You are on page 1of 2

Kaganapan ng Online Distance Learning sa ngayong Pandemya

Sa kasalukuyang panahon, malaki ang naging isyu ng online distance learning sa mga mag-aaral
at mga guro. Marami ang naging katanugan ng mga tao dito dahil sa pagtupad ng online class dito sa ating
bansa. Malaki din ang benepisyo nito sa ating buhay ngunit may ibang mag-aaral at mga guro ang hindi
sang-ayon at nahihirapan sa online class.
Ayon sa pananaliksik ni Paul Flores (2020), upang makuha ang mga datos tungkol sa epekto ng
online distance learning ay gumamit ng “Descriptive Survey Research Design” na talatanungan. Ginamit
ang simple random sampling kung saan ang pagpili ng respondente ay malaya mula sa kinabibilangan
nitong grupo. Kapag gumagawa ng talatanungan ay dapat isaalang-alang ng mananaliksik ang kanyang
mga maayos na pagtatanong upang maunawaan ng mga respondente.
Nang makuha na ang datos ay dapat suriin at ilahad ito ng maayos. Ayon sa isang pananaliksik
nila Madre, Raef John D. and Marbella, Felisa D. (2021), ang sumusunod na mga suliraning ang madalas
na kanilang maranasan ay ang mga; (a) madalas na pagkakaroon ng power interruption, (b) mahinang
klase ng gadget pang online class na maaaring magdulot ng interruption, (c) pagkakaroon ng masamang
panahon na nagdudulot ng mahina o walang signal at pagkakaroon ng matagal na power interruption. Ang
nakuhang resulta sa tahayanan ay malaki ang paghihirap ng mga estudyante at guro dahil ang problema
na ito ay nakakaapekto sa kanilang pag-aaral at pagtuturo.
Kapag nawalan ng kuryente ang isang mag-aaral o guro ay maaring hindi sila makahabol sa
leksyon na dapat talakayin. Nang hindi makahabol ay maapektuhan ang grado ng mag-aaral na kung saan
hindi siya makatuto ng aralin at maaring maging huli na siya sa klase.
Sa kabila ng ilang mga hamon, ang mga mag-aaral at guro ay naging bahagi ng pandemya dahil
sa pagkakaroon ng online distance learning na ipinagtupad ng DepEd at CHED. Batay sa nakuhang
konklusyon ng dalawang pananaliksik ay marahil napataasin ang kalidad ng distance learning dahil
posibleng gamitin sa mga susunod pang taon dahil sa pagbago na rin ng sistema ng edukasyon sa bansa.
Mga sanggunian:

http://consortiacademia.org/wp-content/uploads/2020/v10i8/682_ijrse_final.pdf
https://pdfcoffee.com/research-18-pdf-free.html
https://www.slideshare.net/JanCrisidesCorrado/pananaliksik

You might also like