You are on page 1of 14

SHS

FILIPINO
(Komunikasyon at Pananaliksik)

Ikatlong Markahan-Modyul 3:
Pagbabahagi ng Katangian at Kalikasan ng
Iba’t ibang Teksto

May-akda: Lawrence M. Dimailig


Tagaguhit: Paolo N. Tardecilla

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Alamin
Ang modyul na ito ay binubuo lamang ng isang aralin.
 Aralin1 – Pagbabahagi ng Katangian at Kalikasan ng Iba’t ibang Teksto

Sa pag-aaral ng modyul na ito, inaasahang maisagawa mo ang sumusunod:


A. natutukoy ang mga katangian at kalikasan ng iba’t ibang tekstong
binasa; at
B. naibabahagi ang katangian at kalikasan ng iba’t ibang tekstong
binasa sa pamamagitan ng pag-uulat

Subukin

Bigyang hinuha kung ano layunin ng sumusunod na mga pamagat


ng teksto. Isulat sa isang hiwalay na papel.

1. Mga Hakbangin sa Tamang Paghuhugas ng Kamay


2. Bilangguang Tahanan: Kalipunan ng mga Kuwento ng Lockdown
3. Sigaw ng Kabataan sa Anti-Terrorism Law, Suportahan o Tutulan?
4. Ibasura ang Jeepney Phaseout!
5. Pag-aaral sa Pinasalang Naidulot ng Pagpapatupad ng ECQ sa
Kalakhang Maynila sa Panahon ng Pandemiya

Sa araling ito ay pag-aaralan mo ang pagbabahagi sa iba ng katangian at


kalikasan ng iba’t ibang teksto sa pamamagitan ng pag-uulat. Malilinang ito kung
matapat mong isasagawa ang mga gawain.

Balikan

Magbalik-aral tayo tungkol sa kaurian ng pangungusap ayon sa layon.


Ano-ano ang mga uri ng pangungusap ayon sa layon? Paano ba nakatutulong
ang bawat kaurian ng pangungusap na ito sa layuning ipinababatid ng
manunulat?

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 1
Tuklasin
A. Panimula
Mula sa sariling karanasan, pamilyar ka ba sa mga katangian at
kalikasan ng bawat teksto? Ano-ano nga ba ang mga katangian at kalikasan ng
teksto para masabi natin na ito ay impormatibo, deskriptibo, naratibo,
persuweysibo, argumentatibo o prosidyural?

B. Pagbasa

Ngayon ay pag-uusapan natin ang paksang aralin. Handa ka na ba?


Umpisahan natin sa pamamagitan ng pagbabasa at pagsagot nang pasalita
sa mga gabay na tanong

Piso Net
ni Gilia Mid

Kasalukuyang katanghaliang tapat ng abutan si Andoy ng kaniyang


ama ng ilang barya. Gagamitin niya ito upang i-enroll ang kaniyang sarili sa
paparating na pasukan. Magge-grade six na si Andoy at graduating nasa
elementarya ngayong taon. Sa kabila nang hirap ng buhay nitong nagdaang
quarantine, ninais pa rin niyang siya ay makapasok. Kung sabagay nag-iisa
lang naman kasi siyang anak. Sa ngayon, tanging kita mula sa pangingisda
ng ama lamang ang inaasahan ng kanilang pamilya.

“Isang taon na lang naman ina, payagan ninyo na po ako.”


Pagmamakaawa ni Andoy sa nanay. Nais sana ng ina niya na huminto muna
siya dahil na rin sa nagsara ang pabrika ng patahiang pinapasukannito sa
sentro. Nasa kabilang panig ng isla ang kanilang tahanan at kailangan niyang
maglakbay nang higit sa isang oras para marating ang mga computer shop
sa nayon.

“O ito ‘nak, ito yung kinse pesos mo. Pagkasyahin mo, huwag ka
mamangka. Di kakasya ang pera kaya lumubid ka na lang para makatawid,”
bilin ng kaniyang ama.

“Salamat po ama,” wika ni Andoy. Kitang-kita sa kisap ng kaniyang mga


mata ang pananabik sa kasiguraduhang makapag-eenroll na siya gamit ang
kaunting barya. Dali-dali niyang kinuha ang tsinelas sapagkat kanina pang
nag-aantay ang kaniyang kaibigang si Waldo sa labas ng kanilang bakuran.

“Bakit naman ang tagal mo Andoy, kanina pa ako rito. Tingnan mo


bilad na bilad na ako,” naiinis na wika ni Waldo.

