You are on page 1of 18

Republic of the Philippines

Department of Education
NATIONAL CAPITAL REGION
SCHOOLS DIVISION OF QUEZON CITY
HOLY SPIRIT NATIONAL HIGH SCHOOL

KABANATA 1

SULIRANIN AT KALIGIRAN

KALIGIRAN NG PAG-AARAL

Isa sa magandang kaugalian ng mga Pilipino ang pagbibigay-lingkod sa iba.

Gumagawa tayo ng maliit na kabutihan sa ating kapwa, tumutulong sa mga

nangangalilangan, at kung minsa’y nagbibigay serbisyo sa komunidad sa paraang

pakikihalubilo at pagsali sa boluntaryong programang inihahandog ng mga lokal na

pamahalaan. Mula sa sipi ni Denhardt (2015). Ang makabagong pagseserbisyo ay

pagkakaroon ng pampublikong interes na tutugon sa pangangailangan ng mamamayan

at pagiging aktibo sa lahat ng pampublikong gawain.

Lider ang siyang gumagabay sa atin patungo sa katagumpayan at sila ang

tumatayong representatib mula sa lupon. Tinataglay ng isang mahusay na lider ang

tapang ng loob, husay sa pagdedesisyon at pagkakaroon ng kumpiyansa sa sarili.

Lumabas sa saliksik ni J. Davie (2017), na ang kwalipikasyon sa pagiging lider ay ang

pagkakaroon ng kakayahan na makihalubilo sa iba, tinataglay rin ang kakayahang mag-

organisa ng isang programa, at may kakayahang mang-udyok sa miyembro nit

Address: Sto. Ireneo St. Doña Juana Ext. Holy Spirit, Quezon City
e-mail: hsnsh2015@gmail.com
Telephone No.: (8) 961-45-98
Republic of the Philippines
Department of Education
NATIONAL CAPITAL REGION
SCHOOLS DIVISION OF QUEZON CITY
HOLY SPIRIT NATIONAL HIGH SCHOOL

“Kabataan ang susunod na tatayong lider sa hinaharap,” saad ng dating pangulo

ng South Africa, ginoong Nelson Mandela. Ayon sa kanya, may potensyal ang lahat na

maging lider at sa eskwelahan lamang nahuhulma ang kakayahang mamuno ng isang

mag-aaral sa pagsali sa mga aktibidad lalo na’t kapag tumatayo ito bilang lider ng

lupon.

Ang student leader ang siyang tumatanaw ng mga problemang kinahaharap ng

isang lupon. Sila rin ang siyang nagpaplano upang matuldukan ang namutawing

suliranin, tagapanukala ng kaayusan sa kaniyang nasasakupan at tumatayong

representatib upang maging tagapagsalita sa kapwa kamag-aral. Mahalaga ang

student leader sa paaralan lalo’t sila ang tinaguriang representatib na kinikilala ng lahat

bilang magagaling na mag-aaral sa pang-akademikong aspeto maging man sa

pamumuno (Vasilenko, 2019).

Pinakamahalagang parte sa eleksyon ang pagkakaroon ng botohan, kung saan

may karapatan ang lahat na mamili kung sino sa mga kandidato ang karapat-dapat na

mahalal. Sa lahat ng paaralan, sa mga mag-aaral nakasalalay ang magiging pinal na

desisyon upang mahalal ang isa bilang student leader dahil sila ang higit na nakakalam

kung sino ang ganap sa hindi.

Address: Sto. Ireneo St. Doña Juana Ext. Holy Spirit, Quezon City
e-mail: hsnsh2015@gmail.com
Telephone No.: (8) 961-45-98
Republic of the Philippines
Department of Education
NATIONAL CAPITAL REGION
SCHOOLS DIVISION OF QUEZON CITY
HOLY SPIRIT NATIONAL HIGH SCHOOL

Mahalaga sa isang mag-aaral na maranasan ang pagiging lider sa paaralan, dito

nahuhulma ang kanilang abilidad sa pakikisalamuha, pagkakaroon ng matatag na

kumpiyansa sa sarili, at husay sa pagdedesisyon para sa nakararami. Isinaad sa

behavioral theory of leadership ni Mulholland (2019), ang pagiging lider ay nakukuha

lamang sa paraang pagsasanay, isang halimbawa nito ang pagiging parte ng SSG

(Supreme Student Government) kung saan napapalago ang kakayahan ng isang mag-

aaral na mamuno.

