You are on page 1of 36

END PAPER

END PAPER

Mga Kuwento ni Lolo Undo


Maikling Kuwento sa Sosyo-emosyunal para sa Kindergarten

Mga Kasanayan sa Pagkatuto


KMKPPam-00-5 Naipakikita ang pagmamahal sa mga kasapi ng pamilya at sa nakatatanda

KAKPS-00-29 naipakikita ang kusang pagtulong sa panahon ng pangangailangan


Larawan ni
Lolo Undo at
kanyang Apo

……………………………………………….

This storybook is a product of the National Competition on Storybook Writing 2018 of the
Department of Education. Pursuant to the intellectual Property Code of the Philippines, no
copyright shall subsist in this work of Government of the Philippines. However, prior
approval of the Department of Education shall be necessary for exploitation of such work for
profit. DepEd may, among other things, impose as a condition the payment of royalties. No
prior approval or conditions shall be required for the use for any purpose of statues, rules
and regulations, and speeches, lectures, sermons, addresses, and dissertations,
pronounced, read or rendered in courts of justice, before administrative agencies, in
deliberative assemblies and in meetings of public character.

For the purpose of citation, the following is recommended:

Suralta, May Judiser C. Mga Kuwento ni Lolo Undo, Deped BLR, 2019

Writer: May Judiser C. Suralta


Illustrator:
Division Learning Resource Manager: Jusere Ann C. Basaya, Ed.D
Region Learning Resource Manager: Sonia D. Gonzales

Division of Pagadian City

Region IX – Zamboanga Peninsula


Lolo higa na tayo, sabik na akong makinig sa kuwento mo!” anyaya ni Undoy. “

Nariyan na!” sagot ni Lolo Undo.


“Noong unang panahon, may dragon na gumagambala sa isang bayan.

Binugahan niya ng apoy ang mga kabahayan.


Nasunog halos lahat ng tirahan. Takot na takot ang mga tao at nagsipag

takbuhan kung saan-saan.


Biglang may dumating na batang lalaking naka maskara at may kapa sa likod.

Lumilipad na sinusuntok ang dragon ng pagkalakas-lakas.”


Nanlaki ang mga mata ni Undoy, manghang-mangha. Para bang sa tuwing

magkukuwento si Lolo Undo ay nasa mahiwagang mundo sila.


Nang matapos ang kuwento, “Lolo gusto ko maging katulad ng bata, matapang

at kayang ipagtanggol ang nakararami,” wika ni Undoy.


“Lolo makakalipad rin kaya ako? tanong ni Undoy. “Oo naman, gusto mo bang

subukan? sagot ni Lolo Undo.


“Opo!” tuwang sagot ni Undoy. “Ipatong ang iyong dibdib sa paa ko tapos

hahawakan ko kamay mo para maitaas kita.”


“Yehey, nakakalipad na ako. Ako si Super Undoy!.” Masayang nagkukulitan

ang maglolo bago matulog.


Kinaumagahan, Lolo tara na!” sabay sakay ni Undoy sa likod ni Lolo Undo para

ihatid siya sa paaralan.


Habang wala pa si Titser, biglang umiyak ang kaklase ni Undoy na si Maya.

Sinuntok siya ng katabing si Makoy.


Makoy, masama ang ginawa mo! Humingi ka ng tawad. Kapag hindi mo

ginawa, isusumbong kita kay Titser!” diin ni Undoy.


Humarap si Makoy kay Maya at nagsabi, “Ah Maya patawad sa nagawa ko.”
“Okey lang Makoy basta huwag mo ng uulitin,” sagot ni Maya habang

pinupunasan ang tumutulong luha.


“Maraming salamat sa pagtatanggol Undoy.” “Walang anuman Maya gusto

ko kasi maging matapang na bata kagaya sa kuwento ni lolo.


Kinagabihan, tinawag ni lolo si Undoy, “Apo, handa ka na sa kuwento ko?”

“Opo lolo,” sabik na sagot ni Undoy.


“Sa isang kaharian may naninirahan na hari at rayna, gabi-gabi sila ay

nananalangin sa Panginoon na sanay bigyan sila ng anak.”


“Nagkatotoo ang kanilang hiling, pero nagulat sila dahil kakaiba ang

ibinigay ng Dios, isang nagsasalitang daga at pusang may pakpak.”


Ganon pa man ay nagpapasalamat pa rin sila sa Panginoon at tinaggap nila

ng buong puso ang biyayang pinagkaloob.”


“Kaya apo lagi mong tatandaan na manalangin at magpasalamat sa

Panginoon sa biyayang natatanggap natin araw-araw,” sambit ni Lola Hudit.


“Opo lola! Manalangin muna tayo bago matulog.” “Wow! Ang galing ng apo

ko, may natutunan ka sa kuwento ni lolo.”


Nang lumalim ang gabi biglang nagising si Lola Hudit , narinig niyang

umuungol si Lolo Undo. Nang hawakan niya ito, may lagnat pala.
Bumangon rin si Undoy, sobrang nag-aalala sa kalagayan ng kaniyang lolo.

“Lolo, magdadasal ako para sayo,” sabi ni Undoy.


“Panginoon pagalingin niyo po ang lolo ko. Alisin niyo po ang

nararamdaman niyang sakit. Maraming salamat po,” dasal ni Undoy.


“Lolo dahil may sakit ka ngayon, ako naman ang mag-aalaga at

magkukuwento sayo para makatulog ka kaagad,” wika ni Undoy.


“Noong unang panahon, may isang higanting ahas na nakatira sa

napakagandang lawa…” patuloy na kuwento ni Undoy.


Kahit may iniindang sakit si lolo, masaya siyang nakikinig kay Undoy.
Dahil sa mga makukulay na kuwento ni Lolo Undo, maraming natutunan si

Undoy, lumaki siyang may mabuting asal at mapagmahal na puso.


END PAPER
Tungkol sa May-akda
Ang sumulat nitong kuwento ay
si May Judiser Cua Suralta,
PHOTO nagmula sa Rehiyon 9, Zamboanga
Peninsula, lungsod ng Pagadian.
Mahilig siyang magkuwento sa mga
bata at masiglang nagtuturo sa
Kindergarten.

Tungkol sa Tagaguhit
Mga Kuwento ni Lolo Undo
Isinulat ni: May Judiser C. Suralta

Si Lolo Undo ay mahilig magkuwento gabi-gabi sa


kanyang apo na si Undoy. Kaya naman sabik si Undoy
matulog dahil maririnig niya ang mga makukulay na kuwento
ng kanyang lolo. Kahit saan mapunta si Undoy naaalala niya
ang mga magagandang aral na napulot niya sa mga kuwento
ni Lolo Undo.

You might also like