“Inintay ko pa kasi si tatay, ‘to naman ang arte kala mo naman di


nabibilad!” Panunukso ni Andoy. Kumaripas sa pagtakbo si Andoy pababa
mula sa itaas ng kanilang tinitirahan. Hinabol siya ng kaibigan si Waldo
hanggang marating ang dalampasigan. Nang lumapit na’y binagalan na

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 2
niya ang pagtakbo.

“An-doooy, sandali,” humahangos na wika ng kaibigang si Waldo.

“Ang bagal mo, bilisan mo na! Baka magsara na ‘yung computer


shop sa nayon,” pagmamadaling wika nito. Maya-maya ay nakarating na
sila sa dalampasigan.

“Andoy, mamangka na lang tayo pagod na ako,” pag-aaya ni Waldo.

“Gustuhin ko man Waldo, hindi puwede. Kinse pesos lang ang


inaabot ni ama na sabi pagkasiyahin ko raw. Maglubid na lang tayo,” ayang
sabi ni Andoy.

“Ano? Matapos mo akong patakbuhin ngayon naman at tatawid tayo sa


lubid?” Angal ni Waldo.

“Kung ayaw mo bahala ka diyan, ililibre pa naman sana kita,” ngising


pang-aasar ni Andoy sa kaniyang kaibigan kahit na alam nito baka wala
namang matira sa baryang gagamitin nila sa pagko-computer mamaya.

“O ito na nga e. Basta libre mo ako ha?”

“Oo na, bilisan mo na riyan!”

Matiyaga nilang kinakapitan ang gilid ng mga bato. Umiiwas sa hampas


ng mga alon habang tinitiis ng mga mura nilang balat ang talim ng batuhang
kanilang dinaraanan. Tanging isang lubid lamang ang ginagawa nilang
kapitan para lang matawid ang daang iyon.

“Waldo, bilisan mo, mahuhuli na tayo!” wika ni Andoy sa kaibigan.

“Teka lang, nabasa ako e,” tugon ni Waldo.

“Bagal mo!” Nakangiting pang-aasar ni Andoy sa kaniya.

“Kung mano man lang bang di nasira yung tulay na yun, e di sana di na
tayo nahihirapan pa ng ganito sa pagkapit sa matatalim na bato na ‘yan.”

Mabilis niyang hinabol ang kaibigang nagmamadaling makarating sa


computer shop. Batid naman nila ang kanilang pupuntahan bagaman pasado
alas dos na ng hapon nang makarating sila roon. Malayo pa lang ay kita na nila
ang karatula ng Piso Net na nakasulat ng itim sa dilaw na karatula. Agad na
pumasok ang magkaibigan sa computer shop. Walang tao roon. Tanging
silang dalawa lamang ang naroroon para makigamit ng computer. Iniupo sila
ng lalaking bantay sa magkatabing computer na malapit sa entrada. Bagaman
alam niyang computer iyon, limitado ang kaniyang nalalaman kung paano
gamitin ito dahil marami silang naghihiraman sa iisang computer na
ginagamit sa paaralang kanilang pinapasukan. Mabuti na lamang at kasama
niya si Waldo para tanunginkung tama ba ang kaniyang ginagawa.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 3
Binuksan ng lalaki ang computer. Naghulog si Waldo ng barya para
sa ilang minutong kapalit na bukas ang internet. Biglang lumitaw ang oras
sa screen bilang indikasyon ng oras na nalalabing may internet. Ginaya ni
Andoy si Waldo, limang piso kaagad para mahaba-haba ang oras. Ibang-iba
ito sa proseso na ginagawa nila sa eskuwelahan kaya madalas ay inaantay
niya si Waldo. Nagsimulang mag-type si Waldo habang pinapamilyar ni
Andoy ang kaniyang sarili kaharap ang computer. Ginalaw-galaw niya ang
mouse at naaliw dahil sa unang pagkakataon ay nasolo niya ang computerna
hindi pa nangyari sa kaniya tuwing gagamit siya nito sa paaralang kaniyang
pinapasukan.

“Ano bang ginagawa mo Andoy?” Sita ni Waldo. Ganito ang gawin mo.
I-click mo yan tapos i-type mo ito. Punta ka sa site na ito. Sinundan ni
Andoy ang sinabi ni Waldo, pero sadyang mabagal si Andoy. Isa-isa niyang
pinipindot nang dahan-dahan ang keyboard. Mabagal siyang magtype
bukod sa mabagal din ang internet samantalang mabilis na tumatakbo ang
oras. Nakita ni Andoy na muling naghulog ng barya si Waldo kaya’t ginaya
niya ito. Naghulog siyang muli ng limang piso. Isang limang pisong barya
na lang ang natitira para sa kaniya.

