You are on page 1of 4

Gintong Ani Year 6 ginanap kasabay ng selebrasyon ng Araw ng mga Guro.

Isa na namang tagumpay ang isinagawang pagkilala sa kontribusyon ng mga guro sa bayan ng Naic sa
ika-anim na pagkakataon. Dito binigyang pugay ang mga guro ng Naic para sa kanilang mga di
matatawarang ambag sa ating bayan. Ito ay ginanap ika-2 ng Oktubre 2023 sa Magbitang’s Warehouse
Sabang,Naic,Cavite.

Ang nasabing kasayahan ay upang idaos ang Araw ng mga Guro at bigyan daan ang pagpaparangal sa
mga karapat-dapat at natatanging guro .

Kabilang sa mga itinanghal ang mga guro sa Naic Elementary School na nagpamalas ng dedikasyon,
integridad at dignidad sa pagtuturo at paghahasa ng mga galing ng mga mag-aaral.

Una sa binigyang parangal ang mga Service Awardees na kinabibilangan nina Gng. Juvy B. Abutin, Gng.
Magdalena N. Celis at Gng. Marites S. Estonilo na mahigit tatlumpung taon nang nagbibigay serbisyo sa
Deped Naic.

Itinanghal naman na Most Outstanding Master Teacher mula sa Elementarya si Gng. Jennifer H. Icaro,
Most Outstanding Teacher sa Elementarya si Gng. Anne Vixen Lubag at si Gng. Editha M. Pichay bilang
Most Oustanding ALS Implementer na pare-parehong nakatanggap ng plake ng Parangal.

Sinundan ito ng pag bibigay pugay at parangal sa Retiradong Guro ng Naic Elementary School sa larangan
ng pagtuturo. Kabilang sila sa mga itinututuring na haligi na ng edukasyon sa bayan ng Naic. Dito kinilala
at binigyang pagpupugay si Gng. Loddie Antiojo na isa sa mga ipinagmamalaking guro ng EPP ng NES.
Lubos na kasiyahan ang nadama ni Gng. Antiojo dahil nabigyang halaga ang kanilang kontribusyon na
makapagpasa ng kaalaman sa mga mag-aaral ng Naic

Hindi naman nagpaawat sa pagpapakita ng kanilang husay ang mga gurong mananayaw sa pangunguna
ni Ginoong Reynaldo s. Ceregal na isa sa mga nagpainit ng selebrasyon. Dito lumutang ang natural na
ganda ng mga guro ng Naic Elementary School suot ang kanilang eleganteng damit na talaga namang
pinaghirapang buuin ng mga gurong mananayaw ng NES.

Isa pa sa nagpakinang sa mga gurong gintong minero ay ipinamalas ni Ginoong Aldrin Calantog na husay
sa pagiging tagapagdaloy ng programa. Dito ipinamalas muli ni G. Calantog ang kaniyang husay sa
pagsasalita at sa pagdaraos ng mga palatuntunan.

Tunay nga na hindi matatawaran ang sakripisyo ng mga Guro “Dedikasyon, Integridad, Dignidad”, ilan
lamang sa mga katangian na naging tulay tungo sa trabaho at serbisyong punó ng “Galing at Husay.

You might also like