You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Division of Laguna
Calauan Sub-Office
Masiit Elementary School
Calauan, Laguna
April 17, 2023

MGA DUMALO:

Dina B, Aquino-Punungguro

Grace C. Zarate-PTA President

Julie P. Resurreccion- Dalubguro

Miriam M.

SA PAGPUPULONG NA GINANAP NOONG IKA 14 NG ABRIL 2023, GANAP NA IKA 3 NG


HAPON SA BULWAGAN NG OPISINA NG PUNUMBARANGAY, MASIIT, DISTRITO NG
CALAUAN AT DINALUHAN NG PAMUNUAN NG PAARALANG ELEMENTARYA NG MASIIT
AT NAPAGKAISAHAN NG LAHAT NG DUMALO NA HUMILING SA PAMUNUAN NG
BARANGAY UPANG LUMAPIT SA ATING KAGALANGGALANG NA KINATAWAN LORETO
AMBEN S. AMANTE SA MGA SUMUSUNOD NA KADAHILANAN ;

SAPAGKAT, Tuwing umuulan ay laging bumabaha sa paaralan dahil walang DRAINAGE


CANAL kung kayat lubhang delikado na para sa mga magaaral, magulang at guro na
pumapasok sa paaaralan

SAPAGKAT, sa oras ng bagyo ay lumalaki ang tubig kung kayat maaaring maagkasakit
ang mga bata na lulusong sa baha upang makapasok sa kanilang mga silid aralan

SAPAGKAT, ang paaralan at barangay ay walang sapat na pondo upang maipagawa ang
drainage canal.

KUNG KAYA AT, sa pamamagitan ko bilang punumbarangay ng Masiit, Calauan,


Laguna, ay humihiling sa ating KGG KINATAWAN LORETO S. AMANTE, na
maipagkaloob ng kahilingn ng Paaralang Elementarya ng Masiit para sa
kapakinabangan ng lahat ng mag aaral, magulang at guro at para na din sa kanilang
kaligtasan sa lahat ng oras.

Lakip po ng liham na ito ang larawan ng paralan tuwing binabaha

Lubos po kaming umaasa na maipagkakaloob ang aming kahilingan sa lalong madaling


panahon,

Sumasainyo,

ERNESTO G. CARPIO
Kapitan-Brgy. Masiit
Larawan ng covered shed kapag umuulan na nagkakaron ng baha sa kadahilanang
walang Drainage Canal ang paaralan at maaraing maging sanhi ng pagkakasakit ng mga mag-
aaral. Kung kayat ang samahan ng mga magulang at guro sa Paaralang Elementarya ng masiit
ay lumalapit sa inyong lingkod upang matulungan sa nasabing problema.
Noong Enero 06,2023 3:00 ng hapon ay naganap ang pagpupulong ng mga
magulang patungkol sa kaligtasan ng kanilang anak at ang pagbibigay suhestiyon ng
paghiling na magkaroon ng Drainage Canal sa paaralan.

You might also like