Maya-maya ay natapos na si Waldo. “Yehey tapos na ako! Enrolled


na ako. O ikaw Andoy tapos ka na ba?” tanong ni Waldo.

“Hindi pa tingnan mo nga ito, bakit ayaw gumana?” Tiningnan ni Waldo


ang screen ni Andoy. Nag-hang ang computer. Kailangang i-restart ang PC
kaya iniipat si Andoy ng computer ng lalaking bantay. “Lipat na lang po kayo
rito,” sabi ng lalaki.

“Kuya, e may time pa ako, paano na yun?” Tanong ni Andoy.

“Naku boy, ganun talaga, tagal na kasing di nagamit n’yang mga PC


nitong quarantine, nilipat naman na kita e.” Walang nagawa si Andoy kundi
lumipat. Malungkot na pinanghinayangan niya ang baryang naihulog habang
may nalalabi pang oras. “Paano ba ‘yan Waldo, ‘sang lima na lang ito?”
Pinakita niya ang barya kay Waldo.

“Ako na lang mag-eenroll sa’yo para mabilis,” wika ni Waldo. Mabilis


na nagpupumindot si Waldo sa keyboard para mahabol ang nalalabing oras
matapos ihulog ni Andoy ang huli nitong limang barya. “Mabagal man ako sa
takbuhan kaibigan, mabilis naman akong magtype kaya ako ng bahala sa’yo.”

Natapos i-enroll ni Waldo si Andoy bago pa matapos ang oras. “O iyan


tapos na, send!”

“Salamat kaibigan, kung wala ka naku baka di pa ako naka-enroll.”


Maluha-luhang sabi ni Andoy habang yakap-yakap ang kaibigang si Waldo.
“Paano na yan wala na akong panlibre sa ‘yo?”

“Hayaan muna, marami pa namang susunod! Tara na, baka aabutan pa


tayo ng curfew, kailangan na nating umuwi.” Mabilis na nilisan ng
magkaibigan ang computer shop báon-báon ang pag-asang sila ay
makakapagtapos ngayong paparating na pasukan.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 4
C. Pag-unawa sa Binasa

1. Ano ang paksa ng tekstong binasa at layunin ng manunulat sa


pagsulat ng teksto?
2. Ano-ano ang mapapansin mo sa mga salitang ginamit sa teskto?
Mayroon bang mga salita sa tekstong binasa ang hindi pamilyar sa
iyo?
3. Ano-anong katangian ang mapapansin sa tekstong iyong binasa?
4. Sa iyong pagbasa, ano-ano ang mga nakita mong problema sa
sitwaysong kinaharap ng pangunahing tauhan sa tekstong binasa?
5. Sa iyong palagay, ano ang mainam na gawing solusyon upang
mapadali ang pagresolba sa suliranin ng pangunahing tauhan sa
tekstong binasa?

Suriin

Natutuhan ng karamihan noong nasa mababang paaralan pa na bumuo


ng pangungusap na may kani-kaniyang layunin. Sa pagbuo nito, may kani-
kaniyang ibinabahagi ang manunulat sa mga mambabasa na sa paraang
pasalaysay, patanong, pautos o padamdam. Sa pagsama-sama ng mga
pangungusap na ito, nakabubuo tayo ng teksto na may kani-kaniyang
kalikasan at katangiang angkla sa layunin nito.
Sa tekstong impormatibo, mapapansin na layunin nitong magbigay
ng impormasyon o magpaliwanag nang may kalinawan at walang pagkiling sa
paksang tinatalakay. Sa ganitong dahilan, mapupuna na hindi nakabase sa
opinyon ang pagsulat at hindi kasasalaminan ng pagpabor o pagtaliwas sa
paksang pinag-uusapan. Mayaman ito sa paggamit ng mga batayan o datos
na maaring maglahahad ng totoong pangyayari o naitala sa kasaysayan.
Nagbibigay ito ng mga impormasyon at nagpaliwanag tungkol sa partikular
na paksa.
Kalikasan naman ng tekstong deskriptibo na maglarawan gamit ang
pang-uri at pang-abay upang maisalarawan ang anumang nais bigyan ng
buhay ng manunulat sa imahinasyon ng mambabasa. Sa paglalarawan,
maaring maging obhektibo o subhektibo. Obhektibo ang paglalarawan kung
ito ay nakasandig sa totoong deskripsiyon at katangian ng anumang
inilalarawan. Subhektibo naman kung ang paglalarawan ay nagmula sa
mayamang imahinasyon ng sumusulat ng paglalarawan. Sa mga dahilang
ito, nasasabi na ang tekstong deskriptibo ay nagiging bahagi ng iba pang mga
teksto.
Sa pagbasa ng tekstong naratibo, mapapansin ang katangian nitong
magsasalaysay o magkukuwento ng mga pangyayari sa tao o tauhan na
naganap sa isang partikular na panahon at tagpo. Maaring ang anyo ng
pagsasalaysay ay nasa tuwirang pamamahayag o nangungusap mismo ng
nagsasalaysay gamit ang kaniyang diyalogo, saloobin o damdamin. Sa anyo ng
di-tuwiran naman, may nagsasalaysay sa mga sinasabi, iniisip o
nararamdaman ng tauhang nagungusap.
Kapag ang layunin ng pagsulat ay nasa anyo ng pangungumbinsi o
panghihikyat maaring ito ay tekstong persuweysibo o argumentatibo. Sa
persuweysibo, ginagamit nito ang subhektibong tono o pagkiling ng
manunulat sa isang paksa na kaniyang gagamitin upang makumbinsi ang