Sa paaralan, mahalagang magkaroon ng student leader upang matugunan ang

mga problema ng mag-aaral, bilang representatib. Sila ang higit na nakakaalam ng mga

hinaing at mga proyektong dapat gawin. Madalas silang nakikita tuwing may mga

aktibidad at pagdiriwang na nagaganap sa paaralan. Sila ang inaasahan ng mga guro

upang panatilihin ang kaayusan at disiplina sa kapwa nito. Dahil sa pagkakaroon ng

student leader sa paaralan, nagbigay ito ng dahilan sa mga mananaliksik na saliksikin

ang bawat persepsyon ng mag-aaral sa Holy Spirit National High School hinggil sa

pagpili ng student leader.

Address: Sto. Ireneo St. Doña Juana Ext. Holy Spirit, Quezon City
e-mail: hsnsh2015@gmail.com
Telephone No.: (8) 961-45-98
Republic of the Philippines
Department of Education
NATIONAL CAPITAL REGION
SCHOOLS DIVISION OF QUEZON CITY
HOLY SPIRIT NATIONAL HIGH SCHOOL

PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Layunin nitong saliksikin ang bawat persepsyon ng mga mag-aaral ng Holy Spirit

National High School patungkol sa pagpili nila ng isang student leader.

Naghahanap ng kasagutan ang mga mananaliksik sa mga sumusunod na

katanungan:

1. Ano ang isinasaalang-alang ng mga mag-aaral sa pagpili ng isang student

leader?

2. Paano nakatutulong ang plataporma sa pagpili ng mga mag-aaral sa isang

student leader?

Address: Sto. Ireneo St. Doña Juana Ext. Holy Spirit, Quezon City
e-mail: hsnsh2015@gmail.com
Telephone No.: (8) 961-45-98
Republic of the Philippines
Department of Education
NATIONAL CAPITAL REGION
SCHOOLS DIVISION OF QUEZON CITY
HOLY SPIRIT NATIONAL HIGH SCHOOL

KAHALAGAHAN NG PANANALIKSIK

Lubos na naniniwala ang mga mananaliksik na ang pag-aaral na ito ay mahalaga

lalo’t sa kapakanan ng mga mag-aaral ng Holy Spirit National High School.

Sa mga mag-aaral. Magsisilbing gabay ang pag-aaral na ito ukol sa mabuting

pagpili ng student leader sa paaralan. Dito matatanto ng mga mag-aaral ang

kahalagahan ng mabuting pagpili ng isang student leader na magbibigay sa kanila ng

kalinawan upang magkaroon ng masusiang seleksyon at pagboto ng student leader.

Sa mga tatakbong student leader. Magiging instrumento ang pag-aaral na ito

upang higit na malaman ang mga persepsyon ng mag-aaral ukol sa mga bagay na

kanilang isinasaalang-alang at plataporma na nais para sa eskuwelahan.

Sa mga guro. Ang pag-aaral na ito ay kanilang magagamit bilang basehan sa

mga estudyante niya na gustong kumandidato sa pagiging isang student leader.

Makakatulong ito upang lubusan niyang mapili ang isang mag-aaral na kwalipikado sa

pagtakbo.

