You are on page 1of 1

Mga Paaralang RVM, Iginanap ang Ikalawang

Ignacian Marian Bonding

Sa pagitan ng ika-4 hanggang ika-6 ng Abril 2024, idinaos ang 2nd Regional Ignacian
Marian Bonding sa St. Mary’s College sa Tagum City. Ang temang "Empowered Ignacians
Marian: Exemplifying Synodality in Loving Service and Ecological Integrity" ang naging sentro
ng pagtitipon na ito. Kasama sa mga dumalo ang mga mag-aaral mula sa iba't ibang paaralan na
kasapi ng Religious of the Virgin Mary (RVM) sa Southern Mindanao.

Sa programa, ipinamalas ng mga estudyante ang kanilang husay at talento. Nagbigay din
ng mga payo at opinyon si Fr. Neil Badillo, RVM, ang tagapahayag, upang magdagdag ng
kaalaman sa mga kabataan.

"Ang mga hamon na hinaharap natin sa buhay ang nagbibigay sa atin ng lakas upang
magpatuloy at hindi sumuko. Sa ating pag-angat, mahalaga na ang ating mga kasama ay mga
taong makakatulong at magbibigay ng tamang gabay. God is good all the time," ani Fr. Neil
Badillo.

Dagdag pa, nagbahagi ang ilang estudyante sa isang grupo na binubuo ng mga mag-aaral
mula sa iba't ibang paaralan. Bawat isa ay binigyan ng pagkakataon na magbahagi ng kanilang
mga karanasan at natutunan mula sa mga salita ni Fr. Neil Badillo, RVM.

Sa isang intermisyon at sayaw sa pagsamba, ipinakita ng iba't ibang estudyante ang


kanilang galing, kasama na ang mga mula sa Pilar College of Zamboanga City, Inc. Isang bonfire
din ang idinaos kung saan nagkaroon ng pagkakataon ang mga estudyante na magbahagi ng
kanilang mga saloobin at mga mensahe para sa kanilang mga kapwa mula sa kanilang paaralan.

Sa huling araw ng pagtitipon, naganap ang seremonya ng pag-aanunsiyo at


pagpapamahagi ng mga gantimpala. Ang mga nanalo sa mga laro mula sa iba't ibang paaralan ay
binigyan ng medalya at nagkaroon ng pagkakataon na magpakuha ng larawan bilang alaala ng
kanilang tagumpay.

You might also like