You are on page 1of 3

DI NA

Si Odi ay anak ng isang magsasaka at kasalukuyang mag-aaral sa unang baitang.


MAUULI
Ang kinikita ng kanyang ama ay sapat lamang sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.
Madalas, nilagang saging, o kamote ang baon niya.

T
“Mga anak, heto baon ninyo, nilagang saging,” wika ng ina.

“ Pagpasenyahan niyo na mga anak, hayaan ninyo ilang buwan na lang mag-aanihan na,
tiyak, masarap na ang ihahanda kong baon para sainyo,” patuloy ng ina.

“O siya sige na, at baka mahuli pa kayo sa klase, malayo pa ang lalakarin ninyo,”
pagtataboy ng ina. “Sige po nanay, paalam!” “ Ingat mga anak, uwi kayo agad pagkatapos ng
klase,” pahabol na bilin nito.

Sa paaralan,“Krriinnngg, krriinngg!” “Yes reses na!” hiyawan ng mga bata sabay


takbo sa kantina para bumili ng meryenda. Nanatili naman si Odi sa loob ng silid. Kinuha niya
ang baon na nilagang saging at binalatan.

Habang kumakain ay tumingin-tingin siya sa mga nakapaskil sa loob ng silid.

Maya-maya’y biglang “BLAG!” “Aray ko po, ang paa ko ang sakit!” umiiyak na daing ng
kaklase ni Odi malapit sa may pinto.

Napalingon si Odi sa pinanggalingan ng ingay. “Ano ba ang nangyari?” ang


nabiglang tanong ng guro nila Odi. “Nadulas po kasi ako mam, natapakan ko po kasi ang balat
ng saging,” umiiyak na paliwanag ni Lope.

“Sino naman ang nagtapon ng balat ng saging dito, eh pagkalapit-lapit lang naman
at tatatlo pa ang basurahan natin dito?”pasermon ngunit malumanay na tanong ng guro.

“ Hindi ko po alam Mam”,nakangiwing ani Lope.


Nanatiling tikom ang bibig ni Odi habang nakamasid. “Dadalhin kita sa klinika
upang matingnan ang paa mo,” muling sabi ng guro kay Lope. Kinakabahan siya, alam niya kung
kanino ang balat ng saging sa may pinto.

Maya-maya’y bumalik na ang guro sa silid- aralan, nagtatanong kung may


nakakita sa nagtapon ng balat ng saging sa may pinto. Ngunit ni isa sa kanila ay walang nakakita
at makapagsabi. Nanatiling walang imik si Odi.

“ Mga bata, lagi nating tatandaan na ang pagtatapon ng basura sa hindi tamang
lalagyan ay hindi mabuting gawain. Maaari itong maging dahilan ng aksidente saan man tayo
naroroon, katulad ng nangyari kanina ,” ang pangaral ng guro .

“Mahalaga rin ang pagbubukod-bukod ng mga basura. Paghiwalayin natin ang


mga basura na nabubulok , di nabubulok at pwede pang ibenta, maaasahan ko ba kayo mga
bata?” tanong ng guro. “Opo mam! sagot ng mga bata.

Uwian na, kahit kinakabahan ay lumapit siya sa kanyang guro. “M-mam…S-sori


po..K- kasalanan ko ang nangyari kay Lope. Hindi sana siya madudulas kung hindi niya
natapakan yung balat ng saging,” nauutal na wika ni Odi.

“Ako po ang nagtapon ng balat ng saging kanina kaya nadulas si Lope,” patuloy ni
Odi na nakayuko ang ulong inaamin ang kasalanan. “Mabuti naman at inamin mo ang iyong
pagkakamali,” malumanay na wika ng guro.

“Sana sa nangyari ito, ay may natutunan kang aral na itapon ang basura sa tamang
lalagyan upang maiwasan ang aksidente,” ang patuloy na pangaral ng kaniyang guro. “ Opo
mam, hindi na po mauulit,” nahihiyang sagot ni Odi.

“Gusto ko pong humingi ng tawad kay Lope mam,” wika ni Odi. “ Pinahanga mo
ako sa iyong katapatan, napakabuti mong bata. Hayaan mo sasamahan kita.” nakangiting wika
ng guro. “Maraming salamat po,” masayang sabi ni Odi.
Dinalaw at humingi ng tawad si Odi kay Lope. “Huwag ka nang mag-alala Odi, hindi
na gaanong masakit ang paa ko. Baka bukas makakapaglaro na ulit tayo,” ang masayang wika ni
Lope. Nagkamay na ang dalawa.

Pagdating sa bahay, nahihiya man ay ikinuwento ni Odi sa mga magulang ang


nangyari sa paaralan. “Natutuwa ako saiyo anak dahil mas pinili mong maging matapat at
iwasto ang iyong pagkakamali,” nakangiting wika ng kanyang ama.

“O siya, magmeryenda na tayo, nilagang saging at may sawsawang bagoong,” wika


ng kanyang ina. “ Wow! Sarap niyan nay,” magkasabay na wika ng magkapatid. Masayang
nagsalo ang buong mag-anak habang nagkukwentuhan ng mga nangyari sa maghapon.

-WAKAS-

You might also like