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 5
mambabasa na siya ang dapat panigan. Samantala sa argumentatibo, datos
o impormasyong inihahatag ang matibay na batayan para hikayatin ang
mambabasa. Nasa mambabasa ang pagpapasaya at hindi opinyon ng
manunulat ang ginagamit na merito bagkus ay mga argumento, katuwiran
at batayan ang nagpapatibay sa posisyong inilalatag sa mambabasa ng
manunulat.
Kung ang layunin naman ng pagsulat ay mag-isa-isa ang proseso o
hakbang sa pagsasagawa, tekstong prosidyural ang katawagan sa uring ito.
Dito, ipinaliliwanag ng manunulat kung paano niya ginagawa ang isang bagay
upang siya ay masundan ng mambabasa. Ipinababatid nito ang wasto o
tamang paraan kung paano isagawa ang isang bagay sa paraang simple,
malinaw at madaling maunawaan.

Ngayon naman ay palawakin natin ang iyong kaalaman sa pagbabahagi sa


iba ng katangian at kalikasan ng iba’t ibang teksto. Basahin ang teksto sa ibaba.
Ibahagi ang katangian at kalikasan ng binasa teksto sa pamamagitan ng pagsusuri.
Gamitin ang pamantayan sa ibaba.

Tuloy-Tuloy Ang Edukasyon: DepEd Naglunsad Ng Online Platform Para SaDistance


Learning ni Ana Gonzales Marso 20, 2020

Sabi nga nila, edukasyon ang isa sa mga pinakamahahalagang maaari mong
maipasa sa iyong mga anak. Kaya naman sa kabila ng banta ng COVID-
19 sa ating bansa, pilit na humahanap ang mga magulang ng mga paraan para
maipagpatuloy ng mga anak nila ang kanilang pag-aaral.
Buti na lang at maraming mga publishers, homeschooling moms, art
teachers at iba pa ang nagbabahagi ng mga learning tools at resources na
pwedeng i-access online.Katulad ng iba pang mga sangay ng gobyerno,
pinaghahandaan din ng Department of Education (DepEd) ang mga posibleng
maging epekto ng kasalukuyang nangyayari sa ating bansa sa pag-aaral ng mga
bata.
Kaya naman inilunsad ng kagawaran ang DepEd Commons. Isangwebsite
kung saan makakakuha ang mga public school teachers, maging ang mga
magulang, ng mga libreng educational resources para sa mga batang kinder
hanggang Grade 10. Sa ganitong paraan, natututo pa rin ang mga estudyante
kahit nasa bahay lang sila. Maipagpapatuloy din ng mga guro at ng mga
magulang ang pinaka-basic na pagtuturo sa mga bata.
Sa isang nauna ng report ng Manila Bulletin, sinabi ni Secretary Leonor
Briones na kailangang magpatuloy ang edukasyon sa kabila ng kalamidad.
"Education must continue even in times of crisis, whether it may be a calamity,
disaster, emergency, quarantine, or even war."
Sabi naman ni Undersecretary Alain del Pascua, noon pa man, tuwing may
bagyo, pagbaha, lindol, pagputok ng bulkan at iba pa, ay nag-aalala nasila
tungkol sa pag-aaral ng mga batang naaapektuhan ng ganitong mga kalamidad.
"We have longed for the time when suspension of classes will not in any way
obstruct nor delay the education of our school children," pahayag
niya.
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 6
Ipinaliwanag din ng undersecretary na kung gagamitin ng mga guro and
DepEd Commons, maaari nilang baguhin ang ilang content na narito nang
naaayon sa alam nilang mas makakatulong sa mga mag-aaral. "Teachers can
retain, reuse, revise, remix, and redistribute the content by blending it with a
learning management system to deliver a distance learning modality," pahayag
ni Pascua.
P’wede mong i-access ang DepEd Commons website dito:
https://commons.deped.gov.ph. Ayon kay Pascua, nasa 'initial stages' pa lang
ang website kaya hindi pa ito kumpleto o perpekto. Dagdag pa niya, marami
pa itong mga limitasyon. Hindi pa ganoon karami ang mga resources na
laman nito at lalagyan pa ito ng nakahiwalay na channels para sa mga
magulang, guro, at mag-aaral. "These supplementary online instructional
materials will be used as alternative forms in the teaching-learning process
which is different from the usual face-to-face encounter," paliwanag niya.

