You are on page 1of 2

ALAMAT NG KUWAGO

May isang bata na ang pangalan ay Wago, siya ay nasa ika-anim na baitang na nag-aaral sa
Sto. Tomas Elementaryang Paaralan. Siya ay isa sa mayamang estudyante sa kanilang paaralan kaya
kilalang-kilala ito ng mga estudyante sa paaralang iyon hindi lang ang yaman ang ikinasikat nito kundi
dahil na din sa mga matataas na grado na nakukuha niya.

Nang sumapit ang ikalawang markahan ay mas lalong ginalingan ni Wago na mag-aral upang
matuwa ang kaniyang mga magulang at para hindi siya mawala sa mga umaakyat sa entablado na
sinasabitan ng mga medalya.

Isang araw, nagkaroon ng pagsusulit sa kanilang klase at si Wago ay nangangamba na baka siya
ay mahuli ng kaniyang guro sa mga ginagawa niyang kalokohan sa oras ng mga pagsusulit. Noong
nagsimula na ang pagsusulit ay nagsimula na ring lumaki ang mga mata ni Wago na tila para bang luluwa
na ang kaniyang mata na pilit na kinokopya ang papel ng kaniyang katabing napakatalino na si John.Si
John ay kaniyang matalik na kaibigan,kaya sa oras ng mga pagsusulit ay pinapakoya niya ito.Si John ay
pilit na pinapakopya si Wago dahil ayaw niyang magalit ito sa kaniya. Si Wago kasi ang madalas
nanglilibre kay John, kaya’t itong si John ay ang binibigay niyang mga kapalit sa mga ito ay ang
pagbibigay sagot sa oras ng pagsusulit. Hindi alam ng mga magulang nito na ganoon pala ang mga
gawain ni Wago,kaya matataas ang mga gradong nakukuha nito.

Sa ikatlong pagsusulit, nangopya nanaman si Wago sa kaniyang kaibigan. Hindi alam ni Wago na
may diwata na palang nagbabalak na palakihin pa lalo ang mga mata ni Wago. Pagkatapos ng pagsusulit
si Wago nanaman ang isa sa mga may pinakamataas na nakuhang grado. Sa pagsapit ng oras ng pagkain
ay sinimulan na ng diwata na palakihin nito ang mga mata ni Wago. Si Wago ay nagulat sa mga reaksiyon
ng kaniyang mga kaklase na tawa ng tawa sa kaniyang mukha. Nagtaka si Wago kung bakit tianatawanan
ang kaniyang mukha. Tinignan ni Wago ang kaniyang mukha sa salamin at bigla siyang nagulat sa nakita
niyang matang napakalaki’t bilog na bilog. Si Wago ay agad na umuwi sa kanilang bahay dahil labis na
hiyang hiya siya sa pangyayaring iyon.

Noong pagka uwi ni Wago ay bigla na lang nagiging kulay kayumangi na ang kaniyang balat at
unti-unti na siyang nagkakaroon ng pakpak at bigla niyang nakasalubong ang kaniyang nakababatang
kapatid na si Baby Miya at biglang tinawag siya nitong “Kuwago! Kuwago! (Ang salitang kuwago ay
nanggaling sa sallitang kuya Wago.)” Si Baby Miya ay madalas niyang tinatawag ang kaniyang kuya Wago
tuwing dumadating ito sa kanilang bahay.Kasama ng bata ang mga pinsan ni Wago kaya’t nagulat ang
mga ito kung bakit si Wago ay malaki na ang mata at kung bakit nagkakapak.Bigla nanamang tinawag ng
bata ang kaniyang kuya at narinig nanaman ng mga pinsan ni Wago ang salitang Kuwago. Kaya’t itong
mga pinsan ni Wago ay tinawag na siyang Kuwago. Si Wago ay agad na pumunta sa kaniyang kuwarto at
ng makalipas ang ilang mga minuto ay lumabas na uit siya ng kuwarto na ang itsura ay maliit, malaki ang
mga mata at may pakpak. Nagsigawan ang mga pinsan ni Wago ng “Kuwago! Kuwago! Kuwago!”.

You might also like