mga Pilipino na tayo ay may sariling wika at kultura.

Joint BSP/ GSP Encampment


Ulat ni Faith Noelle Baroman

Noong Oktubre 28-29 taong 2011, nagkaroon ng Joint BSP/ GSP Encampment sa Iligan City East Central School (ICECS). Sa loob ng dalawang araw ay marami kaming natutunan tungkol sa Scouting. Itinayo namin ang aming mga tent sa grounds ng paaralan bago magsimula ang pormal na programa. Inumpisahan ito sa isang parada sa loob ng paaralan at programa sa gym. Tinuruan kami ng ibatibang klase ng knot tying, History ng Scouting at ibat-ibang mga awitin. May hiwalay na programa naman ang mga Boy Scout. Pagkatapos maghapunan ay naghanda kami para sa aming presentasyon sa camp fire. Masaya ang Talent Night sa camp fire. Umawit kami ng Paraiso habang ang ibang mga grupo ay nag-drama at nag-action song. Pagkatapos maghanda sa pagtulog ay lumipat kami sa aming silid-aralan upang doon matulog ngunit pagkatapos ng ilang sandali ay pinahintulutan kami na sa aming mga tent na matulog. Masayang-masaya kami dahil nakaranas kaming matulog sa grounds sa loob ng aming mga tent. Maaga kaming gumising kinabukasan, nag- jogging at nag-hataw. Pagkatapos magagahan at maghanda sa sarili, ang iba sa amin ay nagluto, ang iba ay namahinga sa tent, habang ang iba ay naglaro. Masaya kaming umuwi na taglay ang bagong karanasan sa Scouting.

CHESS MILO LITTLE OLYMPICS


Ulat ni Benedict P. del Rosario

Nagpadala ang ICECS ng walong mag-aaral (4 na lalaki at 4 na babae) sa Misamis Oriental General Comprehensive High School (MOGCHS) sa Cagayan de Oro City para sumali sa Chess Milo Little Olympics noong August 6-7, 2011.Ang mga coaches ay sina Ginang. Lucia M. Maminta and Ginang Estrada ng ICECS. Ang mga nagsilahok ay sina: Mga Lalaking Kalahok 1.Benedict P. Del Rosario 2.John Brett Estrada 3.Benedict Salisid 4.Jacob Janasan

Mga Babaeng Kalahok 1.Ethel Cabaro 2.Alyzza Samson 3.Grade 6 pupil 4.Grade 6 Pupil

Ang mga nagsilahok ay nagdala ng kani-kanilang chess boards. Ibat-ibang mga paaralan halos galling Cagayan de Oro at Iligan City ang nagsilahok sa mga events. Halos delegado ng Corpus Cristi-Cagayan de Ori nag nananalo sa mga laro. Si Ethel Cabaro ng ICECS ay nananalo rin sa kanayng mga laro at nasungkit ang pangalawang lugar sa kanyang kategorya. Ito ay nangangahulugan na kailangan ang pag-eensayo at matagal na preparasyon ng ang mga manlalaro para sa 2012 na Chess Milo Little Olympics.

Mathematics Trainers Guild (MTG) Ang MTG ay isang training program para sa mga estudyante ng elementarya para maka learn ng ibat-ibang konsepto ng Mathematics. Gumawa sila ng isang pasulit dito sa Iligan para malaman sino ang karapat dapat na sasali sa training. Lahat ng estudyante ng Grade V-Archimedes ay sumali sa pasulit ng Mathematics Trainers Guild (MTG). Marami ang qualified ngunit tatlong estudyante lamang ang nag-enrol. Ito ay sina Czarina Therese Acut, Benedict Del Rosario and Noelle Faith Baroman. Pagkatapos ng training sa Iligan, nagbigay ang MTG ng isa pang qualifying exam para malaman kung sino ang qualified na makasali National MTG na gaganapin sa Iloilo ngayong May 2012. Tanging si Benedict Del Rosario ang qualified para sa National MTG para sa Grade V.

You might also like