You are on page 1of 1

Buod:

Fimagas Class of 2022

Sa loob ng siyam na taon, matiyagang pinupuntahan ng gurong si Wylonee Rasoonable ang

Barangay Fimagas sa bayan ng Katipunan, Zamboanga Del Norte. Sumama si Atom Araullo sa

paglalakbay na ito upang pakinggan ang natatanging kwento ni Teacher Wylonee. Sakay ng

habal-habal, aabot sa tatlong oras ang biyahe niya sa maputik at lubak -lubak na kalsada. Mga

katutubong Subanen ang kanyang tinuturuan sa elementarya. Ang mga batang Subanen, likas

daw na mahiyain pero uhaw sa pagkatuto. Kaya naman ang mga tulad ni Teacher Wylonee ang

nagsisilbing nilang tanglaw para sa minimithing edukasyon. Isa sa mga batang lubos na natuto sa

eskuwelahan, ay ang dose anyos na si Laida Gumandig. Dahil sa sipag at talino ng bata,

itinanghal siyang class Valedictorian. Hindi maitago ng mga guro at estudyante ang pagkasabik

sa kanilang pagtatapos sa elementarya. Magmula kasi ng mangyari ang pandemya, ngayon na

lang ulit sila magsasagawa ng graduation ceremony sa kanilang campus at entablado. Hindi rin

naging madali sa mga estudyante ang mga nagdaang school year lalo na noong naging modular

ang paraan ng pagtuturo sa kanila. Kaya naman naging masaya ang mga estudyante sa

pagbabalik ng face to face classes, dahil hindi sila mahihirapan intindihin ang nilalaman ng

kanilang mga modyul. Subalit may mga iilan ding estudyante na napilitang huminto sa pag-aaral

dahil sa hirap at mas pinili nalang mag trabaho sa lungsod upang makatulong sa kani-kanilang

pamilya. Sa kabila ng mga pagsubok na kaniyang dinaranas sa loob ng halos isang dekada, hindi

magawang iwanan ni teacher Wylonee ang Barangay Fimagas. Mas matimbang parin sa kanya

na maturuan ang mga batang Subanen na matindi ang pangangailangan sa edukasyon, kaya

naman hiling ng lahat ay paaralang sekondarya sa Barangay Fimagas upang magsilbing tulay ng

mga batang Subanen tungo sa kanilang mga pangarap.

Ipinasa ni: Ipinasa kay:

Jomart B. Tiongson

11-Multimedia Arts

You might also like