You are on page 1of 1

Coastal Cleanup Sa Loob Ng Paaralan

Cristel Shyne E. Castillo

Nakiisa ang mga guro at mag-aaral ng Mataas na Paaralang Sta. Rita sa ginanap na 2019
International Coastal Cleanup (ICC) ngunit ito ay isinagawa sa loob ng paaralan.
Sa paniniwalang delikado ang pagpunta sa tabing-dagat at naging kapansin-pansin ang mga kalat
sa loob ng paaralan naisipan ng YES-O na mas paibayuhin ang kalinisan sa bawat sulok ng paaralan na
maaring maging dahilan ng polusyon sa kapaligiran.
Wala pang isang kilometro ang layo ng paaralan sa dagat kaya’t posibleng madala ang mga kalat
mula sa paaralan patungong karagatan sa mga di inaasahang pagkakataon.
Bago pa man mangyari ito, sinimulan na ang paglilinis ng paaralan at pagdidisipilina sa mga
kabataan upang matutunan nila ang kahalagahan ng pagkakaroon ng malinis na kapaligiran at
maipamulat sa kanila ang posibleng maging resulta ng nasabing proyekto.
Hindi lang basta paglilinis ang naisagawa, itinala ang bilang at uri ng mga basurang nakalap sa
bawat sulok ng paaralan para sa koleksyon ng siyentipikong mga datos na magsusuri ng mga
espesyalista sa polusyon upang makabuo ng solusyon sa problema sa basura.
Nasa mahigit 30 taon nang isinasagawa ang proyektong ito sa paniniwalang muling maibabalik at
mapapanatili ang kaayusan sa karagatan at kapaligiran para sa mga susunod pang henerasyon.
Kamangha-manghang enerhiya ng mga kabataan, nakita sa sama-samang paglilinis ng paaralan.
Isang musika ang bumulahaw at gumising sa diwa ng mga mag-aaral ng Sta.Rita napatigil ang
paglalaro ng gadyets na may koneksyon sa teknolohiya.
Gumandang muli ang kapaligiran ng mataas na paaralan ng Sta.Rita nagawang solusyon ang
pagkakaisa at naging ugat ang malakas na enerhiya ng mga kabataan at nagbunga ng kalakasan upang
mapangalagaan ang kapaligiran mula sa posibleng pagkasira nito.

You might also like