Address: Sto. Ireneo St. Doña Juana Ext. Holy Spirit, Quezon City
e-mail: hsnsh2015@gmail.com
Telephone No.: (8) 961-45-98
Republic of the Philippines
Department of Education
NATIONAL CAPITAL REGION
SCHOOLS DIVISION OF QUEZON CITY
HOLY SPIRIT NATIONAL HIGH SCHOOL

Sa susunod pang mananaliksik. Ang pag-aaral na ito ay makakatulong bilang

isang instrumento para sa mga nais magsaliksik patungkol sa epekto ng student

leaders sa paaralan. Matutulungan ang susunod pang mananaliksik sa pagkuha nila ng

impormasyon hinggil sa usaping pagpili ng student leader.

SAKLAW AT LIMITASYON

Nakatuon lamang ang gagawing pananaliksik sa pagsusuri ng persepsyon ng

mag-aaral mula sa Holy Spirit National High School hinggil sa pagpili ng isang student

leader. Gamit ang random sampling, pipili ang mga mananaliksik ng sampung (10)

kalahok na siyang pagkukuhaan ng kasagutan.

Address: Sto. Ireneo St. Doña Juana Ext. Holy Spirit, Quezon City
e-mail: hsnsh2015@gmail.com
Telephone No.: (8) 961-45-98
Republic of the Philippines
Department of Education
NATIONAL CAPITAL REGION
SCHOOLS DIVISION OF QUEZON CITY
HOLY SPIRIT NATIONAL HIGH SCHOOL

DEPINISYON NG TERMINOLOHIYA

Bilang gabay sa pag-aaral, gagamitin ng mga mananaliksik ang sumusunod na salita:

Student leader- representatib na mag-aaral na namumuno para sa paaralan at kapwa

kamag-aral.

Plataporma- mga proyekto para sa ikabubuti ng mag-aaral at paaralan.

Eleksyon- malayang paraan ng pagluklok ng mag-aaral ng mamumuno sa kanilang

paaraan.

Kandidato- nagnanais mamuno upang mapanatili at maisaayos ang sistema sa

paaralan.

Persepsyon- opinyon ng isang taong may kaalaman sa nasabing usapin.

Address: Sto. Ireneo St. Doña Juana Ext. Holy Spirit, Quezon City
e-mail: hsnsh2015@gmail.com
Telephone No.: (8) 961-45-98
Republic of the Philippines
Department of Education
NATIONAL CAPITAL REGION
SCHOOLS DIVISION OF QUEZON CITY
HOLY SPIRIT NATIONAL HIGH SCHOOL

KONSEPTUWAL NA BALANGKAS

Sa pag-aaral na ito, aalamin ng mga mananaliksik ang pananaw ng mga mag-

aaral ng Holy Spirit National High School hinggil sa kanilang persepsyon ukol sa pagpili

ng student leader. Dito sasaliksikin ang mga isinasaalang-alang ng mga mag-aaral, ilan

sa mga ito kung paano nakakatulong ang plataporma sa desisyon ng mga mag-aaral sa

pagpili ng isang student leader. Gagamit ang mga mananaliksik ng di-binalangkas na

panayam bilang instrumento sa pangangalap ng datos. Dito matatanto ang tunay na

batayan ng isang student leader mula sa mga persepsyon ng mag-aaral

Address: Sto. Ireneo St. Doña Juana Ext. Holy Spirit, Quezon City
e-mail: hsnsh2015@gmail.com
Telephone No.: (8) 961-45-98
Republic of the Philippines
Department of Education
NATIONAL CAPITAL REGION
SCHOOLS DIVISION OF QUEZON CITY
HOLY SPIRIT NATIONAL HIGH SCHOOL

Address: Sto. Ireneo St. Doña Juana Ext. Holy Spirit, Quezon City
e-mail: hsnsh2015@gmail.com
Telephone No.: (8) 961-45-98
Republic of the Philippines
Department of Education
NATIONAL CAPITAL REGION
SCHOOLS DIVISION OF QUEZON CITY
HOLY SPIRIT NATIONAL HIGH SCHOOL

KABANATA 2

KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Mula sa libro ng Disability: A Diversity Model Approach to Human Service, bago

makatulong at makapagbigay serbisyo sa iba, kinakailangan muna nitong tignan ang

pansariling kakayahan at ugali. Sa isang komunidad, hindi lahat ng mamamayan ay

mayroong pantay-pantay na kakayahan kung kaya’t ang iba ay nananawagan ng

tulong. Madalas binibigyang serbisyo ang mga mamamayang may pagkukulang o ‘di

naman kaya’y may kapansanan. Isinaad sa kanyang libro na ang pinakamainam na

paraan sa pagbibigay serbisyo ang pagtulong muna sa mga higit na nangangailangan

(RW Mackelprang, 2016).

