You are on page 1of 2

DSPC ‘2024 DISTRICT ELIMINATION GINANAP SA QUEZON BUKIDNON

COMPREHENSIVE NATIONAL SCHOOL

Isang kaganapan ng DSPC sa Quezon Bukidnon Comprehensive National Highschool


noong Enero 16, 2024 araw ng miyerkules na kung saan may labing isang (11) kalahok na
paaralan sa Quezon 1 District ang nagsitagisan ng galing sa ibat-ibang larangan ng
pamamahayag.

Nagkaroon ng maikling programa bilang pagbubukas sa nasabing kaganapan, at sa


nasabing programa ay nagbigay ng mensahe si Ginoong Philip Florenosos, QBCNHS Principal na
kung saan ay pinaantig ang mga damdamin at kaisipan ng bawat Kabataan. Ang bawat kalahok
na paaralan ay nagpasiklaban ng kani-Kanilang mga yell at pagkatapos ay nagsitungo na sa silid-
aralan kung saan itinalaga ang bawat mag-aaral.

Sa resulta ng nasabing distict eliminasyon ay nakakuha ng puwesto sa pagkapanalo ang


bawat paaralan na sumali at binigyang-puri ito. Ang nanalong paaralan sa nasabing kaganapan
ay siyang representante sa susunod na Cluster Elimination na gaganapin sa Maramag Quezon
Bukidnon.

Ginawa ng mga estudyante ang lahat ng kanilang makakaya upang manalo sa kanilang
event na sinasalihan. Ayon pa kay Ginang Divina Vardiza, San Jose Integrated School (SJIS)
Principal, “if you work harder, you’ll get a reward, but if you work even more harder, you’ll get
an extraordinary reward,” ang linyang ito ay nagbigay inspirasyon sa mga Kabataang sumali sa
kaganapan. Nanalo o natalo ang bawat mag-aaral na sumali ay masayang-masaya dahil na rin sa
kanilang tindig-balahibong karanasan.

ISINULAT NI: PRECIOUS MAE BERIOSO

You might also like