You are on page 1of 1

Project Uno: Uno, para sa Pagbabago

Ni: Yancy Arfapo

Dulot ng climate change ay nagkaisa ang 100 mag-aaral na magtanim ng 100 puno sa mga
kabundukan ng Guinabon,Sta.Cruz Zambales sa pangunguna ng Supreme Student Government
noong June 27,bilang tugon sa dumaraming kalamidad ng bansa.

“Isa ito sa pangunahing proyekto noong aming General Plan of Action (GPOA), balak pa
naming magtanim ng mas marami pa sa susunod”,ani Dionisio Montevirgen ,SSG President.

Nilahukan ang aktibidad ng mga mag-aaral mula sa ibat-ibang organisasyon upang mabuo
ang Isandaang mag-aaral na magtatanim ng Isandaang puno. Nagmula ang mga participants sa
mga sumusunod SSG, 17; YES-O, 12; EsP Club, 12; SAMAFIL, 6; English Club, 6; and Senior High School
learners, 47.

Ang mga seedlings tulad ng Mindoro Pines at ang transportasyon tungo sa lugar na tatamnan
ay ibinigay ng Eramen Minerals Inc. na isa sa mga External Stake Holder na laging bukas ang pusong
tumulong sa Paaralan ng walang pag-aalinlangan.

Layunin ng programang ito na mabuo ang pagkakaisa at pagkakaibigan na may mabuting


layunin sa kalikasan.

“Umaasa kami,lalo na ako na magdudulot itong programang ito ng malaking pagbabago lalo
na sa mga susunod na henerasyon ng lugar na ito” buong galak na pahayag ni Jason Marticio ,SSG
adviser.

You might also like