Ang tunay na pagseserbisyo ay ang pagbibigay ng oras sa mga taong

nangangailangan ng higit na tulong. Isa na rito ang pamamalagi sa mga day care

centre kung saan madalas inilalagay ang mga bata kapag wala ang magulang sa

kanilang tabi upang turuan kung paano magbasa at ng tamang asal. Ang pagtuturo sa

mga batang nasa lansangan, pagboboluntaryo sa mga gawaing pambaranggay,

pagiging hardinero ay maituturing din na pagkamamamayan dahil ang gawaing ito ay

hindi lang para sa sarili kundi para sa kapakanan ng nakararami (Parker, 2017).

Address: Sto. Ireneo St. Doña Juana Ext. Holy Spirit, Quezon City
e-mail: hsnsh2015@gmail.com
Telephone No.: (8) 961-45-98
Republic of the Philippines
Department of Education
NATIONAL CAPITAL REGION
SCHOOLS DIVISION OF QUEZON CITY
HOLY SPIRIT NATIONAL HIGH SCHOOL

Ang pagkakaroon ng kaalaman sa problemang panlipunan ay ikinokonsidera na

pagseserbisyo sa bayan. Ayon kay Susan (2017), lahat ng mamamayan ay may

kakayahang gumawa ng kabutihan sa kapwa, isa na rito ang paglilingkod para sa iba.

Ang pakikilahok sa mga programang inilatag ng mga lokal na pamahalaan ay isa sa

mga rason kung bakit tinawag tayong mga pilipinong mapaglingkod dahil naniniwala

tayong kung para sa kabutihan ng nakararami ay roon tayo.

Isa sa magandang uri ng lider ang transformational leadership, kung saan kaya

nitong hubugin ang mga miyembro na maging lider. Sila ang inspirasyon ng nakararami

at madalas na gumagawa ng solusyon sa mga problemang bumabalakid tungo sa

katagumpayan at kaunlaran. Ayon sa kanya, ito ang pinakahinahanap ng isang

mamamayan sa isang lider sapagkat bilang na lamang ang ganito at bibihira na itong

makita dahil karamihan sa mga lider ngayon ay nagiging pinuno na matapang at walang

pakialam sa nasasakupan nito (Boaks, 2017).

Mula sa artikulong “Qualities, Traits of leaders” mayroong mga kakayahan at

abilidad na dapat taglay ng isang student leader, tulad na lamang ng pagkakaroon ng

Address: Sto. Ireneo St. Doña Juana Ext. Holy Spirit, Quezon City
e-mail: hsnsh2015@gmail.com
Telephone No.: (8) 961-45-98
Republic of the Philippines
Department of Education
NATIONAL CAPITAL REGION
SCHOOLS DIVISION OF QUEZON CITY
HOLY SPIRIT NATIONAL HIGH SCHOOL

komitment, may magandang komunikasyon sa nasasakupan, katapatan, tiwala sa sarili

at abilidad na mang-udyok sa miyembro nito. Ang pagiging isang mahusay na lider ay

ang pagkakaroon ng progresibong pagganap upang makamit ang tagumpay. Ang

mahusay na lider ay may kakayahang magtaguyod at magpabuti at magpaunlad ng

isang lupon. Sinasabi rin na ang isang leader ay ang dapat nagpapasimula ng

pagtutulungan. Dapat niyang konsultahin ang bawat miyembro. Kailangan niyang pag

samasamahin ang mga miyembro para sa pagbuo ng desisyon na kanyang

susuportahan. Isa sa kinakailangang katangian ng isang mahusay na lider ay ang

kakayahang umayon at makihalubilo sa kapwa, isa ito sa mahahalagang katangian ng

isang mahusay na lider na nakatutulong upang magkaroon ng magandang samahan sa

kanyang lupon tungo sa kaayusan at pagkakaisa ng isang pangkat. Nakatutulong din ito

sa positibong pag-iimpluwensya upang makahikayat sa kanyang mga kasamahan tungo

sa positibong pagbabago sa pangkahalatan.

