You are on page 1of 3

Mga Karanasan At Epekto Ng Blended Learning Sa Mga Graduating Students Ng

Kursong BS Computer Engineering Sa Carlos Hilado Memorial State Univeristy – Alijis

Galaura, Clarenz
Gonzaga, Rico
Lape, Maryrose
Lareza, Mary Grace
Mercado, Niña Alyssa
Miranda, Jaylord
Pacite, Arabella

Bachelor of Science in Computer Engineering – 2A

Rasyonal
Ang blended learning ay isang plataporma ng pag-aaral na kung saan ay isinasagawa sa
pamamagitan ng paggamit ng teknolohiya na mayroong internet at ang pag-aaral sa eskwelahan
ay limitado lamang ang oras na nakalaan dito. Kadalasang ang mga estudyante ay mayroong oras
na papasok sa klase gamit ang Google Meet, Zoom at iba pa.

Nang matapos ang lockdown dulot ng COVID-19, nagsimula ng magbago ang sistema ng
pag-aaral sa buong bansa. Kung kaya't marami pa ring nahihirapang makisabay sa modernong
sistema ng edukasyon sa Pilipinas.

Sa karanasan ng mga 4th Year na mag-aaral ng Carlos Hilado Memorial State University,
ang blended learning ay isa sa nga nagbigay ng kahirapan sa istilo ng kanilang pag-aaral. Isa sa
mga naging problema dito ay ang internet connection. Ang internet ay isang importanteng bagay
sa online class dahil kailangan ito upang makapasa ng mga aktibidad at mga takdang aralin,
makasali sa online class kasama ng iyong guro at makapag-download ng mga instruksyunal na
mga kagamitan at iba pa. Labis na nakaapekto din ito sa mga mag-aaral dahil sa kakulangan o
hindi sapat na perang pamasahe at pambili ng load upang makapasok sa online classes. Patuloy
din ang pag-implementa nito kung kaya't para sa iba ay ito ang nagpapahirap sa kanila. Hindi
lamang ang mga 4th year kundi pati ang mga mag-aaral mula sa ibang baitang, mula sekondarya
hanggang kolehiyo.
Hindi rin naging madali para sa mga nasabing mag-aaral ang dulot ng pandemya dahil
kung saan malapit na silang magtapos at naghahanda na sana sila sa mga bagay na dapat nilang
harapin gaya ng on-the-job trainings ay hindi nila nagawa dahil sa pandemya.

Layunin
Ang layunin ng concepotong papel na ito ay upang matukoy ang naging karanasan ng
mga mag-aaral sa paggamit ng Blended Learning sa paaralang Carlos Hilado Memorial State
College. Layunin din ng pag-aaral na makapagbigay ng rekomendasyon mula sa isinagawang
pag-aaral upang mapagbuti at mapagyaman pa ang programa.
1. Sa unang bahagi ng pananaliksik, magsasagawa ng survey na sasagutan ng mga mag aaral
qtungkol sa kanilang naging karanasan at kung anu ang naging epekto sa paggamit ng Blended
Learning sa kanilang pag aaral sa loob ng silid-aralan.
2. Tumutugon ang survey na ito kung angkop ba ang programa sa mga pangangailangan ng mga
kabataang mag-aaral sa kasalukuyang panahon.

Panimulang Haka
Sa gitna ng pandemiya, kailangan ng mga paaralan na maghanap ng alternatibong paraan
ng pagtuturo upang mapanatili ang kaligtasan at kalusugan ng kanilang mga mag-aaral. Isang
solusyon na napatunayan na epektibo ay ang blended learning, na kung saan pinagsasama ang
tradisyunal na face-to-face na pagtuturo at ang online learning. Sa ganitong paraan, nagkaroon
ng pagbabago sa karanasan ng mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa Carlos Hilado Memorial
State College, lalo na sa mga mag-aaral ng BS Computer Engineering.
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong masuri ang mga karanasan at epekto ng blended
learning sa mga mag-aaral na sa kursong BS Computer Engineering sa Carlos Hilado Memorial
State University - Alijis. Inaasahan na mayroong positibong pananaw ang mga mag-aaral na
nakaranas ng blended learning tungkol sa epektibong pagpapabuti nito sa kanilang academic
performance at paghahanda para sa kanilang kinabukasan. Ang blended learning ay inaasahang
may mga advantage at disadvantage kumpara sa face-to-face learning, kung saan ang flexibility
at opportunities para sa independent learning ay nakakatulong subalit may kailangang mas
mataas na antas ng disiplina at motibasyon. Ang mga mag-aaral ay maaaring nakaranas ng iba't-
ibang hamon habang nag-aaral sa gitna ng pandemya subalit nakatulong din sa kanila ang pag-
develop ng mga bagong skills na magiging kapakipakinabang sa kanilang mga susunod na
career. Sa huli, inaasahang magkakaroon ng positibong epekto ang blended learning sa
komunikasyon at pakikipagtulungan ng mga mag-aaral sa kanilang mga kaklase at guro, ngunit
mayroon din namang posibilidad ng mga hamon sa self-discipline at access sa technological
resources.

Rebyu ng mga Kaugnay na Literatura


Metodolohiya
Ang pananaliksik na ito ay nasa anyong kwalitatibo dahil ito ay nakabatay sa kanilang
mga personal na karanasan hinggil sa paksa at ang mga epekto nila sa kanilang edukasyon at
propesyon. Ang kwalitatibong pananaliksik ay kinapapalooban ng mga uri ng pagsisiyasat na
ang layunin ay malalimang unawain ang pag-uugali at ugnayan ng mga tao at ang dahilan na
gumagabay rito. Ang disenyong ito ay pinapatnubayan ng paniniwalang ang pag-uugali ng tao ay
laging nakabatay sa mas malawak na kontekstong pinangyayarihan nito at ang mga panlipunang
realidad gaya ng kultura, institusyon, at ugnayang pantao na hindi maaaring mabilang o masukat.
Ang pagpili ng respondente ay nababatay sa kanilang kagustuhang maging bahagi ng aming
pananaliksik. Umiikot lamang sa tatlong mag-aaral ang pagkalap ng mga datos upang malaman
ang katotohanan sa likod ng nasabing paksa.

Bibliyograpiya

You might also like