You are on page 1of 1

TSI, BNHS at INHS, nagsama sa Coastal Clean-Up Drive

Rizjohn Villame

(Kasama ang Therma South Inc., nakiisa ang Binugao NHS at Inawayan NHS sa ginawang Coastal Clean Up sa
baybayin ng Binugao. Makikita sa larawan ang isang guru kasama ang iba pa na matiyagang namumulot ng mga basura.
Tagakuha ng larawan: Raven Kurt Tanaka)

Pinangunahan ng Therma South, Inc. ang ginanap na Coastal Clean Up kasama ang mga iskolar ng
Binugao National High School at Inawayan National High School sa baybayin ng Barangay Binugao,
Toril, Davao, City noong Setyembre 16, 2023,

Bolunterismo ang naging tema ng isinagawang paglilinis sa dalampasigan bilang pangangalaga sa


ating yamang-likas. Kasama sa naturang gawaing pangkalikasan ang Supreme Secondary Learner
Government (SSLG) pati na ang ilang guro ng nasabing paaralan, Barangay staff, at iba pang mga
kawani nito. Nakiisa sila sa pamamagitan ng pagpupulot ng mga basura tulad ng plastic bottles,
plastic bags at pati mga nabubulok na uri ng pagkain.

Layunin ng coastal clean-up na mapanatili ang kalinisan sa ating mga dalampasigan at baybayin
para maiwasang masira ang pangkaragatang ekosistema sa karagatan ng Binugao.

You might also like