Sa kasalukuyan, isang malaking usapin ang pagbuo ng lupon ng mga lider sa

paaralan. Malaki ang epekto nito sa eskwelahan, guro, at lalo na sa mga estudyanteng

walang pundasyon sa pamumuno. Mapipilitan ang mga estudyanteng tumayo bilang

Address: Sto. Ireneo St. Doña Juana Ext. Holy Spirit, Quezon City
e-mail: hsnsh2015@gmail.com
Telephone No.: (8) 961-45-98
Republic of the Philippines
Department of Education
NATIONAL CAPITAL REGION
SCHOOLS DIVISION OF QUEZON CITY
HOLY SPIRIT NATIONAL HIGH SCHOOL

lider sa mga gawain at aktibidad dahil lang walang tumatayo bilang isa. Sa

pangyayaring ito, maaaring mawala ang kahulugan ng isang lider na bubunga sa

pagkawala ng igting hinggil sa pamumuno para sa susunod na henerasyon (Dian

ferdiansyah, 2017).

Nakukuha lamang ang pagiging lider sa paraang pagsasanay. Ilan sa mga ito

ang pagkakaroon ng tungkulin at responsibilidad sa mga nasasakupan, pagkakaroon ng

kumpiyansa sa sarili na siyang mag-uudyok sa kanyang miyembro na magpatuloy at

payabungin ang sariling kakayahan (Posner, 2018). Ayon sa kanyang pag-aaral, mas

nagkakaroon ng magandang karanasan at mas nabibigyang kulay ang pag-aaral ng

isang mag-aaral kapag sumasali sa mga organisasyong may kinalaman sa pamumuno

kumpara sa iba. Tulad na lamang ng pagkakaroon ng matatag na kumpiyansa sa sarili,

maayos na komunikasyon sa iba (Gansemer-Topf, 2015). Hindi lamang ito

pumapatungkol sa pagtatagumpay ukol sa pang-akademikong gawain at pagkakaroon

ng matatag na pundasyon sa pamumuno, kundi ito ay isang magandang preparasyon

para sa magiging papel sa hinaharap.

Ayon sa pag-aaral, ang mga mag-aaral na nakikikalahok sa mga aktibidad ay

may mas mataas na tiyansang makamit ang pangarap nito sa buhay. May kinalaman

Address: Sto. Ireneo St. Doña Juana Ext. Holy Spirit, Quezon City
e-mail: hsnsh2015@gmail.com
Telephone No.: (8) 961-45-98
Republic of the Philippines
Department of Education
NATIONAL CAPITAL REGION
SCHOOLS DIVISION OF QUEZON CITY
HOLY SPIRIT NATIONAL HIGH SCHOOL

ang pagiging student leader sa grado ng isang mag-aaral, matutulungan nitong

payabungin ang kakayahan ng isang mag-aaral palabas sa mga limitasyong iginigiit sa

kanyang sarili (Reiley, 2016).

Address: Sto. Ireneo St. Doña Juana Ext. Holy Spirit, Quezon City
e-mail: hsnsh2015@gmail.com
Telephone No.: (8) 961-45-98
Republic of the Philippines
Department of Education
NATIONAL CAPITAL REGION
SCHOOLS DIVISION OF QUEZON CITY
HOLY SPIRIT NATIONAL HIGH SCHOOL

KABANATA 3

PAMAMARAAN AT METODOLOHIYA

Sa kabanatang ito, ilalahad ang disenyo at pamamaraan ng mga mananaliksik

sa pag-aaral sa paksang, “Persepsyon ng mga Mag-aaral ng Holy Spirit High School sa

Pagpili ng Isang Student leader”. Makikita rin sa kabanatang ito ang disenyo ng

pananaliksik, pamamaraan kung papaano pinili ang mga kalahok at tritment ng datos.

