You are on page 1of 1

BNHS GUSALI SINURI MATAPOS ANG LINDOL, 1 IAABANDONA.

Jasmine Jane Machitar

Isinagawa ng City Government of Davao kasama ang Barangay Disaster Risk Reduction
Manangement Council ang pagsusuri sa mga gusali ng paaralan ng Binugao matapos ang mga
sunod-sunod na pagyanig na naranasan noong ika-7 ng Setyembre, 2023.

Pinanguhan ni G. Edgar R. Villasurda Principal l, at G. Ian Robert Abella Officer In-Charge (OIC) ang
inspeksyon, upang masiguro ang kaligtasan ng mga mag-aaral.

Ininspeksyon ang mga gusali ng Binugao National High School, matapos yanigin ng dalawang
magkasunod na lindol ang Davao City upang matiyak ang kaligtasan ng mga guro at mag-aaral na
gumagamit sa mga silid-aralan at mapaghandaan ang mga angkop na pamaaraan sa pagtitiyak na
maiiwasan ang mga posibleng panganib.

Ayon sa pagsusuri, nakitaan ng karadagang mga bitak ang lahat ng gusali ng Binugao nang yanigin
ito noong taong 2019 at idineklarang “for abandonment” dahil hindi na ligtas gamitin ang isang 2-
storey na istrukturang nakapwesto sa gitnang bahagi ng paaralan na inuokupa ng mga mag-aaral ng
grade 10-Rizal.

You might also like