You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region VII, Central Visayas
DIVISION OF CEBU PROVINCE
DISTRICT OF TUBURAN 1
KABKABAN ELEMENTARY SCHOOL

ULAT SANAYSAY SA BUWAN NG WIKANG

PAMBANSA 2022
Ang kasaysayan ng bawat lipunan ay maitututring na tapatan ng aral at
inspirasyon katulad ng kasaysayan ng sambayanang Filipino na humarap noon, at
patuloy na humaharap sa iba’t-ibang uri ng pagsubok at laban. Kaya naman bilang
pagunita at pag-alala sa ating kasaysayan ang Mababang Paaralan ng Kabkaban ay
nakiiisa sa pagdiriwang nga buwan ng kasaysayan sa taong ito na may temang
“Kasaysayan, Kamalayan, Kaunlaran”
Noong Biyernes, ika-23 ng Setyembre 2022 ay pormal na idinaraos ang
programang Buwan ng kasaysan at Wikang Pambansa ay sinimulan ito ng
pagpupugay sa Watawat sa pamamagitan ng pagsayaw ng “Ako ay Pilipino” sa mga
piling mag-aaral ng nasa ikalima at ika-anim na baitang. Sinundan naman ito ng
isang taimtim na panalangin, sumunod ang “Sugbo Hymn at Tuburan hymn”.
Nagbigay ng pambungad na pananalita si Gng. Charito P. Gracia, punongguro sa
Mababang Paaralan ng Kabkaban para pormal na simulan ang programa sa araw na
ito.. Si Bb. Kathlyn Kates M. Arequez ang nagpahayag ng layunin sa programang ito.
Sinundan naman ito ng isang tula ng isang mag-aaral sa Kindergarten na si Zamella
Earl T. Requiso na pinamagatang “Ina”. Muling tinawag si Bb. Arequez para sa
pagbasa ng Krayterya sa patimpalak na Bayani-Look-Alike na ang layunin ay muling
sariwain ang ating mga bayaning nagbuwis ng buhay para sa bayan at ito ang
pinaka inaabangan sa araw na ito. Ang mga nakilahok sa patimpalak na ito ay mga
piling mag-aaral mula sa ika-apat hanggang sa ika-anim na baitang. Sila ay nagsuot
ng iba’t-ibang kasuotan na nababagay sa bayani na kanilang ka Lool-Alike. Si Gng.
Charito P. Gracia , Bb. Kathlyn Kates M. Arequez at si Gng. Cheenie Mica D. Chua
ang mga hurado sa Bayani-Look-Alike. Bago paman itanghal ang mga mananalo ay
nagkaroon pa ng espesyal na presentasyon na sayaw na “Tiklos” ang mga piling
mag-aaral na babae mula Kindergarten hanggang ika-apat na baitang. Bago paman
ang kulminasyon sa Buwan ng Kasaysayan ay nagsagawa ng iba’t-ibang aktibidadis
ang Mababang Paaralan ng Kabkaban sa nasabing padiririwang ng Buwan ng
Kasaysayan at Wikang Pambansa. Nagkaroon ng Tagisan ng galing sa Pagkulay ng
iba’t-ibang simbolo ng bansa ang mga mag-aaral sa Kinder hanggang ikalawang
baitang. Ang nasa ikatlong baitang naman ay nagkaroon ng tagisan ng galing sa
paggawa ng islogan. Samantala ang nasa ika-apat hanggang ika-anim na baitang ay
nagkaroon ng Tagisan ng Talino. Sa bawat patimpalak na ito ay mag itinanghal na
mananalo. Ang mga mananalo sa Kindergarten sa tagisan ng galing sa pagkulay ay
sina Harley T. Rosal at Kristel Manlakat. Sa una at ikalawang baitang naman ay sina
Jhon Mark Bot-oy, Rhestyl I. Villabas at Kervey Pesiao. Sa ikatlong baitang naman
sa tagisan ng galing sa paggawa ng islogan ay si Rislyn M. Villareal. Sa tagisan nga
talino sa ika-apat na baitang naman ang mananalo ay sina: John Michael E.
Maxilom, Syrha Mae F. Davirao, Jelliane O. Villabas, Rodenio F. Suico Jr. at si
Jayvee G. Fernandez. Samantala, sina Rhe Jhan B. Manlakat at Jhon Dave M.
Gadia ang nagwagi sa ikalima at ika-anim na baitang. Sa sandalling ito ay oras na
para malaman natin ang mga mananalo sa pinanabikang patimpalak na Bayani-
Look-Alike Itinanghal na nakakakuha ng ikatlong gantimpala ay sina Mark Dave G.
Regasajo sa kategoya ng mga lalaki at si Shane Airah M. Maxilom naman ang sa
kategorya ng mga babae. Sina John Michael E. Maxilom at Syrha Mae Davirao
naman ang nakakakuha ng ikalawang gantimpala. At ang itinanghal na mananalo o
nakakakuha ng unang gantimpala ay sina Zecahariah Dave V. Cagumbay at Dianan
Marie F. Luega. Ang programang ito ay pormal na isinara ni Gng. Chiello T. Requiso
sa pamamagitan ng pagbigay ng pangwakas na pananalita.
Napakagandang pagmasdan na tayong mga Pilipino ay nagbalik tanaw sa
kadakilaan ng ating mga bayani na nagbuwis buhay para sa ating mahal na bansang
Pilipinas. Ipagmalaki natin na tayo ay mga Pilipino.

Inihanda ni:
KATHLYN KATES M. AREQUEZ
School Filipino Coordinator

Binanggit ni:
CHARITO P. GRACIA
School Head
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region VII, Central Visayas
DIVISION OF CEBU PROVINCE
DISTRICT OF TUBURAN 1
KABKABAN ELEMENTARY SCHOOL

DOCUMENTATION

Isang maikling parada bilang pasiuna .Si Gng. Cheenie Mica D. Chua ang Ang Punongguro na si Gng. Charito
ang ginawa ng mga mananayaw, siyang “emcee” sa pagdiriwang ng P. Gracia ay nagbigay ng
mga kalahok ng patimplak at mga Buwan ng Kasaysayan at Wikang Pambungad na Pananalita
guro papunta sa pagdadarausan ng Pambansa.
programa.

Si Bb. Kathlyn Kates M. Arequez ay Si Zamella Earl T. Requiso isang Sina Gng. Chua, Bb. Arequez at Gng.
siyang nagpahayag ng layunin sa Kinder na mag-aaral ay nagbahi ng Gracia ang nag silbing hurado sa
programa. isang tula na pinamagatang “Ina”. patimpalak na Bayani-Look-Alike.
Sina Rhestyl I. Villabas at Kervey Si Rislyn G. Villareal ay Sina Rhe Jhan at jhon
Pesiao ang mga pinarangalan bilang pinarangalan bilang Dave ang mananalo sa
mananalo sa Tagisan ng galing sa mananalo sa tagisan ng tagisan ng talino sa
pagkulay. galing sa paggawa ng ikalima at ika-anim na
islogan. baitang.

Ang mga pinarangalan na Ang mga kalahok sa Ang mga kalahok sa


mananalo sa tagisan ng talino Bayani-Look-Alike, Bayani-Look-Alike,
sa ika-apat na baitang kasama kategorya ng mga lalaki. kategorya ng mga babae.
ang kanilang “adviser”.

Sina Diana at ZD ang itinanghal Ang lahat ng mga naka kuha ng


na mananalo sa Bayani-Look- gantimpala sa patimpalak na
Alike kasama ang adviser at Bayani-Look-Alike kasama ang
ang punongguro. mga guro at punongguro.

You might also like