Halaw mula sa https://www.smartparenting.com.ph/life/news/deped-naglunsad-ng-


online-platform-para-sa-distance-learning-a00307-20200320.

PAGSUSURI SA TEKSTONG BINASA:

Pamantayan Puntos Puna ng Guro


Pag-iisa-isa sa katangian at 10
kalikasan ng tekstong binasa,
pinanood o pinakinggan
Pagtukoy sa partikular na bahagi 10
ng tekstong nagpamalas ng
katangian at kalikasan
Kaanyuan at kalinawan ng 10
presentasyon ng ulat o pagsusuri
KABUOAN 30

Isaisip
Gamit ang tsart sa ibaba, ibuod natin ang ating napag-aralan sa
pamamagitan ng paglalagay sa kahon ng katangian at kalikasan ng bawat teksto.

Mga Uri ng Teksto


Impormatibo Deskriptibo Naratibo

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 7
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 8
Persuweysibo Argumentatibo Prosidyural

Isagawa
Sa tulong ng kaalaman sa katangian at kalikasan ng iba’t ibang uri
ng teksto, pumili ng ISANG URI NG TEKSTO at bumuo ng sariling pagtalakay
o pag-uulat na may paksang tungkol sa kalagayang “New Normal” sa
pagpasok ng taong-aralan 2020-2021 ng mga mag-aaral.

Tayahin
Ngayong naunawaan mo na ang ating aralin, susukatin natin ang iyong
natutuhan. Pumili ng ISA sa mga sumusunod:

1. Buklatin ang mga teksbuk o librong mayroon ka sa inyong tahanan.


Piliin ang inyong pinakanagustuhang basahin at ibahagi angpagsusuri
sa kalikasan o katangian ng teksbuk o librong nabasa. Gamitin ang
rubrik sa bahaging PAGYAMANIN ng modyul na ito.
2. Basahin ang balita sa link na https://saktonews.com/news/channel-
13-pbs-radio-stations-gagamitin-ng-deped-para-sa-distance-learning/.
Suriin ang balita ayon kalikasan at katangian ng binasa. Gamitin ang
rubric sa bahaging PAGYAMANIN ng modyul na ito.

Karagdagang Gawain

Bibigyan kita ng karagdagang marka kung magagawa mo ang


ISA sa mga sumusunod:

1. Magtungo sa FB Page ng DepEd Philippines at basahin ang


ilang Kuwento ng Enrollment na nakapost doon. Suriin mula sa
mga nabasang post ang kalikasan at katangian ng mga
nakapost na kuwento ng enrollment. Gamitin
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 9
ang rubrik sa bahaging g PAGYAMANIN ng modyul na ito.

2. Bumuo ng simpleng pagsusuri tungkol sa kalikasan atkatangian


ng mga balita sa pahayagan, telebisyon o radyo tungkol sa
pagbubukas ng klase sa Agosto o nakikitang modalities ng
pagtuturong online. Isa-isahin ang kalikasan at katangian ng mga
napanood o napakinggan. Ilahad sa paraang pasalaysay ang
nabuong pagsusuri rito. Gamitin ang rubrik sa bahaging
PAGYAMANIN ng modyul na ito.

Natutuwa ako sa iyong ipinakitang kagalingan sa ating talakayan.


Binabati kita! Sige, hanggang sa muli

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 10
Sanggunian

https://www.smartparenting.com.ph/life/news/deped-naglunsad-ng-
online-platform-para-sa-distance-learning-a00307-20200320

https://saktonews.com/news/channel-13-pbs-radio-stations-
gagamitin-ng-deped-para-sa-distance-learning/.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 11
Bumubuo sa Pagsulat ng Modyul

City of Good Character


City of Good Character

You might also like