ANG DISENYO NG PAG-AARAL

Ang pananaliksik na ito ay patungkol sa persepsyon ng mag-aaral hinggil sa

pagpili ng isang student leader, kung kaya’t gagamit ang mga mananaliksik ng

naratibong kwalitatibong pamamaraan sa pananaliksik.

PARAAN NG PAGPILI

Ang mga napiling tutugon sa pananaliksik na ito ay sampung (10) mag-aaral

mula sa iba’t-ibang baitang ng Holy Spirit National High School. Gagamit ang mga

mananaliksik ng random sampling na pamamaraan upang magkaroon ng pantay na

representasyon ng mga datos.

Address: Sto. Ireneo St. Doña Juana Ext. Holy Spirit, Quezon City
e-mail: hsnsh2015@gmail.com
Telephone No.: (8) 961-45-98
Republic of the Philippines
Department of Education
NATIONAL CAPITAL REGION
SCHOOLS DIVISION OF QUEZON CITY
HOLY SPIRIT NATIONAL HIGH SCHOOL

ANG PAGKUHA NG DATOS

Sa pamamagitan ng di-binalangkas na panayam, personal na pupuntahan ng

mga mananaliksik ang mga napiling kalahok upang malayang maipahayag ang opinyon

ng mga kalahok ukol sa pananaw nila sa pagpili ng isang student leader.

ANG MGA INSTRUMENTO

Ang pananaliksik na ito ay gagamit ng talatanungan bilang pangunahing

instrumento sa pangangalap ng datos. Ang mga inihandang tanong ng mga

mananaliksik ang gagamitin upang makalap ang mga opinyon at datos na

kinakailangan sa pag-aaral na ito.

TRITMENT NG DATOS

Sa makakalap na sagot, gagamitin ng mga mananaliksik ang thematic analysis

kung saan ilalahad ang bawat pahayag ng kalahok, ihahanay ito base sa kanilang tema,

at gagawa ng pangkabuoang sagot na magbibigay sa mga mananaliksik ng kasagutan

sa kanilang pag-aaral.

Address: Sto. Ireneo St. Doña Juana Ext. Holy Spirit, Quezon City
e-mail: hsnsh2015@gmail.com
Telephone No.: (8) 961-45-98
Republic of the Philippines
Department of Education
NATIONAL CAPITAL REGION
SCHOOLS DIVISION OF QUEZON CITY
HOLY SPIRIT NATIONAL HIGH SCHOOL

BALIDASYON NG PANANALIKSIK

Isiniguro ng mga mananaliksik na nasuri ang mga tanong sa mga dalub-guro. Sa

naisagawang pananaliksik, sinisigurado ng mga mananaliksik na mananatiling pribado

at konpidensyal ang mga pangalan ng kalahok at ganoon din naman ang kanilang mga

kasagutan. Sa pananaliksik na ito, sinisigurado rin ng mga mananaliksik ang kalidad ng

mga nakalap na datos mula sa mga kalahok na walang idinagdag o binago.

Address: Sto. Ireneo St. Doña Juana Ext. Holy Spirit, Quezon City
e-mail: hsnsh2015@gmail.com
Telephone No.: (8) 961-45-98
Republic of the Philippines
Department of Education
NATIONAL CAPITAL REGION
SCHOOLS DIVISION OF QUEZON CITY
HOLY SPIRIT NATIONAL HIGH SCHOOL

Address: Sto. Ireneo St. Doña Juana Ext. Holy Spirit, Quezon City
e-mail: hsnsh2015@gmail.com
Telephone No.: (8) 961-45-98

You might also like