You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VII- Central Visayas
Schools Division of Toledo City
SOUTH CITY CENTRAL SCHOOL
D. Macapagal Highway,Poblacion
Toledo City

Name of Learner: ____________________________GradeLevel & Section: ________________


Subject: Filipino 5 Module No. 3 Title:______________________________

Learning Competency: Nasasagot ang mga tanong sa binasang kuwento o tekstong pang-
impormasyon

Panuto: Basahin, suriin at unawain ang mga inihandang babasahin na magpapayaman sa


kaisipan upang lubos na maunawaan at masagot ang mga katanungan sa binasang kuwento
Luisiana:

Little Baguio ng Laguna


(Sipi mula sa Librong Alab Filipino 5 Batayang Aklat)

Miyerkules noon, malamig na simoy ng hangin ang bumati sa akin. Nakasakay kami ng aking
mga magulang sa pampasaherong dyip patungo sa isang bayan na kung tawagin ay “Little
Baguio.” Ito ang lugar kung saan nakita ko ang simpleng pamumuhay ng mga taong may sipag
at may mumunting pangarap. Dito, sila ay nagtatanim ng mga halamang gulay at ang mga
hayop gaya ng kalabaw at baka ay malayang nakakagala sa paligid. Sariwang isda naman ang
nananahan sa malinis na ilog.
Dito ko nakilala si Carl, isang batang kasing edad ko rin. Magkaibigan ang aming mga magulang.
Pareho kaming nasa ikalimang baitang. Pangarap ni Carl na makatapos ng elementarya at
makapag-aral sa isang paaralang pansekondarya sa bayan, bagama’t mayroon ding mataas na
paaralan sa Little Baguio.
Ito ang bayan na ang hanging umiihip sa bawat minuto ng bawat oras ay tila ba hangin ng
Pasko. Naaalala ko pa nang magkakilala kami ni Carl…
JJ: Kumusta ka? JJ ang pangalan ko. Ikaw?
Carl: Mabuti naman. Ako naman si Carl.
JJ: Ang sarap ng hangin dito sa lugar na ito, sariwa at malamig.
Carl: Little Baguio ang tawag namin sa lugar na ito.
JJ: Sabi ko nga sa tatay at nanay ko, gusto kong manatili na lamang kami rito.
Carl: Paano ang pag-aaral mo sa bayan?
JJ: Lilipat na lamang ako rito sa Paaralang Elementarya ng San Buenaventura.
Carl: Aba mabuti kung ganoon. Sana maging kamag-aral kita.
JJ: Sana nga, maraming salamat,
Carl. Tinawag na Little Baguio ang bayan ng Luisiana sa lalawigan ng Laguna sapagkat tulad ng
Lungsod ng Baguio ito ay mataas at may mababang temperatura. Matatagpuan ito sa
bulubundukin ng Sierra Madre.
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ang sagot sa patlang.
______ 1. Ano-ano ang makikita sa Little Baguio?
a. Mga batang naglalaro sa kalsada, at magagandang bahay
b. Ang simpleng pamumuhay ng mga taong may sipag at mumunting pangarap.
c. Nagtatanim ng sariwang gulay at ang mga hayop na nakatali sa paligid.
d. Sariwang isda ang itinitinda sa mga tindahan.
_______2. Ano ang maaaring maramdaman ni JJ kung papayag ang mga magulang niyang
maiwan na sila sa lugar nina Carl?
a. Masaya dahil makakaalis na siya sa paaralan niya sa bayan
b. Masaya dahil natupad ang nais niya na maiwan sa lugar kung saan malamig ang klima at
maaari pa niyang maging kamag-aral si Carl.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII- Central Visayas
Schools Division of Toledo City
SOUTH CITY CENTRAL SCHOOL
D. Macapagal Highway,Poblacion
Toledo City

c. Masaya dahil araw-araw na siyang makapaliligo sa malamig na batis.


d. Masaya dahil matagal na niyang pangarap ang manirahan sa bayan ng Little Baguio.
_______3. Magiging daan kaya sa matiwasay na pamumuhay kung maninirahan na sa lalawigan
sina JJ? Bakit?
a. Oo, dahil nais naman niyang doon na manirahan.
b. Hindi, dahil wala naman siyang gaanong kakilala sa lugar at malayo pa sa mga magagandang
pasyalan tulad ng Mall.
c. Oo, dahil magiging magkamag-aral sila ni Carl at araw-araw pa silang makapaglalaro at
makapamamasyal ng magkasama.
d. Hindi, dahil wala doon ang hanapbuhay ng kanyang mga magulang.
_______4. Bakit kaya nasabi ng awtor ang pahayag na “Ito ang baryo na ang hangin na umiihip
sa bawat minuto ng bawat oras ay tila ba hangin ng Pasko?”
a. Dahil ito ay tulad ng Baguio na mababa at may mataas na temperature.
b. Dahil tulad ng Lungsod ng Baguio ito ay mataas at may mababang temperature.
c. Dahil malamig ang hangin at matatagpuan sa bulubundukin ng Sierra Madre.
d. Dahil ito ay isang lugar na may simpleng pamumuhay ang mga taong nakatira rito, sariwa ang
hangin at magaganda ang tanawin.
_______5. Bakit gusto ni JJ na manatili na lamang sa baryo nila Carl?
a. Para doon na lamang mag-aral dahil maganda ang paaralan doon.
b. Para lagi silang makasama si Carl sa paglilibot at paglalaro.
c. Para maging magkamag-aral silang dalawa mula elementarya hanggang sekondarya.
d. Para laging maramdaman ang sarap ng sariwang hangin at malamig na klima.

