You are on page 1of 1

ANG PINAKAMAMAHAL KONG KAIBIGAN

ni: Joei B. Jardinero

Nakikisama ang kalangiatan sa araw na aking pinakaaasam. Suot-suot ang makintab,


mahaba, at malinis na putting damit. Masaya kang pinanonood papalapit sa’kin. Ika’y tila
isang anghel na lumiliwanag sa bawat hakbang. Napakalapit mo na sa akin. Ako’y naluluha sa
kagalakan subalit hindi rin nawawala ang kirot na nararamdamn. Sa huli natupad rin ang
kahilingan mo! Ikakasal ka na sa lalaking pinakamamahal mo, ang kaibigan ko.

MASKARA
ni: James Vincent D. Niverba

Naka-croptop, may hawak na isang baso ng milktea, makapal na kolorete, hawk na


bag, magarbong kasuotan, rebounded na buhok, maraming butas sa tenga, magandang
sapatos. “oh mey Ged, mey epes!” “Maaaaaaaaaa!” “Ano ba ‘yon anak!?” ani ng ina niya. “Wele
nemen me!” at agad na bumalik sa harap ng isang malaking salamin hawak ang kanyang
Iphone X, at kinuhaan ng litrato ang sarili. “Anak!” ani ng ina. “Ma!?” ani niya. “Tara na
maglalako pa tayo ng tinapa, kailangan nating magtinda sapagkat kung ‘di tayo maglalako ay
walang tayong makakain.”
KUBLI
ni: James Vincent D. Niverba

“Alis na’ko ma, pa!” Paglabas ng bahay ay agad nyang nilagayan ng liptint ang kaniyang
labi,sinapa. At agad na pumasok sa paaralan. “Tara na te, punta na tayo sa canteen!” sabi
niya. Pagkatapos ng klase. Numuwi na sya sa kanilang bahay. “Diba ayaw kong nagkakaganyan
ka!” ani ng ama nya nang mapansin ang kanyang mapulang labi. “Uso yan ngayon sa lalaki pa!”

WAKAS
ni: Joei B. Jardinero

Napakaingay ng batang tila makakatusok na ang buto sa sobrang patpatin. Siya ay


kinaiinisan ng kaniyang mga kamag-aral sa sobrang tabas ng kaniyang dila. Sa kabila ng
kaniyang pagiging prangka ay marami namn siyang napapasaya. Sinong mag-aakala na ang
batang ito ay tahimik nang nakahimlay.

You might also like