Professional Documents
Culture Documents
Hindi naman sila maaaring ilipat sa ibang paaralan dahil siksikan na rin ang mga
estudyante.
Pati ang mga guro, wala ring magamit na faculty room dahil under renovation pa
ito.
Ganito rin ang problemang nasalunga ng grade 7 students ng Iloilo City National
High School.
Sa Angeles at San Fernando City naman sa Pampanga ay wala ring classroom ang
daan-daang estudyante na tutuntong sa senior high school.
Wala ring la mesa at iba pang gamit ang faculty rooms at kulang sa armed chairs
kaya sa mga monoblock muna uupo ang mga estudyante.
Hindi rin aspaltado ang daan na dagdag pahirap sa mga estudyante ngayong tag-
ulan.
Under construction rin ang building para sa senior high school students sa
pinakamalaking pampublikong paaralan sa Baguio City.
Ayon sa DepEd, hindi natapos sa takdang deadline ang pagtatayo ng mga gusali
dahil nagkaroon ng aberya sa panig ng builders.
Ayon sa DepEd, maaaring hindi pa pumasok ang ibang estudyante dahil hindi pa
handa ang kanilang mga gamit o kaya ay umiwas muna sa magulong senaryo
kapag first day of school.
https://www.untvradio.com/kakulangan-sa-mga-silid-aralan-pasilidad-mga-guro-
problema-pa-rin-sa-paaralan-sa-mga-lalawigan/