You are on page 1of 3

Name: Regine V.

Ambagan Block 6

RRL

1. Ayon sa pagsusuri ang internet connection ay napakahalaga sa edukasyon ng mga kabataan lalo na
ngayon sa bagong normal ng pag-aaral na kung saan kinakailangang mayroong malakas na internet sa
inyong lugar para madaling makapag-update sa mga gawain na ibinibigay ng mga guro. Nakapagbibigay
ang internet ng pang madaliang sagot sa mga nais mong saliksikin dahil maraming aral ang mapupulot
dito at madadagdagan ang iyong kaalaman dahil dito kumpara sa paghahanap ng kasagutan sa mga libro
sa library dahil may mahaba itong proseso.

- Johaia Reymund Guerrero Camalig (2018) Kahalagahan ng Internet sa Edukasyon

Sinipi mula sa

https://www.scribd.com kahalagahan-ng-internet-sa-edukasyon.

2..Ang bagong normal na pag-aaral online ngayon ay higit na kinakailangan na magkaroon ng malakas na
internet access , Google for Education trainer Jhon Gary Garcia nagmungkahi na maraming guro ang
walang gaanong sapat na kakayahan at kaalaman sa mga online tools dahil sa pagiging huli ng Pilipinas
sa larangan ng modern ages kung kaya't ang new normal ay nagdala ng pagbabago sa pag hubog ng
kakayahan ng mga mag-aaral at guro sa paggamit ng internet. Maraming advantage sa mga mag-aaral
ang pagkakaroon ng malakas na internet connection sa kani-kanilang lugar para sa pagharap sa bagong
normal na pag-aaral ngayong pandemya.

- Nuel Angelo D. Sabate and Klyra V. Orbien (may 8, 2020) Education ' new normal requires more
training , better internet access.

Sinipi mula sa

https://Varsitarian.net>special-reports.Education-new-normal-requires-more-training-better-internet-
access.
BIONOTE

Ang mananaliksik na si Regine V. Ambagan ay isang katutubong Hambilanon , isinisilang noong Enero 01,
2001 sa Sitio Sugod , San Jose , Romblon. Siya ay panglima sa siyam na anak nina G. Romeo C.
Ambagan Sr. at Gng. Cristina V. Ambagan. Nakapagtapos siya ng elementarya sa Pinamihagan
Elementary School bilang 5th honors noong 2014 at sekondarya sa San Jose Agricultural High School
bilang with honors at pinangaralan ng award na "Most Responsible Student" noong 2018. Nagpatuloy
siya ng pag-aaral ng Senior High School sa paaralan ng San Jose Senior High School bilang with honors
noong 2020. Kasalukuyan siyang nagsusumikap sa pag-aaral sa kolehiyo na may kursong Bachelor of
Elementary Education (BEED) sa kolehiyo ng Edukasyon sa Romblon States University at lubos na
umaasang makapagtapos ng pag-aaral sa taong 2024.
KABANATA III

DISENYO AT PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK

Sa kabanatang ito mailalahad ang mga sumusunod; ang disenyo ng pananaliksik, ang pamamaraang
ginamit, ang lugar at panahon ng pananaliksik, ang mga kalahok at sampling, pangangalap ng datos, at
tritment ng datos.

Disenyo ng pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamaraan ng paggamit ng kwalitatibong disenyo para masuri
ang mga mag-aaral ng Edukasyon sa Romblon States University na mayroong malakas at mahinang
internet connection sa kani-kanilang tahanan.

Pamamaraan ng Pananaliksik

Ang pananaliksik ay gagamit ng pagsasagawa ng sarbey na pamamaraan ng pananaliksik. Isasagawa ang


sarbey gamit ang pagpapasagot sa mga questionnaires para sa mga mag-aaral ng kolehiyo ng Edukasyon
na makapag-bibigay ng saloobin at opinyon hinggil sa pananaliksik sa kaso ng Internet connection sa
bagong normal na pag-aaral. Ang pagsasagawa ng sarbey ay napaka epektibo sa paglalahad lalo na sa
malaking pangkat (FGD).

You might also like