You are on page 1of 1

Basurang Sa Kalsada: Sakit sa Kapaligiran at Kalusugan

Sa kasalukuyang panahon, isa sa mga malubhang suliranin sa ating lipunan ang


dumaraming kalat sa mga pampublikong daanan. Ito ay maaaring mula sa mga basurang itinapon
ng walang konsensya o pagkukulang ng kaalaman sa wastong pamamahala ng basura. Sa paglipas
ng panahon, ang pagiging hindi maayos at marumi ng ating kapaligiran ay nagdudulot ng
masamang epekto sa ating kalusugan, ekonomiya, at likas na yaman. Sa artikulong ito, tatalakayin
natin ang mga negatibong epekto ng maruming kapaligiran dulot ng kalat sa ating mga daanan at
ang kahalagahan ng tamang pagtapon ng basura para sa ating kinabukasan.

Ang walang disiplina sa pagtapon ng basura ay nagdudulot ng seryosong problemang


pangkapaligiran. Ang mga kalat tulad ng plastik, papel, at iba't ibang uri ng basura ay nagkakalat
sa ating mga daan at kalsada. Ito ay nagreresulta sa pagbara ng mga kanal at estero, na maaaring
maging sanhi ng pagbaha sa panahon ng malakas na ulan. Bukod dito, ang mga basurang
itinatapon sa kalsada ay nagiging sanhi ng pagkasira ng kagubatan at malalayong lugar, sapagkat
ito ay umaabot sa mga ilog at dagat. Ang mga hayop na nakatira dito ay nasisira ang kanilang
kalusugan o maaari pang mamatay dahil sa pagkaingest ng plastik at iba pang mapaminsang
basura.

Sa kabuuan, mahalagang pagtuunan ng pansin ang isyung ito ng pangkapaligiran. Ang


hindi tamang pagtatapon ng basura ay may malalimang epekto sa ating kapaligiran, kalusugan, at
ekonomiya. Sa ating bawat indibidwal na kilos, mayroong pagkakataon na makapagambag para sa
kabutihan ng ating kapaligiran sa simpleng paraan ng tamang pamamahala sa ating basura.
Kailangan nating maging responsable at magtulungan upang makamtan ang isang mas malinis,
ligtas, at maayos na kapaligiran para sa ating mga sarili at para sa susunod na henerasyon.

Chris Clarence R. Taguno

You might also like