Panuto: Ngayon naman, basahin nang tahimik ang seleksyon. Sagutin ang mga tanong at
bilugan ang titik ng tamang sagot.
Galing ng Pinoy, Hinangaan sa Hollywood!
(Sipi mula sa Phil Iri 2012-2013)

Malaking karangalan ang iniuwi nina Jed Madela at Rizza Novales sa Pilipinas nang magwagi sila
ng napakaraming medalya at tropeo sa World Championships of the Performing Arts noong
2005. Ginanap sa Hollywood, California na sinalihan ng mahigit sa 51 bansa at 1000 kalahok.

Talagang napakagaling nila. Kahit biglaan ang pag-eensayo, hindi ito nakabawas sa napakahusay
na pag-awit nila ng kanilang mga piyesa. Maging ang kanilang mga katunggali ay natuwa nang
humakot sila ng maraming parangal. Nakakuha si Jed ng apat na ginto mula sa kategoryang
Pop,
Broadway, Original at Gospel na dahilan ng pagkakatanghal sa kanya bilang Grand World
Champion, Over-all Vocals Champion at Over-all Male Vocals Champion. Nakamit naman ni
Rizza ang titulong Over-all Female Vocals Champion dahil sa tatlong medalyang ginto na
napanalunan niya mula sa kategoryang Pop, Broadway, Original, at pilak naman sa R&B.

Silang dalawa rin ang itinanghal na Over-all Duet World Champion, dahil sa gintong medalyang
napanalunan nila mula sa kategoryang Pop nanilahukan naman ng 250 kalahok mula sa Timog
Africa at 150 mula sa Estados Unidos.
Pinatunayan nina Jed at Rizza na talagang maipagmamalaki ang talentong Pinoy sa mundo!
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII- Central Visayas
Schools Division of Toledo City
SOUTH CITY CENTRAL SCHOOL
D. Macapagal Highway,Poblacion
Toledo City

Mga Tanong:
1. Anong paligsahan ang pinagwagian nina Jed Madella at Rizza Novales?
a. American Idol
b. Britain Got Talent
c. Asian Song Festival
d. World Championships of the Performing Arts
2. Alin sa mga sumusunod ang hindi napanalunan ni Jed Madella?
a. Grand World Champion
b. Over-All Male Dancer Champion
c. Over-all Vocals Champion
d. Over-all Male Vocals Champion
3. Bakit kaya sina Jed at Rizza ang itinanghal na Over-all Duet World
Champion?
a. Bagay silang kumanta ng solo.
b. Nagpapaligsahan silang dalawa sa pag-awit.
c. Silang dalawa ang pinakamagaling na mang-aawit.
d. Lagi silang nagkukuwentuhan bago umawit.
4. Ano ang ipinapahiwatig ng pagkapanalo ni Jed Madella sa halos lahat ng
kategorya ng paligsahan sa pag-awit?
a. Ipinanganak na isang mang-aawit si Jed.
b. Kaya ni Jed umawit ng kahit na anong uri ng awit.
c. Pinaghusay nila ang kanilang performance sa kompetisyon.
d. Lahat ay tama.
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
28
5. Alin sa mga sumusunod ang dahilan ng pagkapanalo nina Jed at Rizza?
a. Hindi gaanong nakapag-ensayo sina Jed at Rizza.
b. Namimili ng awit na kakantahin sina Jed at Rizza.
c. Walang suporta ang pamahalaan sa pagsali nila sa paligsahan.
d. Napakahusay ng ginawang pag-awit nina Jed at Rizza sa kompetisyon.
6. Bilang isang Pilipino, ano ang iyong nararamdaman para kina Jed at
Rizza?
a. Naiinggit ako sa kanila
b. Karapat-dapat na ikarangal natin sila.
c. Nasasabik akong makita sila.
d. Naaawa ako sa kanila dahil wala silang nakuhang suporta sa
pamahalaan.
7. Ano ang pinatunayan nina Jed at Rizza sa kanilang pagkapanalo?
a. Sadyang magagaling ang mga Pilipino.
b. Libangan ng mga Pilipino ang pag-awit.
c. Maraming Pilipino ang marunong kumanta.
d. Mahilig sumali sa mga paligsahan ang mga Pilipino.

I certify that I have truthfully answered all the activities/exercises in this activity sheet. This
output is entirely my own work. (or can be translated in Filipino/MTB as needed)

_________________________ Date Submitted: _________________


Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII- Central Visayas
Schools Division of Toledo City
SOUTH CITY CENTRAL SCHOOL
D. Macapagal Highway,Poblacion
Toledo City

Name and Signature of Learner

You might also like