You are on page 1of 1

Binigyang Parangal ang mga Guro at Kawani ng SDO Nueva Ecija sa Kanilang Natatanging Kontribusyon

sa Larangan ng Edukasyon

Nagdiwang ng tagumpay at karangalan ang School Division Office (SDO) ng Nueva Ecija sa paggawad ng
parangal sa mga guro at kawani nito sa nakaraang Division Program on Awards and Incentives for
Service Excellence 2023.

Ang nasabing pagtitipon ay idinaos noong ika-9 ng Oktubre sa SM Mega Center, Cabanatuan City, Nueva
Ecija, kung saan ipinagkaloob ang pagkilala sa mga indibidwal na nagpakita ng kahusayan sa larangan ng
edukasyon at pagbibigay ng dekalidad na serbisyo publiko.

Sa gitna ng mahigpit na kompetisyon, dalawa sa apat na natatanging guro ng buong SDO-Nueva Ecija ay
nagmula sa San Juan Integrated School. Kinilala ang kanilang husay at dedikasyon sa kanilang propesyon
ang mga guro na sina Mary Joy S. Lugod at Sir Arnel R. Domingo. Ang kanilang tagumpay ay patunay sa
kanilang matibay na pundasyon ng edukasyon at patuloy na paglilingkod sa mga mag-aaral at
komunidad.

Ayon sa mga kanila ang karangalan ito ay para sa mga mag-aaral ng San Juan Integrated School. Dagdag
pa ng dalawa kabahagi nito ang kanilang mga kamahan sa pangunguna ng kanilang Punong Guro,
Annaliza G. Monce, PhD na kapwa taos puos naglilingkod sa kabataan.

Ang pagkilala sa mga guro at kawani ng SDO Nueva Ecija ay hindi lamang nagbibigay-inspirasyon sa
kanilang mga kapwa guro at kawani kundi pati na rin sa mga mag-aaral at mga magulang. Ito ay isang
patunay ng di-matatawarang dedikasyon at pagmamahal sa propesyon at serbisyong pampubliko.

You might also like